Sino si Taribong???

Nangangahas maging bahagi sa komplikadong mundo ng  blogosphere. Nagpupumilit pumailanlang  ang kaisipan o damdamin tulad ng guryon. Umaasang maski papano’y marinig ang tinig, maski ito ay impit o isang bulong lang. Nangangarap maging malaya. Naghahangad na lumaganap ang saya sa bawat tao. At ang katarungan  ay hindi na isang adhikain lamang.

Wag mabahala  sa talatang  nasa  itaas  hehehe.  Simple lang  naman ako,  at   kayo ay aking inaanyayahang  lumaboy sa aking blog.  (Paumanhin lamang dahil bagito lang din ako dito. )

Salamat at hanggang sa muli.

Leave a comment

36 Comments

  1. kaye

     /  October 1, 2009

    Nakatutuwang isiping Tagalog ka talaga. ang galing. bibihira na lamang sa mga kababayan natin ang masasabi kong nakapagsasalita ng Tagalog nang hindi kinakailangang humiram ng mga salitang banyaga.

    sige pa, sulat na!

    Reply
    • taribong

       /  October 1, 2009

      Nakatataba naman sa puso ang inyong isinulat. Nakadagdag ng ilang libra sa aking timbang hahaha.
      Maraming salamat po. Susubukan ko pang maglathala ng ilang kaisipan o karanasan sa abot ng aking makakaya. Sana ay patuloy kayong dumalaw dito paminsan-minsan. Salamat muli!

      P.S. Isang pagtatapat: Hindi po ako Tagalog talaga. Ipinanganak po ako sa isa sa mga lambak sa Hilagang Luzon, na ang pangunahing wika ay Iloko (ginagapi na nito ang katutubong wika sa lugar!). Pagpugay lamang po kay Gat Jose Rizal at sa aking guro sa Filipino noong Kolehiyo na si Bb. Vicente na nagsabing: “Hangga’t maari, gamitin ang dalisay na Filipino!”

      Reply
  2. ang iyong pahina ay malugod kong ilalagay sa aking “mafia connections”…

    at nawa ay iyo rin namang ilagay ang aking pahina sa iyong “blogroll”..

    salamat.

    Reply
    • taribong

       /  October 11, 2009

      Maraming salamat gerald. Ikinagagalak ko ang mapabilang sa iyong “mafia connections” hehehehe

      Hanggang sa muli

      Reply
  3. shea

     /  October 17, 2009

    salamat sa pagdaan…tama bilang 1-100, saka inhale-exhale-relax.. hehehe

    balik ako monday.. pauwi na. hehehe

    Reply
  4. Taribong, ako ay natakot subalit biglang natigilan din.

    Ano ang itinatago ni Taribong sa kaniyang likod?

    Patingin nga.

    Ah…lika, punta tayo sa gubat ko..dalhin ang guryon ako ang hahawak.

    Reply
    • taribong

       /  October 22, 2009

      Bitbitin mo na rin ang saranggolang ginawa ng tatay mo, ha? Sa may bukirin na lang nina Ka Pepe, medyo maluwang ang mga pilapil doon. Gusto yun ni Ka Pepe, para hindi pagpiyestahan ng mga maya ang kanyang palay. Puwede rin nating itali ang guryon sa may sanga ng natumbang puno ng mangga. hehhehehe… Teka, may bunga na rin kaya ang kaimito roon?

      Reply
      • Bumunga naman dahil pinausukan ni Inay.

        Ang duhay ay matamis ang bunga subalit ang lukban ay makahat.

        Naiula mo ba ang kalabaw? Ang baboy napakain mo ba ng ipa?

        Reply
      • taribong

         /  November 17, 2009

        taribong Says:
        October 25, 2009 at 6:21 am | Reply edit

        Hehehehe Ayos to, JKulisap. Sakay tayo sa kalabaw para lumaboy at magsaranggola hehehe
        Lumaki ka rin ba sa bukid? Parang andami niyong tanim na puno at alagang hayop…

        Reply
      • taribong

         /  November 17, 2009

        J.Kulisap Says:
        October 27, 2009 at 4:07 am | Reply edit

        Oo, sige sakay tayo habang nagsasaranggola, patutubugin natin sa tubugan ang kalabaw para mawala ang kaniyang kuto at lisa.

        Anak ako ng magbubukid.

        May mga puno sa paligid ng bahay, may pusa, aso, manok, kalabaw at sa paligid ligid ay linga.

        Reply
      • davin

         /  January 7, 2010

        hahaha! nakakatuwa naman ang pag-uusap nyo. sama ko😀

        Reply
  5. Pag-eksperimentuhan mo na tong wordpress. Magpalit ng themes, maglagay ng plug-ins, at kung ano ano pa. Wag matakot.. hindi mo naman sisirain ang blog mo! hehe.

    Reply
    • taribong

       /  October 22, 2009

      Sa mga susunod na araw at pagkakataon siguro po. Kapag lumuwag-luwag ang schedule, dami kasi pang deadlines to meet. Magpapaturo at magpapatulong ako sa inyo, ha??? Thanks ulit…

      Reply
  6. napadaan sayong tambayan.. apir!

    Reply
    • taribong

       /  November 17, 2009

      Salamat sa pagdaan, hanz. Pwede ka ring tumambay dito hehehehe. Apir!

      Hanggang sa muli.

      Reply
  7. nakikita kong ikaw ay malalim na tao na may malalim na pananaw sa buhay..magaling karin yatang makata. keep it up!

    Reply
    • taribong

       /  November 21, 2009

      nakopo, sana po totoo. na-shy, parang mahirap i-down ang expectations ng mga bumabasa hehehehe. bibihira po ako makagawa ng tula, kailangang lumabas ang aking musa toinks hehehehe.
      sige po, i’ll try to keep it up. Maraming maraming salamat sa pagdalaw.
      Hanggang sa muli.

      Reply
  8. Taribong, para maging kompleto ung pagsapi mo sa sinasapian (no idea what that means), sana makahanap ka na ng avatar/gravatar/ to represent yourself para mailagay kita doon sa blogroll. Kailangan ko lang kasi ng kahit anong image man lang. Suggestion lang yan ha?

    Taribong, keep it up!

    Salamat sa iyong pagdalaw doon sa haws!

    More tula to come.

    You also reminded me of Kuya Blu in the haws of blurosebluguy.

    Reply
  9. Magandang araw.
    Pasensya na at ngayon lang nakadalaw. Medyo nagliwaliw kasi ako. Nais ko lang magpasalamat sa mga salitang iniwan mo sa iyong komento nang dumalaw ka sa blog ko. Nakakataba ng puso. Maraming, maraming salamat. Hope to see you more often. Will be back here as often as I can.

    Keep those verses coming!

    Reply
  10. magaling magaling!!! napakatalentado mo palng manunulat.. hehe

    Reply
    • taribong

       /  January 12, 2010

      Nakopo nagsisikap lang po mapagbuti ang pagsulat. Sana po totoo ang sinabi ninyo. Maraming, maraming salamat sa pagdalaw machongbutiki. Hanggang sa muli…

      Reply
  11. ay kahusay managalog eh..
    ay sadyang mas masarap magTagalog kahit sa lugar ng dayuhan…

    napadaan laang ho dine..=)

    Reply
  12. ako naman ang sobrang bago sa mundong ‘to. mapa tagalog man o tagalog (?), tagalog paren siempre. (palusot ng mga di marunong mag ingles.)-aray! ma’ri bang isama ko ang pangalan mo sa bahay-cubo ko?😀

    Reply
  13. Kuya Tarbs!😀
    Happy Father’s Day ulit! Sensya na pala kanina di na ako nakapag-reply sa pag-uusap natin. Pumunta kasi ako ng tindahan. Hehe…

    Sasagutin ko lang ang iyong tanong ukol sa aking Visa. Okay naman na. Inaasikaso na rin. Sa 22 balik trabaho na ako. Magandang Hapon!

    Reply
  14. Makikimarka lang ako sa espasyong ito.

    Nabasa ko na ito, matagal na.

    Reply
  15. kuya, gusto kong magkalat sa pahinang ito..medyo tago kasi..hehehe

    pero sige sa susunod nalang…🙂

    Reply
  16. kua palink naman ako.salamas ng marami

    Reply
  17. Maligayang pagbati po! Umaasa po ako na maghahatid sa inyo ng tuwa ang aking pag-kabit (link) ng inyong sapot-lugar (web site), kasama ang lahat ng kasali sa Saranggola Dos, sa aking 2Rivers
    na kung saan lahat kayo ay malugod na inaanyayahan. Maaari din po ninyong ikabit ang inyong sapot-lugar sa MukhaLibro Pader (Facebook Wall) ng inyong likod. Tara, tena! Sumasainyo ang Pwersa at mabuhay ang panitikang Pilipino! Lubos na gumagalang, Jonathan Aquino

    Reply
  18. salamat sa pagkomento sa panayam kay Zyra. heheheeh

    Reply
  19. hello, uli.

    wow, “ang katarungan ay hindi na isang adhikain lamang.” ano na po, isang bagay that you make happen? o, isang bagay na nangyayari na?

    bos taribong, saan umiigib ng ganyang conviction? haha… isama mo naman ako pls sa susunod na iigib ka. tamad akong magbuhat ng mabigat pero this time, pipilitin ko, hi, hi…

    regards sa iyong blog.😀

    Reply
  20. mabuhay!

    Reply
  21. ^.^ Taribong is a name that evokes questions. So patok na name siya. ^.^ Hindi pwedeng hindi magtaka ang makakarinig nun. Keep writing. Sana lang makapagsulat ako ng tagalog, di ko talaga carry. Pangbaul alam kong Filipino eh.

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: