bisita

“Hindi na naman natin makakasama sina Sheryl.  Sobrang nami-miss ko rin ang kakulitan nina Ben at Ken. Pete, hindi na nila siguro tayo dadalawin… Sa tingin mo?”

“Edna naman, hindi pa tapos ang pasko…”

“Ano pang aasahan ko e mag-aalasdose na. Matatapos na ang misa, magsisiuwian na ang mga tao.  Buti pa sina Carlo at sina China, dinalhan ng pagkain ng kanilang pamilya.  Mabuti nga rin at binigyan din tayo, may mapagsasaluhan mamaya.”

“Huwag na siguro tayong umasa pa.  Pero malay natin baka bukas pupunta rin sila dito… Hindi ka pa ba gutom?”

“Mamaya na lang… Hayan, tumunog na ulit ang kampana ng simbahan, tapos na ang misa. Pauwi na ang mga tao para sa Noche Buena. Nakakaaliw naman ang mga tugtuging pamasko.  Nakakalungkot lang na hindi man lang sumaglit ang nag-iisang anak natin.”

“Busy lang siguro…”

“Madadaanan naman nila rito papunta sa simbahan.  Maanong dumalaw man lang sila.  Tila hindi na tayo naaalala ni Sheryl…”

“Ikaw naman, hindi naman siguro.”

“Bakit mo ba ipinagtatanggol ang anak mo?  Hindi mo ba gusto na sa ganitong okasyon ay magkakasama tayo?”

“E kung pumayag kang tayo na lang ang bumisita sa kanila eh di sana tapos na ang usapan. Tapos ngayon, nag-aalburoto ka.”

Hindi na lang kumibo si Edna. Nakatanglaw na lamang siya sa mga nagdaraang mga sasakyan at mga naglalakad sa di-kalayuan.  May naririnig na nagkakasiyahan at nag-aawitan. May mga batang nagpapaputok ng rebentador.

“Sana hindi magsisindi ng paputok ang mga bata…”

“Hindi magpapaputok ang mga iyon. Nerbiyosa ang anak mo. Hindi niya papayagan ang kanyang mga anak na magpapaputok.”

“Wala na akong gana.  Magpapahinga na ako…”

Naiintindihan ni Pete ang asawa pero wala siyang magawa.

Inakbayan ni  Pete si Ednang nangingilid ang luha.

Ibinaba ni Edna ang kamay ni Pete.  Hawak-kamay silang pumasok sa isang maliit na lalagyan kung saan nakalagak ang kanilang mga abo.

– – – – –

Maraming salamat sa iyo sa iyong pagdalaw at sa patuloy na pagsubaybay sa kung anuman ang naisulat sa bloghay na ito.

MASAGANANG BAGONG TAON SA ATING LAHAT!!!!

Hanggang sa muling pag-alingawngaw…

Leave a comment

7 Comments

  1. oh noes!!! huwayy!!!

    Awwoooooo Haapppyyy New Year!!!!!

    Reply
  2. pagkabasa ko pa lang ng salitang himlayan kinutuban nako. Pero di ko pa rin naiwasang magulat at malungkot. Namiss ko tuloy ang kapatid ko. Isa rin itong paalala sakin para dalawin ko sha sa kanyang himlayan. Thanks, tarbs!

    Maligaya at masaganang bagong taon sa ating lahat.
    Note: tinanggal ko na yung salita para hindi na kutuban ang iba. -tarbs

    Reply
  3. Arnie

     /  December 31, 2010

    awwwwwww….nalulungkot tuloy ako..buti nadalaw namin si ditse ko sa kanyang himlayan nung pasko tyak si sya nalulumbay…

    Masaganang bagong taon sa ating lahat! Alam ko napasaya mo ang ditse mo. -tarbs

    Reply
  4. Bakit hindi ko naintindihan? Kulang siguro ako sa tulog.

    Excited ka lang sa nalalapit na putokan. Maligayang bagong taon, Vajarl. -tarbs

    Reply
  5. toni

     /  December 31, 2010

    Happy New Year ManongKo.

    Wow! Happy new year adingko!!!😀

    Reply
  6. Aw… Lungkot naman… babati na lang ako ng happy new year!

    Happy new year, xprosaic!😀

    Reply
  7. aww nakakalunkot naman..
    nag enjoy naman ako sa pagtambay a blog na to..

    gud day!!!

    (bloghopping)

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: