lusaw (post-earth day post(?))

(Babala: Puro kabulastugan at walang mapupulot na aral sa mga talata sa post na ito. Kaya, para hindi masayang ang oras o panahon, ang mambabasa ay pinapayuhang basahin na lamang ang P.S. (panghuling salita) sa dulong bahagi ng post. Salamat po.)

P4,097.64! Yan ang katumbas ng aking pamamalagi sa Space Lab sa loob ng isang buwan pagkatapos nilang ikaltas ang sampung bahagdang buwis para sa kaban ng pamahalaan. Puwede nang pagtiyagaan haha. Dahil walang available na space vessels, ako’y nag-commute na lang mula roon.

Pupunta na ako ng meeting sa Podium ngunit wala akong masakyang taxi. Minabuti kong sumakay ng MRT hanggang Shaw Boulevard upang makaiwas sa traffic, at doon na lang mag-abang ng taxi. Ngunit laking pagkakamali ko, matagal akong nag-abang at naikot ko na ang EDSA Central Pavilion ngunit wala akong makuhang taxi. Nagpasya na lang akong sumakay ng bus at bumaba ng SM Megamall. (Sana sa MRT Ortigas na lang talaga ako bumaba!)

Lakad-takbo akong pumunta sa aming meeting sa kliyente. Tumatagaktak na ang aking pawis sa pagmamadali at sa sobrang init dulot ng tindi ng sikat ng araw.

Humahangos at pawisan akong dumating sa meeting kung kaya labis ang aking paghingi ng paumahin sa aking mga ka-meeting. Pagkalapag ko pa lamang ng aking mga dalang papel ay nagsabi na akong “I am very sorry for being late. Please excuse me for a while because I really need to go to the bathroom…” Nakangiti akong binati ng aking mga ka-meeting sabay turo sa akin na nasa second floor ang restroom.

Naghilamos at naghugas ako ng kamay, pinatuyo ang tumatagaktak na pawis sa katawan. Inamoy at pinakiramdaman ang sarili, sana may bisa pa ang aking pabango at ang aking deodorant katulad sa mga palatastas sa telebisyon. Sana ay tumalab pa rin ang mga bisa nito upang takpan ang amoy-pawis at amoy-araw. Medyo nahihiya na talaga akong pumunta pa sa meeting...

Pagkabalik ko sa mesa ng aming meeting, half-puwet ang aking pag-upo sa dulo ng upuan, upang maski papano ay hindi ako maabot ng kanilang olfactory senses. Inasam ko na matapos na agad ang meeting; kaya nung pinag-order ako ng makakain at maiinom, isang malamig na Coke na lang ang aking hiningi at nung i-offer sa akin ang pangalawang pandesal ni Pareng Pons ay kinuha ko na rin ito. (Para matapos na agad ang kasaysayan nito haha!)

Buti na lang nauna doon si Ms. Jo, ang isa aking mga boss sa opisina, at siya na ang kumausap sa mga kliyente. Limang limang araw na kaming hindi nagkikita ni Ms. Jo sa office. Gumaganda siya dahil may inspirasyon. Haha! Ang pag-ibig nga naman talaga!

Nang nasipat namin ang pagdating ng isa pang kliyente ay tinapos na ni Ms. Jo ang meeting at lumipat kami sa kabilang coffee and deli shop. Hindi na rin namin pinatagal ang sumunod na meeting at pagkatapos naming pagsaluhan ang premiere clubhouse sandwich at ubusin ang aming kani-kanyang inumin ay nagpaalam na kami sa bawat isa.

Sobrang saya ko dahil makakapaggala ako maski papano sa Megamall at maaga akong makakauwi, hindi katulad ng mga nagdaang araw o buwan na gabi o dis-oras na ng gabi o madaling-araw na ako umuuwi hehehe.

Ang sarap ng pakiramdam na pagkagaling sa initan ay papasok sa malamig na lugar. Ninamnam ko ang pagbabago ng temperatura ng aking katawan at ang aking paligid.

Mula sa ground floor ay bumaba ako sa basement level. Maganda ang musikang pinatutugtog; may mall tour pala ang The Company sa kanilang bagong album at tinatapos na nila ang huling tatlong tao na nakapila para sa CD (album) signing, kodakan, kumustahan atbp. Pagkaraan ng ilang saglit na panonood at pakikinig, pumunta ako ng comfort room at umuwi na.

Sa aking paglabas ng mall papunta ng MRT station, naramdaman ko na naman ang init.

Sobrang init talaga ng panahon. Malala na talaga ang global warming. Tsk… tsk… tsk… Sa tindi nga ng init, nalulusaw na ang ice glaciers sa ibang bansa. Pati ang ice skating rink sa megamall, wala na. Nalusaw na rin siguro, ‘no? (hehehe)

Hmmm…. makapag-ice cream nga mamaya…

(P.S. Para maibsan ang dinaranas na sobrang init sa katawan, maari kang tumawag sa toll free number 1-800- wildsex, inaanyayahan ko kayong dumalaw sa blog-hay ni Tats a.k.a.  superlolongpinoy upang makibahagi sa pagsugpo sa lumalaganap na global warming at masagip ang pagkawasak ng Inang Kalikasan. Maraming Salamat at hanggang sa muli. :D)

Advertisements