magic

here …

now …

…..

….

..

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

gone

Advertisements

jackpot

Throngs of people may have already began to queue before the lottery outlet cashiers to buy their tickets for tonight’s 6/55 draw whose jackpot prize has grown to more than 304 million pesos.  That’s a huge sum of money and whoever gets it is gonna be a helluva lucky guy.

What would you do if you had lots of money?  Money which you could not get from hard labor in this lifetime but has gotten to your lap without any sweat? Cool, huh?!?

That is the centerpiece of TRASH, a novel by Andy Mulligan.  The book is quite interesting:  think The DaVinci Code in the slums, then Shawshank Redemption.  😀

Hope you also get the chance to read a copy and enjoy as much as I did!

I read the book on the night of November 2, and there’s one scene where the juvenile characters had to open up a tomb on Hallow’s Eve. Awwwoooooooo!!!! 😀

And here’s a thought-provoking excerpt from the book:

“I learned perhaps more than any university could ever teach me.  I learned that the world revolves around money.  There are values and virtues and morals; there are relationships and trust and love – and all of that is important.  Money, however, is more important, and it is dripping all the time, like precious water.  Some drink deep; others thirst.  Without money, you shrivel and die.  The absence of money is drought in which nothing can grow.  Nobody knows the value of water until they’ve lived in a dry, dry place –  like Behala.  So many people, waiting for the rain.”

(Mulligan, Andy. TRASH (USA: David Fickling Books, 2010), 149)

I hope the quote would simply have an impact on you, too.  😀

If ever I’d win the jackpot in the lottery tonight, I’d make sure that many people would feel like winners, too.

How ‘bout you?  Have you placed your bets already?

Have a great weekend.

*           *          *

“Natuto ako higit pa sa kung anumang maituturo ng alinmang pamantasan.  Natutunan kong ang mundo ay umiikot sa pera.  May pagpapahalaga at kabanalan at moralidad; merong mga pakikipag-ugnayan at pagtitiwala at pagmamahal—at ang lahat ng mga ‘yon ay importante.  Ngunit ang pera ay mas importante, at parating tumatagas ito, tulad ng mamahaling tubig.  Maraming malalim ang iniinuman; ang iba’y nauuhaw.  Kapag walang pera, manliliit ka at mamamatay.  Ang kawalan ng pera ay tagtuyot kung saan walang anuman ang kayang tumubo. Hindi malalaman ang halaga ng tubig hanggang hindi sila maninirahan sa tuyong-tuyong lugar- katulad ng Behala. Napakaraming tao, naghihintay ng ulan.” (Pagsasalin ni taribong mula sa excerpt ng librong nabanggit)

 

Magpakailanman, Erma

Isa sa mga paboritong manunulat ni Kaye si Erma Bombeck. Sabi niya, si Erma Bombeck ang Bob Ong ng Amerika.  Dahil doon, napabili ako ng dalawang paperbacks na akda ni Bombeck. Sa totoo, hindi ako lumampas sa pagbabasa ng mga naunang pahina sapagkat hindi ako masyadong maka-relate sa sinulat (malaking dahilan din na lalaki ako kaya hindi siguro effective sa akin) ngunit sa isang banda, naging effective siyang pampatulog sa akin upang ihele ako sa duyan ng paghilik.

Nag-iba ang pagtingin ko sa panulat ni Bombeck noong mabili ko ang kopya ng I Want to Grow Hair, I Want to Grow Up, I Want to Go to Boise tungkol sa mga batang maysakit na kanser.  Mahirap kay Bombeck na sulatin yun dahil mas sanay siya sa magaan at patawang atake sa mga bagay.  Doon ako humanga sa kanya.  Mahusay ang pagkakalahad ng akda.  Natapos kong basahin iyon sa isang upuan lang (sige na nga, at isang higaan din!).

Kahapon, nakabili ako ng isa pang akda ni Bombeck.  Ang pamagat ng libro: Forever, Erma.  Hindi ko na binuklat dahil alam kong magaling ang manunulat.  (At isa pa, hardbound copy sa halagang p40! :D)

Kaninang umaga, habang hinihintay ko ang kapatid kong matapos sa paliligo, binuklat ko ang libro.  Sa inside cover page nakasulat “When Erma Bombeck died this spring”; nagulat ako sa nabasa at tinignan ko agad kung kelan nilimbag ang libro: 1996.  Nalungkot akong malaman na matagal na palang patay si Erma Bombeck!

At doon ko lang napagtanto na totoy pa lang ako noong sinulat niya ang mga unang dalawang librong nabili ko.  Kaya siguro hindi ako naka-relate doon. 😀

Itinuloy kong basahin ang foreword. Dun pa lang, nasapol na ako:

“Ngunit ang pinakamainam na puna sa kanyang karera ay matatagpuan sa dulo ng isang kolum na sinulat noong Marso 10, 1987:

Parati kong napapanaginipan na kung sasabihan akong magbigay ng accounting sa aking buhay ng isang mas mataas na hukuman, magiging ganito ang takbo:  “Kaya, itaob mo ang iyong mga bulsa.  Ano pa bang naiwan sa iyong buhay? May mga pangarap ka pa bang hindi natupad? May mga natitira pa bang hindi-nagamit-na-kakayahan na naibigay sa iyo noong ikaw’y ipinanganak? May mga papuring hindi nasambit o kaya’y mga katiting na pag-ibig na hindi mo naipadama o naipahayag?

At ito ang magiging sagot ko:  “Wala akong maisasauli.  Nagamit ko lahat ng ibinigay ninyo.  Ako’y hubo’t hubad katulad nang araw na ako’y isinilang”

x             x              x

Ang mga nagawa ko’y hindi masusukat ng aking batang anyo,

kundi sa mga linya ng pag-aalala sa aking noo,

ang mga linya ng pagtawa sa palibot ng aking bunganga,

at sa gawing baba mula sa pagtitingin kung ano ang puwedeng gawin

para sa mga mas maliit sa akin o sino mang nadapa (o bumagsak).

Abril 17, 1996

(mula sa huling sinulat ni Erma Bombeck)

*          *          *         *          *

Ipagpaumanhin po ninyo ang aking pagiging pangahas sa pagsasalin, narito ang pinaghanguan:

“The most gratifying comment on her career, however, came at the end of a column written on March 10, 1987:

I always had a dream that when I am asked to give an accounting of my life to a higher court, it will go like this: “So, empty your pockets.  What have you got left of your life? Any dreams that were left unfulfilled? Any unused talent that we gave you when you were born that you still have left?  Any unsaid compliments or bits of love that you haven’t spread around?

And I will answer, “I’ve nothing to return. I spent everything you gave me.  I’m as naked as the day I was born.”

x          x           x

My deeds will be measured not by my youthful appearance,

but by the concern lines on my forehead,

the laugh lines around my mouth,

and the chins from seeing what can be done

for those smaller than me or who have fallen.

April 17, 1996

(from Erma Bombeck’s last column)

-Bombeck, Erma. Forever, Erma: best-loved writing from America’s favourite humorist (Kansas City: Andrews and McMeel, 1996), xiii-xiv.

*          *          *         *          *

Mas uunawain ko na siguro ang mga sinulat ni Erma Bombeck.

Kung hindi, masaya na ring ipaghele pa rin niya ako.  😀

Awwwwooooooooooo!

P.S.  At ang mas nakatutuwa, magkahawig kami nung lalaking naka-drawing sa likod na pahina ng libro! 🙂