REPOST: basag sa maalinsangang gabi

Putok na naman sana ang bibig ni Miriam kung hindi  siya mabilis na nakailag sa suntok ni Dante.  Lasing ulit ito at mabibigat ang mga kamay. Kaya naman limang beses nang nakunan si Miriam.

“Ang tagal-tagal mo. Bilisan mong ihain ang dala mo. Maligo ka na rin,” bulyaw ni Dante.

Pinipigil ni Miriam ang poot sa asawang tatlong taon nang walang trabaho.  Kinamumuhian niya ang marahas na pakikipagtalik, lalo na kung sinasakal siya hanggang sa malapit na siyang mawalan ng ulirat.

Ibinuhos ni Miriam ang mga pakete ng  durog na paminta at arsenic sa dalang pansit.  Nilagyan din niya ito ng kalamansing may hiwa sa gitna saka niya inihain sa asawa.

“Magpapahangin lang ako,” sabi ni Miriam.

Mabilis ang mga hakbang ni Miriam palabas ng bahay.

Kakaiba ang siphayo ng hangin maski na galing sa mga tambutso ng mga humaharurot na sasakyan.

Published on: Apr 5, 2011 @ 16:46

*Repost para sa pagdiriwang ng ika-anim na taon ng pagsusulat ni Gillboard sa blogosperyo.

Leave a comment

21 Comments

  1. kuhrach

     /  April 5, 2011

    my oh my!

    Reply
  2. muntikanan na kuya..

    amf.. muntikanan ng umabot sa ganyan..
    😐

    Reply
  3. Roi

     /  April 5, 2011

    Pambihira!

    Reply
  4. lababo

     /  April 5, 2011

    pano pag ganun? Edi kasalanan pa rin ni miriam?

    Reply
    • kwintopol ngyaiks!

      heto ang mga inspirasyon sa kuwento:

      (1) Dolores Claiborne by Stephen King at (2)http://sc.judiciary.gov.ph/jurisprudence/2004/jan2004/135981.htm

      Reply
  5. kaye

     /  April 6, 2011

    naisip ko pa naman na isa ito sa mga kasong nahawakan mo. hehehe

    pero naman, di ko maintindihan kung bakit may mga babaeng nagtitiis makisama sa mga asawang wala na ngang trabaho e nananakit pa. ang tanga lang.

    Reply
    • sikstupol ngyaiks!

      kaso hindi nga! \:D/
      battered woman syndrome daw ang tawag…

      Reply
      • well, whatever. I still prefer to call it stupidity. Why it should come to a point where she’d have to poison him is really beyond me. If she left earlier (of course this is assuming they don’t have kids. But even if they have kids, the mere fact he doesn’t have work is already an indication he’s not helping in any way so there’s no reason she can’t leave him) she wouldn’t have to go to the extent of killing him.

        Repeated marital rape, physical and emotional abuse, causing the death of an unborn child, not to mention being incapable to provide financially…palagay ko, kung isa kang babaeng nagtitiis sa ganitong relasyon, ikaw na ang dapat sisihin at ikulong…sa mental institution. Dahil masokista lang ang papayag sa ganitong set-up, and I don’t think we can rightfully claim sanity for masochists😦

        Reply
        • taribong

           /  April 6, 2011

          hindi nga kaso! :))

          fact is stranger than fiction…

          konsultahin natin ang psychologist>> Doc JC, pasok!!!

          Reply
  6. kung ako dyan, lalasunin ko na lang yung lalakeng yan. hahaluan ko ng muriatic acid ang pansit. exciting!

    Reply
    • taribong

       /  April 6, 2011

      septupol ngyaiks!

      malalasahan at maamoy niya ang muriatic acid. hindi na niya kakainin ang pansit. magpipeyl ang ibil plen.🙂

      Reply
  7. toni

     /  April 11, 2011

    kung sakali at saken mangyayari ang pananakit, hinding hindi ako hihingi ng tulong kahit kanino…hihintayin kong makatulog sya ng mahimbing.

    battered woman syndrome?
    baka mas mabuti pa kung sya na talaga ang maglason.

    at wag na sabihin octopol ngyaiks!

    Reply
  8. dolores claiborne – pinay version. lapit na mag-holy week. yehey! makakapagbasa na ‘ko ng binigay niyong books kuya tarbs! \m/

    Reply
  9. super duper mega ngaiks!

    Reply
  10. hinayaan muna niyang lasunion siya ng poot saka niya nilason ang lumason sa kanya.

    kwentong nangyayari talaga.

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: