ika-walo

NAKAGIGIMBAL!!!!!!!!!                                     NAKALILIGALIG!!!!!!!

Kakaiba ang ika-walong libro ni Bob Ong ngunit nagustuhan ko ito. Kung hinahanap-hanap mo pa rin ang istilong nagpaibig, nagpaisip at nang-antig sa maraming mambabasa sa mga unang akda ni Bob Ong, marahil ihahalintulad mo na rin ito sa mga nahuling sinulat niya.  Maihahambing ang atake niya rito sa kuwento ayon sa pagkasunod-sunod na paglabas ng kanyang mga sinulat, na ang dulo sa tantiya ko’y paglilihis sa nakagawiang pormula, ang pagtuklas ng iba’t ibang dimensiyon ng pagsusulat:  malaya, mapanuri, mapangahas, mapusok!

Sumasalamin ang kuwento sa iba’t ibang karanasan ng tao na nagsisimulang mamulat sa mundo, sa pakikitungo sa mga taong nakapalibot sa kanya, sa pagharap o pagtakas sa hamon ng buhay. Katulad ng panghihikayat ko kina Toting Tagabukid, Tatong Tagalungsod at Nardong Toktok sa pamamagitan ng post na ito, hinihikayat ko kayong basahin ang libro upang inyong matunghayan ang kakaibang pilipit (twist)😀.  At sana magustuhan ninyo rin ang pagbabasa.

Huwag na ninyong pag-aksayahan ng panahong basahin ang nasa ibaba. Yung libro na lang ang bigyan niyo ng panahon.  Basa na!!!!😀

Maari rin po kayong dumalaw sa site na ito:  http://www.youtube.com/watch?v=JZgmh48zUaI

——–

Dahil sa hangad kong mabiyayaan ng libre at nilagdaang sipi ng pang-siyam, ang bagong libro (Twisted 9) ni Jessica Zafra:

Tanong:  “Bakit Ako Nagbabasa ng Kung Anu-anong Shit sa Datkom ni Lio?”
Sagot: Bakit naman hindi?

Tagayan na!!!

Leave a comment

12 Comments

  1. jason

     /  December 7, 2010

    WOW!! kelangan ko mahanap yannnnn

    Reply
  2. jason

     /  December 7, 2010

    ang ganda ng trailer. natakot ako. yay

    Reply
  3. pumunta ka ng Pampanga kuya tarbs? yehey naman!

    Reply
  4. interesado ako sa kung ano ang tinanong nung kapatid mo kuya tarbs yehey
    may dalawang scanned book ako ni bob ong yey
    pero di ko nababasa ng buo yey ulit

    Reply
  5. p0kw4ng

     /  December 7, 2010

    di ko na nga binasa yung nasa baba,hihihi masunurin ako eh! ahahaha

    sana bigyan ulit ako ng sisterloo ko nyan…isang set na kasi nong niregaluhan nya ako ng book ni bob ong..kaya ayun..super late na ako pero atleast nabasa ko pa din lahat, hihihi

    Reply
  6. hay..book cover ba yung kauna-unahang image?ayaw mag-load nung picture kahit anong refresh ang gawin ko..puwede ko siguro igoogle pero parang mas okei kung babalik na uli ako para makita. :]

    Reply
  7. A B N K K B S N P L A Ko?! ang tanging nagustuhan ko sa libro ni Bob Ong, yung ibang libro nya, ayun nasa kabinet ko.🙂 Hindi ko binasa yung mga picture. Kebs.

    Reply
  8. Uber peborits ko si Bob Ong magsulat noon, ngayon natambakan na sya ng ibang manunulat na mas patuloy ang pag develop ng writing style. Para saken lang naman yan. Ang totoo nabuset ako sa libro nyang Kapitan Sino. Nawala yung anghang ng dating tinitingala ko ng bonggang bongga.

    Hangganda pala ng sulat mo Tarbs! Hoho.

    Reply
  9. kuhracha

     /  December 8, 2010

    lech na trailer yan. nakakakilabot.

    hindi ako actually fan ni bob ong. hanggang book3 lang ang nabasa ko. may mga point naman kasi cia, kaso minsan parang OA na. hehe.

    natutuwa ako sa handwriting mo. ewan ko lang senyo. toinks!

    Reply
  10. nagustuhan ko na hinde ‘yung ikawalong libro. ang ikli kasi, parang hindi libro. gusto ko kasi ng babasahing uupuan mo talaga ng isa hanggang dalawang araw. hindi ‘yung isa, dalawang oras lang.

    hahaha! natawa naman ako sa sagot mo sa tanong ko. salamat sa pagsali sa pakonteshit ko, ser tarbs!

    Reply
  11. gnehpalle02

     /  December 18, 2010

    kuya tarbs, titiganan ko kung magugustuhan ko ang ikawalo.

    pero ang pinakaastig yung sagot sa tanong mo kay ginoong lio… hahaha

    Reply
  12. ikaw na! ikaw na, tarbs! hihihi! ang angas ng sagot e. walang kung anu ano. bakit nga naman hindi? hihihi!

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: