sinong nagsine? (1/4)

Nakumbinsi akong maglibre ng mga kaibigan para manood ng Pirates of the Caribbean noong Miyerkules.  Nakumbinsi ako dahil ako raw ang pinakamayaman sa grupo sa pagkakataong iyon:  dahil yung isa ay naghahanda sa isang dibdibang pagsusulit sa Nobyembre, at ang isa ay isang linggong lumiban sa trabaho dahil sa karamdaman, at ang isa naman ay sa susunod na linggo pa maibibigay ang sahod na kanyang pinagpaguran. Nanlibre naman sila ng pagkain sa loob ng sinehan; nakakabusog ang homemade pizza, siomai at tubig!  May sopdrinks din pala!

Maganda ang kuwento ng Pirates of the Caribbean patungkol sa kanilang paghahanap sa Fountain of Youth upang makakuha ng tubig mula rito at iinumin ng dalawang tao mula sa dalawang magkahalintulad na kalis. Hahaluan ang laman ng isang kalis  ng luha ng sirena at kung sinumang makakainom nito ay magkakaroon ng mahabang buhay, mapapasakanya ang nalalabing buhay ng sinumang uminom sa laman ng isa pang kalis na hindi nahaluan ng luha ng sirena.   Kuha mo ba?

Maraming nakakatawang bahagi ang kuwento at nakakamangha ang visual effects lalo na sa itsura ng mga sirena: ang kanilang pang-ibabang bahagi, ang kanilang mabilis na paglangoy at ang kanilang paglipad sa kanilang pagsalakay sa mga lulan ng bangka!  Para masaksihan iyon sa puting tabing ay sulit na sa ibinayad sa palabas.

Nang sumunod na araw, mula sa isang miting, niyaya ko ang isang kaibigan upang panoorin ang Kung Fu Panda 2.  Nagdalawang-isip na sumama dahil pambata ang palabas na gusto kong panoorin, sa dulo ay pinagbigyan din niya ako alinman sa mga sumusunod na dahilan: (a) malakas talaga ang convincing power ko, (b) nahihiya lang siyang ako ay tanggihan o (c) gusto rin niyang panoorin ang sine. At natuloy ang panonood sa pambatang palabas!

Nagustuhan din ng kasama ko ang sine.  Natatawa siya sa akin na sa buong palabas ay nakangiti raw ako’t napapatawa ng malakas.  Dahil sa kagandahan ng kuwento, graphics at action scenes at mainam na pagkakasulat ng usapan (dialogue), sulit ang bayad!

Higit sa lahat, may aral na mapupulot sa kuwento tungkol sa pagkakaroon ng kapayapaan ng kalooban (inner peace).

Sabi nga ni Soothsayer kay Po: Your story may not have such a happy beginning, but that doesn’t make you who you are… …it is the rest of your story— who you choose to be…

Pinaraphrase ito ni Po sa kanyang huling pakikipagtuos kay Lord Shen.  Sinabihan ng panda ang peacock na:  You gotta let go off that stuff from the past ’cause  it just doesn’t matter.  The only thing that matters is what you choose to be now!

Maraming humor scenes at dapat i-enjoy niyo ang kabuuan ng sine!

Hmmm…. teka, kung ang buhay natin ay parang sine lamang, papatok kaya ito sa takilya?

Leave a comment

2 Comments

  1. toni

     /  June 5, 2011

    inaabangan ko na din yang kung fu panda 2……ipalabas sa tv. hehe!
    at mas gusto ko panoorin mga pambatang palabas(dahilbatangisipdinako).

    baka daigin ng mga totoong karanasan sa buhay ang karamihan sa mga palabas sa sine.

    nga pala mas gusto ko isipin na
    (a) mas malakas ang convincing power mo kahit nahihiya pa sya at gusto rin nyang panoorin ang palabas.

    Reply
  2. yehaa! bukas manonood kami ng kapatid ko ng kungfu panda 2.. tapos na ang pirates.. basta!.. mahilig ako sa mga pambatang pelikula kahit sa mga choices ng libro na binabasa ko.. kalahati pambata.

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: