…and my world was stirred…

Michelle called me up to meet Bong at his office.  She was clueless what the meeting was for.  All she knew was Bong filed his leave early today.  He is taking the week off from work.

Michelle only shrugged her shoulders when I met her along the corridor to Bong’s office.  Bong had file folders tucked into his backpack while several piles were on top of his desk.

“What’s up, mate?” I asked Bong as I entered the room.

We shook hands and his grip was firm.

“Please have a seat.  Would you want some coffee?  I could ask Michelle to prepare a cup or we could just ask her to order from Starbucks.”

“Thanks.  I’m fine.  I’ve just had my coffee before coming and Michelle had just left her table.  I met her on my way here.”

“Okay. Let’s get down to business then. I’d be away for a week, just to fix things. Small family concerns… Just before the situation turns bad…”  Bong managed to overcome the cracking of his voice as he continued, “Would you be free to attend my meetings and appointments while I am not around? Luncheon meeting on Tuesday and working dinner with client on Wednesday afternoon?  There is nothing to worry about anything.  All you need to do is be there at the meeting place and hand the reports to the clients.  If there would be any other matter that would be discussed, please note it down and I will address them as soon as I get back.  You could email me any developments or feedbacks from clients.”

“Is Michelle not available?”

“Michelle needs to be at the office while I am away.  And clients would greatly appreciate it more if my trusted associate would attend to them in my absence.”

“Okay, then. Some adjustments may need to be made but nothing major.  Consider it done.” I gave him a warm, sincere smile.

“Thanks.   Would you want to have the files now or I will just ask Michelle deliver them to you?”

“I will just have them picked up later today.  Pardon my asking, but is there any problem? If there is, maybe I can help. You can count on your friends, Bong.”

“Everything’s under control. There’s nothing to worry about.  I’ll call you if I need any more help. Thank you again for accommodating my request on short notice.”

“Walang anuman yun.  I really wish you well. Take care, pare.”

I patted his shoulders and headed back to my office.

I was barely settled in my seat when I received an SMS from Bong’s wife: “Lie low muna tayo. Bong is acting differently.”

I texted her back:  “Bong filed leave today.  Cancel previous plans. Bye for now.”

Advertisements

when my world stopped before i did

I was dead tired when I arrived home.  My wife welcomed me but I brushed her aside.  I asked how the children were and without waiting for an answer, I headed to our bedroom.  I just kicked off my shoes, removed my tie and threw it at the bedside table.  Then I immediately dozed off.

In the middle of the night, I was roused from sleep.  I dreamt I was rushing home from the office and I was being followed by a cab.  As I went down from my car, one male person boxed me in the face.  I hit him in the gut and gave him an uppercut.  Another person was shouting; then I felt the nozzle of a pistol directed at my temple.  I was breathing heavily and was sweating profusely when I woke up.

I went to the kitchen and drank cold water from the fridge.

When I went back to bed, my wife was still fast asleep.  I pulled my pants and took off my long sleeves.  I then lit the lampshade by my bedside.   I opened a file folder from by backpack and began to read.

Suddenly, I noticed my wife shuddering.

I laid the file folder at the bedside table and crawled to where my wife lay.  I hugged her and I kissed the back of her head.

I heard her mumbling.

She spoke my name in her sleep.

There was sadness in her soft, lovely voice when she said: “Bakit ang hirap mong mahalin?”

I felt numb.

I drew her closer to me.

I began to feel her pain.

It was real.

And I began to sob in disbelief.

red-letter day

SUNDAY

MONDAY

TUESDAY

WEDNESDAY

THURSDAY

FRIDAY

SATURDAY

*     *     *

Kate was still devastated when she reported for work.  Over the weekend, she discovered  George’s philandering.  With solid evidence to boot.

Perhaps to help her ease the burden, she confided to Frank.  She showed him a picture of her husband’s mistress.

Frank said, “You’re much more beautiful.  Prettier and sexier even.”

Kate gave Frank a bewildered look…

Then, Frank softly remarked, “Be like Popoy and Basha.”

Kate countered, “But we’re not like them.  We’re married.”

Frank replied, “Then that gives a better reason for you to give each other one more chance!”

Kate gave Frank another bewildered look…

“Have you watched Real Steel?” Frank asked.

Kate shook her head.

“ You should see it.  Great action movie. About humans and robots.” Frank eagerly said.

Frank received another bewildered look from Kate.

Frank continued, ” Especially the scene where Max would have to be separated from his father. He told him: I want you to fight for me…  You should also tell that to your husband:  I want you to fight for me, for this marriage.”

Kate left Frank a bewildered look.

Frank was left bewildered.

Kate left bewildered.

Hope we can all stay in the RED and be well there! 😀

para lang matawag na bibo

Maraming kuwento ang OFW.

Lalo na tungkol sa kanyang mga karanasan.

Makulay.  Samu’t sari.

Nais kong mapakinggan ang mga ito.

.

At ang dala niyang pagbabago.

.

Gusto ko ring mabigyan ng pasalubong kung meron man.

At tiyak meron yan.

.

Dagdag pa riyan ang paanyayang walang-humpay na kainan.

Walang humpay na kainan.

Oo, inulit ko talaga.

.

Sa piling ng mga pagkaing katakam-takam, paano pa kaya niya magagawang makipagkuwentuhan?

Iniisip ko lang…

.

Isang buwang paghahandaan.

Sana lang mapagbigyan.

Sana lang naman.

Sana.

.

Ah basta.

Bahala na.

.

KUNG HEI FAT CHOI!!!!

Ito ang Aking Sagot sa Tanong na:  EB with McRICH, BAKIT??? 

gasolina: alab sa lamig ng kapaskuhan

Padabog na dumaan si Gia sa harap ko sa gitna ng aking panonood ng tv.  Bumubulong-bulong siyang tumakbo sa kuwartong nasa itaas.

“Anong problema nun?” baling ko sa kanyang ina na kasalukuyang naglalagay ng mga pinggan sa hapag-kainan.

“Hindi binigyan ni Jojo ng pambili ng dagdag na regalo,” sagot ni Gina  habang iniaayos ang mga kutsara’t tinidor sa bawat pinggan.

“Magkano ba hinihingi? Bakit may dagdag pang regalo? Kulang?” makulit kong usisa.

“Sandaan. Kulang pa daw yung ipanreregalo niya.” Tumalikod na si Gina para kumuha ng tubig sa loob ng ref.  May lungkot sa kanyang tinig.

Hindi ako komportable sa asal ng pamangkin ko.  Wala siyang karapatang magdabog lalo na’t nakikita naman nilang magkakapatid ang pagbabanat-buto ng kuya ko sa kanyang trabaho.

Sinundan ko si Gia sa kuwarto.  Nakahiga ito sa kama.  Nakapikit at hindi pa ito nagpapalit ng suot na uniporme. Tinabihan ko siya sa kanyang pagkakahiga.

“Ano bang problema?” tanong ko.

“Iiiih. Tito naman eh.” Pagsasaway ni  Gia sa aking tanong.  Bumaluktot siya’t tumagilid patalikod  sa akin.

“Alam mo, ang pasko ay pagbibigayan ngunit hindi ito tungkol sa halaga ng ibinibigay.  Ang mahalaga ay kung taos-puso ang pagbibigay. Magbibigay ka nga, masakit naman ang loob mo o nakasakit ka pa sa iba.  Mas maigi pa sigurong huwag na lang magbigay kung ganoon.”

Tahimik na nakikinig si Gia.

“Noong bata pa kami, noong panahong mababa pa ang presyo ng gasolina at gasera ang gamit na pang-ilaw sa gabing madilim… kuntento na kami sa pretzels at choco mallows na regalo, maski pare-pareho lang kaming magkaklase ng exchange gifts.”

Nagtawanan kami ni Gia sa huling sinabi ko.

“Kunwari magreregalo ka ng maliit na salamin bilang regalo, maghanap ka na lang ng magandang quotation o gawan mo ng patok na mensahe ang pagbibigyan mo. Pwede mong isulat sa gift wrap na ‘Tuwing pagmamasdan mo ito, makikita mo ang isa sa pinakamagandang tao sa mundo.’ Mas maa-appreciate pa yun.  Kumbaga may personal touch. ”  Nangingiti kong dagdag.

“Hala naman si Tito, pambobola naman iyon. Parang nagsisinungaling pa ako kapag sinulat ko ang ganon.”  Hindi napigil ni Gia ang kanyang pagngiti.

“Tumayo na kayo riyan at kakain na. Bong. Gia.” Tawag ni Gina na nasa bukana na rin pala ng  kuwarto.

Sumunod kami kay Gina at sama-sama naming pinagsaluhan ang naihandang hapunan.

KINAUMAGAHAN, binigyan ko si Gia ng isandaan bago siya pumasok ng paaralan.

“Regalo ko ito sa iyo.  Ikaw na ang bahala kung papano mo gagamitin. Puwede mong ibili ng anumang kailangan o gusto mo para sa sarili mo.  Pwede ring ipambili mo ng panregalo sa nabunot mo.”

“Salamat Tito.”  Kinuha ni Gia ang pera at tumakbo na para pumasok sa eskuwela.

Iginagalang ko kung anuman ang pasya ni Gia sa perang kanyang tinanggap.  Umaasa rin akong may natutunan ang pamangkin ko sa pangyayaring ito: kung hindi man ngayon ay balang-araw sa bawat pagkakataong mababasa niya ang akdang ito.

***                                                         ***                                                         ***

Ang pagbibigay ay hindi tungkol sa pagtutumbas ng halaga ng bawat regalong natanggap.  Kung magkaganon, barter ang magiging kalalabasan nito at hindi pa natin lubusang naintindihan ang diwa ng pasko.  Mula sa payak na pagkapanganak ng Mesiyas sa sabsaban ay umusbong ang kanyang kadakilaan.  At ang kadakilaang iyon ay hindi dahil sa karangyaan o estado ng buhay.

Hindi natin mapapantayan ang pag-aalay ni Hesus ng sariling buhay sa sangkatauhan.  Pinagtagumpayan niya ang kamatayan sa kanyang muling pagkabuhay.  Hindi man natin lubos na maarok o matanto o maunawaan ang kabigha-bighaning himalang ito, marahil ay sapat nang malaman nating tayo’y Kanyang iniligtas.

Katulad ng kaning ating pinagsasaluhan, nabusog man tayo’y bihira man nating maisip ang hirap at pawis ng mga magsasaka sa pagtatanim, pag-aalaga, pag-aani, pagbibilad at pagkikiskis.

Hindi na rin natin iniintindi ang tagal ng panahon at prosesong pinagdaraanan ng gasolina upang magamit natin sa iba’t ibang paraan para sa pagtataguyod ng ating buhay.

Hindi na natin kailangang ungkatin pa ang nakaraan ng isang tao… Sapat ng tayo’y naririto’t nagpapatuloy sa pagharap sa mga pagsubok ng buhay at nagsisikap para sa isang magandang bukas.  At yun ang mahalaga.

Nawa’y mapagliyab natin ang gasolina sa bawat isa: ang pag-asa, ang pagmamahalan, ang pag-ibig.

***                                    ***                               ***

Para sa 1TB Portable Hard Drive bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng The Gasoline Dude’s 4th Blogversary!

At para sa lahat ng dumaan, dumalaw, nagbasa at naging bahagi  ng munting pitak na ito sa blogosperyo, maraming, maraming, maraming salamat at masaganang bagong taon para sa ating lahat! Mabuhay!!! 😀

REPOST: puga(s)

Hunyo 12, 2010

Mahal kong Cora,

Kumusta ka na? Sana ay parati kang nasa mabuting kalagayan. Maayos naman ako dito maski papano.

Ipagpaumanhin mo na ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na sumulat pagkaraan ng halos isang taon.  Sana ay humupa na ang iyong galit at hinanakit sa akin.

Hindi na ako magpapaliwanag.  Mas lalo lamang lalalim ang mga sugat na marahil ngayo’y naghilom na.

Mabagal talaga ang takbo ng katarungan dito sa atin.  Gayunpaman, nagpapasalamat pa rin ako na madidinig ang aking panig sa takdang panahon, hindi katulad ng kay Hesus na dinakip at pinarusahan kaagad na hindi man lang binigyan ng pagkakataong ipagtanggol ang sarili.

Narinig ko lang yung kuwento kay Hesus. Iba’t ibang relihiyon kasi dito.  Si Omar, limang beses magdasal kada araw; hindi ko kaya yon.  Si Iking, hindi naniniwala sa Diyos.  Anu’t ano pa man, natututo kaming igalang ang kanya-kanyang pananaw sa buhay.

Dalawampu kaming nagsisiksikan sa loob ng masikip, mainit at amoy-pawis na silid na de-rehas.   Kami nga’y naging mapagtimpi at mapang-unawa sa ugali, kaisipan at damdamin ng ibang tao. Mas lalong magiging masaklap ang aming kalagayan kung hindi kami magbibigayan.

Ngayon ko lang napapahalagahan ang pagiging malaya.  Bilanggo nga ako ngunit hindi ang aking diwa.  Taglay ko ang kamalayang malaya.

Sa pagkakasadlak ko dito, nakakapagmuni-muni ako at pilit na binubuo ang aking pagkatao. Magsisikap akong ipasa ang pagsusulit na magtatakda sa antas ng aking kakayahan para makatungtong sa kolehiyo.  Balang-araw matutupad rin  ang ating mga pangarap at maipagpapatuloy natin ang masayang nakaraan…

Ngunit aminado akong maraming maaaring mangyari dahil sa ating pagkakalayo.  Kung darating ang pagkakataon, hindi kita pipigilang magmahal sa iba.  Karapatan mo ang maging maligaya.  At magiging masaya ako na ikaw ay magiging masaya.

Sa ngayon, hayaan mo muna akong manatiling bihag ng iyong pag-ibig.

Umaasa at labis na nagmamahal.

Jake

P.S. Ibon man may layang lumipad (Kailan kayang ang ibon ko’y sa iyong pugad muling mapadpad)

Published on: Jun 12, 2010 @15:39

*Repost para sa pagdiriwang ng ika-anim na taon ng pagsusulat ni Gillboard sa blogosperyo.

REPOST: basag sa maalinsangang gabi

Putok na naman sana ang bibig ni Miriam kung hindi  siya mabilis na nakailag sa suntok ni Dante.  Lasing ulit ito at mabibigat ang mga kamay. Kaya naman limang beses nang nakunan si Miriam.

“Ang tagal-tagal mo. Bilisan mong ihain ang dala mo. Maligo ka na rin,” bulyaw ni Dante.

Pinipigil ni Miriam ang poot sa asawang tatlong taon nang walang trabaho.  Kinamumuhian niya ang marahas na pakikipagtalik, lalo na kung sinasakal siya hanggang sa malapit na siyang mawalan ng ulirat.

Ibinuhos ni Miriam ang mga pakete ng  durog na paminta at arsenic sa dalang pansit.  Nilagyan din niya ito ng kalamansing may hiwa sa gitna saka niya inihain sa asawa.

“Magpapahangin lang ako,” sabi ni Miriam.

Mabilis ang mga hakbang ni Miriam palabas ng bahay.

Kakaiba ang siphayo ng hangin maski na galing sa mga tambutso ng mga humaharurot na sasakyan.

Published on: Apr 5, 2011 @ 16:46

*Repost para sa pagdiriwang ng ika-anim na taon ng pagsusulat ni Gillboard sa blogosperyo.

REPOST: isang bugtong

Ako ay kasama sa pagsilang ngunit hindi sa kamatayan.

Ako ang pasimuno sa galak ngunit naglalaho sa halakhak.

Taglay mo ako sa bawat guhit ng iyong timbang.

Nasa piling ako ng gabi ngunit wala sa karimlan.

Wala ako sa araw pero sa liwanag ako ay matutunghayan.

Doble man ako sa galing, salat ako sa husay

Ako ay nasa hugis at hubog ngunit wala sa anyo at kulay.

Wala ako sa dulo o umpisa; pero sa gitna ako ay nangunguna.

Ako’y nasa gawa. Wala sa isip at sa salita.

Ang sagot, alam mo na ba?

Published on: May 24, 2011@ 12:24

*Repost para sa pagdiriwang ng ika-anim na taon ng pagsusulat ni Gillboard sa blogosperyo.

REPOST: ssdd.2

After a day’s work, I try to catch the last northbound rides of the Metro Rail Transit to get home and sometimes, I would drop by SM supermarket just minutes before its closing. Last Wednesday, I rushed to the supermarket to buy a sandwich spread, condensed milk and some garbage bags to be used in an experiment. I felt an awkward sadness that Christmas carols were already being played.

While I was at the milk rack, my beautiful next door neighbor saw me and said, “Oh, Kuya! Ikaw pala. Masarap ‘to, ilalagay sa Graham crackers tapos papalamigin sa ref…” The television advertisement was playing in my mind as she held a can of Nestle cream.

I nodded and smiled at her, and courteously excused myself. She smiled back and went on with her cheerful shopping. She might have already nicknamed me Interruptus for the several times that she had broken her intimate embraces with her boyfriend while at the terrace when I arrived late at night and passed by them.

When I got to the apartment, I was behind my second door neighbor who yelled to her boyfriend “Hello sweetheart” as she entered their unit. I passed by the third door where the lady I saw at the supermarket resides, her boardmates who are also a couple are having their dinner.

When I reached my pad, I opened the door and called out, “Honey, I’m home!” Just like in the movies…

After I put the sandwich spread and condensed milk in the refrigerator, I hurriedly jumped to bed, kicking my shoes off and snuggled under the sheets…

In a modulated voice, I ordered “House, aircon ON. 16 degrees Celsius. 5 hours.”

Published on: Sep. 15, 2011@ 22:06

*Repost para sa pagdiriwang ng ika-anim na taon ng pagsusulat ni Gillboard sa blogosperyo.

REPOST: nang sumaklob ang maitim na ulap

“Ano bang problema’t kanina ka pa walang gana, walang kibo. Nakakapanibago,” pagsusuyo ni Claire.

“Kaya ko ‘to.  Steady ka lang,” bulong ni Mike matapos ang malalim na buntunghininga.

“Putangina! Paano kita matutulungan kung hindi ka magsasalita?”

“Di mo rin maiintindihan.”

Tiim-bagang sinuntok ni Mike ang kanilang kinauupuan. Nabiyak ito’t bumagsak silang dalawa.

Nangingiti si Claire; hindi niya itinuloy ang akmang pagtayo nang makitang nasalampak pa rin si Mike.

“Oo, puta’ng ina ‘ko! Sa pagpuputa niya ako napalaki. Maysakit siya ngayon, cervical cancer, Stage III…

“… At nagputa rin ako… sa boss, para makuha ang promotion last year…

“… Last week, nag-resign si Ma’am Andrea. Akala ko, dahil sa diabetes. Yun pala, komplikasyon dahil HIV+….

“…Kanina ko lang nalaman… Natatakot ako, Claire….”

Napahagulhol si Mike.  Niyakap niya si Claire.

Hindi napigilan ni Claire ang sarili na umiyak.

Hindi niya alam kung paano mapapatahan si Mike.

Hindi niya alam kung paano papatahanin ang sarili.

Published on: July 15, 2011 @16:22

*Repost para sa pagdiriwang ng ika-anim na taon ng pagsusulat ni Gillboard sa blogosperyo.