Hello world! At ang di-inaasahang pagBASE

Kaninang  umaga,   hinihintay kong dumating ang anumang text message  patungkol  sa aking appointment sa Marikina City.  Bagaman batid ko na ang naranasang pagbaha sa lugar dulot ng nagdaang bagyong Ondoy at malamang hindi na matutuloy ang appointment ko,  umaasa pa  rin ako na maski papano, sana ay matuloy na rin ito sa wakas.

Mataas na ang araw nang pumunta ako sa  opisina.   Hindi na nga matutuloy ang appointment.   Ipinagdasal  ko na  lamang na ang aking mga ka-appointment ay nasa mabuting kalagayan, at  ang buong Marikina ay maging  maayos na  at mabilis na makabawi mula  sa   krisis upang sa gayon ang aking appointments doon ay matuloy na rin.

Mabilis kong natapos ang  ilang papel sa aking mesa.  Konti lang ito kung tutuusin sa nagkapatong-patong nang gawain.  Sumaglit ako  sa  ilang    websites ng mga  pahayagan at mga telebisyon upang alamin ang mga nagbabagang balita.  Kalunos-lunos  ang kalagayan ng  ating mga kababayan.

Bumisita ako sa bahay-blog ni Fr.  Fiel upang tingnan kung may bago  at kung sakali ay gumala rito sa kanyang mga nasulat na at hindi ko pa  nababasa.   Minsan kasi sa kanyang blog ay nakapupulot ako ng aral,  tuwa at inspirasyon.  Dati,   hindi ako  madalas na   nagagawi sa  kanyang blog,  liban na lang noong ginawan niya ng video  presentation sina bonistation at pinkdiaries.  Ang  kinatuwaan ko sa dalawa sa  kanilang blog marahil ay kinatuwaan  din ni Fr. Fiel  para siya makagawa ng isang astig na upload sa youtube.   Nag-comment pa nga ako dun hehehehe.

Hindi pa  ako nakaka-base  sa blog ni Fr.   Fiel, hindi tulad  nina  boypulubi at  topexpress na parating nakaka-base  at nangunguna na sa pa-contest. Nag-comment na  si livingstain sa naunang blog ni father. Naisip  ko  madami na ngang nag-aabang sa base awards.   Sinundan ni topexpess  ang comment  ni livingstain,  at  matutulog na daw siya dahil galing pa siya sa duty at muntik madapa.    Hahaha, the game is on nga sa bahay-blog ni Father.

Bumaba ako ng building  at kumain  sandali.  Pagbalik ko sa office, naidlip muna ako sandali.  Dahil  wala pa ang aking mga ka-opisina dahil  may pinuntahan,  masarap ang  pag-idlip ko.  Nasambit ko,  sana  maka-place  din ako sa Base  Awards   maski papano.  May tsansa ako dahil natulog na din  si topexpress.

Marahil  ay nagising ako sa aking pag-idlip  nang malapit na akong humilik (o kaya ay dahil sa ginising ako ng aking guardian angel!).  Medyo inunat ko ang aking leeg at umayos sa aking upuan.

Bago ko muling simulan ang aking trabaho, ni-refresh ko ang site ni Fr.  fiel, na naiwan ko.  May bagong entry!!! Hindi ako makapaniwala,  mauuna ako sa mga nag-aabang.  Ti-nype ko ang base  at  mga   ilang kinailangang  detalye.

At sa hindi pa   ako   talaga  makapaniwala,  ni-refresh ko ulit,  at tinanong  kung base nga ako kay father!  Naniwala  na lamang ako nang sumagot  ang baby priest.    Mapagbigay talaga ang Lumikha!

Ayos!!! First Base  ako at  may 100 points.   Ito  ang  simula  ng aking  muling pag-antabay sa susunod na posts…

Sana, maka-place  ulit. At   sana, di ako mahuli ng boss  ko  kung sakaling hindi  ko pa natatapos ang mga gawain sa mesa ko hehehehehhe (Di bale,  tatapusin ko muna ang mga ito  bago pa man dumating ang mga araw ng  pag-aabang.)

Leave a comment

18 Comments

  1. welcome to my contest taribong!

    you are now in the race with 100 points for your first base!!!

    isasama na kita sa links ko…

    Reply
  2. taribong

     /  September 29, 2009

    Thank you very much father!!! Looking forward for your upcoming posts…

    Reply
  3. Nikko

     /  September 29, 2009

    congrats po..😉
    hehahaha

    talagang kinuwento ah~
    yay~ congrats..
    nakahabol ka po sa pakontes ni Fr. Fiel..🙂

    astigg~

    Reply
    • taribong

       /  September 30, 2009

      Hehehehe para lang may maisulat… Tutal, nagkukuwento na rin lang si Father, makikikuwento na rin ako hahaha

      Salamat Nikko sa pagdalaw. Hanggang sa muli…

      Reply
  4. hehehehe at special mention pa ako ha. hehe.

    Reply
    • taribong

       /  September 30, 2009

      Syempre naman, kung hindi dahil sa inyo e hanggang basa at dalaw lang ako sa mga blogs ninyo hehehe. Salamat ulit…

      Reply
  5. huli ka!~ ahehehehehehe! BASE! THIRD BASE! hahahahah me points ako?😛

    musta kuya taribong.😛 hang kyut namn ng name taribong taribong taribong…😀

    Welcome to the race and blog world. Masaya ang buhay bloggista, madami ka makikilala at matututunan sa mag buhay at karanasan ng kapwa blogger natin. o ano pa hinihintay mo…. BASE na! este blog na! ahehehehe

    apir! add kita sa blog roll ko ha! ahehehe

    salamat sa special mention mo sa name ko! ahehehehe

    Reply
    • taribong

       /  October 1, 2009

      Maraming salamat din sa iyo. laboy nga ako sa mga blog niyo dati, lalo pag walang ginagawa o kaya ay sumasaglit kung sobrang pressure sa trabaho. At eto ngayon, sinusubukang maging bahagi sa mundo ng mga bloggista hehehe
      Yung sa pangalan naman e, hindi ko din alam ang pinanggalingan hahahaha.
      Apir!

      Reply
  6. Wag ka magalala makakabase ka din.Hehe.. Taga marikina ka ba? Binaha ng super dun pati d2 samin. Pero di inaBOt bAhay namin.

    Reply
    • taribong

       /  October 1, 2009

      Sa QC po ako nakatira ngayon, medyo binaha din ang aming lugar. May lakad lang sana ako sa Marikina pero hindi na natuloy dahil sa pagbaha. Naliban ang mga pagpunta ko doon.
      Nakakaawa talaga ang mga nasalanta ng bagyo. Lalo na ang mga taga-Cainta…

      Reply
  7. kaye

     /  October 1, 2009

    ako fourth base?

    heheehe napadaan lang po.🙂

    Reply
  8. Haha. Ako nga hanggang 2 points lang ang kaya ko! Pero ikaw fume first base! baka ikaw ang mag homerun dyan sa pakontes ni Father Fiel!

    Reply
    • taribong

       /  October 22, 2009

      Nagkataon lang iyon. Buenas lang talaga heheheh. Kaya lang, may mga lakad na kasi sa ibang dates sa contest kaya baka hindi na rin ako makatakbo hehehhe. Nakapanghihinayang kung sakali kaya nag-suggest ako kung puwede i-share ang points heheheheh. Hindi kinagat ang proposal, kaya go, go, go basers na lang. Sana maka-homerun ulit heheheh. Sana ikaw din, paganahin ang mga radar sa parallel universe para ma-synchronize ang pagpost ni Father Fiel sa pagbukas ng iyong computer heheheh. Thanks ulit sa pagdalaw…

      Reply
  9. congrats, nangunguna ka sa base game lol.
    yan pa lang lahat ng blogpost mo? dika pa rin katagalan nagba blog? hahaha.
    agang aga tumayo balahibo ko dun kay mang omeng lol.

    Reply
    • taribong

       /  November 12, 2009

      Yap, hehehe. Isa sa mga dahilan na nakagawa ako ng blog e angpagsali sa base contest wahahahahha. Eto ang palaruan sa gitna ng trabaho hehehehhe.

      Ayos ba yung kay Omeng? true to life yun. Totoong nangyari talaga. Nakupo, daragdagan ko pa sana ng ibang naiisip kong katatakutan, fiction or non-fiction, e baka tuluyang mawalan ako ng mangilan-ngilan kong mambabasa. Natakot nga si p0kw4ng, di na niya tinuloy magbasa… Salamat sa pagdalaw. Hanggang sa muli.

      Reply
  10. manong, isang taon na mula nang isulat mo to. isang taon nang umaalingawngaw ang TARIBONG😀

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: