E= MC^2

Habang natutukso akong umidlip bago tapusin ang mga gawaing nilatag sa mesa, sahig at gilid ng kama (oo, ganyan kalawak ng workplace ko sa bahay!), nagsalang ako ng apat na hotdogs sa oven toaster.  

Pinahiran ko ng mantekilya ang mga hotdogs at nilagyan ng konting mantika ang tray. Pinihit ko ang timer. 

Nakatulog akong nakaupo sa harap ng tv hawak ang librong sanggunian sa paggawa (multi-tasking daw!).

Naalimpungatan ako bigla.  Dali-dali kong pinatay ang oven toaster.

Muntik na masunog ang hotdogs (hindi ang tinitirhan ko!).

Hindi ko mawari kung ang hotdogs ay fried, grilled o baked….

Habang mainit, tinusok ko ng tinidor ang isang hotdog.

Isinawsaw ko ang dulo nito sa sukang may sili bago nilagyan ng  ketsap.  

Sarrap!

Sana tumagal ang nalalabing hotdogs hanggang hindi ko pa natatapos ang nilalamay kong gawin….

 

Next Post
Leave a comment

2 Comments

  1. Parang naalala ko dati me oven toaster kaming tinatago sa dorm dati at nagsasalang din kami ng hotdog! Kasabay sa mainit init na Lucky Me Pancit Canton. =)

    Reply
  2. at nagutom ako bigla.. na miss ko tuloy ang hotdog…

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: