lamas day post


On Thu, May 3, 2012 10:19 PM CST (Chinatown) Eric J. Santos wrote:

>Hi kuya!
>
>Kanina may dalawang papel sa table ko. Isang good news at isang bad news. Pero ngayon parang parehas na silang bad news. The first paper is a memo on tardiness. Official ng my memo ko on tardiness after exceeding the grace period. Ang outcome baka mas lalong mapatagal pa ang aking promotion, I was expecting it ng April, However, May na pero di pa dumadating I understand my Boss na hindi nya maasikaso ang endorsement since madami pa siyang inaasikaso but the thing is the memo on late (kapag nasilip ng HR Committee) will defer my promotion to a half a year. Nakakainis because I was careful sa mga actions ko and working relation sa ibang co worker kahit na masasama silang tao at tamad sila pero ako pa naputukan dahil sa late. I feel more than a slave sa ginagawa kong trabaho na kahit pang manager na ang work load ako ang gumagawa na nasa early rank and file lang. I hate it more dahil si Pikachu isang manager don na asa likod ko, ay nag iinternet at puro
> phone calls lang ang inatupag maghapon pero shes earning too much than her outputs. Nakakainis kasi I cant even have that time to check my email dahil sa work load ko pero siya bukod sa naiistorbo nya na ko sa kaingayan at kadaldalan nya, she can freely do anything around the net.
>
>The second Paper is my payslip, wala na nga talaga kong balak silipin pa yun, pero hindi ko alam at bakit naisipan kong buksan yun kahit alam ko nman sasampalin lang ako ng katotohanang mababa ng sweldo ko para sa araw araw na hirap na binubunuo ko. Nag simula ako sa opisinang to  ng 9,000 ang basic, ng naregular naging 9,300 makalipas ang dalawang taon, ang sahod ko ay pumapalo sa halagang 12,000+ inclusive na ng rice subsidy at walang OT para sa mga extrang oras ng pag tratrabaho. Ayun pa nga kay Ariel, na hindi ko alam kung dapat kung paniwalaan, sabi nya. Bakit parang below minimum ka pa sa sahod!? S*#% tlga kuya! Hindi ko alam kung kaibigan ko ba tlga yun para deretchohin nya ko ng ganon eh!
>
>Its so unfair kuya! Naiinis lang din ako, after two years, i realized na ayokong humarap sa computer 8hrs a day, doing paper works and getting paid less than what I should be receiving. Ayokong nakukulong ako, ayokong nasasakal ako sa leaves, ayoko yung feeling na im every morning im dragging myself to be in the office at 8am. Dapat na ba ko magresign!?
>
>Kuya what should I do!? Ayokong tanungin mga kaopisina ko kasi panigurado ayokong marinig yung sasabhin nila. Ayoko dn naman kausapn sila mama at papa regardng this kasi ang sasabhin nila kunting tiis lang muna anak. What should I do!? Kuya di ko na chineck grammar neto. Thanks

– – – – – –  – – –

Thursday, May 3, 2012 9:01 AM
You need to check and reassess your compensation. The present minimum is at p425/day. Your payslip should reflect no lower than this. An inquiry with your accounting department would help clarify things. This should be a non-issue as it is your right to demand what is due you.
Promotion, on the other hand, is a management prerogative. It is usually based on skill and performance. Unless there is a grave abuse of discretion and obvious discrimination, the exercise of the management prerogative could not be subject to review or judicial scrutiny.

As to Ariel, i’d like to believe he meant no harm by his frankness in his remark to you as his friend. He may have just uttered the truth and sometimes the truth hurts.

We might feel that our parents only urge us to stay on but they don’t really know how it is. Trust me, they do. And they’d be the last to want anything bad for their children. All these are trials that one would have to undergo to prepare him to greater tasks and responsibilities. But then again, it would still be your choice whether to stay or move on to any other opportunity. The possibilities are endless but one needs to be prepared for the consequences of his actions.

Whatever it is that you decide on, i fervently wish you the best of luck and grace. Godbless

.

Note:  This post shall be removed upon notice from the letter writer to take it down.  

The minimum daily wage for non-agriculture workers in the National Capital Region is P426.00 (http://www.nwpc.dole.gov.ph/pages/ncr/cmwr_table.html).

Previous Post
Next Post
Leave a comment

8 Comments

  1. littlemisspataki

     /  May 8, 2012

    Hindi ako maka get over sa “naputukan”. May inside joke kasi kami nyan nung college. Grabe. Andami kong tawa. Hahahaha.

    Two cents shit ko, when I am at the point where I am assessing if leaving the company will be better for me or not, ang una kong kinoconsider is yung how I would feel about leaving. Pangalawa ang salary. Pangatlo yung klase ng trabaho. Everything else, keribels. If you have people in your current work na you have been emotionally invested with and you cannot stand not seeing them everyday if you leave work, you should reconsider. One might say that you will still see each other even if you worked somewhere else, pero this is not always true. I have lost contact with a lot of people I was close to merely because we were too busy, or too lazy to open a single chat window. Iba yung may comfort nung sabay kayo kumakain sa break, etc.

    Kung dihamak na mas malaki yung pay sa ibang company, go go go ako. Dahil mukhang pera ako. Haha.

    And if I already love what I am doing, if I feel that I own my job, my time, and I want to master it, hindi siguro ako lilipat. If you see that somewhere else, gora.

    Ang sakin lang eh marami pang dapat i consider aside sa salary. Kahit na mukha akong pera. Haha.

    Pasensya na rin, Eric J. Santos, petiks ako sa office. Bored na bored na ko kaya nangengealam na ko ng buhay ng may buhay.

    Reply
  2. lababo

     /  May 8, 2012

    Naalala niyo ba Kuya Tarbs? Eto yung sentimyento ko almost two years ago. I started with a basic salary of 10k. After 5 months at naregular ako, naging 11k. After a year, naging 11400. So 14mos. na 11k at 5mos. na 11400. Hindi ko alam kung provincial rate yun. Ata? Tapos may van naman kami na service kaya wala akong gastos sa transpo. Lahat naman ng business related na mga lakad ko kung wala akong driver ay reimbursible naman ang gastos.
    Kung sa mga kasama lang din naman, ayoko na talagang umalis. Parang nanay ko na yung boss ko eh. Hanggang ngayon nagkakausap pa rin kami. Ang naging problema ko lang, rank and file employee ako pero I was doing part of the resigned Production Manager. Actually sa ibang mga kumpanya, separate na position yun. Andami kong trabaho dun. Madali lang kung tutuusin pero kasi ako yung malalagot kung sakaling may mangyari. Ako ang makukulong kasi ako ang signatory sa lahat ng mga opisyal na papeles. Eh rank and file.
    Hindi ko na maalala kung humingi ba ako ng dagdag sa sweldo. Oo ata. Nilalakad. Kaso feeling ko hindi naman maaapprove kaya nagresign na ako. Para sa R&F employees, 15 days ang kailangan na trabahuhin upon receipt of the resignation. In my case, 10 days lang. Sabi nga ng mga bloggers, terminal leave. Pero mayabang ako at buong pagmamalaki kong kinukwento na tinatawagan pa rin ako nila para sa ibang mga trabahong naiwan ko. Yung naiwan kong job post, pinaghatihatian ng department head, staff at nung mga taga-engineering. Dun ko lang narealize ang importance ko. Okay na yun.
    Kaya dear letter sender, talk to your immediate supervisor kung close naman kayo. Sabihin mo yang tungkol sa tardiness memo na yan at yung promotion mo. Basta pag yung nawawalan ka na ng motivation para pumasok, senyales na yun.

    Reply
  3. Nung nasa Nielsen pa ako, wala akong social life. Nung lumipat na ako, tsaka ako nagkaroon ng bonggang jabonggang social, online and non-online. Kaya dear letter sender, you should also consider your social life. Wag puro trabaho lang.

    Reply
  4. kaye

     /  May 9, 2012

    ang masasabi ko lang, naisip ko sina little miss pataki at lababo sa letter sender na ito. bow.

    Reply
  5. L

     /  May 12, 2012

    sabado ngayon. time check: 7:09PM. pero nasa o-pissed-sina ako. slaving my ass off some gawddamn paper works and excel sheets. dahil nakita kong may update si kuya tarbs, mangingialam na rin ako ng buhay ng may buhay.

    hello eric santos!

    i feel for you.

    sisimulan ko sa pagkukwento: nagtatrabaho ako sa isang kilalang kumpanya bilang isang alipin sa gilagid. sa sobrang prestigious nung company, ang alam ng mga tao eh malaki ang pasahod dito at kumikita kami ng limpak-limpak na salapi. wrong; hindi porke’t nakakurbata ka, plantsado ang long sleeves at pantalon, at araw-araw na may dalang laptop bag eh malaki na ang sahod mo (‘yung singil sa client ang malaki, pero ‘yung salary nung mga nagtatrabaho sa client, hindi). sabihin na lang natin na mas malaki nang konti ang sweldo ko sa sweldo mo. but believe when i tell you that what we earn is not genuinely commensurate with what we do every day (including saturdays and sundays). including saturdays and sundays. hindi pa kasama diyan ang late night OT na halos araw-araw naming ginagawa.

    take note: lahat ‘yan, lahat ng ginagawa namin lampas ng 5:30PM, lahat ng pagpasok namin kahit weekend, gratis. walang bayad. OTY.

    nung una, nahirapan akong mag-adjust. aminado akong puro ako rant unlimited nung nagsisimula pa lang dito. sabi ko sa sarili ko, bakit ko kelangang magtrabaho ng past 5:30PM eh hindi naman ganto ang nakalagay sa kontrata ko? bakit ko kelangang pumasok ng weekend eh araw na ng pahinga ko ‘yun? bakit ko kelangang ma-stress nang ma-stress nang ma-stress eh wala namang bayad ‘yung pagka-stressed ko?

    but, eventually, i learned to accept things just the way they are. alam mo ba ‘yung serenity prayer? ‘yung teach me to accept things that i cannot change blah blah? i took that to heart. i realized that ranting won’t give me anything but negative vibes. and negative vibes will only give you bad things. paulo coelho shit: when you want something really bad, all the universe will conspire to make that happen. not the exact words, but i guess you get the drift.

    i chose to work here; ergo, i should have the balls to withstand all the crap my work entails.

    kahapon lang, katatapos lang ng round-table deliberation namin. it’s an internal ranking system for us to determine who gets promoted and who gets to be stuck in the same swivel chair for another year (yearly ang promotion samin.) i have high hopes na mapo-promote ako dahil andami ko nang sinakripisyo para sa trabaho ko. lahat-lahat na binigay ko: dugo’t pawis, financial resources (marami akong taxi fare expenses na hindi narereimburse), personal life, love life, sex life, social life, *insert form of life here*. pero hindi ko kasi alam kung nakikita ‘yun ng mga bisor at manager ko. so to avoid feeling bad when the day of reckoning comes, i resolved not to expect the promotion. sabi ko, hindi na lang ako aasa para walang hard feelings. mas okay pag hindi mo ineexpect ‘yung isang bagay tas biglang dumating sa’yo, di ba?

    sa ngayon, hindi ko iniisip ‘yung tungkol sa promotion shit. my mind is focused on finishing all my work deliverables sa iba’t ibang clients para kako pag nag-resign ako eh walang masabi sakin ‘yung mga iiwanan ko. my goal at the moment is to look for a firm that will justly compensate what i do and will provide me the opportunity to grow as a professional. well, money first and foremost and then whatever career development shit follows. kasi nga, i have this goal to settle down before i reach 30. kaya ko minamadali ang pagpapayaman.

    so siguro, in your case, you may want to follow suit. think of your current goals and then align them to how your work (and your compensation, for that matter) provides the means to reach those goals. if you think your work deters you from fulfilling those goals, then by all means, you need to call it quits. hindi naman habambuhay kelangan mong tumanggap ng “ulirang empleyado” award.

    but a word of caution: never tender your resignation without having any solid fallback or job replacement. meaning, kung hindi ka naman hunico hijo ng isang mayamang haciendero, apply-apply ka muna sa ibang kumpanya while still working at your current employment. use your leave credits to do that.

    ‘kengina, ang haba ng two-cents’ shit ko. hehe. sorry, kuya tarbs. nadala lang ako ng emosyon. sobrang nakaka-relate kasi ako kay pareng eric santos. hehe.

    all the best,
    L

    Reply
  6. Get a reality check about your priorities. Isipin mo kung ano ang mas importante. I am sure ang number one sa listahan na iyan e yung pera. Unang una kaya nga tayo nagta-trabaho e para kumita. Meron namang iba na ok lang kahit hindi ganun kalaki ang sweldo pero hindi naman ganun ka toxic at may time pa silang gawin ang ibang bagay lalo na yung mga pamilyado. Nasa sa iyo yan para pagdesisyunan.

    Sa usapang pera naman, uhmm, ano ba tinapos mo? first job mo ba yan (at 2 years kana dyan)? Minsan kasi sa ganitong factors malalaman yung dapat na compensation mo. Ask people you know na kaparehas mo ng stature careerwise at tanong mo sa kanila ang salary nila para magka-idea ka kung magkano dapat ang makukuha mo.

    Yun nga lang para sa sweldo mo ngayon, mas malaki pa ata sweldo ng saleslady sa mall.

    Good luck.

    Reply
  7. Wow, seryoso lahat ng sagot dito. Bihira ako makakita ng ganitong posts.hahaha makapanggulo nga. joke.

    Ito ang mga factors sa trabaho sa dati kong company (kung naaalala ko pa ng tama):

    Work – anong klase ng trabaho. Okay ba sayo ang trabaho mo? Nahihirapan ka ba? Nababagay ba sa position mo ang trabaho mo?

    People – mga nakakasalamuha mo sa araw-araw. Masaya ba kasama mga kaopisina mo? May nambubully ba sayo? Mababait ba? Okay ba ang boss mo?

    Opportunities – mga oportunidad para mapabuti ang sarili. me mga seminar ba? me natututunan ka ba? nagiimprove ba ang iyong kakayahan?

    Company – ang imahe ng kompanya. mganda ba ang tingin ng mga tao sa kompanya? maayos ba ang pakikitungo ng kompanya sa labas? dahil kung maganda ang imahe ng isang kompany sa publiko o sa industriya, malaki ang tulong sa resume mo kapag naisipan mo na lumipat.

    Environment – ano ang pakiramdam sa opisina. masaya ba? ligtas ba? nakakatulong ba sa pagkatao mo?

    Work/Life balance – mga proyekto ng kompanya para bigyan ng pagkakataon ang mga empleyado maenjoy ang buhay. Meron ba mga clubs na pwede salihan? team buldings? sport fest? mga kung ano-anong party at outing.

    timbangin mo mabuti kung ano ang mahalaga sayo ang kung nakikita mo ito sa kasalukuyan mong trabaho.🙂

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: