tsokolate

“Gumising ka na riya’t handa na ang almusal. Hotsilog!” malugod na hikayat ni Marco sa pamangkin.

“Opo,” sagot ni Gilbert na tumagilid lang sa kinahihigaan maski paborito nito ang hotsilog.

“Maysakit ka ba?” lumapit si Marco at pinakiramdaman ang noo ni Gilbert. “Wala ka namang lagnat.”

Hinila ni Gilbert ang kumot hanggang sa kaniyang leeg at namaluktot. Naghinala si Marco na may hindi sinasabi ang binatilyo sa kanya. May tampo siguro.

“Hinatid ko sina George at Sol sa bus terminal kaninang madaling-araw. Hindi ka na namin ginising dahil pagod ka sa school; tsaka may try-outs ka pa mamaya, hindi ba?”

Nagtalukbong si Gilbert .

Marahang niyugyog ni Marco ang balikat ni Gilbert. “Bumangon ka na’t lalamig na ang pagkain.” ย Hindi pa rin kumibo si Gilbert.

Bumalik si Marco sa kusina. Muli niyang ininit ang tsokolate sa takuri.

Previous Post
Next Post
Leave a comment

17 Comments

  1. Hindi ko na naman gets kaya magkukwento na lang ako. Bakit ba koment ko ito. Dati, tuwing dadating ako sa opisina ay nagtitimpla ako ng kape, libre kasi ang Nescafe classic, creamer at asukal dito sa opis. Hanggang hindi na ako makapag simula ng trabaho tuwing hindi nagkakape. Na-adik na ako magkape tuwing umaga. Ang siste, kape lang ang laman ng tiyan ko.

    Tumagal ng dalawang taon na ganyan ang almusal ko. Then one day isang araw, na-feel kong sumasakit ang tyan ko, ang sakit sakit, Kuya Tarbs. (Kuya?! haha) Nagpatingin ako sa Gastro-blah-blah. Kinuwento ko ang mga kinakain ko, almusal pa lang bokya na ko at sinabi nyang hindi magandang praktis ang kape lang sa umaga. Dapat daw laging may kasama o laman ang tyan kapag nagkakape.

    So ngayon, hindi na ako nagkakape sa umaga. Dahil mahilig ako mag eksperimento (at dito na yata makakarelate ang koment na ito sa post mo), nagtry ako magtsokolate. Milo, Ovaltine, Brear Brand Lusog Sarap, Energen, Nestiva at kung ano ano pa.

    Yown lang! Mema. Memakwento lang. (:

    Reply
    • Haha masarap yung tsokolate dun sa may tapsilogan sa tapat ng sakayan sa SG (Salbehe’s Guesthouse)! Yun talaga ang naisip ko habang ginagawa ang kuwento!! Yown!!! Congrats, nadali mo ang konek!!!! Tagayan na!!!!!๐Ÿ˜€

      Reply
  2. may tampuhan, may kape, may hotsilog at may takuri. yung takuri ang pinakaimportante dahil sa bahay namin, ang takuri ay hindi na ginagamit para maginit ng tubig. may heater sa banyo, at wala halos nagkakape kaya pag kelangan ng mainit na tubig, nagiinit na lang sa microwave ang mga tinatamad maginit ng tubig sa kalan.

    walang kwenta ang comment ko. haha!

    Reply
    • hehe matrabaho ang pagluluto ng tsokolate mula sa tableya na pinakukuluan hanggang sa matunaw at lumapot. Pero masarap :D… Mga dalawang pasko ang nakararaan, naghanda ako ng tsokolate sa bahay, at mantakin mong ako ay nabanlian sa braso. Hayun, di na ako umulit, puro instant na lang. O kaya, katulad nung tinimpla ni Toks kay Buds! hehehehe

      Reply
  3. hindi kaya may ginawa si marco kaya nagtampo si gilbert? o baka gusto lang talagang lumiban sa klase ni gilbert? o baka gusto lang niyang mapag-isa? o gusto sigurong ihatid ni gilbert sina george at sol? o baka gusto lang niyang magjakol?

    baka. \m/

    p.s. walang load, kuya tarbs. walang-kwentang shit kaya selyado.

    Reply
    • baka nga.๐Ÿ˜„

      tttttaaaaaaaaagggggggggggaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyaaaaaaaaaannnnnnnn nnnnnnnaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!
      (rebus yan, subok lang pero pwedeng totohanin hehehehhehe). Ayos!!!

      Reply
  4. depressing.
    pagkain ang topic.
    baka ayaw bumangon kasi tsokolate a. dapat tsokolate e. makahotchoco na nga lang. brrr~

    Reply
    • Magandang umaga, Eli! Kamusta na?!?!?! Ayos pa ba??? Kamusta ang pagsasanay na maging ganap na enhinyera?!?!?!?!๐Ÿ˜€

      Nauna ka na palang uminom ng tsokolate, eh. Hayun o, kitang-kita ang ebidensiya. Hehehehe Cheers!!!

      Reply
  5. Marami tuloy akong namiss sa iyong kuwento Tars.

    1. Ang Hotsilog
    2. Ang may magluluto na sa almusal
    3. Ang mamaluktot…feeling walang pakielam sa buhay
    4. At masarap na tsokolate…mula sa tablia…mula sa puno ng kakaw

    MUsta sa iyo Tars dyan sa atin. God Bless!

    Reply
    • Magandang araw po, Tats! Kumusta na po kayo?!? Sana’y parati kayong malakas at masigla.๐Ÿ˜€

      Haha, bihira na rin nga po ako mag-almusal sa bahay. Diretso na sa trabaho o anumang lakad na walang almusal. Kakain na lang sa kung saan datnan ng tanghalian o gutom.

      Naalala ko lang po: yung lola ng kaklase ko, pinapaubos sa amin yung mga hinog na bunga ng cacao, para lang maipon niya ang mga buto at gagawin niyang inuming tsokolate. Sarap! Buhay pa kaya ang lola ng kaklase ko? Ang punong cacao kaya? Sana ay buhay pa rin ang mga iyon…..

      Maraming salamat po Tats. Mabuhay po kayo!๐Ÿ˜€ God bless po!!!

      Reply
  6. parang bahagi ng kwentong napilas, sir tarbs.

    wala man ako sa lugar, gusto kong hikayatin kang magsulat ng mahaba-habang kwento. maikling kwentong mga tapusan.

    huwag yung gaya ng kay kulisap. parang komiks. parang teleserye. basta ganun.

    nangi-alam pa ako ‘no? wala kasi akong masasabi tungkol sa pangyayaring ito.

    Reply
    • Haha, eto pala ang karugtong:

      Makaraan ang ilang minuto, bumaba na rin si Gilbert para mag-almusal. Hindi nagpahalata si Marco na nangingiti siya sa tumubong napakalaking tagihiyawat sa gitna ng philtrum ni Gilbert. Napatingin si Gilbert kay Marco. Sabay silang napahalakhak. WAKAS.

      Maraming salamat sa mungkahi, Doc. Maraming salamat sa patuloy na patangkilik sa anumang naririto. Balang araw, magkakaroon din ako ng mas maluwag na panahon para makapagsulat ng mas mahusay at mas magaling na akda kung saan tutulo ang laway, dadanak ang dugo, bubuhos ang mga luha, tagataktak ang pawis, aapaw ang mga halakhak, titindig ang mga balahibo, pupulandit ang katas, atbp. na syang hahabol sa kiliti ng mambabasa. Toinks!๐Ÿ˜€ Tagayan na nga lang hehehehe

      Reply
  7. tampo + tsokolate = tampururot

    Reply
  8. baka may S… sumpong๐Ÿ˜€

    Reply
  9. buti na lang mahilig akong magbasa ng comment kaya medyo naintindihan ko ang kwento..hihihihi!!

    namimiss ko yan…ang gigisingin ka para kumain na at ang pagpapain-in pa sa higaan after gisingin!! hayz!!

    musta Tarbs?

    Reply
    • taribong

       /  August 29, 2011

      Ayos lang๐Ÿ˜€ Buti ka pa, umaariba na naman hehhehehehe Cheers!!!

      Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: