Same Shit, Different Day

Tae na naman, ibang araw lang.

Hindi totoo yan.  Yung iba nga, hindi pa natatapos ang buong araw, nakadalawa o nakatatlo nang sunod-sunod na pagbisita sa kubeta. Yung iba naman,  sa susunod na araw pa!

Ay, mali ba ang unawa ko sa usapang tae sa pakonteshit ni Lio?

Sa aking pananaliksik, ang linyang peyborit ni Lio ay mababasa sa peyborit niyang libro na sinulat ng peyborit niyang may-akda.  Matutunghayan din ang linyang nabanggit sa pelikulang peyborit ni Lio kung saan ito ang isinagot ni Red noong tanungin siya kung ano ang kinalabasan ng kanyang application for parole.  Dahilan sa makailang ulit na pagkakatanggi, tanggap na ni Red na tatapusin niya ang hatol na habambuhay na pagkakakulong sa Shawshank.

Tulad mo rin ba si Red na nawawalan na ng pag-asa? Bilanggo ka ba ng pare-pareho at paulit-ulit na gawain? Nakakaranas ka na  ba ng pagkahapo, pagkabagot at pagod dahil tila walang pinatutunguhan ang iyong mga pagsisikap at pagsisigasig?  Ako man ay nakakaranas ng ganitong pagkakataon.

Sa ginawang pagtakas ni Andy nakakita si Red ng inspirasyon, ng pag-asa, ng liwanag na hindi pa tapos ang lahat. Dalawampu’t-pitong taon ang binuno ni Andy para mabutas ang malapad na pader ng piitan gamit ang maliit na martilyo na hindi namamalayan ng sinuman.  Tiniis niya ang pandidiri at nakakasulasok na amoy ng posonegro upang maisakatuparan ang inaasam na paglaya.  Ayon kay Red, ang sikreto sa matagumpay na pagtakas ni Andy ay ang kanyang hindi matatawarang pagpupursige at kasipagan; idagdag na rin dito ang suwerte, madaming-madaming suwerte, at ang katangian ng semento ng mga pader ng Shawshank.

Kung naihambing man natin ang sarili kay Red, mas makabubuting maging kawangis ni Andy.  Maski pagod at bagot na sa pare-pareho at paulit-ulit na gawain, ipagpatuloy lang sana ang pagsusumikap at pagsisigasig.  Huwag sanang mawawalan ng pag-asa dahil balang-araw, matatapos din ang lahat ng hirap na dinaranas.  Darating din ang inaasam na pagsulong at pag-unlad sa buhay at magkakaroon ng katuparan ang mga pangarap.  Na hindi na kailangan pang lumusong sa imbakan ng tae!

Ang tae naman ay hindi na rin tae sa ibang araw.  Magiging lupa rin ito kalaunan at maaari na itong maging pataba sa halamanan balang-araw; ibig lang sabihin, tae man ay may gamit din😀.  At kung ang tae ay mapabilang sa poso-negrong lulubluban ni Euguene Domingo sa Walang-wala Part II, artistang tae ang tawag dun bwahehe😉

Nakaabot ka hanggang dito sa dulo? Gwwaarrk.

Ang tibay mo! Maraming salamat sa pagbabasa… Hanggang sa muling pagtatae!

Previous Post
Next Post
Leave a comment

14 Comments

  1. wow! puro all-time favorites ko pala ang sahog ng ssdd entry mo, kuya tarbs. mapanood nga ule ‘yung shawshank. hehe.

    salamat sa pagsali sa pakonteshit, kuya! blogenroll!

    p.s. dead link ata ‘yung nakalagay sa entry. paki-relink na lang ‘yung url ng datnet para ma-qualify, kuya. \m/

    Reply
    • Naayos na po, maraming salamat. May tinola dito, gusto mo?!?!?😀

      Maligayang bati sa ikatlong anibersaryo ng iyong bloghay at sa isang masayang pagdiriwang ng iyong ika-2_ na kaarawan. Nawa’y patuloy ang pagdagsa ng biyaya sa iyo. Tagayan na!!!

      Reply
  2. sasali rin ako sa contest nya baka manalo ako ng house and lot… LOL so sa shawshank redemption pala nakuha yun…

    Reply
    • Sa Dreamcatcher hango ang pamosong linya ni Lio ngunit nagamit din ito sa pelikulang The Shawshank Redemption na halaw sa Rita Hayworth and the Shawshank Redemption, isang novella na kabilang sa librong Different Seasons na sinulat ni Stephen King. Maraming salamat, Glenn.😀

      Reply
  3. Tae na yan!

    Reply
  4. its all about the pressure and time. sabi nga ni andy, ‘get busy living or get busy dying.’ isa ang shawshank sa pinaka paborito kong pelikula. very inspiring.

    Reply
  5. lababo

     /  September 1, 2011

    Sana maging inspirasyon ko si Andy. Pakiramdam ko nalulugmok na ako eh. Shithole, pare. Buti nabanggit niyo ni Lio ang Shawshank movie. Onggolenggoleng. Onggondogondo. Astig na astig na movie!

    Reply
    • Kaya naman siguro tinalo ng Forrest Gump ang The Shawshank Redemption sa Oscars dahil sa hype tungkol dito samantalang walang masyadong ingay ang huling pelikula.

      Noong nasa Kolehiyo ako, dahil sobrang nagustuhan ko ang pelikula, pilit kong pinag-iponan ang hardbound na Different Seasons na naka-display sa Booksale sa SM Annex noon. Nung nabuo ko na ang pambili, saka naman nawala ang sipi na inaasam ko. Ilang taon din mula noong makapagtrabaho ako dito sa Maynila bago ako nakahanap ng paperback copy na may original cover.😀 Mas maganda ang pagkakasalin sa pelikula pero mas na-appreciate ko ang henyo sa akda ni Stephen King. Ang galing!

      Reply
  6. “boring ang buhay kapag perpekto, kahit paulit-ulit, nakakasawa, pero sa hindi mo inaasahan bumubuhos pa rin ang sorpresa!”

    Reply
  7. tae na yan! sabagay minsan kapag nakakaapak lamang tayo ng tae sa napakalapad na kalsada nagiging mas alerto sa mga dinadaanan natin’, yang mga tae na shit pa na nangyayari sa mga buhay natin ang nagpapatibay sa atin.😀

    Reply
  8. bat ganun? pagtae ang pinag-uusapan o pinagkukunan ng inspirasyong makabuo ng lathala e nagkakaron ng kakaibang kahulugan at pedeng maisalamin sa pang-araw araw na buhay? hahahaha. pero totoo yun. pagkahaba-haba man ang gagapangin mo sa buhay (parang sa loob ng posonegro) aabot ka rin sa puntong maitatayog mo rin ang iyong sarili na makuha ang pangarap o kaginhawaan sa buhay. sana lang lahat tayo ay mayroong positibong pagtingin upang lagi tayong nakaharap sa ating gustong tamasahin at hindi sa kung sa anong “taeng” nadadaanan natin sa pang-araw araw. ikanga, what you reap (kahit mabantot) you sow (ah dito dapat mabango!) hahaha

    teka magulo ba? ah basta yun na yun! sana manalo ka toks!!! hehehe

    Reply
  9. di ako makarelate. di ko pa kasi napapanood ang shawshank at babae sa septic tank. ahahaha.

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: