wasak

PANGHIHINAYANG

Dahil sa walang pakundangang paglustay
Ang tubig na yaman ng buhay
Wala na bang saysay?

Sa patuloy na pagkalbo ng mga kagubatan
At pagkasira ng mga ilog, lawa at karagatan
Wala ka pa rin bang pakialam?

Ang pagkalat ng dumi sa kapaligiran
Na siyang sanhi ng sakit at karamdaman
Patuloy mo bang hahayaan na lang?

Ang hangin ba’y walang pakinabang
Dahil hindi mo pinahahalagahan
O sadyang sanay ka na lang sa bantot at sangsang?

Kamatayan ang kahihinatnan
Kapag tuluyang nasira ang kalikasan
Hindi ka ba nanghihinayang?

Ang pagkawasak ng mundo
Ang pagkawasak ng tao
Ito ba ang gusto mo?

 

PAGHARAP SA HAMON NG ONDOY

Sana hindi na maulit pa
Ang dinanas na sakuna
Dulot ng pagkaburara at pagpapariwara
At walang kapararakang pagpapabaya
Ng tao sa kalikasan.

Aanhin nga ang mga magagandang awit at tula
Tungkol sa minsang kinagisnang ganda
Kung tuluyan nang mangawala
Nagbabadyang mabaon sa limot at alaala
Ng tao sa kalikasan

Sana ay wala nang sana
Kung ikaw, ako, tayo, lahat ay magkaisa
Simulan at ipagpatuloy ang nasimulan na
Ang pagmamahal, pag-aaruga at pag-aalaga
Ng tao sa kalikasan.

 

PANAGHOY AT PANGARAP NG PUNONG MANGGA

Tatlumpung taon na ako nakatayo
Nakahilig kung yan ang wari mo
Mula sa bahagyang pagkabuwal dahil sa nagdaang bagyo.
Mga punong kasabayan ko nga’y nangamatay, tuluyang naglaho.

Mahirap mag-isa, maraming naaalala:
Sa aking mga ugat, mga bulate’y naglaro’t gumala
Sa aking mga sanga, nagpahinga ang pipit, uwak at maya
Sa aking mga dahon, dumaan ang higad, mga hantik ay nagkuta

Sina Jojo, Boyet at Olan, sa aking puno’y nagsipag-akyatan
Mga sanga’y niyuyogyug upang mahulog ang mga salagubang
Madalas manguha ng bunga, hinog man, bubot o manibalang
Para sa mga tatay nilang sa lilim ko nag-iinuman.

Sa aking paanan, sina Jake at Cora nagligawan, nagpulotgata
At sa aking katawan, ang kanilang mga pangala’y inukit pa.
Sa aking mga bisig, si Mildred ay tumangis, ibinuhos ang mga luha
Dahil sa pagkamuhi’t mga problema, ang tagiliran ko’y kanyang tinaga.

Tag-araw, tag-ulan, tagtuyot at tagbaha
Lahat ng unos na dumaan, nakayanan ko nga
Ngunit alam kong hindi na rin ako magtatagal
Darating ang araw, bibigay na ang katawang napapagal

Ang hiling ko lang sana’y akin pang makita
Ang pagtubo, paglaki at paglago ng aking salinlahi
Nang sa gayon, patuloy ang pamana ng mangga
Di lang sa ngayon kundi sa bagong henerasyon pa.

Kaya naman, hinihikayat kita sa muling pagkain ng aking bunga
Itanim ang buto, alagaan ang punla, hayaang lumaki’t mamunga.
Umaasa akong sa tulong mo matutupad itong pangarap
Maraming salamat, kaibigan! Kasiyahan ko’y magiging ganap.

Previous Post
Leave a comment

12 Comments

  1. “panaghoy at pangarap ng punong mangga”—ito ang pinaka-gusto ko, mapaglaro ang mga salita pero tagos sa diwa.

    Reply
    • hahaha na-break mo ang panglimang first base sana ni cuteberl😀

      maraming salamat, aninipot!

      hanggang sa muli…

      Reply
  2. ako din yung pangatlo ang nagustuhan ko sa lahat…

    Reply
  3. toni

     /  October 15, 2010

    maganda ang iyong mga katha Manongko at
    parang normal lang ang daloy ng mga salita.

    Reply
  4. Isa ka palang makata? Hindi halata. Hahahaha!

    Reply
  5. maganda gusto ko yung unang tula.

    Reply
    • maraming salamat, alvin the livingstain! 😀 hehehhe

      hanggang sa muli po!

      >>wala bang may gusto sa pangalawa?!? \:D/
      (kasi dun ako natagalan para tugma ang dulo ng tatlong saknong: “ng tao sa kalikasan” hehehhe)

      Reply
      • sorry to be honest hindi ko nagustuhan yung pangalawa, oldo bibigyan ko pa din sya ng mataas na marka pero sya ung pang huli sa akin among the three. kaya yan panalo ka na.

        Reply
        • taribong

           /  October 20, 2010

          wow naman! hehehhe
          tatambling na ba ako? sisirko? magi-split?😀
          maraming salamat, alvin! \:D/

          Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: