sANtINO

Hapo.  Pagod.  Puyat.  Ganyan ang mga nararamdaman ko sa nakalipas na dalawang araw.  Dahilan kung bakit paminsan-minsan ay sumasakit ang ulo, at wala ring ganang kumain.

Sabado na ngunit kailangang  pumunta ng opisina.  Dalawang araw ding naantala  ang aking mga gawain dahil kailangang asikasuin ang ilang mga bagay sa labas na nangangailangan ng agarang atensiyon at aksiyon,  na bagamat  ginawa ko ang kaya ko,  hindi  ito naging  sapat dahil sa bagal ng sistema at sa kupad ng  mga namamahala sa sistema.

Nakapanlulumo.  Katulad sa sitwasyon ni Padre Sinnott, ang paring dinukot sa  Pagadian ng hindi-pa-nakikilalang pangkat,  hindi malaman kung saan at kung paano simulan ang pagsagip.  Idinaan na lang ang  mga pakiusap sa tri-media para sa tulong ng kinauukulan, nanghihikayat ng mga panalangin para sa maayos na  kalagayan ng pari, na hindi siya sasaktan at agad na mapabalik.  Kagaya ng mga nag-aalala sa  pari, idinadaan ko na lang sa dasal na sana ay matapos  na ang mga problemang kinakaharap.

Pilit kong iwinawaksi sa isipan ang mga katanungang walang kasagutan.  Pilit tinatanggap ang pagkakaiba ng reyalidad sa ideyalismo.  Pinipilit kong ipahinga ang aking pagal na katawan. Pinipilit labanan ang antok para hindi makatulog sa tren (baka kasi pumailanlang ang atungal ng baka kapag nakatulog ako).  Maski sa konting panahon lang.  Maski mula North Edsa hanggang Magallanes lang.

Ayos na ang aking pagkakaupo sa gitnang bahagi ng tren.  Ipinaghehele na ako ng malamig na hangin mula sa  aircon.  Ngunit panandalian lang iyon, dahil sa Quezon Avenue station,  pumasok sa  tren ang isang mama na may kasamang bata.  Umupo sila sa pangatlo at pang-apat na puwesto mula sa akin.

Listo ang bata at maraming tinuturo sa mga nakikita  niya mula sa salamin ng tren.  Nagiging maingay na siya.  Ipinikit ko ang aking  mata.  Pilit ibinabalik ang ginhawang  kanina lamang ay tinatamasa ko pa.

Nag-umpisang kumanta ang bata. Iba-ibang bersiyon ng kanta. Iba-ibang tono ng iisang kanta.  Paulit-ulit.  Nakakairita sa pandinig.  Gusto kong pagsabihan ang kasama ng bata sawayin ang  bata, pero hindi ko ginawa.  May mga mas malapit sa kanila, na higit pang dapat mairita kaysa sa akin.

Sa daigdig ang buhay ay ganyan
Mayroong ligaya at lumbay
Maghintay at may nakalaang bukas

Ang iyong pagdaramdam
Idalangin mo sa Maykapal
Na sa puso mo ay mawala nang lubusan

Sa buong biyahe ko sa tren, yan ang napapakinggan ko.   Sa pagdaan sa bawat istasyon ng tren,  mas madaming sumasakay kaysa sa bumababa. Napupuno na ang tren, pero sige pa  rin sa pagkanta ang bata.

Wala pa ring sumasaway sa kanya.   Pinakinggan ko na lang.  Siguro nga’y may mensahe sa akin sa kanta.  Ganito ako nakapagpahinga,  may background music.

Maya-maya, sabi ng bata sa kasama, “Alam mo, Papa, noong wala  ka pa, noong kami pa lang ni Mama; hindi pa kayo kasal ni Mama.  May iniregalo si Mama sa akin na PSP, may laro dun na monster.  Gwerrrr!!”

Minulat ko ang aking mga mata, sinulyapan ko ang mama, mga 20-25 years old lang siya at ang bata, mga 6-8 years old lang din.  Ah, ang kainosentehan ng bata…  Ang  kamusmusan nga  naman, hindi alintana ang gulo ng mundo, at ang kanya-kanyang drama sa buhay…

Tuwang-tuwang bumaba ang mag-ama sa Ayala.

Pilit kong tinutumbasan ang kanilang saya nang  bumaba ako sa Magallanes

(Ngayon ko  lang napagtanto, pagkalipas  ng  tatlong araw,  habang sinusulat ko ito, at hinanap sa google,  na  ang inaawit ng bata  ay ang theme  song ng “May bukas pa”.  Malay ko ba?!  Hindi nga ako nakakapanood ng teledrama, eh.  Hehehehe) (more…)

e-story

(Sumbong kay TARIBONG.  Yan ang link sa akin sa blogroll ni topexpress.  Malakas lang ba ang kutob niya o nagkataon lang?  Hindi ko alam kung bakit at paano niya naisip iyon.  Dahil may katotohanan iyon…)

Mga tauhan:

Norman,  25 taong gulang.    Gustong ipawalang-bisa ang kanyang kasal.   Iniwan siya ng kanyang asawa, dalawang buwan pa lang silang kasal noon.  Apat na taon na ang  nakararaan.

Taribong

Tagpuan: Sa isang coffee shop

(Magkaharap sina Norman at Taribong.   Nasa gitna nila ang bilog na mesa kung saan nakapatong ang dalawang tasa ng  kape.  Kalahati na lang ang laman ng mga tasa.)

*      *     *

Taribong: Hindi mo na ba hinanap ang iyong asawa simula noon?

Norman: Hinanap.   Pero wala  talaga  eh.   Hindi ko naman kilala ang  kanyang mga kamag-anak.   Pinuntahan  ko lahat ang alam   kong puwede  niyang puntahan. Nagtanung-tanong ako sa mga  nakakakilala  sa  kanya.  Wala. Three months pa  lang kasi kami magkakilala,  nagpakasal  na kami agad.

Taribong: Wala ba siyang nabanggit na  probinsiya niya?

Norman: Meron.    Pero di ko na matandaan sa tagal.  Alam  ko nagsisimula sa ē.

Taribong: Sa palagay mo,  anong probinsiya kaya iyon?

Norman: Pwede  kasing Iloilo,   pwede   ring  Ilocos,  Isabela o  Iligan.

Taribong: Aah! (Nangingiti habang nag-iisip) Akala ko, sa Eastern Samar. . .

Norman(nalulungkot ang mukha) Pwede  rin po siguro dun.

Taribong (pinipigilan ang pagngiti,  kukunin ang kanyang tasa at  hihigupin ang natitirang laman):

((Sa isip ni Taribong: Litong-lito na nga ba si Norman?  Letter ē ang  simula  ng Eastern Samar at letter ī ang simula ng Iloilo,  Isabela, Iligan at   Ilocos.   Sabagay,  ang Europe nga ē din ang simula. Hihihi este Hehehe))

Norman (magpapatuloy sa pagsasalita,  ibababa ang tingin sa mesa)Mahal  na mahal ko na ang kinakasama ko.  Gusto ko nang ayusin ang buhay ko.  Siryoso po  ako. (Ibabaling ang tingin kay Taribong.)

((Umayos  si Taribong sa kanyang pagkakaupo.   Tuluyang pinigil ang pagngiti.   Siryoso nga si Norman.   Seryoso nga!!))

Atlas

Leave the office early.  That was the advice given by Dave, my boss’s friend, over the telephone.

Typhoon Pepeng is indeed coming.  Whether it would make landfall in Metro Manila has become a major concern as the effects of Ondoy is hardly far from over.  Parts of Marikina, Malabon and Rizal remain submerged in flood.

My boss and her driver arrived from delivering the office’s donations to the relief center.  I told them about Dave’s call and hurriedly made a rundown of the day’s accomplishments, pending works and the activities for Monday.  Mang Romy, the driver, was excused early as he would meet his family in Monumento for their regular shopping of the coming week’s needs.

By 5:30 p.m., we were ready to go and I would hitch a ride with my boss.  We dropped by a nearby hardware store for batteries and a fluorescent bulb to replace my boss’s busted light fixture.

The rain was already starting and traffic was getting heavy.   People were crowding the streets trying to get a ride. Everybody were in a rush to go home.

When we were brought to a stop along Buendia, my boss and I saw a man carrying a small girl over his back.  Rainwater was flowing over the plastic sheets that covered their bodies.  The child’s back was hunched with what seemed to be a bagful of belongings.  The man was pulling a trolley, presumably with his own stuff tightly tucked.

As the man walked pass the car, he used his walking stick to drag a plastic cup, strewn along the center island plant boxes, towards him.  He picked it up, turned it upside down, and shook it to remove the water contents.  He then put it into a large plastic bag by his side; the plastic bag contained other plastic items.  There was also a damaged plastic tray for kitchen utensils which the child may be sitting on as they strode their way.

My boss and I exchanged glances.  Evidently, she was greatly affected by the sight.  She took something from her purse, rolled down the window by her side, and called for the man.

The man looked back and my boss waved at him.  The man went near the car, and my boss gave him some money.  He smiled and said thank you.

The man was already a meter away when my boss asked if i had any spare change.  I dug into my pockets and handed to her what i have.  She then sounded the car horn to get the man’s attention.  When the man approached us, she handed to him all that i gave her.  The man thanked us, and he lowered his head to get a better view at us.  The child at his back tried to smile.  I could only muster a half-smile at her.

The traffic lights turned green and we moved past the two.  We made a left turn at N. Garcia St. towards Jupiter St.

My  boss  said she pitied the man and his child.  She admired the father for not begging but was working as much as he could to fend for his daughter.  I added that the father carried his child so that they would not be separated from each other.  Wherever they went, they were together.  The rains could neither stop nor keep them apart. The father did not mind his own exhaustion as he carried his daughter’s already-tired  frail body.

My boss was upset; she wanted to help them more, perhaps treat them to a meal even. We took a right turn at Makati Avenue and parked at the Petron gas station.  We waited for the man and the child to pass by.

Minutes passed, and my boss saw them from afar.  We crossed the street to meet them.  The man was surprised and in disbelief to see us again.  My boss gave them from what we gathered from our wallets.

The man told us they were from Marikina, near the marketplace and their shanty has been flooded.  Picking plastic cups and other items to be sold at the junkshop is a regular fare, their means of living.

My boss told them to go home already as it was already getting late and the typhoon is coming.  The man’s head was bowed down and could not look directly at us.  The girl  nodded her head at us,  her cheeks were pale and her innocent face only showed gratefulness.  The child’s gaze may have passed through the deepest recesses of our soul.  The father thanked and bade us goodbye.

There was silence when we went back to the car and headed home.  The image of the father and child was still vivid in our minds.

Ang Unang textBase

Pasado alas dos pa lang ng madaling araw, bumangon  ako  sa  aking  higaan.  Sa  susunod na kalahating oras ay hindi na ulit ako makakatulog.  Mga pahiwatig daw ng pagtanda,  ewan ko kung totoo.

Binuksan ko ang  ilaw at kinuha ang aking cellphone mula  sa bulsa ng aking  pantalong nakasabit sa dingding.  Walang bagong text messages.  Napagpasyahan ko na tanggalin na lang ang mga hindi mahalaga o hindi kaaya-ayang text messages.

Mga dalawampung text messages na ang  aking na-delete nang  mabasa ko ulit ang text message ni Fr. Fiel:   “Oha! Plus 50!”

Napangiti ako at mabilis kong pinuntahan ang unang text base  entry na aking pinadala sa kanya: “We are saved  by hope.” (Romans 8:24)  >Taribong po ito father

Ano nga kaya ang kahulugan nun?

Unang naisip ko si Pandora.  Hindi ba’t sa kanya ipinagkatiwala ang kahon na bawal buksan.  Sa kanyang pagsuway, humulagpos mula sa kahon ang iba’t ibang kasamaan sa tao.  Naiwan sa  kahon ang  isang  katangian:  pag-asa.

Pangalawa  kong naisip  ang tv feature noong Miyerkules.   Nabanggit  ni Jim Paredes  na ang mga higit na nakaka-survive sa   mga refugee camps o  evacuation  centers  sa  iba’t  ibang bansa ay ang mga  taong may vision para  sa future.

Ang mga napinsala kaya ng bagyo,  ganon  din? Ang mga nakahimpil sa  kanilang bubungan at umaasa na humupa na ang ulan at pagbaha.  Silang mga nagdarasal na sana ang mga  sasaklolo ay dumating na.  Silang mga naghihintay ng tulong kahit pamatid-gutom man lamang.  Hangad  kong  makaligtas sila  sa  pagsubok na dinaranas.

Gaano man kalaki ang hirap ng bawat isa sa atin, magpapatuloy pa rin ang pag-ikot ng mundo.  Hanggang may buhay ay may pag-asang  makakaahon  pa rin.  Manalig lamang tayo sa Kanya.

Ah, ang tao at ang kalikasan.

Ang tao at ang kanyang Diyos.

Higit na maipaliliwanag ni Father Fiel ang mga ito.  Ahem, ang layo na nga ang narating ng base awards  ni father.

Ngunit  teka,  “tayo ay maliligtas ng PAGASA”.  Hindi  ba’t hindi  inasahan ang  dami ng tubig na ibinuhos ng Bagyong Ondoy dahil  sa  kakulangan ng kagamitan ng  ahensiya?    Kung naging maagap lang  ang pamahalaan sa   pagkakaroon ng  Doppler radar ng PAGASA . . .

Lumalakas na ang hangin mula sa labas.  Paparating na nga  ang  bagyong Pepeng,   dala  ay panibagong  pagsubok.

Dinadalaw ulit ako ng  antok.

Sana’y hindi  tayo mawalan ng pag-asa.