sandali

Kay daming dapat gawin.

Kay dami kong gustong gawin.

Ngunit konting panahon lang ang nakalaan.

At konting panahon na lang ang nalalabi.

Kay bilis ng mga sandali.

Kay bilis ng takbo ng mga minuto.

Kay bilis lumipas ng mga oras.

Kung mapapabagal lang sana ang pag-ikot ng mundo.

Kung mapapatagal sana ang paglipas ng mga araw.

Kung mapapatagal sana ang bawat sandali.

Nanamnamin ko iyon.

Parang orgasmo lang.

Previous Post
Leave a comment

54 Comments

  1. yun yun eh. base.. oo nga kung mapapabagal lang talaga ang oras.

    Reply
    • hehehe malayo pa ang happy bertdey mo?!… Maligayang kabuwanan na lang?!?!?πŸ˜‰

      Ambilis mo, Berl!πŸ˜€

      Maraming salamat.

      Reply
  2. Sadyang kaybilis nga ang pag ikot ng mundo,
    bawat pitik ng orasan ay maiguhit ang kasaysayan mo,
    simbilis ng kidlat,simbangis ng oso
    Ang amoy ng singit at kili-kili mo..

    ehek anu ba pinag uusapan natin?

    Reply
  3. orgasmo talaga kuya tarbs. naalala ko bigla yung prof ko sa comparative vert anat, dahil somewhere in north siya sa abra, may konting pilipit ang dila niya kapag sinasabi niya ang organism ay ganito…

    “organasam” wala lang shre ko lang ehehe

    hmmmm yan din ang usapan namin ng katabi ko sa bus kanina, sabi ko monday na naman nasa midweek na naman (kasi sat ang start ng work dito), mabilis ang mga araw, sa ayaw at sa gusto natin lalakad ang oras, yun nga lang may mga bagay tayong gustong balikan, sariwain o kaya naman gustong pigilan ito…

    makaimbento nga ng time machine at gadget na pampahinto ng oras. yehey

    Reply
    • hehehe napangiti mo naman ako, pong!

      naalala ko tuloy ang aking CMCB 223 (Chemistry 4); 14 lang kami sa klase at buntis ang prof namin, tapos sabi niya “Iron is needed by women, especially pregnant women.” Naisip ko siyang kumakain ng mga pako, at umuusli ang mga ito sa matambok na tiyan niya. Nahuli akong nakangisi. Sinabihan ako “Mr. Taribong, what’s funny? Would you kindly share what you have in mind.” Ako naman, “None, ma’am. None” habang naka-smile pa rin. Kaya naman pinandilatan ako ng prof, Ngyaiks… (napakuwento lang din hehhehe)

      Reply
      • wahahaha tawa na ako ng tawa dito kuya tarbs. buntis din yung prof ko nun kaya tawa ako ng tawa. asawa naman niya prof naman siya sa institute of forestry at nakwento niya sa amin na pinagtripan niya si mister niya, “Dad, bilhan mo ako ng ice cream, flavor kamyas (hindi ko alam kung kamyas ay tagalog -something sour)”
        Sabi ng mister niya, “Magtigil ka, science prof ka at alam mong gawa-gawa lang ang lihi-lihi na yan” ahahah

        tapos nung nag micronuclei test kami, tignan niyo lang yung “Jumbo na bilog sa microscope” (as in dyumbo niya sinabi) tawa naman mates ko. hehehehe

        organasam talaga ang pinakapatok!

        Reply
        • malamang nakangisi lang talaga ako sa klase ninyo kapag binabanggit ng prof ang organasam hehhehehe

          masama rin ang tingin sa akin ng mga kaklase ko habang nakangisi ako kasi baka tuluyang ma-dissolve ang section namin kung magalit si prof hehehhe. Pinagsikapan ko noon na hindi na mag-isip ng kabulastogan para hindi humagalpak sa tawa hehehe:D

          Reply
        • tawa na ako ng tawa dito kuya tarbs ahahaha

          wala pa naman case na nadissolve ang subject namin ahahaha

          pero nakapag pa walk-out na kami ng dalawang prof dahil sa kabalustagan ng mga mates ko ahahaha

          Reply
          • ipaPAKO ako nung mga kaklase ko kapag na-dissolve yung klase namin noon, kasi naghahabol sila (back subject nila, advanced ko ((pagbigyan mo na ang yabang ko lang po wahahaha ))πŸ˜€

            Kaya ingat na din ako dahil baka makapanganak agad si madam prof.πŸ˜€

            Reply
  4. I can relate much.

    Reply
  5. Shet orgasm.

    Reply
  6. hahaha..natawa ako dun sa huli..kung orgasm nga iyon tlagang namnam na namnam talaga.

    followed you tol.musta

    Reply
  7. naaliw talaga ako dito kuya tarbs
    binabalik-balikan ko yung mga kwentong nakakatawa dahil sa organasam na yan ahahaha

    tama kasi kapag nagloko ka pala nun madidisolve yung subject palagay ko patay ka sa mga mates mo nung may back subject

    kami naman ang tawag namin sa kanila mga international students (madami kaming classmates na ganun from other institutes – kahit pinoy sila) at hindi namin ma-move ang oras ng subject dahil magiging conflict na sa isked nila ano ang point dahil importante ang time — maikonek lang ahahaha

    Reply
    • hehehe ako ang international student non. nagmamadali… hayon, hinog sa pilit… maraming sana… sana…πŸ˜€

      ngayon… umuulit ang cycle… maraming gustong gawin… pero gusto kong namnamin ang bawat sandali, gaano man kahirap o kasarap ito, para hindi na magiging hinog sa pilit… marami pa ring sana… sana…πŸ˜€

      Reply
  8. aw! ang daming sana..hahaha
    ako naman di ko alam if gusto kong pabilisin ang oras para weekend na agad pero parang ayaw din kasi parang kulang pa ang time para sa preparation for the future plans..ang gulo ko!..hahahaha

    no comment sa last sentence.

    Reply
  9. super duper bilis ng oras…pero meron din panahon na gusto mong pabilisin…sana friday na ngaun,,,hahahaha

    Reply
  10. ang pinaka maiksing sandali ang s’ya ring pinakamatagal.dahil walang sukatan ang haba o ikli ng oras,sinusukat na lang natin sila sa walang katapusang panghihinayang o ‘di kaya’y sa sulit na maikling sandaling walang katapusan.

    at nakangiti ako habang nakatingin sa aking nice watchβ„’!

    Reply
    • hehehe ikaw lamang po ang makapagpapatigil ng sandali habang nakatitig sa iyong very, very nice watchTM! hehehehe

      Reply
  11. ako kung kailan maraming gagawin eh walang nagagawa…kung kailan walang oras saka naman busing busy…kung kailan maraming oras..tinatamad! parang tanga lang,hihihi

    Reply
    • hehehe ganon lang siguro talaga…. sana magkaroon din ng panahon na pumunta sa katulad dun sa isla sa Stockholm, Sweden…. ayos sana hehhehe

      Reply
  12. Naniniwala ak0 na kapag nasa Jupiter tay0, mas mabagal oras!

    Reply
  13. Hahaha sana may nabibiling orgasm pills… Nakakapagod kasi mag-effort.

    Reply
    • inuumpisahan na nilang ipagsaliksik… nangangailangan sila ng mga lalahok sa testing and clinical trial stages hehehhe

      Reply
  14. ay di pwedeng patagalin ng subra subra ang orgasmo. wahahahah

    hahhahahahah

    kaya mo yan kuya taribong sisiw lang yang pag ka hectic ng sched mo kumpara sa mga pinagdaaan mo dati

    oha oha oha

    \:D/

    Reply
  15. Hahaha.. magcocoment sana ako ng seryoso potek orgasmo pala.. well pwede kayang iislo-mo yung orgasm?? mga 1 hour yung itatagal??? shyet! sweet life wahahahahaha…

    Reply
    • ang totoo, seryoso nga ang post na ito… last minute addition yung huling sentence. Pampagaan lang sa sitwasyon… pero okay naπŸ™‚

      lalasapin ng todo-todo yun pag nagkataon hehehhe

      Reply
  16. Kaya nga sa mga mga panahon na dadaan eh dpat sulitin mo ang mga oras na un.. Dahil hindi mo na mababalik ang nakaraan… Enjoy life while still alive and kicking….πŸ˜€

    Reply
    • maligayang pagdalaw Frankie. Tama ka! Dapat sulit ang lahat ng dumadaang sandali…πŸ˜€

      Maraming salamat at hanggang sa muli…

      Reply
  17. maigsi ang sandali sa taong masaya ^^
    matagal sa nag-aantay. depende sa sitwasyon.

    kaya tama ka, namnamin lang while it lasts xD

    Reply
  18. Ahahaha. Kapag nasa orgasmo na ba? Gusto mong namnamin ng mga ilang oras at pagtigil ng panahon?

    Reply
  19. chingoy

     /  September 8, 2010

    hmmm, parang orgasmo lang…

    gusto ko yang ganyang pakiramdam, kaya nagkanda-lintik lintik ang ulo ko dahil sa pakiramdam na iyan hahahah… oooops!

    Reply
    • taribong

       /  September 8, 2010

      hahaha… para sa orgasmo nga talaga… kaya pa yan, arangkada lang ng arangkadaπŸ˜€
      kalabaw lang daw ang tumatanda (peace, busyok! :D)

      Reply
  20. Sa tingin ko may purpose baket hindi pwedeng pabilisin ang pag ikot ng mundo para namnamin ang mga bagay na masarap namnamain tulad ng orgasmo. Ang purpose ay para manamnam pa natin ang ibang bagay na kasing sarap namnamin tulad ng Orgasmo, kung ano ito aba’y di ko rin alam. Oo, seryo ang reply ko bwahihihi

    Reply
    • Hindi kaya puwedeng i-upgrade ang purpose para puwedeng patagalin ang orgasmo katulad din nga pagtagal ng mga bagay na kasing sarap namnamin tulad ng orgasmo?
      haha maraming salamat Jepoy!!!πŸ˜€

      Reply
  21. mahirap namnamin ang orgasmo. sandali lang kasi ang rurok ng walang kasing sarap na pagpulandit ng katas. haha!

    Reply
    • di ba napakainam kapag napabagalan o napatagalan pa ang orgasmo?!? yung susulitin mo ang every millisecond non…. hehehhehe

      maraming salamat sa pagdalaw, lio loco.πŸ˜‰

      Reply
  22. kaya nga tatay taribong we have to live our life to the fullest. takte. nag-eenglish ako. mali!

    kung babagal ang pag-inog ng mundo ganun din ng oras, slomo tayo nun.

    ang daming dapat gawin talaga eh. parang ngayon lang. dapat natutulog na ako pero heto kasi dapat gising talaga. ang dami kasing gagawin. blobloghop ba.

    imissyou tatay! hakhak!

    Reply
  1. itutuloy « ang alingawngaw ng taribong. . .

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: