pandora

.

Paano ka iiyak kung wala nang luhang aagos sa pisngi?

Paano ka aatungal kung walang tinig na mamumutawi?

Paano ka kikilos kung ang kamay at binti ay nakatali?

Paano ka hihikbi kung ang paligid ay bingi?

 .

.

Paano kung ang bertud ng gayuma ay humupa?

Paano kung ang anestisya ay mawalang-bisa?

Paano kung ang alak na bumabaha ay di na kayang lunurin pa

Ang mabigat na pagsubok, walang humpay na problema?

.

Pano kung ang nakaririnding sigaw ay ipinagkikibit-balikat lang?

Paano kung ang mga mithii’t pangarap ay unti-unting napaparam?

Paano kung patuloy ang bagyo at madilim ang umaga?

Paano kung palaging ang maibubulalas na lang ay puro mura?

.

.

.

How I wish each of us could truthfully yell:

All is well!!!

Previous Post
Next Post
Leave a comment

11 Comments

  1. May nagsabi sa akin pagkatapos kung dumamba damba. Shits happens.

    Ganun talaga. Minsan masaya, minsan hindi. Ang mahalaga tuloy ang buhay

    Reply
  2. L

     /  June 29, 2011

    rancho das shamaldas chanchad

    Reply
  3. minsan kahit gusto natin isigaw at gusto nating ibulalas ang nasa sa loob natin ay di pa rin natin magawa…. (ganyan din ako minsan…. hehehehhehe….) pero minsan nakakalungkot… (sa hindi malamang dahilan…. )

    I lab ur poem…..😀

    Reply
  4. tama si kulisap patuloy na aagos ang alon ng buhay. minsan ito’y rumaragasa minsan ito’y mahinhin tulad ng isang dalgang mayumi. sulat lng ng sulat..

    Reply
  5. paano sisimulan magsalita kung wala namang balita?

    paano sasagot kung ang tanong ay masalimuot?

    paano wawakasan ang hindi naman sinimulan?

    paano isisigaw ang di makita ng balintataw?

    🙂

    Reply
  6. papaano ko maiintindihan,..ang lalim sir taribong. nyahahahaha. nadudugo ako

    Reply
  7. how I wish all of us could truthfully yell All is well.

    True.

    But then happiness is a decision. Maraming problema pero pwede pa ring sabihin nang may katotohanang ok pa rin ang lahat dahil laging may pag-asa.🙂

    Reply
  8. @Jkulisap: Shit Happens. Natatandaan ko ang slogan mula sa pelikulang Forrest Gump.

    @L: Dinagdag ko ang linya mula sa 3 Idiots (ang pelikulang nagustuhan at bukambibig ni eloiski).

    @shyvixen, @rico, @aninipot, @kaye: Maraming salamat.

    @kikilabotz at sa mga ginigiliw kong mga mambabasa: Maraming salamat, kaibigan. Ipagpaumanhin mo na minsan (o mas madalas!) ay may mga nakatagong kuwento sa likod ng mga posts na matatagpuan sa bloghay na ito at hindi ko tuwirang inilalahad ang mga detalye ng mga ito. Malimit dito sa maliit na puwang na ito ko naibabahagi ang mga bagay na minsan mas gugustuhin kong manatiling lihim na lang. Salamat sa blog kahit papaano’y naibubulalas ko ang anumang aking naisin.

    Hindi ko rin alam kung paano ko ipapaliwanag ang tula sa itaas. Ako rin ay nadudugo! Pero huwag mabahala, susubukan kong magbahagi rito para lang maibsan din ang aking dinadala sa ngayon.

    Ano ang nasa likod ng “pandora”?

    Ang bawat linya ng tula ay tungkol sa kawalang-pag-asa. Dead end. Wala nang patutunguhan ang lahat. Maaaring magkakaiba ang interpretasyon dito kung sa anong aspeto ng buhay mo mararanasan ang kawalang-pag-asa: pag-ibig, pag-aaral, pamilya, prinsipyo, estado sa buhay, atbp. At dahil wala na tayong magawa ay tatanggapin na lang, kagaano man ito kapait. We have to face reality. We have to swallow the bitter pill, ‘ika nga. [Pagbigyan mong ilihim ko ang pinagmulan ng tula sa aking sariling karanasan, pero pagbibigyan kita ng konting sirit (clue): tungkol ito sa karera.]

    Ang unang taludtod ay tungkol sa mga unang paraan upang maibsan ang dinadala: ang pag-iyak, ang pag-atungal, ang pagpupumiglas, at ang paghikbi. Ang pangalawang taludtod ay tungkol sa pagsisikap na humanap ng alternatibong paraang upang solusyonan ang bigat ng problema: ang gayuma, ang pampamanhid, ang alak. Ang pangatlong taludtod ay nagpapahiwatig ng lalim ng kinakarap sa kawalang-pag-asa: ang pagsigaw, ang paglimot sa mga pangarap, ang madilim na paligid at ang palagiang pagmumura.

    Sa kabuuan, madilim ang tula. Mabigat kung tutuusin. At ayokong manatiling mabigat at madilim ito sa pananaw ng mambabasa. Kung kaya, ang ginamit ko ang pamagat na “pandora” mula sa kuwentong pambata na “Pandora’s Box”, na maski napalabas niya ang lahat ng kasamaan sa mundo ay magpapatuloy ang buhay dahil sa kailaliman ng baul ay naroroon ang “pag-asa”.

    Idinagdag ko rin ang pinausong linya mula sa 3 Idiots, isang pelikulang Indiano: na sa kabila ng mahirap na sitwasyon, sikapin nating sabihin (at paniwalaang): aayos din ang lahat (All is well!)

    Yell ang ginamit kong verb sa linyang “how i wish each of us could yell” upang pakahulugan ang “yearning, earning, learning” (mula sa isang pelikulang hindi ko matandaan ang pamagat) at dagdag na lang ang isa pang “l” na magsasagisag sa living/loving. Hindi nga ba’t pagsigaw din natin naipapahayag ang tuwa, naibubulalas ang nararamdaman at naiibsan ang dinadala? Hindi ba’t sumisigaw ang weightlifter sa pagbaba ng binuhat na mabigat na timbang?

    Sana sa pamamagitan ng paliwanag na ito ay mas lalong maintindihan ang mensahe ng tula. Bagama’t mas maiibigan ko na ang pag-atake sa tula ay mula sa sariling karanasan at pananaw ng mambabasa. Nang sa gayon ay maging universal ang appeal ng tula (kung meron man ito?!)🙂

    Maraming, maraming salamat sa inyong walang-sawang pagbabasa, pag-antabay at pagtangkilik.

    Hanggang sa muli.

    Reply
    • @Salve: Maraming salamat sa pag-Like.😉

      Reply
    • nauunawaan ko sir. hehehe.pagpasensiyahan nyo na rin ako sa komento ko. hehehe.. sa susunod po na magbabasa ako ay uunawain ko ng mabuti. hehehe. salamat sir sa pagpapaliwanag ^_^

      Reply
  9. ako po ay makikiraan lamang ngunit dumadaldal habang nagdadaan.
    “taribong taribong wag kang malungkot at magtalukbong mahal ko, sapagkat ang buhay ay mani lamang”

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: