usal: isang dalit*

November 27, 2009 by taribong

(Talagang nakagigimbal  ang Maguindanao massacre na naganap  noong Nobyembre 23,  2009.  Kalunos-lunos ang sinapit  ng  limampu’t pitong taong walang awang  pinaslang.  Itong abang tula ay alay ko sa kanila at sa kanilang mga pamilya…)

 

Ang panaghoy ng damdamin

Mga buhay nang kitilin

Parang hayop ang kahambing.

Sila’y makabagong  Cain…

 

Panginoon, sana’y dinggin

Itong munting panalangin

Katarunga’y aming hiling

Salarin ay panagutin.

 

(Ang dalit ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng walong pantig kada taludtod, apat na taludtod  kada  saknong at may isahang tugmaan.  Depinisyon mula sa http://www.english-to-tagalog.com/tula.html.)

 

Tr(H)aiku

November 22, 2009 by taribong

((Ang haiku ay tula ng mga hapones na binubuo ng labingpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtud. ang unang taludtud ay binubuo ng limang pantig, ang pangalawang taludtud naman ay binubuo ng pitong pantig at ang ikatlong taludtud ay binubuo di ng limang pantig gaya sa una. (Hango  sa WikiAnswers.com)     Nag-try lang ako  gumawa ng  haiku sa Filipino.    Subok  lang hehehe… )

i

Katakataka

Gumalaw  na mag-isa

Ang tumba-tumba

ii

Kababalaghan?

Marahil o  malamang

Guni-guni lang

iii

Kung ang computer

Tinopak, naging monster

I-off ang  power

iv

Ang kasintahan

Kapag ikaw’y iniwan

T’yak may dahilan

v

Mata’y tinakpan

Bata’y  kinilabutan

Sa romansahan

vi

Di kasi alam

Anong kahihinatnan

Pag nagganunan

vii

Labi sa pisngi

Nang halik ay dumampi

Kiliti’y huli

viii

Basag ang mukha

Si Cotto, surrender na

Pacquiao,   wagi ta

ix

H’wag na magtaka

Ginamit ay “wagi ta”

Ako’y may pusta

x

Labis ang tuwa

Pacquiao,  di alintana

Bugbog na tenga

xi

Madla  nagitla

Away Jinkee at Krista

Sad si Dionesia

xii

Grabeng intriga

Walang  kakwenta-kwenta

Sakit talaga

xiii

Mas  mabuti pa

Tayo ay magkaisa

Kasi pasko na

xiv

H’wag  magsiraan

Dapat nga  magtulungan

Ang buong bayan

xv

D’yos na Lumikha

Tunay na Hari Siya

Tayo’y Mahal N’ya

xvi

Natuwa ka ba

Dito sa munting tula?

Sana,  sana  nga.

durog

November 18, 2009 by taribong

Bilang pakikiisa sa National  Drug Abuse Prevention and Control Week o DAPC Week,  hayaan niyong ilahad ko ang ilang kuwento mula sa aking sariling pagmamasid  at  kamulatan kung gaano kalala  ang  problema tungkol  dito. (Babala:  maselan ang ilang nilalaman ng inyong mababasa)

Noong  hayskul,  papunta kami ng aking kamag-aral at  ang aming guro  sa  kabilang bayan upang sumali sa  isang pakontes.   Noong sumakay kami  ng  dyip, nakahandusay sa lapag  ang isang  gusgusing babae, halos ka-edad ko lang  siya noon.  Hindi naiwasan ng  aming guro na magtanong, kung bakit nakagapos ang kamay at paa noong babae.  Sumagot ang isang payat  na  babae  na nakaupo sa  dulo, malapit sa drayber, ““Nag-drugs po  kasi ang  anak ko.  Pinilit ng barkada niya, hanggang sa malulong.  Ganyan na siya ngayon,  bayolente na at hindi makontrol.  Dadalhin namin siya sa <insert  name of town and mental  health facility> para patignan.”  Kinausap  ng aming guro yung babaeng nakagapos, “Alam mo ba kung bakit ka nagkaganyan?”  Tumingin ang babae sa  kanya, at mahinahong nagsabi, “Opo.  Nagdrugs po  ako.  Dyan,  dyan sa likod ng stage sa  <insert name of school>,  kasama ko sina <insert name of her friends/classmates>.  Dapat  kasama ko rin sila ngayon. Kalagan niyo  ako.” Nagpupumiglas na ang babae at pilit siyang pinahihinahon at pinatitigil ng ina at ng kanilang mga kasama.  Nagkatinginan na lang kami ng aking kamag-aral  at guro, dahil ang binanggit niyang paaralan ay ang aming paaralan na ikakatawan sa  pakontes. (Minsan lang naman ito nangyari at wala na akong  alam  na karagdagang kabulastugan at kababalaghan patungkol   sa  drugs sa aming hayskul noon.)

Noong ako ay nasa college, ang kuya ng aking kaklase ay nalulong  sa sari-saring  bisyo.  Lumobo din siya dahil napapalakas ang kain niya tuwing nakahithit ng marijuana, pati ang shabu tinira din niya kaya madalas  gising maski madaling-araw.   Isang gabi, hindi sila nagkaunawaan ng kanyang barkada at umuwi siyang lasing sa  kanila.  Halos mag-uumaga  na noong  sumugod sa bahay nila ang nakaalitang kabarkada.  Walang nagawa ang nanay ng kaklase ko nang biglang bumulaga ang kabarkada ng anak (na inaanak din niya sa binyag).   Pati nga mga aso nila, nagulat na lang at hindi rin nakakahol  (marahil ay dahil sa  kakilala na ng mga aso ang  bagong dating hehehe).   Pasigaw  na hinahanap si <insert name of the classmate’s elder  brother> ng <insert name of dabarkads>,  at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng bahay.   Nung makita si  <insert name of the classmate’s elder  brother> na natutulog sa sofa sa sala,  bigla itong kanyang sinuntok,  minumura, tinadyakan at sinakal.  Walang magawa ang  kuya ng kaklase ko, nakatulala siya habang pupungas-pungas, bagong gising na naalimpungatan sa mga suntok,  mura,  tadyak na tinamo.   Lumabas sa kuwarto ang tatay ng kaklase ko at sinuntok  ang kabarkada  ng anak,   plakda  ito at tinaboy papalabas.   Halos isang  taon ding ayaw lumabas ng bahay ang kuya ng kaklase ko, ayaw magpakita  sa tao,  minsan bumubulong nakikita daw ang demonyo at muli na naman daw siyang sasaktan at papatayin.  Hindi na siya tumira pa ng  droga.  Pati paninigarilyo at alak ay iniiwasan na rin niya.    Okay na siya ngayon,  nagtatrabaho na sa ibang bansa.  Nagbagong-buhay at may pamilya na rin siya.

Noon namang ako ay nag-uumpisa  ng magtrabaho,  yung aking step-lola sa tuhod ay namatay noong siya’y mga nasa edad 79.  Ayon sa ulat ng pulisya, mula  sa  kanilang pagsisiyasat, habang ang aking step-lola sa tuhod ay nagtatanim  (ng pechay yata o talong) sa kanilang  bukirin kasisikat pa lang ng  araw,  ay bigla siyang pinukpok sa  ulo gamit ang isang bato.   Noong matumba siya, pumaibabaw sa kanya ang salarin at  tsaka siya ginahasa.  Sumisigaw ng saklolo si <insert name of step-lola> at nagpupumiglas  habang  siya ay nilalapastangan.   Nang hindi matigil sa pagsigaw  at pagpupumiglas,  tinaga  at sinaksak siya ng itak na gamit sa pagtatanim.  Ang  salarin, tumakbo papauwi sa kanila, duguan at putikan,   kung saan na siya nahuli ng mga pulis.   Labimpitong-taon lamang ang salarin noong  magawa  niya ang krimen dahil  sa  droga.   Napa-rehab siya habang dinidinig ang naisampang kaso ng  pagpatay.   Ewan ko kung  anong  ang nangyari sa kanya bagaman napatawad  na rin siya ng pamilya.

Hindi na  lang  sa  mga  lungsod, kundi maging  sa  mga  kanayunan,  lumalaganap ang salot. Hindi kaila sa atin ang  epekto ng  droga  sa lipunan.  Maraming  karumal-dumal na  bagay ang nagagawa o nangyayari mula  sa  paggamit nito.  Kailangan na nga talagang  sugpuin ang talamak na  paggamit  ng  ipinagbabawal na  gamot.

Kampante ka ba  sa lugar na kinalalagyan mo o pinupuntahan ng pamilya  mo?  Masasabi mo bang ligtas ka sa mga  galamay ng droga??  Ang hamon,  hahayaan na lang  ba natin ito???  Sana may magawa  tayo  bago  pa  huli ang lahat…

Ka Omeng

November 4, 2009 by taribong

Over-the-counter drugs could no longer lower the fever Ka  Omeng was suffering for three days straight.  It was getting unbearable for him and he badly needed medical attention.  He called his employer to ask for financial assistance, and the request was granted.  By Tuesday afternoon, Ka Omeng was confined in a nearby hospital.

Ka Omeng’s condition became better by Thursday afternoon and would be discharged by Friday morning.  But then,  Ka  Omeng’s   health came to a serious decline on Thursday night.  He had difficulty swallowing food, he had low appetite and at times, he was gasping for breath.  He also frequented the comfort room,  dragging along his dextrose stand; and he was hard up in letting his  urine out.

Way into midnight, Ka Omeng was  tired and exhausted.   He was profusely perspiring while shivering in cold.   The attending doctors were alarmed but could not make the proper diagnosis.  Various symptoms were  going plenty and  Ka Omeng could not be stabilized.  At   about 4:00 a.m.  early Friday morning,  Ka Omeng told his wife,  “Steady ka  lang. Pahinga muna ako.” (Be steadfast.  I am just going to rest.)

Minutes  passed and Ka  Omeng was gone.   The hospital  was  right,  he was discharged that Friday morning.  The hospital  had to request  for  an autopsy to  determine the cause of death.  Ka Omeng had contracted leptospirosis.

Ka Omeng’s wake  lasted  a week and his remains was later interred at the Manila North Cemetery.

Two weeks after  the interment, Ka Omeng was replaced as office messenger by Derick,  a young lad from Tondo.  Derick  started work immediately after  his interview with Sir  Miguel Vasquez,  the office manager.  Derick  had to take  Ka Omeng’s  duties and responsibilities;  and he adapted well into his first job.

One Wednesday morning, Derick and Sir Miguel reported early for  work.  Derick  was  busy cleaning the office tables and furnitures when Sir Miguel  called him to his office.

“Give these documents to Taribong for his review and comments,”   Sir Miguel instructed Derick.

“Yes, sir.” Derick replied,  and then, proceeded  back to work.

About thirty minutes passed, Derick  was  reading the newspaper at his desk, on top of which were the documents to be given to Taribong.

When Sir  Miguel came out from his office,  he asked,  “Derick,  have you given the documents to Taribong?”

“Not yet, sir.” Derick answered.

In a booming voice, Sir Miguel further asked, “Why haven’t you given the documents to him yet?   He needs to study them and we have to discuss them this afternoon.”

Derick, in a surprised tone, said, “But sir,  Taribong has not arrived yet.”

Sir Miguel was near to getting angry, “No, I saw him with you this morning.    He also  entered the pantry area and I saw him walk into his cubicle.”

Derick  was  puzzled, “Eh, sir.    It’s   just the two of us here.”  He walked into Taribong’s cubicle, and remarked, “Look,  sir,  Taribong’s bag is not here. He really has not arrived  yet.”

Sir Miguel felt cold but sweat  trickled his face. “Sorry, Derick,  but I think I saw Taribong walking inside the office a while ago.  He was  clad  in long-sleeved, white barong.”

Derick shook his head, “No,  sir. I have not yet seen him today.”

When the two secretaries  arrived.   Derick told them about the incident.  The ladies were dumbfounded.   Lisa, the most senior office personnel,  suspected  that  Sir Miguel saw Ka  Omeng’s  ghost in the office,   because hwe was also wore long-sleeved  white barong when he was laid to rest.  Lisa  told  Sir   Miguel about her thoughts and suspicions and Sir  Miguel   told her,  he suspected the same thing,  too,  but he would not want to dwell  on it anymore.

Around noon,  Taribong  arrived in the office.  His officemates relayed to him  what transpired.    At one time or another,  they said they felt some cold air in Taribong’s  cubicle.   They pointed out that, although he not admit  or show it, Sir  Miguel was scared because he now kept the usually-locked-door to his office partially open.

The day’s  work  went smoothly; and the employees began to leave, Sir Miguel asked Taribong to stay awhile to talk about the documents given to him.  After  their discussion,   Taribong  excused himself but Sir Miguel  asked  Taribong to wait as he was already getting ready to go home.  There was  tension in Sir Miguel’s  voice.

Sir Miguel and Taribong rode the elevator at the fifth floor;  Taribong  pressed  the 7th floor button before pressing G button.   In Taribong’s  mind, this was the opportune time to talk about the incident (hehehehe).

Taribong then curiously asked,” Sir,  if you don’t mind me asking, what was it you saw this morning?”

Sir Miguel hesitated to talk and just glanced at Taribong.  They were only two in the elevator which was going up when they should be getting down.  The elevator  opened  at the 7th floor but no one got in.

As the elevator  door closed, Sir  Miguel  said,”  Let this be my last account of what happened.  I’m getting goosebumps again.   See,  I thought I saw you as the man in barong,   walking to and fro in the office,  but you haven’t   arrived yet.  It  was only Derick and I at the office then.  Lisa  said it may have been Ka Omeng,  and I agree with her.”

Taribong  only smiled.

Sir Miguel  continued,” I also remembered when my family visited Boracay.  Around midnight, my wife and I heard footsteps inside our hotel room.  We did not mind the sounds but early the next  morning,   we  found sand at  the foot of our bed.    There were no traces or tracks where the sand may have come from.”

Taribong was  about to alight at the ground level when Sir Miguel  requested him to hold some documents and to accompany him  to the basement  parking.  Taribong’s smile grew  even wider.

After Sir Miguel  got to his car,  Taribong’s smile was  fixed in his face  as he walked back to the elevator.  Did Ka Omeng really visit the office?

(Ka Omeng, thank you for sharing your faith, your views,  your dreams,  your life.    May you rest in peace.  -Taribong)

A Strange But True Ghost Story

November 1, 2009 by taribong

Countless ghost stories have been told and retold especially when All Souls’ Day nears.  Whether true or not, they don’t fail to scare, horrify, amaze and/or amuse a willing, curious audience.  Their growing popularity has gone mainstream as books, comics and magazines of this genre now line a shelf or two in bookstores and magazine stands.

People close to me have their own ghost stories to tell.  Similarly, I, too, have personal accounts of similar ghost experiences.  Most often, I keep them to myself, especially those which I think have significant impact to me, symbolic or otherwise.

One of the most vivid ghost experiences I can remember happened about a year ago and was captured on my cellphone video camera.  That was when I went to San Jose, Occidental Mindoro on a work-related trip.

Immediately after I arrived from Manila, I attended to my work and was finished by late afternoon.  Then, I was brought by my hostess lady host/client to the hotel resort where I was billeted.  My host/client left and said she’d be back with her company members at dinnertime.

I then brought my things to my assigned room at the second floor of the  hotel.  As my work was about done, I went downstairs and went to the cottages near the beach.  The hotel security and personnel were at the lobby area and there was activity in the kitchen area of the hotel.

There was still light coming from the sun which was about to set.  I was all alone at the cottage, and there was no people at the beach. It was before dusk and I decided to take a panoramic view of the beach. I panned my cellphone camera on video mode from right to left when suddenly my cellphone went off.  My cellphone rarely malfunctioned; I waited for a while and then turned it on.  I was not able to save the video clip and so, I repeated the video-ing process to record the sight for another try.  I was able to save the second video clip I took.

I did not bother to review the recorded video clip as the lady host/client arrived.  With her are one male friend, a female member of her company and her child.  We had dinner of freshly cooked seafoods:  sinigang na isda (di ko alam ang pangalan, pero super sarap), fried squid rings, large prawns super sarap din heheehe, and assorted inihaw.  After dinner, we had drinking spree and some videoke (limited to plain listening and cheering on my part as I am no-good singer).

The fun was called off before twelve midnight as I excused myself to rest my already tired body.  I declined going for nightlife tour and some extra-curricular activities hehehehe. There was an eerie presence in the room but I shunned all thoughts of it as I need to have my rest.

I was roused from sleep very early the next morning.  I went to the beach for a stroll and/or for some jogging.  As I was walking past the cottage area, I brought out my cellphone and scanned the video I took the other day.  To my surprise, at about two seconds before the end of the video clip, there was a shadow profile of a man standing right next to me when I panned the camera to my left.   The contour of the head, eyes, nose and lips were very prominent but very dark.  I was all alone at the time, and I had goosebumps all over.

I still proceeded to the beach, after all, it was already morning and the sun was about to come out.  At the beach, I looked back at the cottage, past through of which was the hotel, then I started to stroll past them southward, and guess what  I discovered?  Several meters past the hotel resort, where the image of a man’s face was recorded on my cellphone, was a cemetery: tomb after tomb, crosses one after another!

I immediately went back to my hotel room and prepared my things for the flight home.  Then, I went back to the cottage at the beach to wait for the lady host/client.

As soon as they arrived, I told them about what I had captured on my cellphone camera and showed it to them.  They could not believe what i had recorded and they too had goosebumps hehehehe.   The lady host/client hesitated at first but later tod me that that was nothing compared to what she had experienced from her previous house which she had then recently sold, the house which they originally wanted me to stay (ngyeh!), the house where her husband  had died in from bone cancer, the house where she heard frequent thumping of feet and sounds of heavy steps inside the house in the dead of night, where doors would close for no reason at all, where sounds of anguish and moans of pain would be heard even at daytime and its source could not be located, etc.  Surely even the thought of what she related to me would have kept me awake all night and even my dead-drunk body would have turned sober until the next day.  (Would I then call myself lucky being billeted in the hotel?)

When I got  to Manila, I showed the video clip to my friends and officemates, and they had similar reactions.  Some were very vocal of their own experiences, others just kept mum and not share their own scary stuff.

But then, I forgot all about the video clip when I gave my cellphone to my niece, who then deleted all gallery images and video clips.  How I wished I had that copy of the video clip preserved for posterity’s sake.  Now, only those who had seen the video clip could confirm this story to be true.  At least, if they still remember.

sANtINO

October 20, 2009 by taribong

Hapo.  Pagod.  Puyat.  Ganyan ang mga nararamdaman ko sa nakalipas na dalawang araw.  Dahilan kung bakit paminsan-minsan ay sumasakit ang ulo, at wala ring ganang kumain.

Sabado na ngunit kailangang  pumunta ng opisina.  Dalawang araw ding naantala  ang aking mga gawain dahil kailangang asikasuin ang ilang mga bagay sa labas na nangangailangan ng agarang atensiyon at aksiyon,  na bagamat  ginawa ko ang kaya ko,  hindi  ito naging  sapat dahil sa bagal ng sistema at sa kupad ng  mga namamahala sa sistema.

Nakapanlulumo.  Katulad sa sitwasyon ni Padre Sinnott, ang paring dinukot sa  Pagadian ng hindi-pa-nakikilalang pangkat,  hindi malaman kung saan at kung paano simulan ang pagsagip.  Idinaan na lang ang  mga pakiusap sa tri-media para sa tulong ng kinauukulan, nanghihikayat ng mga panalangin para sa maayos na  kalagayan ng pari, na hindi siya sasaktan at agad na mapabalik.  Kagaya ng mga nag-aalala sa  pari, idinadaan ko na lang sa dasal na sana ay matapos  na ang mga problemang kinakaharap.

Pilit kong iwinawaksi sa isipan ang mga katanungang walang kasagutan.  Pilit tinatanggap ang pagkakaiba ng reyalidad sa ideyalismo.  Pinipilit kong ipahinga ang aking pagal na katawan. Pinipilit labanan ang antok para hindi makatulog sa tren (baka kasi pumailanlang ang atungal ng baka kapag nakatulog ako).  Maski sa konting panahon lang.  Maski mula North Edsa hanggang Magallanes lang.

Ayos na ang aking pagkakaupo sa gitnang bahagi ng tren.  Ipinaghehele na ako ng malamig na hangin mula sa  aircon.  Ngunit panandalian lang iyon, dahil sa Quezon Avenue station,  pumasok sa  tren ang isang mama na may kasamang bata.  Umupo sila sa pangatlo at pang-apat na puwesto mula sa akin.

Listo ang bata at maraming tinuturo sa mga nakikita  niya mula sa salamin ng tren.  Nagiging maingay na siya.  Ipinikit ko ang aking  mata.  Pilit ibinabalik ang ginhawang  kanina lamang ay tinatamasa ko pa.

Nag-umpisang kumanta ang bata. Iba-ibang bersiyon ng kanta. Iba-ibang tono ng iisang kanta.  Paulit-ulit.  Nakakairita sa pandinig.  Gusto kong pagsabihan ang kasama ng bata sawayin ang  bata, pero hindi ko ginawa.  May mga mas malapit sa kanila, na higit pang dapat mairita kaysa sa akin.

Sa daigdig ang buhay ay ganyan
Mayroong ligaya at lumbay
Maghintay at may nakalaang bukas

Ang iyong pagdaramdam
Idalangin mo sa Maykapal
Na sa puso mo ay mawala nang lubusan

Sa buong biyahe ko sa tren, yan ang napapakinggan ko.   Sa pagdaan sa bawat istasyon ng tren,  mas madaming sumasakay kaysa sa bumababa. Napupuno na ang tren, pero sige pa  rin sa pagkanta ang bata.

Wala pa ring sumasaway sa kanya.   Pinakinggan ko na lang.  Siguro nga’y may mensahe sa akin sa kanta.  Ganito ako nakapagpahinga,  may background music.

Maya-maya, sabi ng bata sa kasama, “Alam mo, Papa, noong wala  ka pa, noong kami pa lang ni Mama; hindi pa kayo kasal ni Mama.  May iniregalo si Mama sa akin na PSP, may laro dun na monster.  Gwerrrr!!”

Minulat ko ang aking mga mata, sinulyapan ko ang mama, mga 20-25 years old lang siya at ang bata, mga 6-8 years old lang din.  Ah, ang kainosentehan ng bata…  Ang  kamusmusan nga  naman, hindi alintana ang gulo ng mundo, at ang kanya-kanyang drama sa buhay…

Tuwang-tuwang bumaba ang mag-ama sa Ayala.

Pilit kong tinutumbasan ang kanilang saya nang  bumaba ako sa Magallanes

(Ngayon ko  lang napagtanto, pagkalipas  ng  tatlong araw,  habang sinusulat ko ito, at hinanap sa google,  na  ang inaawit ng bata  ay ang theme  song ng “May bukas pa”.  Malay ko ba?!  Hindi nga ako nakakapanood ng teledrama, eh.  Hehehehe) Read the rest of this entry »

e-story

October 11, 2009 by taribong

(Sumbong kay TARIBONG.  Yan ang link sa akin sa blogroll ni topexpress.  Malakas lang ba ang kutob niya o nagkataon lang?  Hindi ko alam kung bakit at paano niya naisip iyon.  Dahil may katotohanan iyon…)

Mga tauhan:

Norman,  25 taong gulang.    Gustong ipawalang-bisa ang kanyang kasal.   Iniwan siya ng kanyang asawa, dalawang buwan pa lang silang kasal noon.  Apat na taon na ang  nakararaan.

Taribong

Tagpuan: Sa isang coffee shop

(Magkaharap sina Norman at Taribong.   Nasa gitna nila ang bilog na mesa kung saan nakapatong ang dalawang tasa ng  kape.  Kalahati na lang ang laman ng mga tasa.)

*      *     *

Taribong: Hindi mo na ba hinanap ang iyong asawa simula noon?

Norman: Hinanap.   Pero wala  talaga  eh.   Hindi ko naman kilala ang  kanyang mga kamag-anak.   Pinuntahan  ko lahat ang alam   kong puwede  niyang puntahan. Nagtanung-tanong ako sa mga  nakakakilala  sa  kanya.  Wala. Three months pa  lang kasi kami magkakilala,  nagpakasal  na kami agad.

Taribong: Wala ba siyang nabanggit na  probinsiya niya?

Norman: Meron.    Pero di ko na matandaan sa tagal.  Alam  ko nagsisimula sa ē.

Taribong: Sa palagay mo,  anong probinsiya kaya iyon?

Norman: Pwede  kasing Iloilo,   pwede   ring  Ilocos,  Isabela o  Iligan.

Taribong: Aah! (Nangingiti habang nag-iisip) Akala ko, sa Eastern Samar. . .

Norman(nalulungkot ang mukha) Pwede  rin po siguro dun.

Taribong (pinipigilan ang pagngiti,  kukunin ang kanyang tasa at  hihigupin ang natitirang laman):

((Sa isip ni Taribong: Litong-lito na nga ba si Norman?  Letter ē ang  simula  ng Eastern Samar at letter ī ang simula ng Iloilo,  Isabela, Iligan at   Ilocos.   Sabagay,  ang Europe nga ē din ang simula. Hihihi este Hehehe))

Norman (magpapatuloy sa pagsasalita,  ibababa ang tingin sa mesa)Mahal  na mahal ko na ang kinakasama ko.  Gusto ko nang ayusin ang buhay ko.  Siryoso po  ako. (Ibabaling ang tingin kay Taribong.)

((Umayos  si Taribong sa kanyang pagkakaupo.   Tuluyang pinigil ang pagngiti.   Siryoso nga si Norman.   Seryoso nga!!))

Atlas

October 3, 2009 by taribong

Leave the office early.  That was the advice given by Dave, my boss’s friend, over the telephone.

Typhoon Pepeng is indeed coming.  Whether it would make landfall in Metro Manila has become a major concern as the effects of Ondoy is hardly far from over.  Parts of Marikina, Malabon and Rizal remain submerged in flood.

My boss and her driver arrived from delivering the office’s donations to the relief center.  I told them about Dave’s call and hurriedly made a rundown of the day’s accomplishments, pending works and the activities for Monday.  Mang Romy, the driver, was excused early as he would meet his family in Monumento for their regular shopping of the coming week’s needs.

By 5:30 p.m., we were ready to go and I would hitch a ride with my boss.  We dropped by a nearby hardware store for batteries and a fluorescent bulb to replace my boss’s busted light fixture.

The rain was already starting and traffic was getting heavy.   People were crowding the streets trying to get a ride. Everybody were in a rush to go home.

When we were brought to a stop along Buendia, my boss and I saw a man carrying a small girl over his back.  Rainwater was flowing over the plastic sheets that covered their bodies.  The child’s back was hunched with what seemed to be a bagful of belongings.  The man was pulling a trolley, presumably with his own stuff tightly tucked.

As the man walked pass the car, he used his walking stick to drag a plastic cup, strewn along the center island plant boxes, towards him.  He picked it up, turned it upside down, and shook it to remove the water contents.  He then put it into a large plastic bag by his side; the plastic bag contained other plastic items.  There was also a damaged plastic tray for kitchen utensils which the child may be sitting on as they strode their way.

My boss and I exchanged glances.  Evidently, she was greatly affected by the sight.  She took something from her purse, rolled down the window by her side, and called for the man.

The man looked back and my boss waved at him.  The man went near the car, and my boss gave him some money.  He smiled and said thank you.

The man was already a meter away when my boss asked if i had any spare change.  I dug into my pockets and handed to her what i have.  She then sounded the car horn to get the man’s attention.  When the man approached us, she handed to him all that i gave her.  The man thanked us, and he lowered his head to get a better view at us.  The child at his back tried to smile.  I could only muster a half-smile at her.

The traffic lights turned green and we moved past the two.  We made a left turn at N. Garcia St. towards Jupiter St.

My  boss  said she pitied the man and his child.  She admired the father for not begging but was working as much as he could to fend for his daughter.  I added that the father carried his child so that they would not be separated from each other.  Wherever they went, they were together.  The rains could neither stop nor keep them apart. The father did not mind his own exhaustion as he carried his daughter’s already-tired  frail body.

My boss was upset; she wanted to help them more, perhaps treat them to a meal even. We took a right turn at Makati Avenue and parked at the Petron gas station.  We waited for the man and the child to pass by.

Minutes passed, and my boss saw them from afar.  We crossed the street to meet them.  The man was surprised and in disbelief to see us again.  My boss gave them from what we gathered from our wallets.

The man told us they were from Marikina, near the marketplace and their shanty has been flooded.  Picking plastic cups and other items to be sold at the junkshop is a regular fare, their means of living.

My boss told them to go home already as it was already getting late and the typhoon is coming.  The man’s head was bowed down and could not look directly at us.  The girl  nodded her head at us,  her cheeks were pale and her innocent face only showed gratefulness.  The child’s gaze may have passed through the deepest recesses of our soul.  The father thanked and bade us goodbye.

There was silence when we went back to the car and headed home.  The image of the father and child was still vivid in our minds.

Ang Unang textBase

October 2, 2009 by taribong

Pasado alas dos pa lang ng madaling araw, bumangon  ako  sa  aking  higaan.  Sa  susunod na kalahating oras ay hindi na ulit ako makakatulog.  Mga pahiwatig daw ng pagtanda,  ewan ko kung totoo.

Binuksan ko ang  ilaw at kinuha ang aking cellphone mula  sa bulsa ng aking  pantalong nakasabit sa dingding.  Walang bagong text messages.  Napagpasyahan ko na tanggalin na lang ang mga hindi mahalaga o hindi kaaya-ayang text messages.

Mga dalawampung text messages na ang  aking na-delete nang  mabasa ko ulit ang text message ni Fr. Fiel:   “Oha! Plus 50!”

Napangiti ako at mabilis kong pinuntahan ang unang text base  entry na aking pinadala sa kanya: “We are saved  by hope.” (Romans 8:24)  >Taribong po ito father

Ano nga kaya ang kahulugan nun?

Unang naisip ko si Pandora.  Hindi ba’t sa kanya ipinagkatiwala ang kahon na bawal buksan.  Sa kanyang pagsuway, humulagpos mula sa kahon ang iba’t ibang kasamaan sa tao.  Naiwan sa  kahon ang  isang  katangian:  pag-asa.

Pangalawa  kong naisip  ang tv feature noong Miyerkules.   Nabanggit  ni Jim Paredes  na ang mga higit na nakaka-survive sa   mga refugee camps o  evacuation  centers  sa  iba’t  ibang bansa ay ang mga  taong may vision para  sa future.

Ang mga napinsala kaya ng bagyo,  ganon  din? Ang mga nakahimpil sa  kanilang bubungan at umaasa na humupa na ang ulan at pagbaha.  Silang mga nagdarasal na sana ang mga  sasaklolo ay dumating na.  Silang mga naghihintay ng tulong kahit pamatid-gutom man lamang.  Hangad  kong  makaligtas sila  sa  pagsubok na dinaranas.

Gaano man kalaki ang hirap ng bawat isa sa atin, magpapatuloy pa rin ang pag-ikot ng mundo.  Hanggang may buhay ay may pag-asang  makakaahon  pa rin.  Manalig lamang tayo sa Kanya.

Ah, ang tao at ang kalikasan.

Ang tao at ang kanyang Diyos.

Higit na maipaliliwanag ni Father Fiel ang mga ito.  Ahem, ang layo na nga ang narating ng base awards  ni father.

Ngunit  teka,  “tayo ay maliligtas ng PAGASA”.  Hindi  ba’t hindi  inasahan ang  dami ng tubig na ibinuhos ng Bagyong Ondoy dahil  sa  kakulangan ng kagamitan ng  ahensiya?    Kung naging maagap lang  ang pamahalaan sa   pagkakaroon ng  Doppler radar ng PAGASA . . .

Lumalakas na ang hangin mula sa labas.  Paparating na nga  ang  bagyong Pepeng,   dala  ay panibagong  pagsubok.

Dinadalaw ulit ako ng  antok.

Sana’y hindi  tayo mawalan ng pag-asa.

Hello world! At ang di-inaasahang pagBASE

September 29, 2009 by taribong

Kaninang  umaga,   hinihintay kong dumating ang anumang text message  patungkol  sa aking appointment sa Marikina City.  Bagaman batid ko na ang naranasang pagbaha sa lugar dulot ng nagdaang bagyong Ondoy at malamang hindi na matutuloy ang appointment ko,  umaasa pa  rin ako na maski papano, sana ay matuloy na rin ito sa wakas.

Mataas na ang araw nang pumunta ako sa  opisina.   Hindi na nga matutuloy ang appointment.   Ipinagdasal  ko na  lamang na ang aking mga ka-appointment ay nasa mabuting kalagayan, at  ang buong Marikina ay maging  maayos na  at mabilis na makabawi mula  sa   krisis upang sa gayon ang aking appointments doon ay matuloy na rin.

Mabilis kong natapos ang  ilang papel sa aking mesa.  Konti lang ito kung tutuusin sa nagkapatong-patong nang gawain.  Sumaglit ako  sa  ilang    websites ng mga  pahayagan at mga telebisyon upang alamin ang mga nagbabagang balita.  Kalunos-lunos  ang kalagayan ng  ating mga kababayan.

Bumisita ako sa bahay-blog ni Fr.  Fiel upang tingnan kung may bago  at kung sakali ay gumala rito sa kanyang mga nasulat na at hindi ko pa  nababasa.   Minsan kasi sa kanyang blog ay nakapupulot ako ng aral,  tuwa at inspirasyon.  Dati,   hindi ako  madalas na   nagagawi sa  kanyang blog,  liban na lang noong ginawan niya ng video  presentation sina bonistation at pinkdiaries.  Ang  kinatuwaan ko sa dalawa sa  kanilang blog marahil ay kinatuwaan  din ni Fr. Fiel  para siya makagawa ng isang astig na upload sa youtube.   Nag-comment pa nga ako dun hehehehe.

Hindi pa  ako nakaka-base  sa blog ni Fr.   Fiel, hindi tulad  nina  boypulubi at  topexpress na parating nakaka-base  at nangunguna na sa pa-contest. Nag-comment na  si livingstain sa naunang blog ni father. Naisip  ko  madami na ngang nag-aabang sa base awards.   Sinundan ni topexpess  ang comment  ni livingstain,  at  matutulog na daw siya dahil galing pa siya sa duty at muntik madapa.    Hahaha, the game is on nga sa bahay-blog ni Father.

Bumaba ako ng building  at kumain  sandali.  Pagbalik ko sa office, naidlip muna ako sandali.  Dahil  wala pa ang aking mga ka-opisina dahil  may pinuntahan,  masarap ang  pag-idlip ko.  Nasambit ko,  sana  maka-place  din ako sa Base  Awards   maski papano.  May tsansa ako dahil natulog na din  si topexpress.

Marahil  ay nagising ako sa aking pag-idlip  nang malapit na akong humilik (o kaya ay dahil sa ginising ako ng aking guardian angel!).  Medyo inunat ko ang aking leeg at umayos sa aking upuan.

Bago ko muling simulan ang aking trabaho, ni-refresh ko ang site ni Fr.  fiel, na naiwan ko.  May bagong entry!!! Hindi ako makapaniwala,  mauuna ako sa mga nag-aabang.  Ti-nype ko ang base  at  mga   ilang kinailangang  detalye.

At sa hindi pa   ako   talaga  makapaniwala,  ni-refresh ko ulit,  at tinanong  kung base nga ako kay father!  Naniwala  na lamang ako nang sumagot  ang baby priest.    Mapagbigay talaga ang Lumikha!

Ayos!!! First Base  ako at  may 100 points.   Ito  ang  simula  ng aking  muling pag-antabay sa susunod na posts…

Sana, maka-place  ulit. At   sana, di ako mahuli ng boss  ko  kung sakaling hindi  ko pa natatapos ang mga gawain sa mesa ko hehehehehhe (Di bale,  tatapusin ko muna ang mga ito  bago pa man dumating ang mga araw ng  pag-aabang.)