REPOST: nang sumaklob ang maitim na ulap

“Ano bang problema’t kanina ka pa walang gana, walang kibo. Nakakapanibago,” pagsusuyo ni Claire.

“Kaya ko ‘to.  Steady ka lang,” bulong ni Mike matapos ang malalim na buntunghininga.

“Putangina! Paano kita matutulungan kung hindi ka magsasalita?”

“Di mo rin maiintindihan.”

Tiim-bagang sinuntok ni Mike ang kanilang kinauupuan. Nabiyak ito’t bumagsak silang dalawa.

Nangingiti si Claire; hindi niya itinuloy ang akmang pagtayo nang makitang nasalampak pa rin si Mike.

“Oo, puta’ng ina ‘ko! Sa pagpuputa niya ako napalaki. Maysakit siya ngayon, cervical cancer, Stage III…

“… At nagputa rin ako… sa boss, para makuha ang promotion last year…

“… Last week, nag-resign si Ma’am Andrea. Akala ko, dahil sa diabetes. Yun pala, komplikasyon dahil HIV+….

“…Kanina ko lang nalaman… Natatakot ako, Claire….”

Napahagulhol si Mike.  Niyakap niya si Claire.

Hindi napigilan ni Claire ang sarili na umiyak.

Hindi niya alam kung paano mapapatahan si Mike.

Hindi niya alam kung paano papatahanin ang sarili.

Published on: July 15, 2011 @16:22

*Repost para sa pagdiriwang ng ika-anim na taon ng pagsusulat ni Gillboard sa blogosperyo.

Previous Post
Leave a comment

13 Comments

  1. talaga bang fiction to? Basta ang lagi kong sinasabi, habang buhay tayo laging may pag-asa…

    Reply
  2. Iinom na lang muna tapos saka mag-isip.

    Ayown oh. Salamas Bossing🙂

    Reply
  3. kanina pa ‘ko nakatitig sa screen. hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko kuya tarbs. parang may kakaiba kasi sa post mo, hindi ko lang masabi kung ano.o_O

    Reply
  4. @kaye, @jkulisap, @L: Hindi po talaga ito personal. Katulad sa https://taribong.wordpress.com/2011/04/05/basag-sa-maalinsangang-gabi/, ito’y isa lamang na mapangahas na pagsubok sa paggawa ng maikling kuwentong gagamit ng hindi lalagpas ng 150 salita, katulad ng mga sinulat ni Abdon M. Balde Jr. sa kanyang 100 KISLAP. (Inirerekomenda ko ang nasabing libro, magaganda at mahuhusay ang 100 kuwentong nakapaloob doon. Ang 100 KISLAP ang naging papremyo ko sa https://taribong.wordpress.com/2011/05/24/isang-bugtong/ na napanalunan ni Arnie).

    Marahil naiisip ng mambabasa kung hango ito sa totoong buhay… Pababayaan ko na lamang na si Stephen King ang sumagot:

    “It would be fair enough to ask, I suppose, if Paul Sheldon in Misery is me. Certainly parts of him are…but I think you will find that, if you continue to write fiction, every character you create is partly you. When you ask yourself what a certain character will do given a certain set of circumstances, you’re making the decision based on what you yourself would (or, in the case of bad guy, wouldn’t) do. Added to these versions of yourself are the character traits, both lovely and unlovely, which you observe in others (a guy who picks his nose when he thinks no one is looking, for instance). There is also a wonderful third element: pure blue-sky imagination. This is the part which allowed me to be a psychotic nurse for a little while when I was writing Misery. And being Annie was not, by and large, hard at all. In fact, it was sort of fun. I think being Paul was harder. He was sane, I’m sane, no four days at Disneyland there.” (King, Stephen. On Writing: A Memoir of the Craft. pp. 190-191. 2000 ed.)

    Maraming salamat po. Sana ay hindi kayo magsawang dumalaw at/o magbasa sa mga pahina ng blog-hay na ito.

    Hanggang sa muli.

    Reply
    • astig talaga ‘tong si pareng stephen king. kaya ko ‘to idol eh. hahaha!

      i therefore conclude, meron kang hiv kuya tarbs. bwahahaha! joke lang. nomnomnomnom! \m/

      Reply
    • partly may HIV ka? o partly hosto ka?

      Reply
  5. pusagandanglahi

     /  July 21, 2011

    nabibigatan ako sa post. parang nung binabasa ko ang Kapitan Sino ni Bob Ong… nakakabigat talaga pag puro luha… nababasa man, naririnig, o nakikita. fiction man o hindi. third person man o hindi.

    dumadaan lang.🙂

    Reply
  6. aw! pakisabi kay Mike at Claire wag na sila umiyak HIV lang yan gagaling din yan yong kay Kris Aquino nga gumaling diba…

    hi tarbs🙂

    Reply
  7. I can’t help but focus on the last part, where Mike hugged Claire and Claire couldn’t help but cry. Very human. Nakakahawa (not the HIV, yung emotion :p)

    Hello po Mr. Taribong! I’m new here🙂

    Reply
  8. myfilthyroom

     /  July 30, 2011

    ang bigat ng emotion na naka-paloob dito ah.. galing!😀

    Reply
  9. Posible kaya na kahit nakipag-sex ka sa isang HIV+ eh di ka rin naman kaagad mahahawaan? Sabagay, mahaba-habang panahon pa bago malaman kung positibo din siya. Nakakabahala talaga, kasi dumating na rin sa point na akala ko meron ako kahit na walang pang sampung beses akong nakipagtalik.🙂

    Reply
  10. Posible kaya na kahit nakipag-sex ka sa isang HIV+ eh di ka rin naman kaagad mahahawaan? Sabagay, mahaba-habang panahon pa bago malaman kung positibo din siya. Nakakabahala talaga, kasi dumating na rin sa point na akala ko meron ako kahit na walang pang sampung beses akong nakipagtalik. 🙂

    Reply
  11. may nadamay na sa kasalanan ni mike, at gusto kong isipin na sa ganitong sitwasyon, walang hindi kakayanin ang tunay na pag-ibig. naks.

    magandang araw sir tarbs!

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: