KM2: pagtugon sa hamon ng daloy-diwa

Dati, naging pangunahing balita ang pananalasa ng manananggal sa Maynila at ang pagsabotahe ng maraming dikya sa elektrisidad ng Luzon.  Ngayon, kinaharap natin ang napakainit na panahon, ang nagbabadyang pagbaha sa bawat pag-ulan, ang patuloy na pagtaas ng gasolina at mga bilihin, ang pagkamatay ng maraming isda sa Lawa ng Laguna na epekto ng pagkasira ng kalikasan at ang mainit na usapin para sa pagpuksa sa kahirapan sa pamamagitan ng pagkontrol ng populasyon na pinanghimasukan na rin ng mga banal.

Maraming salik ang kaugnay sa mga suliraning panlipunan.  Marami sa ating mga mamamayan ang nangangalumata sa paggising na walang laman ang tiyan, hikahos at salat sa maraming bagay.  Ngunit kung hindi magsisikap, ang bawat halinghing ay magiging ungol sa mga dinaranas na hirap at ang mga reklamo at panibugho ay magiging ganap na atungal.

Hindi dapat iasa ang lahat sa pamahalaan. Tamang edukasyon at oportunidad ang mga pangunahing sangkap upang makaalpas sa yungib na kinasasadlakan.  Bawat isa ay kinakailangang bumangon at magbanat ng buto, kumilos at itaas ang kuyukot mula sa kinahihigaan bago pa sumikat ang araw.

Tayo sana ay mag-ambag tungo sa pag-angat at pag-unlad.  Pagbutihan natin ang anumang gawain.  Ang maliliit kapag pinagsama-sama ay magiging malaki, ang mahihinang puwersa ay magkakaroon ng lakas at sa ganoong paraan, malayo ang ating mararating. Huwag sana tayong bumangon para sa sarili lamang kung hindi para sa ating pamilya at sa pangkalahatan, para sa bayan.  Nasa ating mga kamay ang susi ng pagbabago .

Balang araw ay mapapawi ang lugami at makakamtan ang luwalhati sa buhay.  Matatamasa natin ang kasaganaan na parang maharlika maski sa maliliit na paraan. Matitikman ang pulot-pukyutan na pinagsikapan.  Ito ay adhika na dapat maisakatuparan, hindi lang mananatiling alingawngaw.

Huwag nang intindihin ang peklat ng nakaraan, mas mahalaga ang pagharap sa hamon ngayon at pagpupunyagi taglay ang pag-asang hatid ng bukang-liwayway.

Ito ay aking daloy-diwa, isang hugot sa malayang kamalayan.

Kaibigan, handa ka na bang tumugon sa hamon?

Previous Post
Next Post
Leave a comment

65 Comments

  1. Handa na nga ba ako?
    Ang galing po nito kuya tarbs, napapanahon!

    Reply
  2. agree! agree!

    eto ang hinihintay kung sanaysay🙂

    Reply
  3. joeyvelunta

     /  June 8, 2011

    husay! Makabayan! Napapanahon.

    Reply
  4. joeyvelunta

     /  June 8, 2011

    Mahusay! Makabayan! Napapanahon.

    Reply
  5. *sipol*

    Reply
  6. Mikael Rabara Gallego

     /  June 8, 2011

    magandang araw!

    Ayos! kailangan na talagang tumugon sa hamon at nang makatay na ang mga “manananggal” na bumabansot sa pag-unlad ng ating lipunan..

    kampay!

    Reply
  7. nalaing ka nga talaga manongKo!

    ano ang kuyukot?

    Reply
  8. Sang-ayon ako dito Kuya Tarbs! Handa na ako!

    MAgandang araw sa iyo at sa lahat ng naririto.🙂

    Reply
    • Maraming, maraming salamat, dahn!!! Magandang araw din sa iyo at pagpalain ka sa iyong mga gawain!!! Hanggang sa muli😀

      Reply
  9. Kawawang dikya. Nacompare pa sa.. sa.. kung ano man yung tinutukoy mo. Hahaha.

    Hindi nga naman dapat i asa lahat sa pamahalaan. Pero kase sila ang dapat may budget sa edukasyon kaya sa kanila ren mapupunta ang sisi kapag walang nararating ang tax naten.

    Sa tingin ko kahit gasgas na gasgas na ang reklamo ng marami tungkol sa mga binabayad nilang buwis eh hindi paren dapat mabaliwala everytime na may pupuna na wala ngang pinapatunguhan. Kung iisipin mo, ang tax ng isang tao sa isang taon marami na macocontribute, pano pa ang libo libong pipolofthelipipins.

    Pero tara, kung pagbangon lang den at pag unlad, sasabay me much. Bwahihihihi.

    Reply
    • Saturday, 11 December, 1999, 10:23 GMT
      Jellyfish blamed for Philippines blackout
      (http://news.bbc.co.uk/2/hi/asia-pacific/560070.stm)

      Pinakamalaking alokasyon ng pambansang badyet ay nasa edukasyon, ngunit hindi nagiging sapat ito para tugunan ang pangangailangan ng bawat mag-aaral. Dagdag pa rito, kinakailangan pang magdagdag ng ilang taon bago magkolehiyo sa parehong estado ng mga paaralan! Nais ko lang na bigyang hamon ang bawat mag-aaral na magsikap na higitan pa ang kaalamang nakukuha mula sa paaralan. Hindi lahat ng karunungan at husay ay nakukuha sa paaralan.

      Malaking problema ng bayan ang korapsyon sa pamahalaan, na ang mga buwis na dapat magsilbi sa pangangailangan ng marami ay napupunta sa bulsa ng iilan. Dapat nating magmatyag at makialam upang ang mga kamalian ay mabunyag at tuluyang mapigilan. Mahirap ito pero pasasaan ba’t mahihiya na ang mga buwaya na galawin para sa sariling interes ang kaban ng bayan.

      Tara, para sa pag-unlad!

      Reply
  10. galing galing ni taribong, 2 thumbs up tarbs🙂

    Reply
    • Puno ng kabulastugan ang unang draft ko rito (katulad nung pasakalye sa KM2 na sinulat ko dati) pero noong nabasa ko ang kagila-gilalas na entry mo ay kinailangan kong baguhin at itama ang sinulat ko. Maraming, maraming salamat, eratikatik!!!

      Reply
  11. kuya mao

     /  June 8, 2011

    uber galing! ‘yun lang.😀

    Reply
  12. Sana handa na ako para sa hamong ito🙂

    Swak na swak lalo na’t maraming issue ang kinakaharap ngayon ng ating bansa.

    Reply
  13. …honga naman hindi naman lahat dapat ipapapasan natin sa pamahalaan. walang matinong pamahalaan sa taong batugan! kaginhawaan ay natatagpuan lamang ng mga nilalang na hinahamon ang sariling kakayahan.

    … ikaw na!😀

    Reply
    • Tama! Dahil ang pagsisimula ay nagmumula sa ating mga sarili. Mahirap mangumbinsi kung talagang ayaw, maski anong pilit man ang gawin.

      Pero walang masama kung ating subukang ipamulat ang kagandahan ng adhika para sa sama-samang pagsulong at pag-unlad.

      Maraming salamat, Joyo! Mabuhay!!!

      Reply
  14. sir tarbs, sa aking pagbabasa, humigit kumulang, ganito rin ang tema ng kay boss danjacob. makabayan at naghahamon ng pagbabago.

    ang nakikita ko naman, ang mga pilipino eh laging nangangailangan pa ng ayuda, inspirasyon sa kung sinong lider na magsisimula ng inaasahang pagbabago. ngunit wala at laging walang saysay ang lahat. hindi naman masama ang programa huwag lamang mauwi ito sa isa lang palang propaganda. ningas kugon.

    mas madaling sukatin ang kahinaan natin bilang bansa kung ang panukat na gagamitin natin ay ang panukat sa kanya kanya nating sarili. maniwwala tayo bilang indibidwal na kaya natin, at iyak na kakayanin din natin ito bilang isang bansa.

    Reply
    • Tama ka sa iyong obserbasyon na ang mga pilipino ay laging nangangailangan ng ayuda. Ganon daw yata kasi ang Filipino psyche: mapagtimpi, matiyaga. Ito ang sinasabing dahilan kung bakit nasa ilalim tayo ng Kolonyang Espanya sa loob ng 333 taon bago pa man lang nagkaroon ng malawakang himagsikan! Hindi naman na siguro kailangan pang maghintay ng ganoon upang magkaroon ng himagsikan sa ating mga kalooban.😀

      Bagaman may malaking bahagi na dapat gampanan ang mga nakaluklok sa pamahalaan, ang mas mahalagang bahagi ay nasa mga mamamayan. Kung ang panuntunan sa sarili ay hihigitan pa ng bawat isa, hindi na lang ang “pwede na”, mas malaking hakbang ito para tuluyang umusad ang hinahangad na pag-unlad.

      Hindi nararapat ang ningas cogon. Dapat siguro ay apoy-pino! Yung talagang tumatagal ang alab.🙂

      Maraming salamat, Haring Doc!!!

      Reply
  15. Writing challenge ba ito? Nabasa ko rin yung mga words na yun sa post ni Midnight Driver. At na-distract tuloy ako, kasi habang binabasa ko itong post mo eh yung eksena sa post nya ang naiisip ko LOLOLOL dapat ito ang una kong nabasa haha

    Reply
    • Opo! Patimpalak sa pagsusulat sa pasimuno ni jkulisap.com. Sana sumali ka rin kung hindi man ngayon ay sa marami pang pagkakataon!😀

      Ayos lang yon, para nakangisi ka habang binabasa ang post ko haha. Meron din nga akong pasakalye bago ang entry na ito hehehe

      Maraming, maraming salamat, Glenn!!!😀

      Reply
  16. ikaw na kuya…

    …at sempre kasama kami sa hamong ito…

    Para sa tagumpay… Kampai!!!

    Reply
  17. Saludo ako TArs sa iyong akda na ito para sa pakontes ni Kaberking Jkulisap. Ayos!

    Reply
    • Ayos!!! Isa po kayo sa inspirasyon sa akdang ito!!!
      Maraming, maraming salamat po Tats!!!😀

      Reply
  18. tarbs! anong klaseng hamon ba? hamon de bola, o fiesta hamon? hihih!

    maraming beses ko na ring nasabi ito na dapat lahat tumugon sa hamong maiangat ang antas ng buhay ng nakararami. sana’y marami ang tumugon dito.🙂

    Reply
    • Hamon de bilao! Yung lumilipad! Yehey!!!
      Mas masarap yung hamon de libre hehehe
      Maraming, maraming salamat, kaye!!!😀

      Reply
  19. ayus sa galing!

    Reply
  20. Maraming salamat po sa pakikilahok sa Kamalayang Malaya 2.

    Ito po ay Kalahok Bilang 6.

    6 KM2: PAGTUGON SA HAMON NG DALOY DIWA
    Taribong Sansinukob

    Reply
    • Mabuhay ka sa iyong patimpalak jkulisap! Salamat sa patuloy na pagtaguyod sa pagpapalawig ng may saysay na pagsusulat sa blogosperyo.😀

      Reply
  21. malupit na pagbabalita… ginamit ang mga salita sa isang napapanahong akda… mahusay!

    Reply
  22. panalo!!! isang makabuluhang post sa isang magulong mundo, nabigyan ng linaw ang madilim na kamalayan.

    napahanga ako sa paggamit ng mga salita na walang halong panlapi… da best!

    Reply
    • Maraming salamat, edong. Malayo pa ang babagtasin natin. Sana nga’y matutunghayan pa natin ang liwanag para sa pambansang kamalayan…

      Ah, yung panlapi kasi ay nahugot na nang umalingawngaw ang halinghing na adhikaing lugami at maluwalhating panibugho ng dikyang peklat sa kuyukot ng nangangalumatang manananggal sa yungib ng pulot-pukyutan ng mga maharlikang banal. toinks!

      Reply
  23. yalah tah-al!!! galing! bagong salta..salamat sa km2 at nakilala kita!😀

    Reply
    • natuwa naman ako sa iyong pagdalaw, iya! maraming salamat sa km2 at jkulisap!😀 maraming salamat din sa iyo at mabuhay ang lahing pilipino!!!😀

      Reply
  24. lipadlaya

     /  June 11, 2011

    taribong,

    isa ka sa mahuhusay na blogerong binabasa ko at hinahangaan.

    may diwang makabayan, napapanahon at nag hahamon,,, magkasama tayong tumahak ng landas patungo sa pagbabago…

    ito ang halimbawa ng mahusay na sanaysay..

    Reply
    • lipadlaya, mas higit kong hinahangaan ang iyong panulat! Isang malaking karangalan sa akin na iyong dinalaw ang aking munting pitak sa blogosperyo.

      maraming, maraming salamat!

      lubos na gumagalang at labis na humahanga,

      taribong

      Reply
  25. Isa ito sa napakagandang nabasa ko sa lahat ng kalahok…isang makatotohanan at pumupukan sa atin para magbago at harapin ang anuman hamon..

    maganda to pre….

    Nagbibigay lang ng grado..hehe

    Reply
    • Maraming salamat, Akoni! Lahat ng kalahok ay dapat na mabigyan ng mataas na marka hindi lang sa nilalaman ng sinulat kundi pati na rin sa ginugol na panahon para mag-isip, magsulat, magpost, magbasa at magmarka.

      Sakripisyo o parusa?!?!?!?😀

      Panawagan kay JKulisap, sana ay mabigyang pabuya ang lahat ng kalahok. Amen.

      Reply
  26. nagbasa at nagbigay puntos… salamat…

    Reply
  27. mulat sa napapanahong isyu at nailaro mo ng tama sa ayos ang mga titik.

    goodluck and congrats.

    iniskoran na kita.

    kamusta?

    Reply
  28. shea

     /  June 13, 2011

    wow. akala ko seryoso na talaga yung isang entry mo eh.

    astig. \m/

    Reply
  29. Napakahusay na paglalahad ng mga pangyayaring kinakaharap natin sa lipunan. Magaling. Masaya ako at isa ako sa mgbibigay ng puntos sayong akda. Isang malaking karangalan para sa akin.

    Reply
  30. gnehpalle02

     /  June 18, 2011

    kuya tarbs ang ganda. bukod sa napapahon at informative na istilo, nasaling mo din ang iba’t-ibang salik ng lipunan bagamat may mga balakid na salita. Ikaw na kuya, the best ka…

    bumalik po upang mag-iwan ng puna.

    -XoXo

    Reply
    • super kaibigan talaga kita \:D/
      balik ka ulit ha. maski huwag ka mag-iwan ng puna lels

      Reply
      • gnehpalle02

         /  June 18, 2011

        ahahha… bumabalik naman ako dito kuya tarbs.
        madalas hindi ako nag-iiwan ng bakas…
        nakikikain at nakikikape ako ng di mo alam… ehehehe

        -XoXo

        Reply
        • hala, magparamdam ka para ipaghain ka ng minatamis na kamias \:D/ na ipapalaman sa kabayan at putok \:d/

          Reply
  31. 6. Nagsisimula na po tayong tumugon sa hamon. Sa iyong akda, banayad ang paghahatid ng nais maiparating. Dahil malinaw, nakisisiguro akong naghatid ito ng mabisang mensahe sa mga mambabasa. Dahil pinupukaw nito ang mga natutulog na damdamin natin tungkol sa ating bansa at ang ating tungkulin bilang Pilipino sa naghihikahos at naluluoy nang lupang sinilingan. Bawat hakbang, bawat tagumpay natin, natitiyak ko…kung makapagsasalita ang ating bayan, magpapasalamat pa ‘yon dahil nakikita niyang tayo ay kayang magkaisa. Muli ako’y nagpapasalamat sa iyong pakikilahok sa KM2: Daloy Diwa.

    Reply
  32. congrats, sir tarbs!

    Reply
  33. L

     /  June 23, 2011

    nomo nomo nomo! \m/

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: