May isang bahagi ng blogosperyo ang malimit kong puntahan dahil sa mga nakakaaliw na kuwento ng payak na karanasan ng may-akda, dagdag pa rito ang naggagandahang mga guhit at higit sa lahat, binabalik-balikan ko ang kanyang mga tula. Nagagandahan ako sa tula, kung kaya naman nakakapag-iiwan din ako ng tugon bagamat hindi nagpapakilala. At nakakagalak na dalawang beses pang naitampok ang aking iniwang bakas doon.
Noong Enero ay sinulat niya ang tulang “abante“. Na aking tinugonan ng “pagtigil”:
noong gabing lango tayo
sa tapang at pait
ng kapepilit kong inunawa
ang paliwanag mo sa akinang pag-usad, abante at pagsulong
ngunit paano ako makakaalis
kung hindi naman ako makakahakbang?hindi ko makuha
ang pagsulong na sabi mo
mula sa dating kinatatayuanhindi ko magawa
ang paglimot sa
mga alaalahabang may kulay pang aandap-andap
sa pagpikit ng mga matahindi ko pa kayang itiklop ang maleta
at hindi ako handa sa paghila at pagkaray
dahil may mga bakas na maiiwankaya ipahintulot mo sana itong pagtigil
at konting panahon na pagpapahingasapagkat itanggi mo man o aking ipagkaila
ang lahat ng ito’y nananatili…
nakahimlay sa ating gunita.
Wasak!