dreaming in outer space

The combustion engines were revved up.  Moments after, the rocketship was propelled into the air for the meteorite mission.  All the passengers were neatly seated and Capt. Dero was at the cockpit controls.

The effects of anti-emetics that i took prior to the flight was taking its toll on me.  I began to fall asleep.

“‘nong, bless po.” A young man suddenly showed up in front of me.  I could not see his face as his head was bowed down. He took my right hand and let it touch his forehead.  I thought he was my son.  I felt as though he was my son. (Could it be? Could it possibly be?)

Then suddenly, a crashing sound was heard.  We were only at St. Joseph Sanctum, just about a quarter of our voyage was covered.  The rocketship was not slowed down. Slowing down would only prevent us from reaching our destination.  The computer images showed there is nothing to worry about as the rocketship suffered a mere surface scratch from the impact of a still unidentified foreign object.

After that, i could not get back to sleep. My thoughts were preoccupied by my dream.

We were more than halfway through the voyage when the happy-faced Capt. Dero was already floating at the aisles.  I thanked Capt. Dero as he gave me a power bar. 

I slowly munched in a contemplative and celebratory mood. We will be arriving safe at our destination.

Advertisements

meteorite

A meteorite suddenly struck the newly launched rocketship. Nobody saw it coming.   The rocketship shook and all stations were alerted for any emergency.    Sirens were ablast.

The emergency patrols rushed to the site but initial search and investigation revealed no fissures on the surface.  The complete satellite images have been downloaded but no visible cracks were seen.

Incoming reports on the project are being carefully monitored.  All workers at each work substation were briefed on what to do in case of sudden, erratic changes in the various gauges in the rocketship.  Small tremors and kneejerk vibrations are being felt from time to time perhaps from the impact of the meterorite.  Significantly, things are starting to settle down but the stress within the rocketship is still high, causing diminution of the oxygen supply level at a faster rate.

The executive officer alerted all the sub-wing commanders and named representatives from all clusters to begin the overhaul.  Each chosen representative and would be placed in orbit to freely move around the rocketship and ascertain its continued reliability.  Awaiting confirmation.

Evaluation, repairs and maintenance may take some time.  Until then.

drama

Kagabi ay dumalo kami ng aking pinsan sa isang munting salu-salo.  Dahil sa hindi pa kami masyadong nagkakakilanlan sa mga kasamang panauhin, maraming tanong ang umiinog sa aming mga utak.  Subalit may bahid ng kahihiyang mag-urirat.

Tumatak sa akin ang tanong na: Ano ang drama ng buhay mo?  Hindi bago sa akin ang tanong dahil malimit ko nang marinig sa aking boss sa dati kong pinagtatrabahuan ang mga katagang: “Hay, talaga namang may kanya-kanya tayong drama sa buhay.”

Sadya lang sigurong ikinukubli ko kung anumang problema ko sa buhay.  May mas malalaking mga problema nga ang iba na minsan ay naipapasa sa akin.  Hanggang sa ang problema ko ay hindi ko na napoproblema.  Lusot ba?

Sa kabila ng lahat ng ito, ako ay nananatiling matatag sa pagharap sa hamon ng buhay.  Pinagtitibay ng mga moog ng pananampalataya at pag-asa upang malagpasan ang mga pagsubok. Tago ang emosyon.  Bato.  Na hindi maintindihan ng iba.

Nang ako’y mag-blog, nagkaroon ako ng release ng angst. Na madalas nate-temper din. Sa mga naisulat ko, na mga repleksiyon ng karanasan, akin man o maging mga taong nakapaligid sa akin, ang mga tauhan ay may emosyon, yung nararapat sa sitwasyon na iyon.

Mahirap at hindi maiwasang hindi lubusang maunawaan ang ibig ipahiwatig.  O di naman kaya’y nahusgahan na sa sariling pananaw ng iba.  Pero kailangang igalang ang kanya-kanyang pag-iisip.  Marahil, hindi na pag-uusapan ang wasto sa mali kundi ano ang tamang diskarte dahil ang bawat suhestiyon o desisyon ay may basehan o di kaya’y malalim ang pinag-ugatan.  Sa bandang huli, tatamasain natin ang saya o lungkot ng anumanng kahihinatnan ng tinahak nating landas.

Ikaw, anong drama ng buhay mo?

cheating death

For about a split second I was mid-air.  Somehow I enjoyed that.  In that very moment, even gravity stood still.

But gravity eventually gained its composure and pulled me down. Fast.

My body hit the road, really hard.  My head banged on the cement.  The impact shattered the right side of my helmet.  Broken into pieces.

Blood gushed out of my head injuries.  I felt numb and started to get dizzy.

There was the pain all over my body.  I tried to stand but I was too weak to push my body up.  I fell down, my face hit the road once again.  I labored with my breathing.

My world began to fade.   With eyes closed, vivid in my mind were memories of all stages of my life, snippets of my childhood, adolescence and early adult life,  those of family, friends and love ones. It occurred in a flash.

Then there was darkness. I could only hear the vibrations of the road from vehicles running past me.

The vibrations grew fainter.

Until I heard the sirens of an ambulance from afar.

Even as my consciousness waned, I know I will be safe.

basta

l

l

l

l

l

l

l

l

l

l

l

l

random

The rocketship was launched anew last June 15.  All along I thought I was not part of the group as I was not told about any position when I inquired.  The executive officer also didn’t budge as it is the sub-wing commander who designates cells for assignment  And then, just yesterday afternoon, i received notice that a cluster of cells were assigned to me…  And so, I have to rev up my engines, buckle up and prepare myself to the site…

Full speed ahead!

*      *      *      *      *

Fact is really stranger than fiction….

…. In this world of chaos and uncertainty…

…. what a hearty coincidence that —

I have a first name identical with another blogger; and

a last name identical also with another blogger,

with both bloggers in the same field as….

….i have to get back to work…..

*      *      *      *      *

The legend of the dark and tamed santol has been cracked; Mo and Belle vowed to keep it alive.  Ray, the raccoon, the ever loyal friend promised to keep the mystery intact.  To the great Salamander who managed to send an SMS to a surprised Taribong, thank you the chase is still on…. 😀

(Avatar courtesy of Tarzan)

*      *      *      *      *

Have a wonderful day everyone!!! 😀

sabog

Matagal na nakatitig lang si Miss Sanchez sa tsini-tsek na notebook ng isa sa kanyang estudyante. Hindi dahil sa mas madaming mali kaysa sa tama ang mga sagot sa takdang-aralin ngunit sa nakasulat sa isa sa mga pahina ng kuwaderno na labis niyang ikinabigla.

Mga ilang minuto rin ang nagdaan bago niya naisipang tawagin sa kanyang harapan ang batang may-ari ng notebook.

“Marissa, who wrote this?”

Nagulat ang bata. Matitiklo na yata ni Miss Sanchez na hindi siya ang gumawa ng kanyang assignment.  Siya kasi ang nagpatuloy ng labahin ng kanyang ina dahil dumating ang kaibigan nito at may malaking problema raw. Nag-inuman ang magkaibigan at nagprisinta ang bisita, si Cora na siya na lang sasagot sa naiwang assignment ni Marissa na nakalapag sa mesa.  Hindi nakatanggi si Marissa dahil pagagalitan lamang siya ng kanyang ina.  Nayari na!

“Alin po?” umarteng nagulat si Marissa.

“This.” Ipinakita ni Miss Sanchez ang pahina.  Nagulat si Marissa dahil hindi yung assignment ang pinakita ng guro.  Kakaiba ang pagkakasulat at halatang minadali.  Malamang sa Tita Cora niya iyon, yung kaibigan ng nanay niya na nakipag-inuman kagabi.

“I think Tita Cora po.  I’m sorry she write in my notebook.  I don’t know to her she did that.”

“It’s okay. But next time, don’t let anyone leave scribbles on your notes especially when it does not concern our subject. You go back to your seat.”

“Yes, ma’am. Sorry again.”  Yumuko si Marissa at tumalikod.  Napangiti siya dahil sa hindi niya inaasahang pag-i-English niya ng di-oras.  Balang-araw makakapag-call center din siya, naisip niya.

Binasa muli ni Miss Sanchez ang nakasulat sa notebook.  Maraming bagay ang pumapasok sa isip niya.  Naalala niya ulit si Jake. Halos isang taon ding wala silang komunikasyon. Wala siyang balita sa kanya.  Basta na lang siyang iniwan.

Ang Jake niya… Ang Jake ng Tita Cora ni Marissa.  Magkapangalan pa sila ng Tita Cora ni Marissa.  Maliban sa babes at chicklet, Cora din ang tawag sa kanya ni Jake bagamat mas kilala siya sa palayaw na Josie.  Mabantot kasi ang pangalan niyang Dioscora Sanchez.  Hindi naman siguro iisa ang Jake niya at ang Jake ng tita Cora ni Marissa.  Labo-labo na ang nasa isip niya.

Pagkatapos mai-record ni Miss Sanchez ang mga scores ng mga estudyante sa kanilang assignment, ibinalik na niya isa-isa ang mga notebooks.  Maaga niyang dinismiss ang klase.

Pagkakuha ng notebook, binuklat agad ni Marissa ang pahinang tinutukoy ni Miss Sanchez kung saan nakasulat: Potangena mo Jake. Ngayon ka lang nagparamdam kung kelan ayos na ang bohay ko. Gago ka.  Nang-iwan ka wla ka nang bablikan.  Wag na wag kang magpapakita sa akin. Hayup ka papatayin kita.  Binuntis mo ako at iiwanan. Buti na lang andun si Joseph. Tangina ka, sinaktan mo ako sobra-sobra. Mabulok ka sana diyan. Hoy yung pera ko, ibalk mo.  Pera ko ginamit mo tumaya sa jueteng.  Ako nagbigay ng number 7-2. Ibalik mo pera ko yun.  Gago ka, kinubra mo agad ang pera kay Jekjek tapos nawala ka na. Buti nga sa yo nakulong. Hindi mo makikita si Mica. Wag mo kaming guluhin. May sarili na akong buhay. Tae ka. Huli na ‘to. Cora.

Pinilas ni Marissa ang pahina. Madiin ang pagkakasulat kaya bakat pa rin ito sa mga naiwang pahina ng notebook. Tiniklop niya ang kapirasong papel at isinilid ito sa likod ng picture ni Super Junior sa kanyang wallet.  Binitbit na ni Marissa ang kanyang tatlong notebook para makauwi na siya.

Nakabalik na sa faculty room si Miss Sanchez. Biglang sumakit ang kanyang ulo at tila nilalamig.  Hindi niya  napigilan ang sarili sa bigat ng nararamdaman.  Tumakbo siya sa CR at nagkulong.  Tuluyang naglabas siya ng sama ng loob.  Umiyak siya ng umiyak.

sa pagtatapos ng araw

ang gabi, ang buwan, ako

ako at ang Buwan           at ang gabi

ang gabi, ako                            at ang buwan

ang buwan,                                ako at ang gabI

ang buwan, ang gabi,                                    ako

anG                                        gabi

ang           buwan

akO