SHOrTstop

Matindi  pa rin ang sikat ng araw maski alas tres na ng hapon, pawis na pawis na rin si Vivo pero gusto pa niyang ipagpatuloy ang paglalakad para maitinda ang kanyang mga dalang supplements at maipamigay ang mga sampol na produkto.

Nakahilera ang mga nagagandahang bahay sa kalsadang kanyang tinatahak.  Nag-iiwan siya ng mga fliers hanggang mapunta siya sa isang lumang bahay doon. Halos malaglag ang mga bintana at nakagewang ang bukas na pinto na pakiwari niya’y hindi nailalapat sa pagsara.

“Makikisilong lang po.” Malakas na bigkas ni Vivo sa may pintuan kung saan bumulaga sa kanya ang hindi kaaya-ayang ayos ng loob ng bahay.  Malapit sa pintuan ang CR at kusina, nasa gitna ang kainan at sa dulo ang sala kung saan naroon ang hagdan paakyat sa pangalawang palapag. Magulo.

Lumabas ang may-ari ng bahay. “Tuloy ka.”

“Hindi na po. Dito na lang ako sa harap, may trapal naman dito.”

“Ikaw ang bahala.”

“Baka gusto niyo pong i-try ang Parasetamode, para mas ma-improve ang lovelife at sexlife niyo.” Alok ni Vivo sa mamang nauubosan na ng buhok.

“Ayy, hindi na. May nagsu-supply sa akin ng Vaiagro, dagdag na bayad sa pagpapaupa ko rito sa bahay.”

Hindi makapaniwala si Vivo sa narinig at agad na nagpaalam.

Hindi pa nakakalayo si Vivo mula sa bahay nang makasalubong ang dalawang babaeng nag-uusap.

“Yung bahay ni Mang Kadyo, parating may nag-uupa para gamitin sa palabas sa tv o sine.  Mamayang hapon, magsyu- shooting daw sina Sarah Geronimo diyan.”

“Oo nga. Di ba, diyan din sina Maja Salvador dati? Kaya, hindi pinagagawa ni Mang Kadyo ang bahay dahil pinagkakakitaan niya. Hindi nga rin niya inaayos ang loob ng bahay eh.”

“Sus, e kung ginawa niya yun e di goodbye kita na siya.”

Patawid na si Vivo sa kabilang gilid ng kalsada noong mapansin niya ang isang lalaking paika-ika at may kahoy na ginagawang saklay.

Akmang aakayin ni Vivo yung mama pero inilingan siya nito. Hindi na nagpumilit si Vivo na tumulong sa mama.

Sa di-kalayuang kanto, may mamang nakaupo sa harap ng kanyang bahay at tinawag siya sa pamamagitan ng pagtaas ng isang maliit na basong may lamang kulay green.

Aayawan sana ni Vivo ang alok pero uhaw na uhaw siya, kaya pinagbigyan niya ito.

Sa pagtungga ni Vivo, napapikit siya. Gumuhit ang pait at init ng ininom sa kanyang lalamunan hanggang sa kanyang sikmura.

“Binigla mo eh. Heto, inom ka ng malamig na tubig.”

Dali-daling inabot ni Vivo ang isa pang baso at linagok ang laman, naiwan na lang ang malaking tipak ng yelo roon.

“Ayos ka na? Halatang subsob sa trabaho ah.”

“Kailangan po eh. Salamat ah.”

“Dito ka muna, wala akong kasama eh. Parating pa lang kasi ang tropa ko.”

Bantulot na nakiupo sa bangko si Vivo.

“Nakita mo yung bahay ni Mang Kadyo sa unahan?  Wag mo na intindihin yon.  Maski anong gawin natin, hindi siya makukumbinsing ayusin o ipagawa ang kanyang bahay. Pinagkakakitaan kasi niya. Mawawala ang mga umuupa sa bahay niya kapag pinaayos niya.  Kung makikipagkompetensiya  naman siya sa pagpapaganda, pihadong wala siyang panama sa mga katabing bahay.”

Tatango-tango si Vivo.

“Nakasalubong mo ba si Kiko na pipilay-pilay? Isa din yun.  Ayaw niya na may tumutulong sa kanya.  Gustong patunayan na kaya niya, maski ganun siya.” Tumungga yung mama sa basong nilagyan niya ng gin mula sa bote at sa kulay berdeng likido mula sa plastic cellophane.  “Siya nga pala, ako si Sunday.  English version ng aking totoong pangalan.”

“Vivo po. Vivencio Von Villavicencio po.” Nakipagkamay si Vivo sa bagong kakilala.  “Ano po yang green sa plastic.”

“Ah, eto? Apdo ng ahas.  Aphrodisiac. Pampalakas ng stamina. Ayos ba?”

“Hmmm… siguro hindi niyo na po kailangan pa ng apdo ng ahas. May solusyon na po para diyan.”  Inilabas ni Vivo ang dalang Parasetamode at ibinida ito. “Mabilis po ang epekto nito.  Di ka po mapapahiya sa loob ng apat na oras.”

“Mas magaling ba ito sa sinasabing Vaiagro ni Mang Kadyo?  Masakit sa ulo kasi yun.  Bumibilis ang pitik ng puso.”

“Maraming contra-indications  po siguro yon kaya ganon.”

“Pero alam mo. Ang mabisa talaga ay yung Aihakam.  Dinevelop yun sa kompanya nung kapatid ko at malapit nang ilabas sa market.  They made use of the extracts of the mimosa pudica, added some catalysts and some solutions to optimize the application of the genetic traits of the plant in reverse.”

Napakunot-noo si Vivo.  Hindi niya naintindihan at nagulat sa pagi-English nung kausap na kakaumpisa pa lang na uminom.  “Ano po? Ano ulit? Paano?”

“Haha. Sorry.  Yung makahiya, kinuhanan ng extracts tapos ginamit ang potency niya, pero kabaligtaran sa traits niya.  Ang effect, pag nasagi o nasaling lang si manoy, magagalit at maghuhumindig na siya.  Matagal ang epekto kaya sulit.  Pag hindi na nagagalaw, saka lang huhupa ang epekto.  Galing ‘no?”

“Ahhhh… okay.  Ganon pala.  Ibig sabihin, malalaos na ang Parasetamode?”

“Maaari.  Sabi nga, we live in a very competent world.  Kung hindi ka makakasabay, mapag-iiwanan ka.”

“Haha, oo nga po. Pwede pong makitagay pa?” hirit ni Vivo na mukhang nauhaw sa sinasabi ng kausap.

“Sige, walang problema.” Nilagyan ni Sunday ang baso ng tagay para kay Vivo.  “Yung si Mang Kadyo, matigas ang ulo.  Hindi mo rin siya masisisi.  Sabi nga nila: you cannot manage the world, and you cannot change the people around you.  The only things over which you have immediate control are your own thoughts and emotions.”

Dahan-dahang tumagay si Vivo.  Nilalasap ang laman ng baso. Ninanamnam niya ang mga narinig.

Pagkaraan ng ilang saglit ay nagpaalam na si Vivo. “Hindi na po ako magtatagal dahil may mga gagawin pa akong reports. Bukas trabaho na ulit. Maraming salamat po.”

“Okay. Ingat na lang. Kung magagawi ka dito, daan ka lang dito sa bahay. Salamat din.”

“Opo. Madadalas siguro ang pagdaan ko dito, makikibalita ako tungkol sa Aihakam. ” Nangingiting pagpapaalam ni Vivo sa kanyang bagong kakilala na muling tumagay sa kanyang pagtalikod.

Nararamdaman na ni Vivo ang epekto ng alak sa kanya.  Ang pait at init sa kanyang kalamnan.

– – – – – –

Update 02/10/2011 (re-updated 2/11/2011) : WHAT’S WITH THE TAG? Dahil sa hindi natuloy ang inuman kagabi (bwahahaha masabi ko lang), maaari mo bang tukoyin kung ano ang kahulugan ng tag sa post na ito?  Kung ikaw ay mapangahas, inaanyayahan kitang ibahagi ang iyong pananaw sa pitak para sa mga puna (comment section) sa ibaba.  Kung ang ideya mo ang siyang pinakamalapit sa iniisip ko,  maaari kang mabigyan ng mga libro:  Angels & Jejemons ni Arnel Aquitania AT The Poet ni Michael Connelly.  Maraming salamat!😀

Leave a comment

15 Comments

  1. Aihakam = Makahia ?

    Love and other drugs ba ito? Shot lang ng shot! Kain lang ng kain kung anong nakahain. =P

    Reply
  2. lababo

     /  February 9, 2011

    Ahihihihi. Mabenta yan ngayong love month.

    Reply
  3. wag nating hayaang malaos ang parasetamode ni vivo! magtulong-tulong tayo!!! bwahahah

    teka in capsul ba o in syrup?

    Reply
  4. shot na ng shot!!! basta ko ayaw ko na mag shot! haha

    Reply
  5. eh anong nangyari kay Vivo matapos makainum ng 2 shoot ng apdo ng ahas?? weeeh di naman report ang ginawa non eh!! hihihihi

    ayaw kong isipin ang okasyong darating..masakit sa boobs! hihihi

    Reply
  6. eli

     /  February 12, 2011

    PARABOLA – hugis V.

    pangalan ni Vivo nagsisimula sa letrang V.
    Kumpletong pangalan Vivencio Von Villavicencio — V^3 (V cube)—> pati ang caret hugis V na parang parabola.
    tapos nabanggit ang salitang vaiagro – letrang V ulit.
    yung saklay —> pwede ring maghugis V
    nabanggit din ang aphrodisiac na mula sa goddess na si aphrodite na kung saan ang roman equivalent niya si goddess venus — V ulit.
    mismong ang makahiya plant tila bumubuo ng letrang v na hugis na parang PARABOLA

    hakhak!

    Reply
  7. isa pang shot…:)

    bakit pinalitan ni domingo ang name nya???hmmm

    mabisa ba talaga ang Aihakam kesa sa parasatamode???

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: