black and blue

“Count your blessings… It shames you, to count yours from the hardships of other people.”

-Quindlen, Anna. Black and Blue (USA: Random House, 2010), 76.

ningas

Ang init talaga!

Nag-uumpisa na yatang magliyab ang buong paligid!!

Hindi pa itinuloy ang ulan kagabi, pero salamat na rin sa malakas-lakas at medyo malamig na hangin!!!

Hindi na yata makakayanan ng bentilador at erkon na palamigin ang mga silid…

Maski sabayan pa ng paggamit ng abaniko at pamaypay…

Nakakapagsiklab…. nakakapagtagaktak ng pawis ang panahon…

Whew!

*     *      *

Pero sadya nga yatang ganyan ang panahon ngayon….  Teka, nais ko lang ibahagi ito, pwede mong pag-aksayahan ng panahon.  Binuo ko ito kagabi  habang naghihintay na muling dalawin ng antok. Babala: maaaring magpapainit lang ng ulo mo hehehehe

Marahil ang mundo ay bulag.

O kaya’y bahagyang malupit.

Siguro.

Parang di mo na mawari

Ang anuman ngayon.

Subalit,

Pwede kang malungkot ngayon ‘tapos

Isang araw ngingiti kang muli.

Sa aking paglingon,

Masisilayan ko ang babaeng magpapaikot ng aking mundo,

Nakatayo doon…

At sa bawat pag-ikot ko,

Ang diwa niya’y nagpapalutang sa akin.

Ano na kaya?

Maghintay. Magmasid.

Sinubukan ko lang isalin ang theme song ng isang American sitcom na napapanood ko noong bata pa ako, sa hindi pa naman matagal na panahon hehehe.  Mahuhulaan mo ba kung saan ko hinango ang tulang ito? 😀

summer heat

Out of the blue I typed her name in Google.

I was not expecting anything from my search other than her previous posts some time ago.

Then came the surprise!

Her essay recently got published in a local daily.

The article made my day.

It gave me clues to the questions I wanted to ask.

We are miles away.  Farther than I thought.

But I hope to see her soon.

NB: This is a long-delayed post. How long? Just about the same time an egg would take to hatch. 😀

makita kang muli

(mula sa pusod ng dagat part 2)

Pagkaraan ng ilang araw mula noong dalhin ni Amos ang coral sa opisina:

Amos: Nagi-guilty talaga ako tuwing nakikita ko ang coral na iyan!

Serg: Ibig sabihin, epektib…

Amos: Pwede kayang wisik-wisikan iyan ng saltwater o ilublob na lang ulit sa seawater?

Serg: Haha parang holy water? Parang binendisyonan mo lang ng last rites… Hindi na ulit mabubuhay yan! Ibababad mo sa brine solution? Parang uumpisahan mo ang mummification process ah. Sabagay, ang paniniwala sa mummification ay muling mabubuhay ang mga namatay? Awoooooo!

Amos: Tara na nga! Patayin mo na ang mga computer, unless gusto mo pang maiwan dito…..

Serg: Teka lang, sina-shutdown na… Napanood mo na ba ang The Walking Dead?

Amos: Oo. Sina Sean Penn at Susan Sarandon yun, di ba?

Serg: Hehe Dead Man Walking yun….. The Walking Dead, maganda.

Amos: Multo na naman. Ayoko nga.

Serg: Hehehe…. Pwede sigurong ilagay yang coral sa aquarium para natural environment ang makikita ng isda. Kaya lang mahirap linisin yan kapag kinapitan na yan ng dumi. 😀

Amos: Bilisan mo! Iko-collar na kita. Para maging coral ka na rin!

Serg: Zombie, parang sa The Walking Dead. Finished!

mula sa pusod ng dagat

Pumasok si Amos sa opisina. Kasunod niya si Emil na dala ang may kalakihang coral na nakapatong sa kulay-ginto-at-pulang sinimentong paso.

Amos: Di ko matanggihan itong regalo ni Mr. Tang. Masikip sa bahay kaya dinala ko na rito.

Emil: Saan ko po ilalagay?

Amos: Pakilagay sa gitna ng kahoy na mesa.

Ingat na ibinaba ni Emil ang dala.

Serg: Waw! 150 years ang kailangan para tumubo ulit ang ganyan…

Amos: Ganon?!? Tagal, ah. Ibig sabihin, kasingtanda ito ni Rizal?

Serg: Di bale, gagawa tayo ng lapida. Maglalagay tayo ng inscription sa ibaba: “This represents the degradation of Philippine marine biodiversity. This WAS the home of hundreds of fish species and other sea dwelling creatures now in danger of extinction.”

Emil: Alis po muna ako.

Amos: Salamat, ha.

Serg: Balang araw, sa museum na lang natin makikita ang mga ganyan…

Amos: Awwww… Nagi-guilty naman ako….

 
 
 
 
 
 
“….the seas and lakes and rivers teeming with fish…
…in trust will pass it to my children,
and so on until the world is no more.”
(Hango mula sa I am a Filipino ni Carlos P. Romulo)