ubas, trigo, tubo, niyog, kanin at patatas

pabayaan mong mabighani ako sa iyong mga daluyong

at mapag-alab ang diwang nahihimbing sa kaibuturan

magising ang kamalayang lingid sa karamihan

at maihele ako ng oyayi ng nakaraan.

papagnilayin mo ang aking kamangmangan

paglakbayin ang pulandit ng isipan

pagdaluyin sa aking kalamnan ang hiwaga

ng lahat ng iyong pinagdaanan.

nais kong mapawi  ang uhaw kong damdamin

malunod ang pagkasabik ko’t pagkaulayaw

at ang kahibangan, huwag naman sanang

tuluyang magapi ng naghuhulagpos mong tapang.

– – – – – – – – –

Update (2/3/2011):  UNRAVEL THE MYSTERY BEHIND THE TITLE

If you have any idea (or perhaps an inkling) of how the title to this post came about, kindly share it at the comment section.  The comment/explanation that first comes closest to the author’s inspiration would be rewarded with either a copy of Peter Abrahams’ Nerve Damage or Maria Ressa’s Seeds of Terror.  Thanks!😀

ANG HIWAGA SA PAMAGAT: Kung mayroon kang ideya o kaya ay kuro-kuro kung ano ang lihim na nakapaloob sa pamagat ng post na ito, mangyari lamang na isulat sa pitak para sa mga puna.   Ang puna/paliwanag na unang pinakamalapit sa iniisip ng may-akda ay mabibiyayaan, alinman sa sipi ng Nerve Damage ni Peter Abrahams o ang Seeds of Terror ni Maria Ressa. Maraming salamat!😀

2/5/2011 TITLE MYSTERY NO MORE! Congratulations to Jeson and Eloiski!!!  Jeson gets Maria Ressa’s Seeds of Terror while Eloiski gets Nerve Damage by Peter Abrahams. Thanks to all!😀

Previous Post
Next Post
Leave a comment

29 Comments

  1. Ano yung oyayi? Parang pagkaen!

    Reply
  2. ayos to… makatang makata…

    Reply
  3. I was searching for oyayi and I found this blog. Keep blogging! I like it😉

    Reply
  4. naks! ang galing! ikaw na ang makata ngayon.

    Reply
  5. Arnie

     /  February 2, 2011

    oyayi diba parang kanta un??hohoho

    ang lalim di ko mairelate sa title…nyahaha

    Reply
  6. ngunit sa di maalihantulad na panganib,
    iyong mararanasan kappag ikaw man ay walang pasintabi.

    sa indayog ng nakalipas, tila nakalihis na ang tempo at himig ng kasalukuyan.

    hayaang pumukaw sa isipan ang mga iniimpok na pagbabagong mararanasan sa hinaharap.

    Reply
  7. hmmmmm

    title…..

    hmmmmmmm

    Reply
  8. Pigain ang isang kilo ng ubas.
    Bayuhin ang isang kabang trigo.

    Ipasok sa tubo ang mga nasabing sangkap.
    Budburan ng kalahating mangkok na niyog ang pinaghalong ubas at trigo.

    Ihanda ang kanin. Kung wala namang kanin, pwede rin ang patatas. Gawing mashed potato.

    Enjoy.

    Reply
  9. Arnie

     /  February 3, 2011

    hmmmmm,,,,gusto ko ng premyo…ang title bow…

    ang ubas pagnatuyo nagiging pasas na maaaring maging sangkap kasama ng trigo sa paggawa ng masarap na tinapay na pinatamis ng katas ng tubo haluan pa ng minatamis na niyog,,,(puros pagkaen talaga!)hmmmm na makakabawas sa gutom kagaya ng kanin at patatas…whahaha

    Reply
  10. awts. manong nakailang ulit na kong basa, hindi ko pa din makita bat ganun title. hmmmmm… babalik ako. hehehe

    Reply
  11. alam ko na!!

    lahat yan alak!!!

    Reply
  12. ang daya. nahuli ako dito. ALAK din hula ko eh. kasi nga ‘yong mga previous posts eh tungkol sa SHOT. naiconnect ko lang. sayang naman. next time dapat pala agahan. T_T

    Reply
    • You’re in luck, eloiski! This post is part of the shot series. You get to have the other book. Kindly drop a line on how you intend to claim your prize. Thanks. Have a great day!😀

      Reply
  13. Tuba.

    Basta pampatapang, tuba

    Reply
  14. ang daya ngayon ko lang nalaman na may pakontest ka kuya tarbs..

    nahulaan ko pa naman ang mystery behind the title, yon pa naman ang question ko bakit puro sangkap ng alak ang meron sa title ng post mo..hehehe

    haha, pero ok lang may libro na naman ako.🙂

    Reply
  15. Pwede bang ibigay nalang ang premyo sa raffle? Wala akong ka pag a pag asa. Hahaha.

    Reply
  16. tagay pa! sayang nahuli ako. congrats kay jayson!

    ang husay naman ng tulang ito. nakakalasing!!!

    Reply
  17. shit na malagkit. nahuli ako ng dating. sayang ang nerve damage ni peter abraham. alak din ang unang pumasok sa isip ko pero hindi ako sigurado kasi hnidi ko naman alam na may alak palang gawa sa patatas. hakalain mo ‘yun, kuya tarbs? now i know!😄

    pwede bang magpa-konteshit ka ule kuya tarbs tas libro ule ang premyo? pero sana fiction; kasi nakakatamad basahin pag non-fiction. hmmkei…ako na ang demanding. lol!

    ikampai na lang lahat ng alak na ‘yan! \m/

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: