prizes

Last Monday, at about 6:00 o’clock  in the evening, the condominium  guard delivered an LBC  package  to the office.   I was all  smiles to receive  the package, the contents of which have been  previously posted in the Base Contest  blogpost  hehehe.

Everybody was all eyes on the package as i opened it.  Here are the prizes I won as “Grand Base  Awards Champion -Ultimate Winner”  in Fr. Felmar  C. Fiel’s  First Base Contest Awards:

And here’s the handwritten dedication by Fr. Fiel found on the first  page  of the book:

The text reads:

“Taribong,

Congratulations and thank you for being part of the BASE AWARDS 2009.  You are a wonderful person.  Continue being a blessing to your family and to other people.  Merry Christmas!

In the Divine Word,

(sgd.) FR.   FELMAR CASTRODES FIEL,  SVD”

Finally receiving the prizes/presents made me so ecstatic and elated amid the chaos  of year-end office work.  My officemates (including the bosses) were filled with envy (sort of) as they could not believe i really won.  They said my “addiction” paid  well,  and the Bible diary is needed to jumpstart my “rehabilitation” hehehe.

*     *     *

From the bottom of my heart to the vast expanse of my mind’s  imagination,  nurtured by the cool breeze from  the mountains of the Cordilleras which brought me to the urban jungle of Metro Manila,  sending  0’s and 1’s in bits and bytes crossing over the internet highway to the beautiful  island of Olutanga in Zamboanga Sibugay,   my sincerest gratitude to  Fr. Felmar C. Fiel for the honor and privilege of being part of  Base  Awards  2009, especially for the prizes which prompted  me to  compose  this English haiku:

Clicked fast for  the base

Clad in royal malong,  read

Against cold and storm.

To all fellow basers  and bloggers, salamat sa pakikiisa  sa  base  awards 2009 at naging  matagumpay ito.    Congratulations sa ating lahat.  Para sa  mas matagal at mas  mayabong na pagkakaibigan.  Mabuhay tayong lahat!!!

Advertisements

dHrInKed*

(Babala:  Ang susunod na salaysay ay kinapapalooban ng hindi kaaya-ayang tagpo.  Huwag pamarisan.)

Mula  sa  tatluhang upuang panlima mula  sa  drayber  ay lumipat  ako sa pinakaharap na pandalawahan malapit sa  pintuan ng aircon bus.  Umupo sa tabi ko ang konduktor.

“Ayaw talaga  magising,  eh.   Kanina ko pa siya niyuyugyog,”  sabi ng konduktor sa  drayber.  Tumingin ako sa aking likuran.   Hindi ko makita ang sinasabing ginigising.  Nakasalampak siguro ito.

“Nakalampas  na yata  siya.    Kanina pa yan tulog ah.” Sabi ng drayber.  Mag-aalas dose  na  nga  ng gabi.   Dapat nga ay tulog na rin ako,  pero may tinapos  ako sa opisina  kaya kailangang mag-overtime.  Ngayon pa lang ako uuwi.

Lumingon ako ulit sa likuran.  May tatlong pasahero  akong nabilang. Nakita kong tumayo ang isang ale,  bitbit ang kanyang yellow-green na malaking plastic bag  at isang punumpunong itim na knapsack. Lumipat siya sa dati kong kinauupuan.

“Lasing yata yun,” malakas na sabi ng babae.  Napalingon din sa likuran ang lalaking nasa likod ng drayber.   Iilan na nga lang  kaming pasahero sa aircon bus.

Mamaya, may isang lalaking tumayo,   para siyang  matutumba.  Halatang lasing,  lalo na’t namumula at mapupungay ang mata. Pasuray siyang lumipat sa kabilang upuan,  doon sa pampitong pantatluhang upuan, sumalampak siya sa upuan.

Mga ilang sandali pa,  tumayo uli ito at pasuray-suray siyang lumipat sa likurang upuan ng ale.  Biglang napatingin sa kanya yung ale.   “Ay, ayy, ayyy” bigkas  ng ale, habang siya’y napatayo at lumipat sa pangalawang  pantatluhang upuan.   Ilang saglit lang ang pagitan,  bumulwak ang unang bugso ng kung-anuman-yun mula sa bibig ng lasing na lalaki.   Kung hindi nakaiwas ang ale,  malamang sa kanya bumuhos  ang kung-anuman-yun.

Sa pagkakatayo, sumandal ang lalaki  sa dingding na salamin ng  bus.   Parang matutumba na talaga siya dahil sa uga ng bus habang bumibiyahe.

“Parang  umiihi na siya,” sabi ko sa konduktor na nakaupo sa tabi ko.

“Ay,  putik,” bulalas ng konduktor.

“Ay,   ayyy,  ayyyyy,” mas  malakas na sabi ng ale,  habang itinaas niya sa upuan ang kanyang malaking plastic bag na nasa lapag.  Nasa tabi na niya ang kanyang mga daladala. Itinaas na rin niya ang kanyang mga paa sa upuan.  Payat ang babae kaya niya naibaluktot  ang kanyang mga paa, habang malayang dumaloy sa  ilalim  ng mga upuan papunta sa harapan ang kung-anuman-yun, sanga-sanga ang  pagdaloy dahil sa takbo ng  bus.  Nakaihi na nga ang lasing na lalaki.

“Gago talaga.  Iinom-inom  tapos  magkakalat  sa  bus.”  Halatang inis na ang drayber. “Pababain mo na, itatabi ko lang”  pagalit nang utos niya sa konduktor.    “Kung dito natin  ibababa,  baka masagasaan pa  yan.  Kargo pa natin,” pahabol na sabi ng drayber.

Lumapit ang konduktor sa lalaki. Kinuha ang bag ng lalaki sa dati nitong  kinauupuan at ibinigay ito sa kanya.  Hindi inabot ng lalaki ang kanyang bag.   Nananatili itong nakasandal sa  salaming dingding.

Inilagay ng konduktor  ang bag sa upuan,  napaupo ang lalaki.  “bumaba ka na rito pagkapara ng bus.  Itatabi na lang.”  Pabulyaw na utos ng konduktor sa lalaki.

Walang imik ang lalaki, sumalampak ulit ito sa upuan.

Mabilis na ipinarada ng drayber ang bus sa tabi, malapit sa Baliwag Transit sa  may Cubao.  Tumayo ang drayber at  pinuntahan ang lalaki.

Binitbit  ng drayber ang lalaki mula  sa kanyang upuan. Mas maliit ang drayber kesa  sa lalaki pero  nagawa  niya itong  bitbitin gamit  ang dalawang  kamay sa balikat ng lalaki.    “Huwag kang iinom,   kung hindi mo kaya.   Hala,   bumaba ka.  Ginawa mong CR itong bus. Buti kung ikaw maglilinis niyan. ”

“Hindi pa  agad matatanggal  ang amoy niyan,” sabad ng ale,  na nakabaluktot  pa  rin ang paa sa upuan.

Pahampas sa dibdib na ibinigay ng drayber ang maliit na bag ng lalaki.

Bantulot  na tumalikod  ang lalaki pero  wala  siyang magawa,  ipagtutulakan na siya ng drayber at konduktor. Sapat na  iyon para  pasuray-suray na bumaba ang  lalaki, dala  ang kanyang maliit na bag.

Pagkababa ng lasing na lalaki, sumalampak  ang drayber sa harap ng manibela. Bahagyang isinarado ang pinto at pinatakbo  muli ang bus.  “Nagsisiper pa nung datnan ko eh.” Pabulong na sabi ng drayber habang iiling-iling.

Sa may kalsada,   nakakaawa  ang  itsura ng lasing na lalaki.  Nakatingin sa drayber at sa konduktor,  parang walang kamalay-malay sa kanyang ginawa o sa mga nangyari sa loob ng bus.    Nahihimasmasan na siya siguro.  Hinabol  na lang niya ng tingin ang papalayong bus.

Sa muling pagtakbo ng bus, tuluyang nawala  sa paningin ko ang lasing na lalaki. At  matiwasay naman ako nakauwi ng bahay…

O paano?    Tara, inom tayo?

(*dHrInKed –  ang past tense ng drink (inom) ay drank at ang past participle  naman nito ay drunk.   At kapag nakainom ang  isang  tao,   siya ay dHrInKed.  hik * )

emo (tanaga)

(The Tanaga is a type of short Filipino poem, consisting of four lines with seven syllables each with the same rhyme at the end of each line — that is to say a 7-7-7-7 Syllabic verse. – http://en.wikipedia.org/wiki/Tanaga.)

Hangin ay malamig na

Mga gabi’y mahaba

Laging nasa isip ka

Puso ay nagdurusa.

Miss na miss  kita lagi

Luha  sa  mga  pisngi

Hindi maitatanggi

P’ano nga ba nangyari?

Handog mong saya’t galak

Ay maraming salamat

Ang pag-ibig kong tapat

Sa panahon lang salat.

Nagkaroon ng saysay

Ang  aking abang  buhay

Aking ipinagnilay

Bakit  nagkahiwalay?

Anong hatid na aral

Kasawiang kaytagal

Puso ba’y napapagal

Kahit tapat magmahal?

Sa pagsubok na ito

Kirot ay magugupo

Pangarap ma’y naglaho

Puso’y dapat matuto.

Dasal  na aking  sambit

Pasang kirot,  mawaglit

Sintang tunay, makamit

At sa langit, bumalik.

(more…)