pabuya

Lunes.  Stressful ang simula ng linggo ni Rene.  Dalawang oras siyang naghintay bago makasakay ng MRT papuntang trabaho.  Late na late siya sa mga pupuntahan.  Marami siyang dapat na tapusin pero hindi sumasang-ayon ang pagkakataon.  Mahirap umintindi ang mga ilang kawani sa mga opisinang pinuntahan  niya.

Pauwi na si Rene nang may napulot siyang maliit na cellphone pouch.  Sinilip niya ang laman– Nokia QWERTY phone at ilang piraso ng nakatuping tig-iisang libong piso.  Nakatanaw sa kanya ang security guard ng kalapit na building.

Tinungo ni Rene ang malapit na barangay hall para ibigay ang cellphone pouch. Habang binibilang ng barangay tanod ang perang nakalakip doon ay dumating ang isang nagmamadali at pawisang babae.  Nagpakilala itong may-ari ng napulot na cellphone pouch.

Isang matamis na ngiti at sunod-sunod na “Salamat” ang ibinigay kay Rene.

Ngiti at “Walang anuman” ang tinugon ni Rene bago tuluyang magpaalam.

Ipinagpatuloy ni Rene ang mga gawain.  Hindi madali ang mga bagay na kanyang inaasikaso.

Martes.  Sa wakas ay may kinahinatnan ang pagpupursige ni Rene sa nagdaang araw.  Babalikan na lang niya kinabukasan ang mga papel na kanyang hinihingi.

Miyekules.  Nakuha ni Rene ang mga papel na kailangan niya sa trabaho.  Gagamitin niya ang mga ito para sa iba pang kailangan ng kliyente sa mga susunod na araw.

Gabi ng Miyekules.  May text mula kay Rene:

“Naiinis ako bong.  naiiyak ako.  kelan lng nagsoli ako ng pera at cellphone na d akin tpos hoholdapin ako ngyon? naiinis ako.

nkuha sken lhat ng pera ko pti pera sa offce at un panglakad ko sa San Jacinto. :((

Advertisements