sukat ng panahon

Gaano katagal ang isang linggo?

A. Dalawampu’t apat na oras

B.  Pitong araw (at pitong gabi!)

C.  Depende sa kung paano mo ginamit ito (at yun ang higit na mahalaga!)

D.  Ewan.  Kasama ba rito ang mga nakaw na sandali?

E.  Hindi tugma ang pamagat sa tanong na nilalaman ng akda.  Ang sukat sa panahon ay nagbabago batay sa uri nito at ang bilang ng araw na itinatakda para sa panahon ng tag-ulan at sa panahon ng tag-araw ay pabago-bago rin dulot ng nakakabahalang estado ng kalikasan. Tulad ng panahon, ang isang linggo ay lumilipas din ngunit hindi nagbabago ang sukat ng bawat sandali na bumubuo sa mga minuto na bumubuo sa mga oras na bumubuo sa araw na bumubuo sa linggo.  Kung kaya, hindi mo masasabing matagal o mabilis ang isang linggo!

F.  Haha, nabawasan na ang isang linggo mo sa pagpunta sa blogsite na ito.  Maraming salamat sa pagbabasa at masaganang linggo sa ating lahat!😀

Leave a comment

6 Comments

  1. linggo linggo linggo…pwede lunes naman

    Reply
  2. oo nga sa akin pangin ay napakabilis ng isang linggo kung hindi mo iisipin. kapag abala ka mabilis na ito pero kung wala ka namang ginagawa tila matagal talaga.

    hayyy kahit gusto ko viernes na para magsabado na, alam ko namang matatapos din ang linggo at maglu-Lunes na.

    Reply
  3. wow, multiple choice! parang bagong bar exam lang. hehe.

    walang anuman, kuya tarbs. \m/

    Reply
  4. nabawasan ng 2 minutes ang linggo ko…dahil sa pagdaan ko sa bahay mo…bwahahaha!!

    Reply
  5. ang gulo mo tarbs. ikaw na ang may iba’t ibang depinisyong naayon sa estado ng makulot mong utak sa sukat ng panahon na naging tanong kung gaano katagal ang isang linggo.

    ano, mas magulo ako no?

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: