paghinto

May isang bahagi ng blogosperyo ang malimit kong puntahan dahil sa mga nakakaaliw na kuwento ng payak na karanasan ng may-akda, dagdag pa rito ang naggagandahang mga guhit at higit sa lahat, binabalik-balikan ko ang kanyang mga tula.  Nagagandahan ako sa tula, kung kaya naman nakakapag-iiwan din ako ng tugon bagamat hindi nagpapakilala.  At nakakagalak na dalawang beses  pang naitampok ang aking iniwang bakas doon.

Noong Enero ay sinulat niya ang tulang “abante“.  Na aking tinugonan ng “pagtigil”:

noong gabing lango tayo
sa tapang at pait
ng kape

pilit kong inunawa
ang paliwanag mo sa akin

ang pag-usad, abante at pagsulong

ngunit paano ako makakaalis
kung hindi naman ako makakahakbang?

hindi ko makuha
ang pagsulong na sabi mo
mula sa dating kinatatayuan

hindi ko magawa
ang paglimot sa
mga alaala

habang may kulay pang aandap-andap
sa pagpikit ng mga mata

hindi ko pa kayang itiklop ang maleta
at hindi ako handa sa paghila at pagkaray
dahil may mga bakas na maiiwan

kaya ipahintulot mo sana itong pagtigil
at konting panahon na pagpapahinga

sapagkat itanggi mo man o aking ipagkaila

ang lahat ng ito’y nananatili…

nakahimlay sa ating gunita.

 

Wasak!

Previous Post
Leave a comment

7 Comments

  1. Ikaw pala ito. Hehe. Talentado ni Ser Mots. Halimaw yun e.

    Reply
  2. anyare kuya? daya!!!

    Reply
  3. lababo

     /  November 26, 2012

    San ka? Tara SM North!

    Reply
  4. Paalam kaibigan…

    Reply
  5. Nami-miss na kita.

    Reply
  6. Kuya Tarbs, hindi man lang ako nagkaruon ng pagkakataon para makadaupang-palad ka, pero lahat ng iniwan mong mga kumento at personal na payo ay magpakailanman na mananatiling buhay sa aking alaala. Paalam Kuya, kelan ko lang nalaman.😦

    Reply
  7. Kuya Taribong, naaalala ko pa noong una kang nagcomment sa blog ko at nagpalitan na tayo ng comments noon. At noong nakilala kita sa personal. Nanghihinayang ako na sandaling oras lang yun, dahil ramdam ko na mabuti kang tao. I think it’s almost a year since you left at one year ago na rin itong post mo. I wish you peace and same to your family as well.

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: