REPOST: isang bugtong

Ako ay kasama sa pagsilang ngunit hindi sa kamatayan.

Ako ang pasimuno sa galak ngunit naglalaho sa halakhak.

Taglay mo ako sa bawat guhit ng iyong timbang.

Nasa piling ako ng gabi ngunit wala sa karimlan.

Wala ako sa araw pero sa liwanag ako ay matutunghayan.

Doble man ako sa galing, salat ako sa husay

Ako ay nasa hugis at hubog ngunit wala sa anyo at kulay.

Wala ako sa dulo o umpisa; pero sa gitna ako ay nangunguna.

Ako’y nasa gawa. Wala sa isip at sa salita.

Ang sagot, alam mo na ba?

Published on: May 24, 2011@ 12:24

*Repost para sa pagdiriwang ng ika-anim na taon ng pagsusulat ni Gillboard sa blogosperyo.

Previous Post
Leave a comment

54 Comments

  1. base muna! okok

    Reply
  2. HAGIN ANG sagot! paghinga. lels!

    Reply
  3. davin

     /  May 24, 2011

    ngite! ganito ohπŸ™‚

    Reply
  4. UTOT!!!

    -Ako ay kasama sa pagsilang ngunit hindi sa kamatayan. (mauutot muna ang nanay sa pag-ire bago lumabas baby)

    -Ako ang pasimuno sa galak ngunit naglalaho sa halakhak. (magnatapos maghalakhakan wala na ang utot)

    -Ako’y nasa gawa. Wala sa isip at sa salita. (pururottttt)

    Reply
  5. ANINONG MANYAKIS ANG SAGOT KO.

    lels

    Reply
  6. hahaham, di muna ako sasagot isang chance lang ang pagsagot diba?

    Reply
  7. Arnie

     /  May 24, 2011

    kelangan pagisipan ang sagot…hmmmmmm

    Reply
  8. Sana.. minsan.. maintindihan ko ang mga post mo.

    Reply
  9. Arnie

     /  May 24, 2011

    letter G?

    Reply
    • Tumpak!πŸ˜€

      Reply
    • Arnie

       /  May 24, 2011

      kasama sa paGsilanG ngunit hindi sa kamatayan.

      pasimuno sa Galak ngunit naglalaho sa halakhak.

      Taglay mo ako sa bawat Guhit nG iyonG timbanG.

      Nasa piling ako ng Gabi ngunit wala sa karimlan.

      Wala ako sa araw pero sa liwanaG ako ay matutunghayan.

      Doble man ako sa GalinG, salat ako sa husay

      Ako ay nasa huGis at huboG ngunit wala sa anyo at kulay.

      Wala ako sa dulo o umpisa; pero sa Gitna ako ay nangunguna.

      Ako’y nasa Gawa. Wala sa isip at sa salita.

      hohohoho

      Reply
  10. Arnie

     /  May 24, 2011

    yeyyyyyyyyyy! hohohoho

    salamat sa adobong ulam ko… nyahahaha

    Reply
  11. hala ang hirap naman!!
    pero ang ganda, now ko lang to na encounter haha

    Reply
  12. ang galing ni arnie.

    at ang husay mo sir tarbs sa pag gawa ng ng mind-bogling bugtong.

    saludo!

    ang totoo, bago ko nabasa ang sagot ni arnie, anino rin ang sagot ko.

    Reply
    • taribong

       /  May 25, 2011

      ang galing nga ni arnie!!!πŸ˜€
      naks naman, salamat!
      Mas astig ang doodles at mga posts mo! Totoo yan kaya Tagayan na!!!πŸ˜€

      Reply
  13. Pang-asar na letter G yan.

    Ewan

    Reply
  14. Ako ay kasama sa paGsilang ngunit hindi sa kamatayan.

    Ako ang pasimuno sa Galak ngunit naglalaho sa halakhak.

    Taglay mo ako sa bawat Guhit ng iyong timbang.

    Nasa piling ako ng Gabi ngunit wala sa karimlan.

    Wala ako sa araw pero sa liwanaG ako ay matutunghayan.

    Doble man ako sa GalinG, salat ako sa husay

    Ako ay nasa huGis at huboG ngunit wala sa anyo at kulay.

    Wala ako sa dulo o umpisa; pero sa Gitna ako ay nangunguna.

    Ako’y nasa Gawa. Wala sa isip at sa salita.

    G!
    SURE NA SURE!
    OMAYGAS! Hakhak!

    Reply
  15. Ang sagot ko ay sperm. Tama ba?

    Reply
  16. OK letter G pala ang sagot I feel stupeeeed!

    Reply
  17. natatawa ako sa comment ni glentot. hahaha. naka-relate ako. pareho kami.πŸ˜‰

    Reply
  18. kuya targs ano premyo ko?

    ni tito pala. ahahaha

    Reply
  19. ahahahha! congrachumeleyshens kay teeto! hanggaling!

    tagay na!!!

    Reply
  20. toni

     /  June 3, 2011

    Galeng ni tito arnie, nahulaan nya ang saGot.

    di bale me neks taym pa.

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: