hugis at bilang (at isang panawagan)

Pagkatapos mananghalian sa bahay ng isang ka-meeting ko kahapon ay napagpasyahan ko nang magpahatid sa Megamall.  Pinag-iisipan ko pa kung pupunta pa ako sa opisina o didiretso na lang pauwi.  Higit na nakalalamang ang huli dahil bumabagyo.  Pabugso-bugso ang buhos ng ulan at lumalakas ang hangin.  Sarap damhin ang hampas ng malamig na hangin sa pisngi at ang dampi ng mga patak ng ulan.

Magkatabi kami sa likod ni Enzo, limang taong gulang.  Yung nanay ni Enzo ang nasa harap ng manibela, katabi niya ang lolang naaantok at pilit nilalabanan ang nagbabadyang pag-idlip.

Magulo si Enzo. Pasirko-sirko sa upuan.  Nakita niya ang maliit na Pikachu at pinaglaruan.  Nakita ang nakapatong na laruang daga at pinaglalambitin, minsan nilalagay sa aking kamay at sa aking ulo.  Hiniram ko ang elastic na daga at dinadampi ko ang nguso nito sa katawan ng bata.  Pasirko-sirko pa rin si Enzo sa kinauupuan maski sinasaway siya ng ina at lola.

Kinuha ko ang dalawang gomang nakapulupot sa folder na nasa loob ng aking bag.  Sinubukan kong turuan siya gumawa ng star para matigil siya sa pagsisirko.  Nahihirapan siya dahil maliliit pa ang mga daliri at hindi makontrol ang pag-ikot ng goma. Kung kaya, napunta kami sa tanungan kung anong hugis ang ipinapakita sa kanya.

Bong:  What shape is this?

Enzo: Circle.

Bong: Very good.   Pero pag pahabang ganito, nagiging (si Enzo ay nakatingin lang)….Oblong (nangiti ang bata). O eto, anong hugis?

Enzo:  Square.

Bong:  Galing ah. O eto naman?

Enzo:  Rectangle.

Bong: Ayos hehe. Gimme five!

Malakas ang tunog ng paglapat ng mga palad namin. Halatang nagugustuhan ng bata ang laro.

Bong:  Eto, anong shape ito?

Enzo:  Triangle.

Bong:  Ano naman ‘to?

Enzo: Danamond.

Bong: Diamond. Da-ya-mond. Diamond. Sabihin mo nga ulit?

Tatlong beses na danamond pa rin ang sabi ni Enzo. Nakuha rin niya sa wakas ang tamang pagbigkas sa diamond.

Bong: O heto ulit.  Ano ito?

Enzo: Triangle.

Bong: Ano naman ito?

Enzo:  Rectangle.

Bong: Rectangle nga. Pero may ibang tawag pa sa kanya. Isa siyang, trapezoid. Sabihin mo nga?

Nakuha ni Enzo na bigkasin ng tama ang trapezoid. Natuwa ako sa kanya habang ang lola at ina ay nahalata kong nakikinig sa aming usapan.

Bong:  Ang trapezoid ay parang rectangle din.  Yung triangle kanina, tinapyas ang ulo; at ang natira sa ilalim ay ang trapezoid, parang rectangle na nakabukaka.

Natawa si Enzo sa nakabukaka. Inulit pa niyang sinabi “Nakabukaka. Trapezoid.”

Bong:  Eto, ano naman ito?

Enzo:  Diamond.

Bong: Ayos na ang tawag ah.  Diamond nga!  Pero may isa pang tawag sa diamond:  rhombus.

Enzo:  Rhombus.

Bong:  Tama, rhombus.  Heto, ano ulit ito?

Enzo: Star.

Bong: Tama! Galing ah.

Gusto ko pa sanang sabihing ang star na iyon ay isang decagon, pero tumitingin sa rear view mirror ang lola, baka hambalusin na ako ng payong na nakalagay malapit sa handbrake. Tumigil na lang ako at bumalik sa pagsisirko sa upuan si Enzo.

Bong: Marunong ka bang magbilang?

Enzo: Opo. One, two, three, four, five……

Patuloy sa pagbilang si Enzo, hanggang sa umabot ng …

Enzo: …twenty-six, twenty-seven, twenty-eight, twenty-nine, twenty-ten!

Natawa ako. Nadali ni Enzo ang taribong!

*            *            *

Kaibigan, meron lang po sana akong hiling kung iyong mamarapatin.  May malapit akong kaibigan na halos magkapatid na ang aming turingan, nangangailan lang ng konting tulong. Heto ang mensahe niya:

This is Atty. Jewel Bulos.  Friend, I am organizing relief assistance/operation for the benefit of my townmates in Burgos, Isabela.  Grabe po ang pinsala sa aming mga bahay at palayan sa Burgos.  I will be grateful for your donation in cash or in kind.  You can also deposit it at: Metrobank SA# 2343234197224.  Please fax the deposit slip at 893-8970.  Thank you so much.

Malayo po ang mararating ng anumang tulong na maibibigay ninyo.

Maraming, maraming salamat po muli.

Lubos na gumagalang,

Bong Tari

*           *            *

Update:  The Burgos Isabela Relief Operation was a huge success.  Thank you everyone!!!😀

 

Leave a comment

38 Comments

  1. wahahaha, nadali rin ako sa twenty-ten.

    Reply
  2. o eh 2010 na nga kasi. wag nang nag-aanu-ano pa jan, ser tarbs. hihihi!

    ako pag may katabi ako sa fx, tinutulugan ko lang. suplado kasi ako. lol!

    Reply
    • gusto ko ngang matulog kaya lang nakakahiya sa mag-anak hehehe.
      suplado rin ako, nakatulog ako sa fx papunta roon sa meeting sa Binangonan, Rizal.😀 buti na lang hindi nakalampas….

      Reply
  3. hahaha. twenty ten. natawa ako….

    Reply
  4. hhee… twenty ten… natawa ako doon ahh

    Reply
  5. Sunod dun at twenty-eleven. =)

    Reply
  6. YanaH

     /  October 21, 2010

    weh tama naman po ah… 2010 na ngaun hahahaha

    Reply
  7. ahahaha kakambal ng pagbibilang ko yan dati sa Italian..sa 15 naman yung akin!

    Reply
    • wow!!! italian ba yung uno, dos, tres?😀

      Hanggang 2015 ka ba jan sa lupain ng mga pizza? spaghetti? hotdogs? ice cream? (parang pambertdey lang, lapit na kasi yun hehehhehe😀

      Reply
  8. twenty ten for the win!
    ang cute lang!

    hakhak!

    nakakalungkot lang talaga…
    ang daming napinsala dahil sa bagyong yan…
    pati tanim naming saging natumba!

    argh!

    Reply
  9. dahil dito naalala ko ang mga supling ko hehe

    Reply
  10. twenty-six, twenty-seven, twenty-eight, twenty-nine, turkey!

    Reply
  11. hahaha, parang teacher lang sa mga tanung ah?? hehehe

    Reply
  12. grabe pala ang pinsalang inabot nila sa isabela.sana mabilis silang maka recover.

    bossing tarbs,tingin ko ready ka nang maging tatay!

    Reply
  13. naaaliw ako sa mga lalaking nakikipag-usap sa mga bata ^^ pero mas naaaliw ako sa mga bibong bata🙂

    cute ^^

    Reply
  14. Ang galing nakuha mo ang attention ng bata. Nakakaaliw din si enzo mukhang bibo kid! Kapag nakakabasa ako ng mga ganitong kwento natutuwa ako. Cguro kasi kagaya ko si Enzo nun! hahhaa!

    Reply
  15. sorry na at ngayon lang ako nakabisita ulit. di na ko nakakapagbloghop madalas dahil sa dami ng trabaho.

    heniways highways, nakakatuwa si enzo. parang yung little boy ko… magaling na rin sa shapes, colors, letters, at nagbibilang, hanggang twenty nga lang. pero like ko yung twenty ten. parang year lang ngayon. hahahaha!

    at shempre, di ko kinaya ang lessons sa iba pang shapes. pag nagkita kayo nina jeremy at cassie, pakituruan din siya nyan ha. hahaha!

    kitakits ulit tayo!!!

    Reply
  16. twenty ten…. natawa ako dun ah…

    Reply
  17. Ang bilis mo naman nagbasa at nagcomment nahiya tuloy ako puro typo pa yun ahahaha… salamat.

    Reply
    • taribong

       /  November 3, 2010

      hehhehehe ayos lang yun! basta, sana may authographed copy ako ng book-in-the-making mo haha salamat!😀

      Reply
  18. ang cute naman ni enzo🙂

    di ko kinaya ang mga shapes mo kuya! LOL

    at dahil sa post mo na ito, nadiscover ko na na-access ng net sa opis ang wordpress. whew! makalipat na nga sa WP! nyahahaha

    Reply
    • taribong

       /  November 3, 2010

      nakopo, ang kasutilan ko pa ang nadatnan dito…. welkam po sa aking payak na bloghay, pasensiya na at marami pang aayusin heheehehe. sana nagustuhan mo ang pagdaan dito😀 salamat at hanggang sa muli, roanne!!!😀

      Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: