Nang Matutong Magsaing Si Jason

Ibinuhol ni Lola Miling ang kurtina sa kuwarto para pumasok ang hangin at ang liwanag ng araw. Bumaling siya ng tingin kay Jason na nakaharap sa computer. Tumingin din ang binatilyo sa kanya.

“Lola, hindi ko po makita ng maayos ang screen.” May pagkabugnot na sabi ni Jason.

Hindi muna umimik ang matanda. Pinagmasdan ang apo, saka siya nagwika, “Jason, apo, maghapon ka na diyan. Hindi ka na tumatayo sa kinauupuan mula pa noong magising ka. Hindi ka na rin nag-almusal. Ano ba inaatupag mo diyan?”

“Dota po.”

“Assignment mo ba yan sa school?”

“Laro po sa computer. Sa internet po.”

“E, mula pa noong Huwebes ka naglalaro sa Dota na yan. Sabi ni mommy mo, naa-adik ka na raw diyan.”

Hindi sumagot si Jason sa tinuran ng lola. Ipinagpatuloy lamang nito ang paglalaro.

Dahan-dahang lumapit si Lola Miling kay Jason. Hinaplos niya ang ulo nito. Medyo napailag ang bata dahil ayaw nitong may humahawak sa buhok niya.

“Jason, nagrereklamo ang mommy mo. Bumababa raw ang grades mo. Hindi ka na rin nakakatulong sa bahay. Yung pinaghigaan mo, ni hindi mo na maayos at ang mga gamit mo sa eskuwelahan, nakatambak na lang sa gilid.”

Patuloy pa rin sa pagpindot sa keyboard si Jason habang nakatutok ang mga mata sa monitor at naririnig ang mahinang ingay mula sa headset na nakasabit sa kanyang leeg.

“Apo, binili yang computer para makatulong sa pag-aaral mo at hindi ka na gabihin sa labas tuwing sabi mo magri-research ka. At para makapag-usap kayo ng Daddy mo sa Saudi. Pero parang napasama yata. Puro ka na lang Dota…”

“Hindi naman po,” pagtatanggi ni Jason na may pagdaramdam sa pakikialam ng lola sa paglalaro niya. Lalo pa’t bumibisita lang ang matanda mula sa Cavite.

“Jason, maaari mo ba akong tulungan na magluto ng kanin sa rice cooker? Tinawagan ko ang mommy mo dahil naubosan na tayo ng LPG.  Gamitin na lang daw natin ang rice cooker.”

“Hindi po ako marunong.” Mabilis na sagot ni Jason.

“Ako rin eh,” mabilis din ang sagot ni Lola Miling.

“Tinawagan ko ulit ang mommy mo, out of reach na siya. Teka, baka merong instructions diyan sa computer. Di ba puwede namang malaman ang kahit na anong bagay mula sa intranet?”

“Sa internet po. Hindi ko po alam kung meron. Baka wala.”

“Subukan lang natin apo. Para hindi tayo gugutomin.”

Tumigil si Jason sa paglalaro ng Dota at binuksan ang Google search engine sa internet.

“Ano po ang hahanapin?” Ayaw ipahalata ni Jason na napipilitan lamang siyang pagbigyan ang hiling ng lola.

“Pwede mo ba akong turuan kung paano gamitin yan? Para hindi naman ako manatiling mangmang kung ano ang meron diyan sa computer?”

“I-type niyo na lang po kung ano ang gusto niyong malaman.”

“Sige, apo.” Naupo ang lola sa harap ng compute at nagsimulang mag-type: Paano magsaing gamit ang rice cooker.  Medyo mabagal at madiin ang pagtipa, naninibago si Lola dahil mas sanay siya sa sinaunang Underwood typewriter ng kanyang ama.

Pinindot ni Jason ang enter pagkatapos mag-type ni Lola.

Natuwa si Aling Miling nang tumambad sa kanila ang unang entry sa mga resulta ng paghahanap sa Google.

“Ito, pwede ba nating mabasa ang kabuuan nito?”

“Opo.” Pilit ang pagngiti ni Jason dahil mukhang kapangalan pa niya kung sino ang sumulat sa tinutukoy ni Lola Miling. Pagkatapos ma-double click ni Jason ang entry sa screen, lumabas ang buong entry para sa rice cooking.

Nakatsamba si Lola Miling. Nakasulat sa entry and sunod-sunod na procedure para sa pagluluto ng kanin sa rice cooker.

“Jason, pwede mo ba akong tulungang magluto ng kanin. Sundin natin ito.”

Hindi mawari ni Jason ang kanyang nararamdaman dahil natigil na ang kanyang paglalaro. Pero nagprint na lang siya ng entry sa webpage na iyon at sumunod na lamang siya kay Lola Miling.

HINDI NAGTAGAL, nagawa nina Jason at Lola Miling na magluto ng kanin gamit ang rice cooker.

Masayang ipinamalita ni Lola Miling kay Mommy Lina ang nangyari. Dahil dito, mag-uuwi ng lechon manok si Mommy Lina.

Pagkadating ni Mommy Lina mula sa trabaho, pinuri niya ang pagluluto nina Jason at Lola Miling. Nagpasalamat pa ito at binigyan ng mahigpit na yakap ang bata.

Masayang pinagsaluhan ng tatlo ang kanilang tanghalian.

“Jason, sa susunod tuturuan naman kitang magluto ng paborito mong adobo.”

Napangiti lang si Jason. Masaya ang pakiramdam na ang maliit na bagay ay nabibigyan ng pansin ng ina. At mas masarap palang kapiling ang pamilya. Hindi na lang yung mag-isang naglalaro ng Dota.

Leave a comment

39 Comments

  1. hahaha! nakakatawa naman ‘tong kwentong pambata na ‘to. bidang-bida ang blog ni jason na hakalain mong bida rin sa kwento.

    all the best sa sba entry mo, ginoong taribong! \m/

    Reply
  2. ganda naman ng nadiscover ni Jason di lang pagluluto gamit ang rice cooker kundi pagpapahaga na din sa pamilya

    Reply
  3. 100thumbs up for this post. Hohohohoho

    like like like!!!

    odiba natuto sa mraming bagay yang batang jason na yan! hohoho

    Reply
  4. Arnie

     /  October 14, 2010

    congratulations kuya….hohoho

    meron pa po bang natirang kanin at lechong manok?? nagutom ako sa post mo…

    naalala ko tuloy toh..

    “jason, kanin pa??”—ate liz…hahahaha

    Reply
  5. toni

     /  October 15, 2010

    kaya ba walang tao ngaun don sa bloghay ni jasonhamster?

    Reply
  6. ang galing pati nitong maikling kwentong pambata mo. sana maihabol ko hanggang mamaya ang entry ko dito kasi di pa tapos. at ang masama niyan title palang siya… naging busy eh…

    Reply
  7. Aliw! Nakakatuwang promotion sa blog ni Jason at pagsali sa SBA, all in one! Husay!

    Reply
  8. awwww…like! like! like! like!

    very very nice post, as usual. ganyan naman lahat ng sinusulat mo dito eh.🙂

    Reply
    • hala superlike?!?!? (hindi ba superlake?!? wahahhaha)

      ooops, nahiya naman ako bigla…. pakibasa mo naman yung tungkol kay pearl, dali… hehehe😀

      Reply
  9. Si Jason ang bida, bida din ang SBA.

    Galeng!

    Reply
  10. super, mega, ultra like ko yey!
    nakakaaliw ito kuya tarbs
    sapul na sapul mo
    may aral na may entertainment factor pa,
    magkano talent fee ni bro jason dito? hihihi

    tama nga naman sa trabaho wag lang puro blog hop o dota hahahahaha

    galing!

    Reply
    • maraming salamat pong! hehehe

      nakopo baka makakatanggap na ako ng demand letter mula sa abogado ni ginoong jasonhamster para sa kanyang talent fees… awts!😀

      Reply
  11. hahaha! ang kulit🙂

    Reply
  12. kuhracha

     /  October 16, 2010

    nung isang araw ko pa sana to babasahin kaso nung nakita ko, tinamad ako. ang haba kasi. tapos binasa ko kanina, maiksi lang pala. at naaliw naman ako, tarbs! ang galing. natutuwa ako pati kay jeson. may formula pa pala un. tantyahan lang kasi ako kung magsaing.

    ciempre ang pinakaimportante… may moral lesson. =)

    Reply
  13. hanga talaga ako sa kwentong to.akalain mo yun?

    sa simpleng paghahanap sa internet,higit ang natagpuan ng maglola lalo na ni jason.

    si google na talaga ang bagong best friend natin at worst enemy.

    Reply
  14. Ayos Tars ito…pang awards pala itong kuwento mo. Ang daming aral sa simpleng kuwento. God Bless!

    Reply
    • maraming salamat po, Tats! Hindi pa po alam sa ngayon kung sino ang kasali sa top 5 entries na magiging finalists sa saranggolablogawards. Sana po mapasama hehehhehe

      maraming salamat po ulit. God bless you always po!😀

      Reply
  15. YanaH

     /  October 17, 2010

    ang galing! sa simpleng kwento naipakita ang pagpapahalaga sa pamilya..

    goodluck sa SBA..

    nakidaan lang po…

    Reply
    • taribong

       /  October 18, 2010

      maraming salamat, YanaH! Daan lang ng daan hehehehe (pwede ring libo ng libo😀 biro lang) balik ka ulit ha? \:D/

      Reply
  16. Yun pala yung nakita ko sa FB mo Kuya Tarbs. Hehe..

    Sana may sequel ‘to Kuya. Kung paano naman magluto ng Adobo. Peborits ko kasi yun. Haha!

    Magandang araw at Goodluck sa SBA! =~.~=

    Reply
    • haha sa FB ni jasonhamster nai-post ang link hehehhehe

      Maraming salamat, Anjong!

      Yung sa adobo, andaming versions nun. Magkaiba rin ang versions nina Lola Miling (nanay ng daddy ni Jason) at ni Mommy Lina. hehehehe pero subukan natin balang-araw (sarap din nun pag pulutan :D))

      Reply
  17. Binabati kita, ang iyong akda ay napili at napabilang na isa sa mga top 5 finalists ng Saranggola Blog Awards sa kategoryang Kwentong pambata!

    Reply
  18. YIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII congrats kuya taribong!!!

    Reply
  19. Batang PotPot

     /  December 6, 2010

    ahehehe!!

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: