ang tula sa tren…

Isa sa mga pinakaaabangan kong sakyan sa MRT ay ang mga tren na pinaskilan ng Berso sa Metro, mga sari-saring tula na naisulat sa Kastila at isinalin sa ating sariling wika.  Pinipilit kong kabisadohin ang ilan sa mga ito, ngunit madalas ayhindi ko maalala ang kabuoan kapag nakababa na ako ng tren.  Minsan nga’y tinangka kong piktyuran ang mga ito ngunit pinagtinginan ako ng mga tao.  Tinalo na ako ng hiya, kaya noong isang araw, minabuti ko na lang na i-text ang mga titik ng tulang tumatak at bumighani sa akin habang ako’y naglalakbay mula Magallanes hanggang Shaw Boulevard.  Sana’y maibigan ninyo rin ito:

Nang mawala ka sa akin, ikaw at ako’y nawalan:

ako dahil ikaw ang minahal ko nang lubusan

at ikaw dahil ako ang sa iyo’y lubusang nagmahal.

Nguni’t sa dalawa ay ikaw ang higit na nawalan:

dahil pwede kong mahalin ang iba tulad ng pagmamahal ko sa iyo

nguni’t ika’y di mamahalin tulad nang kung paano kita minahal.

-Ernesto Cardenal (Granada, Nicaragua, 1925-     .)

Hindi ba’t tumatatak sa kaibuturan ang mga titik ng tula sa ating sariling wika?  At ang mensahe….. ah, pag-ibig nga!

Previous Post
Leave a comment

12 Comments

  1. hmmm, curious ako kung sino ang pumipili ng mga tula..

    Reply
    • taribong

       /  June 3, 2011

      na inilalathala sa pitak na ito? eh, di ako!😀 Maraming salamat, Aninipot! hehehe

      Reply
  2. paborito ko ito sa MRT Tarbie. Nangangalay ako sa kakatingala para basahin lamang ang mga bersong iyan.

    Reply
    • taribong

       /  June 3, 2011

      haha hwag ka na magreklamo, meron nang mga tula sa mga dingding at bintanang salamin.😀 Maraming salamat, Joel. Hanggang sa muli.

      Reply
  3. Mahilig ka talaga sa poems (ngayon ko lang napansin kahit ang tagal tagal ko nang nakakakita ng poems dito LOL). Nabanggit ko na ba sa iyo na paborito ko si Pablo Neruda

    Reply
    • taribong

       /  June 3, 2011

      Nagkakataon lang siguro. Yaps, nabanggit mo na yun sa shoUt. Inilabas ko na mula sa baul ang “Pablo Neruda Mga Piling Tula” nina Virgilio Almario at Romulo Baquiran,Jr. para muling basahin.

      Mas nakakaengganyo ang tula kapag binabasa ito ng malakas. Saludo ako sa podcast ni Jun Lisondra sa kanyang mga tula, maging sariling akda o salin mula sa tulang nasa wikang banyaga. At ang pinakapaborito ko ay ito: http://www.junlisondra.com/2010/01/halika-sinabi-ko-nang-walang-nakababatid/ na “Salin mula sa orihinal na tula ni Pablo Neruda, “Come With Me, I Said, And No One Knew (VII)”.

      Salamat, Glenn. Hanggang sa muli.

      Reply
  4. por pabor senor!

    Reply
    • taribong

       /  June 5, 2011

      Andito ka na po, sir?!?!?! Kumusta na???? Ang mga pasalubong, naipamahagi na po ba?!?!?!😀 Maligayang pagdating po sa Lupang Hinirang!!!!

      Reply
  5. sa sobrang siksikan ng ilang beses akong sumakay ng mrt, wala akong napansin na mga berso maliban sa mga brasong bumangga-bumalya sa kawawa kong katawan.

    buti na lang pala sinabi mo. next time, hahanapin ko.

    Reply
    • taribong

       /  June 5, 2011

      Meron din po sa lrt-1 at lrt-2, mas madami nga po yata doon kumpara sa mrt. Good luck, Haring Doc! Kumusta na?!?!?!?!😀

      Reply
  6. Salamat sa pagshare nito Tars. Napakaganda nga ng intensyon ng pagkakasulat sa mga tren. Sana nga kapulutan ng inspirasyon ng mga Pinoy na sumasakay sa tren. At sana makaalis ito ng inis sa siksikan sa tren…hehe.

    Very korek ang sinabi sa tula. Di nawawalan at natatalo ang isang tunay na nagmamahal.

    Ingat lagi & God Bless…lalo na kapag nasa tren…baka malibang ka sa pagkopya ng mga tula ay may ibang tao na malibang naman sa pitaka mo.

    Musta na rin Tars.

    Reply
    • taribong

       /  June 5, 2011

      Maraming salamat po Tats. Huwag po kayong mag-alala; hindi po siguro ako madudukotan ng pitaka. Hirap din po akong bunutin ang aking pitaka dahil masikip at malalim ang aking likod na bulsa hehehe. Ang sapantaha ko po ang mga unang binibiktima ng mga holdaper sa tren ay yung mga naka-earphones at tulog/nakikinig ng musika habang bumibiyahe; hindi nila namamalayan na napagsasamantalahan na pala sila ng masasamang-loob.😀

      Ingat po kayo lagi at kumusta na lang po lahat sa inyo diyan sa Amerika!😀

      Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: