REPOST: puga(s)

Hunyo 12, 2010

Mahal kong Cora,

Kumusta ka na? Sana ay parati kang nasa mabuting kalagayan. Maayos naman ako dito maski papano.

Ipagpaumanhin mo na ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na sumulat pagkaraan ng halos isang taon.  Sana ay humupa na ang iyong galit at hinanakit sa akin.

Hindi na ako magpapaliwanag.  Mas lalo lamang lalalim ang mga sugat na marahil ngayo’y naghilom na.

Mabagal talaga ang takbo ng katarungan dito sa atin.  Gayunpaman, nagpapasalamat pa rin ako na madidinig ang aking panig sa takdang panahon, hindi katulad ng kay Hesus na dinakip at pinarusahan kaagad na hindi man lang binigyan ng pagkakataong ipagtanggol ang sarili.

Narinig ko lang yung kuwento kay Hesus. Iba’t ibang relihiyon kasi dito.  Si Omar, limang beses magdasal kada araw; hindi ko kaya yon.  Si Iking, hindi naniniwala sa Diyos.  Anu’t ano pa man, natututo kaming igalang ang kanya-kanyang pananaw sa buhay.

Dalawampu kaming nagsisiksikan sa loob ng masikip, mainit at amoy-pawis na silid na de-rehas.   Kami nga’y naging mapagtimpi at mapang-unawa sa ugali, kaisipan at damdamin ng ibang tao. Mas lalong magiging masaklap ang aming kalagayan kung hindi kami magbibigayan.

Ngayon ko lang napapahalagahan ang pagiging malaya.  Bilanggo nga ako ngunit hindi ang aking diwa.  Taglay ko ang kamalayang malaya.

Sa pagkakasadlak ko dito, nakakapagmuni-muni ako at pilit na binubuo ang aking pagkatao. Magsisikap akong ipasa ang pagsusulit na magtatakda sa antas ng aking kakayahan para makatungtong sa kolehiyo.  Balang-araw matutupad rin  ang ating mga pangarap at maipagpapatuloy natin ang masayang nakaraan…

Ngunit aminado akong maraming maaaring mangyari dahil sa ating pagkakalayo.  Kung darating ang pagkakataon, hindi kita pipigilang magmahal sa iba.  Karapatan mo ang maging maligaya.  At magiging masaya ako na ikaw ay magiging masaya.

Sa ngayon, hayaan mo muna akong manatiling bihag ng iyong pag-ibig.

Umaasa at labis na nagmamahal.

Jake

P.S. Ibon man may layang lumipad (Kailan kayang ang ibon ko’y sa iyong pugad muling mapadpad)

Published on: Jun 12, 2010 @15:39

*Repost para sa pagdiriwang ng ika-anim na taon ng pagsusulat ni Gillboard sa blogosperyo.

Leave a comment

91 Comments

  1. ito ba ang entry mo tay taribong sa pakontes ni lolo jkul? naks!

    ganito na ang naiisip kong konsepto para sa patimpalak ni lolojkul eh kaso hindi ko maumpisahan. hakhak!

    anyways, timing na timing naman ang iyong entry sa independence day!

    happy independence day! yeeehaaaa!

    Reply
    • sinadya ko, eloiski.😀

      maligayang araw ng kalayaan din sa iyo! yeeehaaaaa!

      sali ka na rin😀

      Reply
  2. ummm…ang sarap magbasa Taribong dahil ito’y isang kuwento ng pag-ibig.

    “…hindi kita pipigilang magmahal sa iba. Karapatan mo ang maging maligaya. At magiging masaya ako na ikaw ay magiging masaya.”…may pagka martir sa lalim ng pagmamahal.

    “…hayaan mo muna akong manatiling bihag ng iyong pag-ibig.”

    ummm at ibong naghahanap ng sariling pugad…hehe.

    Ingat lagi & God Bless!

    Reply
    • maraming salamat po Tats. Espesyal po sa akin ito dahil nagustuhan niyo hehehe
      (at hindi nakawala sa inyong paningin ang dulong parte :D)

      Reply
  3. toni

     /  June 13, 2010

    para sa kamalayang malaya kasabay ng isang mapagpalayang araw.

    kumusta ang puso mo kuya Tars?

    Reply
    • toni

       /  June 13, 2010

      kala ko pulgas, takas pala.

      Reply
    • haha takas nga mula sa pagkakakulong….😀

      maraming salamat, toni, sa iyong walang sawang pagtangkilik. hanggang sa muli….

      Reply
  4. Parang pang Maala ala mo kaya ang entry mo sa kuntes Kuya Taribs. Hindi ko kinaya. Haha.

    Pero naalala ko ang isa sa mga pinaka magandang pelikulang pinoy na napanuod ko, Selda.

    Saka naalala ko kung gano kalake binabayad naten sa tax kada sahod tapos walang improvement ang tsura ng mga preso sa Pinas. Amoy pawis kahit sang sulok.

    Reply
    • Kayanin mo, Vajee… Kaya mo yan…

      Selda? Hmmm, Selya yata ang napanood ko. Kay Rosanna Roces ba iyon?😀

      Anong kulay ang gusto mo sa mga dingding ng preso? Sana nga mag-donate ang mga planta ng Zonrox, Domex, Lysol, etc…..

      Reply
      • Selya? Anong Selya? Adik ka Taribongbong! Hahaha.

        Google mo Selda.

        YELLOW GUSTO KO. Sige magsisi ka sa pagtatanong. Hahaha.

        Reply
        • Haha Ang lalaki sa buhay ni Selya, i-google mo hahhaaha

          Sabi ni Jake, yellow na daw ang kulay ng kanilang selda kaya lang nababakbak na😀

          Reply
          • Wow panalo ang selda nila Jake! Mas maganda pa sa kwarto ko! hahaha.

            Reply
            • Haha gusto mo dun sa selda nina Jake?!? Gusto mo makalimutan muna niya kahit sandali si Cora?

              Reply
              • Teka Taribongbong! Nalimutanko ang pangalan ng characters sa Selda pero ganyan nga ang storyline non! Magandang movie! Panurinmo!🙂

                Reply
                • wow, gustong gusto mo talaga ang pelikula ha?!?

                  sige magtanong ako kay manang pirata kung may kopya sila……

                  Reply
                • Sobrang bihirang pirated copieslalonapagdimasyadongpopularagmovie.MalamangmakakitakasaVideoCity.Hehe,donakonakarenteh.:)MAGANDAPRAMIS.Kasodikoalamkungpapasasatastemo.Medyoliberalkase.

                  Reply
  5. Ang swerte ng gabi ko. Kailangan ko siguro ulit umpisahan.

    Tungkol pala ito sa kalayaan ng damdamin at kamalayan. Noong high school, sumulat ako sa campus newspaper namin entitled ‘Nakakatakot ang Kalayaan.’ Literary piece dahil ako ang literary editor. Sinulat ko ang freedom at independence ng isang tao. Pinaikot ko sa irony of the world yung artik ko. Sa kalayaan at kasarinlan ng isang nilalang na sinasaklawan ng batas, karapatan at kalayaan ng isa pang nilalang. Big deal sa akin yung artik na yun kase gifted lahat ng kasamahan ko kaya sabi ko, dapat makapagproduce din ako ng pang worldwide na artik. Hehe.

    Medyo na caught ang attention ako sa linyang ‘to:

    “Mabagal talaga ang takbo ng katarungan dito sa atin.”

    Ayokong ipagtanggol ang judiciary system natin, pero may proseso na sinusunod ang korte. Hindi rin ako expert sa larangan na’to, pero naniniwala ako na hindi mabagal ang takbo ng katarungan.

    Lahat kailangan pag-isipan. Nakasalalay sa korte ang desisyon kung saan kailangan pag-aralan ang bawat anggulo ng kaso.

    Kailangan ng maraming oras.

    Actually, yun lang yung gusto ko sabihin. Kailangan nila ng maraming oras.

    Siguro antok na ako. I am not making any sense at all. ;]

    Reply
    • Taya ka na sa lotto dali….

      Haha tanggap na ni Jake ang kanyang sitwasyon, pati ang proseso ng pagkamit ng katarungan. Ito ay matutunghayan sa mga pangungusap ng paghahambing kay Hesus :kindat:😀

      Hindi ka antok, Ax. Naalimpungatan ka lang hahaha. You perfectly make sense! ;]

      Reply
  6. Kailangan mo ng attorney may kakilala akong pumo-pro bono. lol

    anw Maligayang araw ng kalayaan (BELATED)

    Reply
    • Ipinagpapasalamat ko ang manananggol mula sa Public Attorney’s Office. Alam kong hindi niya ako pababayaan.😀

      Maligayang linggo ng kalayaan! Maraming salamat!!

      Reply
  7. Maraming maraming salamat po. Ipapaumanhing wala akong ibang masasabi pansamantala tungkol sa akda.

    Reply
  8. grabe. naaantig ako sa liham…

    batid ang muling paglaya ng katawang tao ngunit ang kamalayan ay nakakulong pa din.

    tapos natawa ko dun sa naka strike through! wahahahahahaha ang kulet may halong sapok!

    Reply
    • Magandang umaga, jasonhamster!

      Maraming salamat at mabibigyan ako ng pagkakataong magpaliwanag hehehehehe. Hindi po nakakulong ang kamalayan ni Jake. Hindi na lang sa loob ng selda ang kanyang iniisip at pinagkaka-interesan. Higit pa roon…. Malawak na ang kanyang pananaw: ang kinabukasan niya, ang pagkakaroon ng katuparan ng mga pangarap niya kasama si Cora, ang pagkilala at paggalang sa pagkakaiba-iba ng bawat tao sa relihiyon at pag-uugali, atbp.

      Samakatuwid, malaya ang kamalayan ni Jake, at walang sinumang makapipigil sa kanya, igapos man o lagyan ng tanikala ang kanyang katawang lupa.😀

      Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang Pilipino!! 😀

      Reply
      • pero minsan sasagi sa isipan nya ang kadilimang noon pa may bumalot sa kanya. pero maghihilom naman ito paglipas ng mga panahon para maging ganap na malaya.

        (papalusot pa ko)

        Reply
  9. waw sakto independence day ang post!

    Reply
    • Jake: Habang tinatanaw ko sa maliit na bintana ang pagtaas ng ating bandila, dumaloy ang inspirasyon sa aking kalamnan upang pakawalan ang kaisipan at saloobin at tuluyang maibulalas hindi ang daing kundi ang kamalayan na sana’y umantig sa sinumang makatunghay. Maraming salamat, sa ngalan ng kaibigang taribong.

      Reply
      • hala si jake nga in the flesh! hi jake!

        congrats!

        kung naninibago ka pa sa kapaligiran ngayon at sa mga kaganapan, pede kitang tulungan.

        Reply
        • Jake: nakipag-mental telepathy lang kay Kuya Taribong. Hindi raw niya mahanap si Cora, pakitulungan please…

          Reply
          • sige sige… kaya natin hanapin si cora…

            gagamit tayo ng telekenesis o kaya ipapanawagan naten kay jubert sucaldito

            Reply
  10. naks lab story eto! ehehhhe.
    bilisan mong lumipad para makadapo agd sa pugad!(hindi ka pa nman cguro huli)🙂

    Reply
    • hehehe pinakahihintay ko ang muling paglipad. sa ngayon, kailangan kong makontento muna sa paglipad ng kamalayan, parang mind over matter. hmmm masubukan nga ang bilocation….

      Reply
  11. ang galing nman ni jake, hindi ko alam kung anu bang umpisa ng kwento at nandun sya nakakulong. pero the fact the hindi hadlang ang mga rehas sa pangangarap nya, katumbas na rin nun ay kalayaan at pag-asa.

    Reply
  12. Ang lungkot nito:

    Sa ngayon, hayaan mo muna akong manatiling bihag ng iyong pag-ibig.

    Tisyu please.

    Reply
  13. ang ganda ng mensahe. Na kahit naka kulong na sia di pa rin sia nawawalan ng pag-asa. Tinatanaw nia ang darating na panibagong umaga ng may pag-asa sakabila ng kalagayan nia. Sana lahat ng mga taong makaranas ng kabiguan ay ganito ang maging estado ng puso’t isipan. Naipakit arin ang pag galang sa paniniwala ng bawat isa. Napaka ganda.

    Reply
    • wow! napayuko naman ako sa inyong tinuran. maraming salamat, etchosera. hanggang sa muli….😀

      Reply
  14. Magandang umaga sa lahat.

    Salamat sa pagbabasa ng mga lahok ng magagalaing na blogger sa aking pasiklaban

    Reply
  15. lab muvs in mistiryus ways. bow.😉

    Reply
  16. waah! parang ayoko ng sumali…hahaha, ang gagaling ng mga entry…sana may maisulat ako…haha

    Reply
    • meron kang maisusulat, at mas mahusay pa sa mga naunang entries.. post mo na agad haha good luck sa ating lahat😀

      Reply
  17. ang lungkot naman po ng kwento.. medyo natawa lang ako sa p.s. hehe..

    thanks po dito..

    Reply
    • may pag-asa pa kay Jake, at sa relasyong Jake at Cora…

      hehe alin dun? hindi na kasi ma-delete yung nasa dulo, naka-permanent ink yata hehe

      maraming salamat din sa iyo, orville.😀

      Reply
  18. Magandang umaga po sa lahat. Salamat po talaga sa mga nagbabasa.

    Reply
  19. hello world!

    patambling muna dito kuya taribong!

    hohohoho

    Reply
    • wow, isang masigabong palakpakan para kay birthday boy, andito tatambling, yeheyyyyyy!!!! hohoho😀

      Reply
  20. “Kung darating ang pagkakataon, hindi kita pipigilang magmahal sa iba. Karapatan mo ang maging maligaya. At magiging masaya ako na ikaw ay magiging masaya.
    Sa ngayon, hayaan mo muna akong manatiling bihag ng iyong pag-ibig.”

    Nakanaman! Kuya Tarbs! ang Cheezy ng poste mong ito ah.. Alam kong hindi lamang sa pag-ibig umiikot ang poste mong ito. Pero ang galing ng pag-kakasulat!

    Ingat at Godbless!

    Reply
  21. Sosyal na bilanggo nakuha nyang magblog hehehe…

    Reply
  22. awww… may kamalayang malaya entry ka na din. hehehe

    Reply
    • hehehe ni-revise para maipasok na entry😀 kumusta ang singapore? haha hindi na bunso si Cassie?!?😀

      Reply
      • hahaha! sira! bunsong bunso na si Cassie, di na madadagdagan pa.🙂

        singapore…ayun dami intsik, malay at indiano. hahahah! at shempre, napakaraming pinoy. hahahaha!

        kulang ang bakasyon, di kami makapagtagal kasi iwan ang mga bata eh. mahirap na. kasama ko si ate kara, bong at sister kong si anne.🙂

        Reply
  23. dahil kahit ikulong man tayo,lagi pa ring naglalakbay ang kaluluwa natin sa bahagi ng daigdig na hindi abot ninuman.doon,malayang malaya tayo.

    ang gandang sulat nito,taribong.

    Reply
  24. dhyoy

     /  June 18, 2010

    minsan ang hirap makipaglaro sa tadhana, may mga taong nagmamahalan ngunit pinaglalayo ng pagkakataon, sitwasyon at kanya-kanyang responsibiidad… pero naniniwala ako na kapag TAMA na ang panahon, tadhana din ang maglalapit sa mga taong ito…

    makakadapo na ang dapat dumapo!😆

    Reply
  25. lee

     /  June 19, 2010

    Ibon mang may layang lumipaaaaaaaad
    kulungin mo at umiiyaaaaaaaak
    bayan pa kayang sakdal dilaaaaaaaag
    ang di magnasang makaalpaaaaaaaas

    lastek taribong nahahawa tuloy ako minsan makata minsan manganganta minsan manunula

    wala na si cora, nagtanan na ng matandang kalbong byudo sa inis kay Jake, dang kase naman tong si Jake e susulat din lang pala hinintay munang napudpod yung daliri ni Cora kakasulat sa kanya.
    daming storyang story talaga sa preso,yung bahay kasi ng kapatid ko papasok ng bilibid mwehehe.

    Reply
    • Wow! Nagpa-practice ka na sa inauguration ni Noynoy?!? hehehehe😀

      Sige, gagawan natin ng kuwento si Cora, pero gusto ni Salbe happy ending… abangan….

      Talaga?!? mukhang interesting dun sa kanila hehehe malawak naman yata ang bilibid, malaking community na rin sa looban….

      Maraming salamat, lee.😀

      Reply
  26. toni

     /  June 20, 2010

    happy Fathers Day kuya Tars at magandang araw.

    Reply
  27. happy Fathers Day kuya Tars at magandang araw.

    Copy paste ko lang sabi ni Toni.

    Hi Tar.

    Reply
    • Maraming salamat at happy father’s day din sa lahat ng tatay na nakapalibot sa iyo!😀

      copy paste ka lang din sabi ko kay Toni.

      Hi J.K.Ulisap😀

      Reply
  28. kuhracha

     /  June 20, 2010

    tarbs.. di ito un original kong comment.

    natutuwa ako para sayo kasi di mo na pala kelangan ng refresher course. dahil sa nalaman ko, naliwanagan ako sa entry mo. at na-touch ako, di dahil sa characters kundi dun sa story itself. basta. alam mo na un.

    at with regards to kulisap’s contest, fave ko to. teka, andami na pala. baka sabihan akong balimbing. basta, magaling ang gawa mo tarbs.

    un “talent” naten, kelangan lang pagyamanin. hangad ko ang paglaya ni jake. di man nya makita si cora, makatagpo sana cia ng iba na mas makakaunawa. =)

    Reply
  29. I labet! Ganda ng sulat na to kuya taribong! Naalala ko mga loveletters ko sa mga babae ng buhay ko…

    Gogogo!

    Reply
  30. kuhracha

     /  June 24, 2010

    Congratulations, tarbs! Open to public na naman site mo!

    Reply
  31. yeeha! balik na…dapat magpakain ka kuya..haha

    Reply
  32. ano nga bang nangyari sa mga WP blogs? sabi, ayaw daw ng mga may paid2blog links…

    Reply
    • oo daw. kaya sabi ko:
      “I am not aware of any links to paidtoblog.com in my blogsite. Should there be any, please feel free to delete the same. This authorization is being made in good faith as i have done any violation to wordpress terms of service. With this, i would be very much delighted to have my blog restored. Thank you very much.”

      Wahaha mali pa pala; dapat “i have NOT done any violation” waahahaha. Buti nga binalik hehehehe😀

      Reply
      • hehehe pati blog ko nadali din kahapon. napaisip tuloy ako paano na lang ang aking comeback. mabuti na lang at nai-restore naman in less than 5 minutes after kong e-email ang wordpress.

        Reply
  33. Buti na lang bukas na ulit ang pinto. Kinabahan ako. Paano na kung hindi pa nababasa ito ng ibang mga hurado?

    Magandang umaga

    Reply
  34. gusto ko ung huli mong binigkas, jack hummer yata yan e… lolz

    Reply
  35. tatay taribonggg!
    kumusta na?

    nanalo na ba?

    hakhak!

    ang premyo! hati tayo, k?

    hakhak!

    Reply
  36. “Ngayon ko lang napapahalagahan ang pagiging malaya. Bilanggo nga ako ngunit hindi ang aking diwa. Taglay ko ang kamalayang malaya.” – Taribong

    Ang gandang poste…

    Pag-ibig na naghahangad ng kalayaan…

    Hindi lamang ng pansariling kalayaan…

    Kundi kalayaan ng kanyang minamahal:

    “Kung darating ang pagkakataon, hindi kita pipigilang magmahal sa iba. Karapatan mo ang maging maligaya. At magiging masaya ako na ikaw ay magiging masaya.” – Taribong

    Ang lungkot nito…

    Reply
  37. Manong Tarbs ano na?? Update na!

    Kakabasa ko lang ng post ni sphere tungkol naman sa kaibigan niyang nasa ibang bansa na nadale ang iniwang kasintahan dito. Nabasa ko na ‘tong sa ‘yo tapos nagsara last week. Ayos na ulet, agsulat manen!

    Reply
  38. Ito po ay Entry Number 9. Salamat po

    Reply
  39. “You will never know the meaning of something until you lost it.”

    sa kasong ito, yun e yung kalayaan.
    😀

    Reply
  40. Jarabs

     /  August 8, 2010

    ahoy ginoong taribong.
    sa aking pagliliwaliw napadapo ako sa pugad mo. astig po itong article niyo.

    kagabi sumilip ako sa transit, di naman ako nabigo at nasimulan ko ang una kong artikulo.

    bagong salta po ako dito, pano ko po kayo mapapalo (mapa-follow)?

    Reply
    • taribong

       /  August 9, 2010

      Ahoy Jarabs. Maligayang pagliliwaliw hehehe. Nakakataba naman ng puso ang sinabi mo, maraming salamat!
      Mag-subscribe lang po (yata) sa RSS feed para sa blogsite. (Ipagtatanong ko po ulit hehehe di ko rin kasi kabisado, paumanhin…)
      Hanggang sa muli at maligayang pagdating!!!

      Reply
  1. PASIKLABAN | Kayumangging Damdamin
  2. 2010 in review « ang alingawngaw ng taribong. . .

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: