itutuloy

Dalawang Biyernes na ang nakararaan noong makatanggap ako ng forwarded text message mula sa aming 4th year high school class president na naka-base sa Timog Mindanao

Kuyang. Emergency. Dis ir Rey — acountant —- —- —-. Binarik me ulo nw. Suspek — – – — at — – – –. pls 22kan m kaso k kuyang.  Inform din — — and – and – media and in — dept.pls kuyaB

Agad kong tinawagan si Mar upang alamin ang detalye sa nilalaman ng text.  Pagkatapos ng aming pag-uusap ay agad akong nagpadala ng text messages sa aming mga kaklase at mga nakakakilala kay Rey upang ipagdasal na bumuti ang kanyang kalagayan at maligtas mula sa kapahamakan dulot ng pananambang sa kanila sa Hilagang Luzon.

Limang araw mula sa araw ng pangyayari, habang nagpapagaling, ay nakapag-online na si Rey sa kanyang facebook account

oks na po.na ambush kami kSAMA —— AT —-  NOONG PAPUNTA KAMI SA G.A. SA ——– LAST FRIDAY

Inakala marahil noong tumambang na patay na si Rey noong iniwan nila ito.  Tungkol sa trabaho ni Rey ang dahilan ng tangkang pagpatay; nais siyang patahimikin mula sa mga nalalaman niyang taliwas na gawain ng mga nasa pamahalaan. Malalim ang pinag-ugatan.

Magpapatuloy pa rin sa pakikibaka si Rey….

*           *          *

Kahapon, may shoutout si Trevor, kaklase namin nina Mar at Rey, sa kanyang facebook account:

Ginawa ko lahat ng makakaya ko, pero parang kulang pa rin.  Kung ako lang sana ang masusunod, marami pa akong magagawa para sa kabutihan ng mga kasama ko sa trabaho.

Eto ang sinulat kong comment doon:

Sana sa lalong madaling panahon, makamit mo ang tagumpay😀 Manalig ka…

Karugtong lang siguro nito ang sandali. Kaisa ako sa hangarin ni Trevor.

Magpapatuloy pa rin si Trevor para maisakatuparan ang kanyang mga nasimulang adhikain…

*         *          *

Isang araw bago nangyari ang pagkakabaril ni Rey, nailathala ang pagwawagi ng isa kong kamag-aral sa kolehiyo bilang Natatanging _____ __ ____ mula sa pambansang patimpalak ng K_____________ H_____ ng Pilipinas.  Ang isa pang pinagpilian para sa nasabing parangal ay kaklase rin namin.  Labis akong natutuwa na mapabilang sa kanilang mga naging kamag-aral.  Dagdag pa rito, dalawa sa aming mga guro ay shortlisted sa mas mataas na pagkilala, at isa sa kanila ay ginawaran ng isa sa tatlong pinakatatanging parangal.

Maligayang Blog Anniversary, Taribong!

Nasaan si Taribong? Hanapin lamang ang mukhang bagong gising. Hindi ko alam kung kailan kinuha ang larawang ito. Sa kaliwa ni Taribong ay si Delio ang pumangalawa sa patimpalak na pinanalunan ni Ligaya, ang lakambini na panglima mula sa kaliwa ng binibining nasa harapan ni Taribong.

Naalala ko lang bigla ngayon, ang kuwento ng Nanay ko (pagkatapos ng kanyang mastectomy) noong bisitahin siya ni  Hassan (yung mama sa dulong kaliwa, dakong likod):

Nanay:  Mabuti naman at napadalaw ka, anak.

Hassan:  Nasabi po kasi ni Jenny (asawa niya, med intern sa hospital), andito daw si Taribong. Naikuwento po sa akin…. Bihira po kasi mag-absent si Taribong kahit natutulog sa klase… tahimik… nag-iisip… hindi nagsasabi ng problema, puro kalokohan lang… blah blah blah… Sabali ti likaw ti panunotna…

Kung anuman ang gustong sabihin ni Hassan, malalim na ang pagkakakilala sa akin at di na ako nag-usisa pa.

Alam ko, magpapatuloy pa rin kami sa aming mga gawain, may pagkilala man o wala… sa pagkamit ng mga pangarap… sa gitna ng mga pagsubok ng buhay…

*          *          *

Isang taon na rin pala ang lumipas mula nung umpisahan ko ang pagsusulat sa blog-hay na ito…

Nag-umpisa sa kabulastugan, kasutilan, kalokohan… tatlong daan animnapu’t limang araw ang nagdaan, nais kong maniwala, na maski papano, ako’y nakapagsulat din naman ng may kabuluhan at may katuturan….

Dahil dito, nais kong magpasalamat, mula sa kaibuturan ng aking puso, sa lahat ng tumangkilik, nag-antabay, nagbasa at magbabasa sa aking mga sinulat sa blog-hay na ito…

Maraming salamat din sa mga nagbigay ng mga puna o komento sa mga naisulat dito, binasa man o hindi, mananatili kayong bahagi ng mga posts na iyon, at ikinararangal ko ang inyong pakikibahagi sa munting blog-hay ko…

Muli, maraming salamat sa lahat.

*         *         *

At sa dakong ito, muling uumpisahan ang bagong kabanata sa pakikipagsapalaran ni Taribong…..

ITUTULOY…

Previous Post
Leave a comment

32 Comments

  1. awwww! dapat ako ang base!..wahahaha

    Reply
    • happy blogoversary kuya tarbs..pakain na..

      ayoko nang magcomment sa iba..gusto ko lang ng masaya..hahahaha

      Reply
    • natutuwa naman ako sa inyong dalawa hehehehe😀
      baka magkatuluyan kayo niyan wahaha
      ooops kailangan palang mag-behave ngayon hehehhe😀

      okay, ang pinakauna sa lahat ng bumati at nakaalala sa pagpe-first anniversary ng blogsite na ito ay si Aninipot, sa bisperas ng anibersaryo sa pamamagitan ng text at sa blogpost na 85. Bumati si Beeftapa sa mismong araw ng anibersaryo pagkatapos ng tanghalian (magtatanghali noon nung una akong magpost pagkatapos mag-base sa fielsvd.wordpress.com) hehehhehe. 😀

      maraming salamat sa inyong dalawa!!!! yiiihaaa

      Reply
  2. excited akong maging bahagi ng bloghay mo. excited ako sa susunod na poste mo. ang dami palang nangyari sa mga kaibigan mo pero sabi nga “sa bawat unos ng buhay may mga magandang simulang darating”.

    Ipagpatuloy mo lang ang mgandang adhikain.. slamat…

    Reply
  3. manong! ako ang totoong base. bago ka pa magpost binati na kita. dahil dyan kokopyahin ko na lang ung comment ko dun sa pinaka-una mong post. hehehe🙂

    September 29, 2010 at 12:56 pm

    manong, isang taon na mula nang isulat mo to. isang taon nang umaalingawngaw ang TARIBONG😀

    Reply
  4. Natawa ako sa sinabi mong “binasa man o hindi”. Wow special mention ako! Hahaha! Marunong ka din pala mag-Director’s Cut, halos may hindi ako naintindihan na paragraph dahil sa cut mo. Ikaw yung naka kulay puti, tae ang daming nakakulay puti! Naisip ko lang naman kasi na busilak ang iyong puso kaya ka nakaputi.

    Happy blog anniversary! Painom ka!

    Reply
    • Hehehehe maraming salamat Salve😀
      kailangan i-censor dahil baka may masagasaan at dito na sila kukuha ng info/updates, mahirap na. malapit pa naman ang mga clues sa taas🙂

      Wahahaha busilak, namutim ang suot ko, nanilaw sa kalumaan wahahaha.

      Tagayan na!!!!😀

      Reply
  5. saludo ako sa tapang ng mga taong involve dito

    sana makamit na nila ang hinahangad na tagumpay

    Reply
    • taribong

       /  September 30, 2010

      Maraming salamat, cheesecake!
      Saludo rin ako sa kanila, may kani-kanyang kuwento ang aking mga kaibigan…
      madami silang pinagdaanan, pinagtibay ng panahon at mga karanasan…
      … at sa mga sariling paraan ay nagtataguyod ng magandang halimbawa na maaaring pamarisan ng susunod na henerasyon😀

      Reply
  6. toni

     /  September 30, 2010

    natawa ako sa ‘sabali ti likaw ti panunotna’.

    kung anuman ang pinagsisikapang gawin ng iyong mga kaibigan sana magpatuloy at magtagumpay sila.

    hapi blogversari!

    Reply
    • taribong

       /  September 30, 2010

      Maraming, maraming salamat toni. Isa ka sa mga naging inspirasyon para magpatuloy ang taribong😀

      Sana nga matupad ang kanilang mga mabubuting hangarin…. para sa bayan… YAhoo!!!

      Haha yung sa phrase, hindi ko matandaan ang eksaktong sinabi, pero yan ang pinakamalapit na naisip ko hehhehe

      Reply
  7. toni

     /  September 30, 2010

    kasabayan mo ate Kaye sa blogversary so ibig sabihin bongga handa?

    Reply
    • soon siguro hehhehe

      tagal ng DQ party…. sana matupad yun sa malapit na malapit na panahon hehehhe

      kelan ba balik mo dito?!?!😀

      Reply
  8. o eh magkasunod lang pala kayo ng blog beerday ni mami kaye? hakalain mo ‘yun?

    saglet pa lang akong napatambay sa blog-hay na ‘to pero marami na ‘kong natutunan. sana patuloy ang pagbibigay ng kung anu-anong makabuluhang shit para sa ikalalago ng ilang kilong karneng nananahan sa bungo ng iyong libu-libong mambabasa.

    hapi blog beerday ser! \m/

    Reply
  9. sorry naman at late ako. busy sa trabaho. magkapanabayan nga pala tayo dito…dahil na rin ata kay fr. felmar. hehe

    Tarbs! happy blogoversary. sana’y patuloy pa ang pagsusulat mo ng ma kwento mong nakaaaaliw basahin at kadalasa’y may kurot sa puso at damdamin.

    nakakatakot ang mga nangyari sa mga kaklase mo. hindi ko lubos maunawaan lahat dahil may mga hindi ka ibinahagi, pero sana’y laging maging ligtas ang mga kaibigan mo at maipaglaban nila ang kanilang mga mithiin.

    at alam ko kung sino ka sa larawan. nalocate kita. hehe. nakaputi nga. =)

    Reply
    • Wow! oo nga hehehe Happy first blog anniversary din sa iyo!😀

      sige itutuloy ko ang pagsusulat, gusto mo hindi na lang kurot, dadagdagan ko pa ng playinkik at aperkat? =))

      pag natuloy ang DQ party, pupunan ko ang mga patlang hehehe

      sana tama ang hula mo sa larawan. Mali ang hula ni Aninipot. Kinailangan pang magsanib ang puwersa nila ni Beeftapa para mahulaan kung sino si taribong wahahaha

      Reply
      • toni

         /  October 2, 2010

        kaw pinakamadaling makita don di ba Manongko?

        magkakasama ba kayo ngaun nagseselebreyt?

        Reply
  10. blogsarry mo,hindi ko man lang alam?

    pagbati na lang,pre.

    may mga trabaho talagang risky.katulad na kailangang maitaya pa ang buhay mo sa larangan nito.pero pinangangatwiranan na lang natin lagi yun ng kadakilaan ng adhika at prinsipyo sa buhay.

    sampu ng mga kaibigan mo at kasamahan,ingat lagi at mabuhay!

    Reply
  11. kuya taribong di kita nabati. kaya babatiin kita ngayon!! happy blogversary kuya taribong!! yahey

    thanks dahil part narin ako ng alingawngaw ni taribong..

    pero..

    di kita mahanap sa picture

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: