bisita

“Hindi na naman natin makakasama sina Sheryl.  Sobrang nami-miss ko rin ang kakulitan nina Ben at Ken. Pete, hindi na nila siguro tayo dadalawin… Sa tingin mo?”

“Edna naman, hindi pa tapos ang pasko…”

“Ano pang aasahan ko e mag-aalasdose na. Matatapos na ang misa, magsisiuwian na ang mga tao.  Buti pa sina Carlo at sina China, dinalhan ng pagkain ng kanilang pamilya.  Mabuti nga rin at binigyan din tayo, may mapagsasaluhan mamaya.”

“Huwag na siguro tayong umasa pa.  Pero malay natin baka bukas pupunta rin sila dito… Hindi ka pa ba gutom?”

“Mamaya na lang… Hayan, tumunog na ulit ang kampana ng simbahan, tapos na ang misa. Pauwi na ang mga tao para sa Noche Buena. Nakakaaliw naman ang mga tugtuging pamasko.  Nakakalungkot lang na hindi man lang sumaglit ang nag-iisang anak natin.”

“Busy lang siguro…”

“Madadaanan naman nila rito papunta sa simbahan.  Maanong dumalaw man lang sila.  Tila hindi na tayo naaalala ni Sheryl…”

“Ikaw naman, hindi naman siguro.”

“Bakit mo ba ipinagtatanggol ang anak mo?  Hindi mo ba gusto na sa ganitong okasyon ay magkakasama tayo?”

“E kung pumayag kang tayo na lang ang bumisita sa kanila eh di sana tapos na ang usapan. Tapos ngayon, nag-aalburoto ka.”

Hindi na lang kumibo si Edna. Nakatanglaw na lamang siya sa mga nagdaraang mga sasakyan at mga naglalakad sa di-kalayuan.  May naririnig na nagkakasiyahan at nag-aawitan. May mga batang nagpapaputok ng rebentador.

“Sana hindi magsisindi ng paputok ang mga bata…”

“Hindi magpapaputok ang mga iyon. Nerbiyosa ang anak mo. Hindi niya papayagan ang kanyang mga anak na magpapaputok.”

“Wala na akong gana.  Magpapahinga na ako…”

Naiintindihan ni Pete ang asawa pero wala siyang magawa.

Inakbayan ni  Pete si Ednang nangingilid ang luha.

Ibinaba ni Edna ang kamay ni Pete.  Hawak-kamay silang pumasok sa isang maliit na lalagyan kung saan nakalagak ang kanilang mga abo.

– – – – –

Maraming salamat sa iyo sa iyong pagdalaw at sa patuloy na pagsubaybay sa kung anuman ang naisulat sa bloghay na ito.

MASAGANANG BAGONG TAON SA ATING LAHAT!!!!

Hanggang sa muling pag-alingawngaw…

Advertisements

cloak of invisibility

Donned.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

MERRY CHRISTMAS AND A HAPPY NEW YEAR TO EVERYONE!

<3 @ # ———-

Sa gitna ng pag-uusap ng dalawang walang kuwentang nilalang:

A: So kamusta na ang iyong lovelife?

B: Zero.

A: Wow! Congratulations!! Am so happy for you, parekoy!!! At long last!!!!!

B: Ha?!?!?!?!?!!?

A:  Great improvement na yan! Kasi dati, kapag tinatanong kita, “Negative” ang parating sagot mo!

B:  Huh?!?!?  :O

 

<– |———-|———-|———|———-|———-|———|———-|———-|–>

-4         -3          -2        -1          0        +1       +2         +3        +4

 

So there goes love on the number line!

 

ika-walo

NAKAGIGIMBAL!!!!!!!!!                                     NAKALILIGALIG!!!!!!!

Kakaiba ang ika-walong libro ni Bob Ong ngunit nagustuhan ko ito. Kung hinahanap-hanap mo pa rin ang istilong nagpaibig, nagpaisip at nang-antig sa maraming mambabasa sa mga unang akda ni Bob Ong, marahil ihahalintulad mo na rin ito sa mga nahuling sinulat niya.  Maihahambing ang atake niya rito sa kuwento ayon sa pagkasunod-sunod na paglabas ng kanyang mga sinulat, na ang dulo sa tantiya ko’y paglilihis sa nakagawiang pormula, ang pagtuklas ng iba’t ibang dimensiyon ng pagsusulat:  malaya, mapanuri, mapangahas, mapusok!

Sumasalamin ang kuwento sa iba’t ibang karanasan ng tao na nagsisimulang mamulat sa mundo, sa pakikitungo sa mga taong nakapalibot sa kanya, sa pagharap o pagtakas sa hamon ng buhay. Katulad ng panghihikayat ko kina Toting Tagabukid, Tatong Tagalungsod at Nardong Toktok sa pamamagitan ng post na ito, hinihikayat ko kayong basahin ang libro upang inyong matunghayan ang kakaibang pilipit (twist) :D.  At sana magustuhan ninyo rin ang pagbabasa.

Huwag na ninyong pag-aksayahan ng panahong basahin ang nasa ibaba. Yung libro na lang ang bigyan niyo ng panahon.  Basa na!!!! 😀

Maari rin po kayong dumalaw sa site na ito:  http://www.youtube.com/watch?v=JZgmh48zUaI

——–

Dahil sa hangad kong mabiyayaan ng libre at nilagdaang sipi ng pang-siyam, ang bagong libro (Twisted 9) ni Jessica Zafra:

Tanong:  “Bakit Ako Nagbabasa ng Kung Anu-anong Shit sa Datkom ni Lio?”
Sagot: Bakit naman hindi?

Tagayan na!!!

here’s what I really wish for

I wish for….

TIME


 

…time to do whatever I need to do.

 

…time to do whatever I want to do.

 

…time to have fun.

 

…time to go home.

 

…time to find time!

hiling

Sana sa paskong darating

Matupad itong munting hiling:

 

 

 

Isang PAGKAKATAON para irog ko’y makita’t makilala

PUWANG na pupunan ko sa puso niya

MAHIKA upang mag-click kami sa isa’t isa

At ELLIPSIS para ang lahat ay magtuloy-tuloy na…

 

 

 

Oops, mayroon lamang babala!

Maghunosdili ka! Bago ka magmadaling itipa ang puna

Huwag na huwag kang kokontra

Dahil katumbas noon ay kahindik-hindik na sumpa:

Manguluntoy ang iyong manoy,

O di kaya’y magsara ang iyong puwerta!

Ganda’t libog mo’y mawawala!

Galing at husay mo’y di na uubra!

 

[Para sa Make a Wish List Raffle ni Salbehe]