shoUt

Binigyan mo ng halaga ang aking pag-iral:

kung di kita nakilala,  di sana ako nabuhay;

kung ako’y mamamatay nang di kita nakilala,

hindi ako mamamatay dahil hindi ako nabuhay.

 

Si el hombre pudiera decir

Luis Cernuda

(Sevilla, 1902 – Mexico, 1963)

 

Tú justificas mi existencia:
si no te conozco, no he vivido;
si muero sin conocerto,
no muero, porque no he vivido.

 

 

(Copied from MRT’s Berso sa Metro en route to Guadalupe Station, March 4, 2011, 7:50 a.m.)

– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

This was the previous post (Feb. 14, 2011):

Tú justificas mi existencia:
si no te conozco, no he vivido;
si muero sin conocerto,
no muero, porque no he vivido.

-Luis Cernuda

 

Ikaw ang dahilan kung bakit ako nandirito :
kung ‘di kita nakilala, di sana ako nabuhay
kung mamamatay akong hindi ka nakikilala
hindi ako mamamatay dahil hindi ako nabuhay.

(hango mula sa Berso sa Metro ng MRT)*

 

 

lights…. camera….

Pamangkin:        Tito b0ng phngi dw p0 ng picture mu nung high sch0ol ka sbi ni mam Dalisay*

Taribong:             Wala. Hindi ako nagpapa-picture hahaha

Pamangkin:        hehe tito naman. sige na pls

Taribong:             Superpogi ang tito mo. Hindi kasya tinatablan ng lente ng camera haha

Pamangkin:        ung mga pcture mu tito dati na and2 sa bhay mer0n?

Taribong:             Wala na po.

Naisip ko nasaan na nga kaya ang mga larawang iyon?  Ang mga alaala ng kahapon…  Ang lumipas na nakaraan (Inuulit-ulit?!? hehehe)…  Ahhh, maraming alaala na nga ang mga nakaimbak sa baul ng nagdaang panahon…

Kumupas man o mawala ang mga retrato (kung meron man), mananatiling buhay ang mga karanasang pinagdaanan at bumuo sa aking pagkatao!  At babalikang muli sa pagtaas ng mga baso/bote, sa pag-uumpugan ng mga ito, may tunog man o wala, at sa pagdampi sa ating mga bibig…. ahhhh! ang romansa at libog nga naman toinks!

Hmmm… i-forward ko kaya sa aking pamangkin ang comment na ito mula sa kapita-pitagang blog ni Tats:

salbehe, on February 10, 2011 at 6:45 pm said: xxx Bwahahaha! Ang daya na naman ni Tarbs, hindi na naman nagpakita. Sya na ang anonymous. xxx

O di kaya’y padalhan ko siya ng gravatar ko (pasaway talaga!)

– – – – – – – –

*Dalisay- kaklase ni Taribong noong hayskul, nagtapos na cum laude sa pagkaguro sa kolehiyo, masalimuot ang karanasan sa pag-ibig (mai-blog nga balang-araw!) at maligayang asawa at mapagmahal na ina sa tatlong (?) mabubuting anak; class adviser ni Pamangkin

*     *     *

Nakakagulat na ito ay panglima na sa SHOT series. Mantakin mo iyon!

Narito ang mga kabilang sa SHOT series:

1. just one shot

2. just one more shot

3. ubas, trigo, tubo, niyog, kanin at patatas

4. SHOrTstop

5. lights… camera… (this post)

P.S. kung walang makakuha dun sa prize sa pakonteshit sa nakaraang post, iiponin ang mga iyon para may pampa-raffle sa pasko ng pagkabuhay!!! 😀 hehehe

*      *      *

Sana’y maging malusog at maligaya ang ating mga puso sa panahong ito!!  😀

Hanggang sa muling pagpaparamdam po.  Maraming salamat!

SHOrTstop

Matindi  pa rin ang sikat ng araw maski alas tres na ng hapon, pawis na pawis na rin si Vivo pero gusto pa niyang ipagpatuloy ang paglalakad para maitinda ang kanyang mga dalang supplements at maipamigay ang mga sampol na produkto.

Nakahilera ang mga nagagandahang bahay sa kalsadang kanyang tinatahak.  Nag-iiwan siya ng mga fliers hanggang mapunta siya sa isang lumang bahay doon. Halos malaglag ang mga bintana at nakagewang ang bukas na pinto na pakiwari niya’y hindi nailalapat sa pagsara.

“Makikisilong lang po.” Malakas na bigkas ni Vivo sa may pintuan kung saan bumulaga sa kanya ang hindi kaaya-ayang ayos ng loob ng bahay.  Malapit sa pintuan ang CR at kusina, nasa gitna ang kainan at sa dulo ang sala kung saan naroon ang hagdan paakyat sa pangalawang palapag. Magulo.

Lumabas ang may-ari ng bahay. “Tuloy ka.”

“Hindi na po. Dito na lang ako sa harap, may trapal naman dito.”

“Ikaw ang bahala.”

“Baka gusto niyo pong i-try ang Parasetamode, para mas ma-improve ang lovelife at sexlife niyo.” Alok ni Vivo sa mamang nauubosan na ng buhok.

“Ayy, hindi na. May nagsu-supply sa akin ng Vaiagro, dagdag na bayad sa pagpapaupa ko rito sa bahay.”

Hindi makapaniwala si Vivo sa narinig at agad na nagpaalam.

Hindi pa nakakalayo si Vivo mula sa bahay nang makasalubong ang dalawang babaeng nag-uusap.

“Yung bahay ni Mang Kadyo, parating may nag-uupa para gamitin sa palabas sa tv o sine.  Mamayang hapon, magsyu- shooting daw sina Sarah Geronimo diyan.”

“Oo nga. Di ba, diyan din sina Maja Salvador dati? Kaya, hindi pinagagawa ni Mang Kadyo ang bahay dahil pinagkakakitaan niya. Hindi nga rin niya inaayos ang loob ng bahay eh.”

“Sus, e kung ginawa niya yun e di goodbye kita na siya.”

Patawid na si Vivo sa kabilang gilid ng kalsada noong mapansin niya ang isang lalaking paika-ika at may kahoy na ginagawang saklay.

Akmang aakayin ni Vivo yung mama pero inilingan siya nito. Hindi na nagpumilit si Vivo na tumulong sa mama.

Sa di-kalayuang kanto, may mamang nakaupo sa harap ng kanyang bahay at tinawag siya sa pamamagitan ng pagtaas ng isang maliit na basong may lamang kulay green.

Aayawan sana ni Vivo ang alok pero uhaw na uhaw siya, kaya pinagbigyan niya ito.

Sa pagtungga ni Vivo, napapikit siya. Gumuhit ang pait at init ng ininom sa kanyang lalamunan hanggang sa kanyang sikmura.

“Binigla mo eh. Heto, inom ka ng malamig na tubig.”

Dali-daling inabot ni Vivo ang isa pang baso at linagok ang laman, naiwan na lang ang malaking tipak ng yelo roon.

“Ayos ka na? Halatang subsob sa trabaho ah.”

“Kailangan po eh. Salamat ah.”

“Dito ka muna, wala akong kasama eh. Parating pa lang kasi ang tropa ko.”

Bantulot na nakiupo sa bangko si Vivo.

“Nakita mo yung bahay ni Mang Kadyo sa unahan?  Wag mo na intindihin yon.  Maski anong gawin natin, hindi siya makukumbinsing ayusin o ipagawa ang kanyang bahay. Pinagkakakitaan kasi niya. Mawawala ang mga umuupa sa bahay niya kapag pinaayos niya.  Kung makikipagkompetensiya  naman siya sa pagpapaganda, pihadong wala siyang panama sa mga katabing bahay.”

Tatango-tango si Vivo.

“Nakasalubong mo ba si Kiko na pipilay-pilay? Isa din yun.  Ayaw niya na may tumutulong sa kanya.  Gustong patunayan na kaya niya, maski ganun siya.” Tumungga yung mama sa basong nilagyan niya ng gin mula sa bote at sa kulay berdeng likido mula sa plastic cellophane.  “Siya nga pala, ako si Sunday.  English version ng aking totoong pangalan.”

“Vivo po. Vivencio Von Villavicencio po.” Nakipagkamay si Vivo sa bagong kakilala.  “Ano po yang green sa plastic.”

“Ah, eto? Apdo ng ahas.  Aphrodisiac. Pampalakas ng stamina. Ayos ba?”

“Hmmm… siguro hindi niyo na po kailangan pa ng apdo ng ahas. May solusyon na po para diyan.”  Inilabas ni Vivo ang dalang Parasetamode at ibinida ito. “Mabilis po ang epekto nito.  Di ka po mapapahiya sa loob ng apat na oras.”

“Mas magaling ba ito sa sinasabing Vaiagro ni Mang Kadyo?  Masakit sa ulo kasi yun.  Bumibilis ang pitik ng puso.”

“Maraming contra-indications  po siguro yon kaya ganon.”

“Pero alam mo. Ang mabisa talaga ay yung Aihakam.  Dinevelop yun sa kompanya nung kapatid ko at malapit nang ilabas sa market.  They made use of the extracts of the mimosa pudica, added some catalysts and some solutions to optimize the application of the genetic traits of the plant in reverse.”

Napakunot-noo si Vivo.  Hindi niya naintindihan at nagulat sa pagi-English nung kausap na kakaumpisa pa lang na uminom.  “Ano po? Ano ulit? Paano?”

“Haha. Sorry.  Yung makahiya, kinuhanan ng extracts tapos ginamit ang potency niya, pero kabaligtaran sa traits niya.  Ang effect, pag nasagi o nasaling lang si manoy, magagalit at maghuhumindig na siya.  Matagal ang epekto kaya sulit.  Pag hindi na nagagalaw, saka lang huhupa ang epekto.  Galing ‘no?”

“Ahhhh… okay.  Ganon pala.  Ibig sabihin, malalaos na ang Parasetamode?”

“Maaari.  Sabi nga, we live in a very competent world.  Kung hindi ka makakasabay, mapag-iiwanan ka.”

“Haha, oo nga po. Pwede pong makitagay pa?” hirit ni Vivo na mukhang nauhaw sa sinasabi ng kausap.

“Sige, walang problema.” Nilagyan ni Sunday ang baso ng tagay para kay Vivo.  “Yung si Mang Kadyo, matigas ang ulo.  Hindi mo rin siya masisisi.  Sabi nga nila: you cannot manage the world, and you cannot change the people around you.  The only things over which you have immediate control are your own thoughts and emotions.”

Dahan-dahang tumagay si Vivo.  Nilalasap ang laman ng baso. Ninanamnam niya ang mga narinig.

Pagkaraan ng ilang saglit ay nagpaalam na si Vivo. “Hindi na po ako magtatagal dahil may mga gagawin pa akong reports. Bukas trabaho na ulit. Maraming salamat po.”

“Okay. Ingat na lang. Kung magagawi ka dito, daan ka lang dito sa bahay. Salamat din.”

“Opo. Madadalas siguro ang pagdaan ko dito, makikibalita ako tungkol sa Aihakam. ” Nangingiting pagpapaalam ni Vivo sa kanyang bagong kakilala na muling tumagay sa kanyang pagtalikod.

Nararamdaman na ni Vivo ang epekto ng alak sa kanya.  Ang pait at init sa kanyang kalamnan.

– – – – – –

Update 02/10/2011 (re-updated 2/11/2011) : WHAT’S WITH THE TAG? Dahil sa hindi natuloy ang inuman kagabi (bwahahaha masabi ko lang), maaari mo bang tukoyin kung ano ang kahulugan ng tag sa post na ito?  Kung ikaw ay mapangahas, inaanyayahan kitang ibahagi ang iyong pananaw sa pitak para sa mga puna (comment section) sa ibaba.  Kung ang ideya mo ang siyang pinakamalapit sa iniisip ko,  maaari kang mabigyan ng mga libro:  Angels & Jejemons ni Arnel Aquitania AT The Poet ni Michael Connelly.  Maraming salamat! 😀

ubas, trigo, tubo, niyog, kanin at patatas

pabayaan mong mabighani ako sa iyong mga daluyong

at mapag-alab ang diwang nahihimbing sa kaibuturan

magising ang kamalayang lingid sa karamihan

at maihele ako ng oyayi ng nakaraan.

papagnilayin mo ang aking kamangmangan

paglakbayin ang pulandit ng isipan

pagdaluyin sa aking kalamnan ang hiwaga

ng lahat ng iyong pinagdaanan.

nais kong mapawi  ang uhaw kong damdamin

malunod ang pagkasabik ko’t pagkaulayaw

at ang kahibangan, huwag naman sanang

tuluyang magapi ng naghuhulagpos mong tapang.

– – – – – – – – –

Update (2/3/2011):  UNRAVEL THE MYSTERY BEHIND THE TITLE

If you have any idea (or perhaps an inkling) of how the title to this post came about, kindly share it at the comment section.  The comment/explanation that first comes closest to the author’s inspiration would be rewarded with either a copy of Peter Abrahams’ Nerve Damage or Maria Ressa’s Seeds of Terror.  Thanks! 😀

ANG HIWAGA SA PAMAGAT: Kung mayroon kang ideya o kaya ay kuro-kuro kung ano ang lihim na nakapaloob sa pamagat ng post na ito, mangyari lamang na isulat sa pitak para sa mga puna.   Ang puna/paliwanag na unang pinakamalapit sa iniisip ng may-akda ay mabibiyayaan, alinman sa sipi ng Nerve Damage ni Peter Abrahams o ang Seeds of Terror ni Maria Ressa. Maraming salamat! 😀

2/5/2011 TITLE MYSTERY NO MORE! Congratulations to Jeson and Eloiski!!!  Jeson gets Maria Ressa’s Seeds of Terror while Eloiski gets Nerve Damage by Peter Abrahams. Thanks to all! 😀

just one more shot

just one more shot, to quench the thirst

just one more shot, to drown life’s worst

just one more shot, to flood one’s heart

just one more shot, to celebrate a brand new start

 

just one more shot, to wait for the storm to wane

just one more shot, to forget insurmountable pain

just one more shot, to drive the misery away

just one more shot, to cap a tiresome day

 

just one more shot, to feast with friends we trust

just one more shot, to enliven the memories past

just one more shot, to maintain a brotherhood pact

just one more shot, to keep one’s sanity intact

 

just one more shot, to forget one’s strife

just one more shot, to celebrate life

just one more shot, to keep the spirits high

just one more shot, to remember me by

 

just one more shot…

just one more…

just one…

shot!