REPOST: basag sa maalinsangang gabi

Putok na naman sana ang bibig ni Miriam kung hindi  siya mabilis na nakailag sa suntok ni Dante.  Lasing ulit ito at mabibigat ang mga kamay. Kaya naman limang beses nang nakunan si Miriam.

“Ang tagal-tagal mo. Bilisan mong ihain ang dala mo. Maligo ka na rin,” bulyaw ni Dante.

Pinipigil ni Miriam ang poot sa asawang tatlong taon nang walang trabaho.  Kinamumuhian niya ang marahas na pakikipagtalik, lalo na kung sinasakal siya hanggang sa malapit na siyang mawalan ng ulirat.

Ibinuhos ni Miriam ang mga pakete ng  durog na paminta at arsenic sa dalang pansit.  Nilagyan din niya ito ng kalamansing may hiwa sa gitna saka niya inihain sa asawa.

“Magpapahangin lang ako,” sabi ni Miriam.

Mabilis ang mga hakbang ni Miriam palabas ng bahay.

Kakaiba ang siphayo ng hangin maski na galing sa mga tambutso ng mga humaharurot na sasakyan.

Published on: Apr 5, 2011 @ 16:46

*Repost para sa pagdiriwang ng ika-anim na taon ng pagsusulat ni Gillboard sa blogosperyo.

Summer Overflow

Noong isang araw, sa gitna ng mga gawain sa loob ng parang-hindi-lumalamig na opisina:

Amos (habang nagbabasa ng mga artikulo tungkol sa pagmimina):  Serg, ano yung basalt?

Serg (habang tumitiklado sa harap ng kompyuter):  Basalt… isang uri yun ng igneous rock!

Tumingin si Serg sa dako nina Amos, Jeff at June. Nakatitig na lang ang tatlo sa mga hilera ng mga babasahin sa kanilang harapan sa conference table.

Mabilis na ginoogle ni Serg kung isang igneous rock nga ang basalt.

Ang larawang ito ay hinugot mula sa http://en.wikipedia.org/wiki/Basalt

Nangiti siya sa search results.

Jeff: E yung limestone?

Serg:  Sedimentary rock! Pakigoogle kung tama. (natatawa) Iihi lang ako sandali at baka magkaroon pa ako ng kidney stones o gall stones.

June: Serg with the Kidney Rock! (tumawa) Di ba’t bato ang tawag sa kidney? Ang kidney stone- bato sa bato?!?!?

Ano sa tingin mo ito?!?! Ang larawan ay hango mula sa http://www.emedicinehealth.com/kidney_stones/article_em.htm#

*    *     *

Pagkaraan ng ilang oras, sa internet chat:

Buds (shoutout): Hand over my heart, I’ll find my way!

Serg:  How patriotic! May flag ceremony? Kakanta ba ng pambansang awit??

Ang laro ni Buds. (Ang larawan ay mula sa http://farm4.static.flickr.com/3427/3360891586_8faa74b1be.jpg)

Buds(hindi pinansin ang comment ni Serg sa shoutout, sanay na kasi):  Serg, laro tayo ng wheel-of-fortune. Game!

Serg: Sige. Anong category?

Buds: _ A _ _ A.  Go!

Serg: BAKLA.

Serg: BAKYA.

Serg: BALYA.

Buds: Ubos na pera mo. Bankrupt ka na.

Serg: e hindi mo naman kasi sinabi kung ano category.

Buds: People.

Serg: BANDA.

Buds: Mali.

Serg: Aw. Sirit na!

Buds: SANTA.

Serg: Ha? Magpo-protesta ako. Hindi dapat kasali ang santa sa category na people.  Deds na siya at elevated na sa pagiging tao!

Buds (hindi papansinin si Serg): NEXT CATEGORY: PLACES…..

*     *     *

Kahapon, tanghaling tapat. Mainit ulit!

Serg:  naglunch na kayo?

Bart:  hindi pa po

di pa gutom

kaw po

Serg: iniisip ko pa

Bwahahaha

*     *     *

Hayst! Ang init talaga ng panahon!!

Nakakatuyo ng utak!!! Makapagtagayanswimming nga mamaya….

O ano? Tara na!!! Let's dive in!!!! (Ang larawan ay mula rito. Salamat!)

usapang lasing

(Paumanhin. Kabilang pa rin po ito sa shot series.  Salamat sa pagtangkilik sa munting pitak na ito sa blogosperyo. :D)

bong:  anyare kay Dondon?!?!?!

Dan : hahaha ewan ko dun

wala pa

malungkot pa din

bong: nag-inom?!?!?! :))

Dan : ay hindi

hahaha

hindi nman un ganun

hahaha

bong:  uu nga bwahahaha

Dan : panu mo nman nasabing “uu nga”

hahaha

bong:  mahirap mag-inom mag-isa lalo na pag may problema

Dan : ahhhh

hahaha

bong: kung may kasama, okay lang para mailabas ang lahat ng sama ng loob

Dan : tama!

pero kung ang katagay ay ikaw

nakow

malalasing un sa bilis mo

:))

bong:  haha

at least maibubulalas na niya ang lahat ng gusto niyang sabihin

lahat-lahat

hanggang sa bumaliktad ang sikmura niya

=))

literal na paglabas ng sama ng loob hanggang sa isumpa na niya ang pag-inom

isusumpang hindi na iibig muli

bwahahahaa

ngunit muling iinom

muling iibig

dahil ganon ang buhay

patuloy lamang

tuloy-tuloy

😀