Magpakailanman, Erma

Isa sa mga paboritong manunulat ni Kaye si Erma Bombeck. Sabi niya, si Erma Bombeck ang Bob Ong ng Amerika.  Dahil doon, napabili ako ng dalawang paperbacks na akda ni Bombeck. Sa totoo, hindi ako lumampas sa pagbabasa ng mga naunang pahina sapagkat hindi ako masyadong maka-relate sa sinulat (malaking dahilan din na lalaki ako kaya hindi siguro effective sa akin) ngunit sa isang banda, naging effective siyang pampatulog sa akin upang ihele ako sa duyan ng paghilik.

Nag-iba ang pagtingin ko sa panulat ni Bombeck noong mabili ko ang kopya ng I Want to Grow Hair, I Want to Grow Up, I Want to Go to Boise tungkol sa mga batang maysakit na kanser.  Mahirap kay Bombeck na sulatin yun dahil mas sanay siya sa magaan at patawang atake sa mga bagay.  Doon ako humanga sa kanya.  Mahusay ang pagkakalahad ng akda.  Natapos kong basahin iyon sa isang upuan lang (sige na nga, at isang higaan din!).

Kahapon, nakabili ako ng isa pang akda ni Bombeck.  Ang pamagat ng libro: Forever, Erma.  Hindi ko na binuklat dahil alam kong magaling ang manunulat.  (At isa pa, hardbound copy sa halagang p40! :D)

Kaninang umaga, habang hinihintay ko ang kapatid kong matapos sa paliligo, binuklat ko ang libro.  Sa inside cover page nakasulat “When Erma Bombeck died this spring”; nagulat ako sa nabasa at tinignan ko agad kung kelan nilimbag ang libro: 1996.  Nalungkot akong malaman na matagal na palang patay si Erma Bombeck!

At doon ko lang napagtanto na totoy pa lang ako noong sinulat niya ang mga unang dalawang librong nabili ko.  Kaya siguro hindi ako naka-relate doon.😀

Itinuloy kong basahin ang foreword. Dun pa lang, nasapol na ako:

“Ngunit ang pinakamainam na puna sa kanyang karera ay matatagpuan sa dulo ng isang kolum na sinulat noong Marso 10, 1987:

Parati kong napapanaginipan na kung sasabihan akong magbigay ng accounting sa aking buhay ng isang mas mataas na hukuman, magiging ganito ang takbo:  “Kaya, itaob mo ang iyong mga bulsa.  Ano pa bang naiwan sa iyong buhay? May mga pangarap ka pa bang hindi natupad? May mga natitira pa bang hindi-nagamit-na-kakayahan na naibigay sa iyo noong ikaw’y ipinanganak? May mga papuring hindi nasambit o kaya’y mga katiting na pag-ibig na hindi mo naipadama o naipahayag?

At ito ang magiging sagot ko:  “Wala akong maisasauli.  Nagamit ko lahat ng ibinigay ninyo.  Ako’y hubo’t hubad katulad nang araw na ako’y isinilang”

x             x              x

Ang mga nagawa ko’y hindi masusukat ng aking batang anyo,

kundi sa mga linya ng pag-aalala sa aking noo,

ang mga linya ng pagtawa sa palibot ng aking bunganga,

at sa gawing baba mula sa pagtitingin kung ano ang puwedeng gawin

para sa mga mas maliit sa akin o sino mang nadapa (o bumagsak).

Abril 17, 1996

(mula sa huling sinulat ni Erma Bombeck)

*          *          *         *          *

Ipagpaumanhin po ninyo ang aking pagiging pangahas sa pagsasalin, narito ang pinaghanguan:

“The most gratifying comment on her career, however, came at the end of a column written on March 10, 1987:

I always had a dream that when I am asked to give an accounting of my life to a higher court, it will go like this: “So, empty your pockets.  What have you got left of your life? Any dreams that were left unfulfilled? Any unused talent that we gave you when you were born that you still have left?  Any unsaid compliments or bits of love that you haven’t spread around?

And I will answer, “I’ve nothing to return. I spent everything you gave me.  I’m as naked as the day I was born.”

x          x           x

My deeds will be measured not by my youthful appearance,

but by the concern lines on my forehead,

the laugh lines around my mouth,

and the chins from seeing what can be done

for those smaller than me or who have fallen.

April 17, 1996

(from Erma Bombeck’s last column)

-Bombeck, Erma. Forever, Erma: best-loved writing from America’s favourite humorist (Kansas City: Andrews and McMeel, 1996), xiii-xiv.

*          *          *         *          *

Mas uunawain ko na siguro ang mga sinulat ni Erma Bombeck.

Kung hindi, masaya na ring ipaghele pa rin niya ako. 😀

Awwwwooooooooooo!

P.S.  At ang mas nakatutuwa, magkahawig kami nung lalaking naka-drawing sa likod na pahina ng libro!🙂

Next Post
Leave a comment

23 Comments

  1. lalaki ka pala taribong. noong una kala ko babae ka. ang galing ng salin mo… saktong sakto ang mga salitang binitawan mo. ang galing kahit ako naging interesadong basahin yung book.

    PDL and binabasa ko ngayon…

    Reply
  2. gusto kong maintindihan kaso walang pumapasok sa utak ko. bukas na lang po. hehehehe adik lang

    Reply
    • haha dun lang sa quoted portion (english) ang mahalaga
      (the rest ay walang kwenta hehehe :D)
      magandang umaga, YanaH!!!!

      Reply
      • at dahil may kaunting katinuan an ako. eto at nagbalik!
        mukhang ni-raid mo ang booksale ah.. etong post mo na toh reminded me of those books na ilang linggo ng nakatengga sa sidetable ko at hindi pinapansin.. one of these days, pinangako ko sa sarili ko na babasahin ko na sila.

        if you get to live your life that it should be.. living it to the fullest, sa araw ng pghuhukom, there is nothing that you will regret.. every moment will be treasured and will be kept locked deep inside your heart. be it good times or bad times. ito ang magsisilbing batayan ng reason for existence mo. what you did with your life, what youve achieved, kung sino ang mga taong nakasalamuha at nahipo mo.. defines who and what you are…

        Reply
  3. nakita ko ang sarili ko sa mga ginagawa mo kuya tarbs, yon naman nung sa panahong wala akong ibang hobby kundi magbasa, ngayon..tambak lang sila, kung kelan ulit ako magbabasa, ewan ko lang..hahaha

    huling beses ko yatang pasok ng national ay..hmmmm, kagabi pala..wahahaha, yon nga lang di na libro ang dahilan bakit ako pumunta dun, brush at watercolor paper na.

    Reply
  4. Baka soulmate kayo ni Erma Bombeck? Nakakarelate ka kasi ng uber uber!🙂

    Reply
  5. hehe salamat sa mention. lagyan mo na rin kasi ng link. bwahahahahah!

    heniways, nako, magpapasalamat ulit ako sa librong pinadala mo…na nagpaiyak saken ng sandamakmak. kaya pag binasa yun dapat magisa ka lang o kaya tulog na lahat ng kasama mo kasi dadanak ang luha.

    sorry naman at inantok ka dun sa ibang libro niya. yung humor niya kasi is unlike others’. she pokes fun at herself and her own family kaya pag may sinabi siya about other people, hindi mo seseryosohin.

    and yes, she’s long gone. but at the time i first encountered her in college, buhay pa siya nun. wow. ang tanda ko na.

    Reply
    • hala naman, di ko na nga binanggit. babalikan ko rin yung dalawang libro, natambakan lang😀 magugustuhan ko rin yun pagkalagpas siguro ng mga unang chapters… haha

      Reply
  6. Arnie

     /  November 5, 2010

    kala ko sya ang batang merong kanser…hanobayan…:-)

    aw nako momo na pala si Ms, Emma Bombeck…awooooooo!!

    Reply
  7. p0kw4ng

     /  November 5, 2010

    ang galing!! ang ganda ng sagot!! napahanga ako sa sulat nya!

    tenchu sa pag share ulit!

    Reply
    • walang anuman, p0kw4ng! basta ikaw!! malakas ka sa akin eh!!! hehehehe
      maraming salamat din at sa uulitin, balik ka ulit ha?

      Reply
  8. Hindi ako palabasa, tanging isang Libro lang ang ntapos ko (John Grisham, the Client) at syempre mga libro ni Bob Ong. Pero sa mga review mo, parang gusto kong basahin ang mga libro ni Erma.

    Sana kung lilisan man ako masabi ko rin ang mga katagang nasambit ni Erma.

    And I will answer, “I’ve nothing to return. I spent everything you gave me. I’m as naked as the day I was born.”

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: