ika-walo

NAKAGIGIMBAL!!!!!!!!!                                     NAKALILIGALIG!!!!!!!

Kakaiba ang ika-walong libro ni Bob Ong ngunit nagustuhan ko ito. Kung hinahanap-hanap mo pa rin ang istilong nagpaibig, nagpaisip at nang-antig sa maraming mambabasa sa mga unang akda ni Bob Ong, marahil ihahalintulad mo na rin ito sa mga nahuling sinulat niya.  Maihahambing ang atake niya rito sa kuwento ayon sa pagkasunod-sunod na paglabas ng kanyang mga sinulat, na ang dulo sa tantiya ko’y paglilihis sa nakagawiang pormula, ang pagtuklas ng iba’t ibang dimensiyon ng pagsusulat:  malaya, mapanuri, mapangahas, mapusok!

Sumasalamin ang kuwento sa iba’t ibang karanasan ng tao na nagsisimulang mamulat sa mundo, sa pakikitungo sa mga taong nakapalibot sa kanya, sa pagharap o pagtakas sa hamon ng buhay. Katulad ng panghihikayat ko kina Toting Tagabukid, Tatong Tagalungsod at Nardong Toktok sa pamamagitan ng post na ito, hinihikayat ko kayong basahin ang libro upang inyong matunghayan ang kakaibang pilipit (twist) :D.  At sana magustuhan ninyo rin ang pagbabasa.

Huwag na ninyong pag-aksayahan ng panahong basahin ang nasa ibaba. Yung libro na lang ang bigyan niyo ng panahon.  Basa na!!!! 😀

Maari rin po kayong dumalaw sa site na ito:  http://www.youtube.com/watch?v=JZgmh48zUaI

——–

Dahil sa hangad kong mabiyayaan ng libre at nilagdaang sipi ng pang-siyam, ang bagong libro (Twisted 9) ni Jessica Zafra:

Tanong:  “Bakit Ako Nagbabasa ng Kung Anu-anong Shit sa Datkom ni Lio?”
Sagot: Bakit naman hindi?

Tagayan na!!!

gasgas

Bakit parating mali ang sagot ko tuwing tinatanong ako kung ilang taon na ako?  Magpa-hanggang ngayon ay hinahanapan ko ito ng paliwanag…

Hindi ba’t isang kapangyarihan ang pagtigil ng pagtanda? Kay inam maging bata at maraming nagagawa. Malaya.  Ngunit may limitasyon—ang pagiging responsable.

Marahil nga’y nagpapabata ako; pilit na itinatago ang edad kahit halata rin naman. Maraming gustong gawin. Pilit pinagkakasya ang mga oras ng paggawa sa isang araw.  Hanggang sa abot ng makakaya.  Hanggang sa kayang sagarin.

Sapol ako sa sinabi ni Mang Ernesto kay Rogelio:

“Hindi kulang ang kapangyarihan ng tao. Tayo ang kalabisan. Ilusyon. Xxx”

Tungkulin mong tumulong sa kapwa dahil may kakayahan ka at gusto mong tumulong. Pero wag mo kakalimutan na hindi mo mababago ang mundo at hindi mo maililigtas lahat ng tao.  Hindi ikaw ang unang nagtangka… hindi ikaw ang magiging huli… hindi ka solusyon. Pero hindi dahilan yon para mawalan ka ng pag-asa at tumigil sa pagbibigay nito.

“Gawin mo ang tingin mong nararapat bilang tagapagligtas, pero wag mong pababayaan ang sarili mo bilang anak ko.”

“Maging bayani ka ng sarili mong buhay.”

(Ong, Bob. Kapitan Sino. Pasay City: Visprint, 2009.)

Katuwang ang mga nahalal na tagapaglingkod ng ating bansa, marapat lamang na gawin natin ang ating mga tungkulin. Kanya-kanyang parte, sama-sama, kapag pinagbuklod ay magiging isang buo.

“Xxx Si ‘Ging-ging’.  Hinabol nya si Bok-bok na kilala niyang kaibigan ni Rogelio at tinanong habang nagpupunas ng luha.

‘Kuya! Kuya! Mag-aayos ka rin ba ng mga sira?’

Nginitian siya ni Bok-bok. ‘Kung ano ang kaya ko.’

Kumislap ang mga mata ng bata sa tuwa. ‘Ako rin!’ At iniunat nito ang mga kamay na parang lumilipad na ibong habang tumatakbo papunta sa iba pang bata.”

(Ong, Bob. Kapitan Sino. Pasay City: Visprint, 2009.)

Ako si Taribong, 34. Pilipino. At mahal ko ang Pilipinas.