Ang Unang textBase

Pasado alas dos pa lang ng madaling araw, bumangon  ako  sa  aking  higaan.  Sa  susunod na kalahating oras ay hindi na ulit ako makakatulog.  Mga pahiwatig daw ng pagtanda,  ewan ko kung totoo.

Binuksan ko ang  ilaw at kinuha ang aking cellphone mula  sa bulsa ng aking  pantalong nakasabit sa dingding.  Walang bagong text messages.  Napagpasyahan ko na tanggalin na lang ang mga hindi mahalaga o hindi kaaya-ayang text messages.

Mga dalawampung text messages na ang  aking na-delete nang  mabasa ko ulit ang text message ni Fr. Fiel:   “Oha! Plus 50!”

Napangiti ako at mabilis kong pinuntahan ang unang text base  entry na aking pinadala sa kanya: “We are saved  by hope.” (Romans 8:24)  >Taribong po ito father

Ano nga kaya ang kahulugan nun?

Unang naisip ko si Pandora.  Hindi ba’t sa kanya ipinagkatiwala ang kahon na bawal buksan.  Sa kanyang pagsuway, humulagpos mula sa kahon ang iba’t ibang kasamaan sa tao.  Naiwan sa  kahon ang  isang  katangian:  pag-asa.

Pangalawa  kong naisip  ang tv feature noong Miyerkules.   Nabanggit  ni Jim Paredes  na ang mga higit na nakaka-survive sa   mga refugee camps o  evacuation  centers  sa  iba’t  ibang bansa ay ang mga  taong may vision para  sa future.

Ang mga napinsala kaya ng bagyo,  ganon  din? Ang mga nakahimpil sa  kanilang bubungan at umaasa na humupa na ang ulan at pagbaha.  Silang mga nagdarasal na sana ang mga  sasaklolo ay dumating na.  Silang mga naghihintay ng tulong kahit pamatid-gutom man lamang.  Hangad  kong  makaligtas sila  sa  pagsubok na dinaranas.

Gaano man kalaki ang hirap ng bawat isa sa atin, magpapatuloy pa rin ang pag-ikot ng mundo.  Hanggang may buhay ay may pag-asang  makakaahon  pa rin.  Manalig lamang tayo sa Kanya.

Ah, ang tao at ang kalikasan.

Ang tao at ang kanyang Diyos.

Higit na maipaliliwanag ni Father Fiel ang mga ito.  Ahem, ang layo na nga ang narating ng base awards  ni father.

Ngunit  teka,  “tayo ay maliligtas ng PAGASA”.  Hindi  ba’t hindi  inasahan ang  dami ng tubig na ibinuhos ng Bagyong Ondoy dahil  sa  kakulangan ng kagamitan ng  ahensiya?    Kung naging maagap lang  ang pamahalaan sa   pagkakaroon ng  Doppler radar ng PAGASA . . .

Lumalakas na ang hangin mula sa labas.  Paparating na nga  ang  bagyong Pepeng,   dala  ay panibagong  pagsubok.

Dinadalaw ulit ako ng  antok.

Sana’y hindi  tayo mawalan ng pag-asa.

Next Post
Leave a comment

4 Comments

  1. …at first base ako dito!

    Reply
  2. “we are saved by hope” — yan ang napili ko sapagkat ang pag-asa ay Christian virtue. Ang mga sinaunang kristiyano ay hindi nawalan ng pag-asa sa kabila ng persecutions. naniniwala sila na kahit i-torture sila, pahirapan sila, ipakain sila sa mga tigre at lion, kumakapit sila sa pag-asa na kahit mamamatay sila, bubuhayin naman sila ni Kristo at magkakaroon sila ng kanilang resurrection.

    yan ang napili kong unang isalang sa text base kasi applying that in our context today, tayong mga pinoy ay di dapat mawalan ng pag-asa sa kabila ng mga hirap na dinaranas natin. God prepares a bright future for us, ika nga. habang may buhay, may pag-asa.

    ang isang taong umaasa ay uma-asam! Pag-asam sa isang bagay na kanyang minimithi…go, go, go.

    Reply
    • taribong

       /  October 3, 2009

      Salamat po, father. Sana po palagi kayong nariyan lalo kung may kailangang isangguni hehehehe
      Tunay kong iginagalak na magkaroon ng kaibigang tulad ninyo!

      Reply
  3. kaye

     /  October 3, 2009

    hanep si fads, at kinakarir ang pagebase sa mga blogs. hehe

    napadaan lang. mamaya ako basa kasi nanggugulo ang mga piglets ko…

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: