nakasulat sa mga tala

Kaysarap balikan ang mga karanasan tungkol sa pag-ibig.  Maski anupaman ang kinahinatnan, maaalala pa rin natin ang mga bahagi nito:  ang kilig at kabog sa dibdib, ang alinlangan at pagbabakasakali, ang walang-patumanggang pagpapapansin, ang pag-antabay sa mga dinaraanan at tinatambayan ng napupusuan maging sa facebook at chat, hanggang magkadebelopan, sagana sa unli-text at tawag para lang makamit ang matamis na tugon, ang mga ngiti, ang mga yakap at halik, ang pagyabong ng relasyon sa patuloy na pagpapahalaga, pag-aalala at pag-aalaga, matingkad ang kulay ng paligid at magandang saliw na musika na halos ayaw mong tumigil mapaunlakan lang ang nararamdaman, ang kiliti at libog, ang pagniniig at pagiging iisa na ayaw mong magwakas, ang pananabik, paulit-ulit… Nakakaadik talaga ang pag-ibig.

Kaya naman napakasakit kapag hindi nagkatuluyan.  Yung ibinuhos mo lahat para sana magpatuloy lang pero hindi naging sapat?  Kung gaano kalalim ang relasyon, ganon kasaklap ang pagguho ng mundo mo.  Ang muling pag-usad ng buhay mula sa ganitong sitwasyon ay sadyang mahirap at nasa sariling diskarte ng tao.  May pumapatay at may nagpapatiwakal. Nakakabuwang nga ang pag-ibig.

Marami rin namang panalong kuwentong pag-ibig.  Maraming naging karibal si Nonong kay Lenlen noon ngunit namayani ang tunay na pag-ibig.  Si Lenlen ang bumuo sa buhay ni Nonong.  Sampung taon ang kanilang hinintay bago nagpakasal; tatlong taon ang lumipas, may dalawa na silang supling.  Sina Manley at Beth naman, may tatlo nang anak at magha-high school na ang panganay. Agad silang nagsimulang magpamilya pagkatapos ng kolehiyo. Nagpakasal sila sa simbahan ilang linggo pagkatapos ng Ondoy.  Mangiyak-ngiyak si Manley sa tuwa at galak sa kanilang pag-iisang dibdib na mag-asawa dahil matagal nilang inasam iyon.  Maraming pagsubok ang dumating at kanilang nalagpasan, kasama ang mga bagyong lumunod sa kanilang tahanan ngunit hindi ang kanilang mga pangarap.  Saludo ako sa kanilang pagmamahalan.  Sa pag-ibig, walang imposible.  Sadyang nakakainggit ang pag-ibig.

Kaya nga ako umaasang matatagpuan din ang babaeng magpapaapaw muli ng walang-humpay na ligaya sa buhay ko.   Parang magus lang.  

Ikaw, anong estado ng puso mo ngayon? Anu’t ano pa man, sana’y parati kang masaya. Dahil iyan ang nakatadhana.  Dahil iyan ang nakasulat sa mga bituin.

Leave a comment

72 Comments

  1. una unahan lang yan sa pagtagpo ng taong tamang mamahalin.. basta ako mag aantay lang, buti nlng mahaba ang pasensya ko! ehehehe..

    Reply
  2. kuhracha

     /  August 6, 2010

    “Kaya nga ako umaasang matatagpuan din ang babaeng magpapaapaw muli ng walang-humpay na ligaya sa buhay ko.”

    ayieeeeee. gumagay-on eh!

    ako din, tarbs… umaasa na makakatagpo ng babae. lesbiana na ko ngayon. =)

    Reply
  3. “Maraming pagsubok ang dumating at kanilang nalagpasan, kasama ang mga bagyong lumunod sa kanilang tahanan ngunit hindi ang kanilang mga pangarap.”

    Ito na marahil ang dulot ng dalisay na pag-ibig Tari. Hindi sa lahat ng panahon, pagtikim ng laman ang pag-ibig, mas maumbok at matigas pa sa laman ang hiwagang hatid ng pag-ibig.

    Salamat sa pakikilahok na muli. Walang kasawaang pagpapaunlak. Apaw na apaw ang aking pagkagalak.

    Reply
    • Wow! hehehe

      Mas gusto ang quote na ito:

      “ang kiliti at libog, ang pagniniig at pagiging iisa na ayaw mong magwakas, ang pananabik, paulit-ulit… Nakakaadik talaga ang pag-ibig.”

      wahahaha

      tsaka eto pa:

      “May pumapatay at may nagpapatiwakal. Nakakabuwang nga ang pag-ibig.”

      ooops.

      Maraming salamat din!

      Mabuhay po kayo! Kailangan ninyong magpakarami, para puksain ang dumaraming army worms na nagiging peste sa mga pananim hehhehe

      Reply
  4. Hindi ata talaga nawawala ang kabog sa dibdib kahit gano pa katagal ng natapos ang pagmamalandi ng kahit na sino. Iba ang kilig. Masarap balik balikan. Pero mas malakas ang hampas ng pagsisisi pag hindi maganda ang ending.

    Pero teka, pwedeng matawa sa pangalang Manley? Haha. Babae ba sya? Hahaha. hello hello ate Manley! Hihihi. Ok fine. Alam kong lalake sya. Pero mas gusto k osya maging babae. Babaeng Manley. Lolmuch.

    Reply
  5. DAAN LANG MUNA. MAYA KO NA BABASAHIN.

    Reply
    • taribong

       /  August 7, 2010

      ok. salamat sa pagdaan.😀 sana basahin mo nga hehehhehehe

      Reply
  6. Hindi ko alam kung anong nakasulat sa puso ko, pakibasa nga? Lol!

    Reply
    • naririnig ko dubdub dubdub…. parang bumibilis, tumatakbo ka ba? may hinahabol?? may humahabol???

      kailangan mo ng surgery, very minor lang naman heheheh (joke lang).

      You’ve got a big, healthy heart!!
      Yehey!!! Blowout naman diyan hehehehe

      Reply
  7. nawa’y makita mo na ang babaeng magpapatibok ng puso mo, tarbs…ang babaeng itinadhana na ng mga tala🙂

    Reply
    • Tumitibok pa naman ang puso ko wahahahaha Teka, tumitibok nga ba? Or am i dedz?

      Hmmmm, ang babae ay parang pacemaker(?!) toinks

      Maraming salamat kaye! Umaasa rin ako… (Pronto!!? hehehehe)

      Reply
  8. sana nga matagpuan mo na po hehehe

    padaan po😉

    Reply
  9. maligalig ang puso ko ngaun… hahaha!

    Reply
    • Lahat tayo ay nakatadhanang maging masaya! At walang makakahadlang sa pananaw na yan… Manalig ka lang!! Ayos!!!

      Maraming salamat, Joyo. Gabayan ka sana ng langit para sa ikapapanatag ng puso mo at punan ito ng umaapaw na pagmamahal at kaligayahan!😀

      Reply
  10. lahat tayo ay nakatadhanang maging masaya!🙂

    Reply
  11. Kahit anong unos ang dumaan sa nagmamahalan…ang pag-ibig ang magiging sandalan at pundasyon ng tibay sa paggulong ng panahon sa ilalim ng gabay ng Panginoong Diyos.

    Reply
    • Opo, Tats! Ang galing nga po eh. Nakakabilib yung dalawang taong nagmamahalan at kayang harapin ang anumang pagsubok, sa hirap at ginhawa, hanggang sa dulo ng walang hanggan. Talagang ginagabayan at binibiyayaan ng Panginoong Diyos!

      Maraming salamat po muli!

      Reply
  12. kuya tarbs bakit sa mga nakalipas na linggo mga heavenly bodies or space-related ang mga title mo wala lang napansin ko eheheh

    ang pag-ibig at pag-asa ay magpartner idinadalangin ko ang pagtatagpo ninyo.

    be blessed po!

    Reply
  13. toni

     /  August 7, 2010

    di talaga ako makareleyt, palagi ko kasi
    pinaaalalahanan puso ko na stedi lang sya.

    wag ka na malungkot manongko dahil darating din ang inaasam mo.
    at sana sa lalong madaling panahon.

    Reply
    • taribong

       /  August 7, 2010

      Wen adingko hehehehe. Agyamanak kenka. Sapay koma ta makitam ti lalaki a mangkompleto ti biagmo, ket aglupyas ti ragsak para kadakayo hehehehe. Ayos ba?!?!

      Reply
      • kuhracha

         /  August 7, 2010

        naku.. wala na. napapaligiran na ko ng foreigners.😀

        Reply
        • Eto na ang translation hehehe:

          Oo, aking kapatid hehehehe. Salamat sa iyo. Sana rin ay makita mo ang lalaking magkokompleto sa buhaymo, at aapaw ang ligaya para sa inyo hehehehe. Ayos ba?!?!

          Reply
  14. sana lang wag silang dumating kapag 99 yrs. old na yun naghihintay sa kanila..
    hirap na ata nun. *laglag balikat*

    habang wala pa yun, pipiliin ko pa ding maging happy!

    napadaan din po.😉

    Reply
    • taribong

       /  August 7, 2010

      hehe may pag-ibig pa rin sa ganyang edad.😉 maraming salamat sa pagdaan!😀

      Reply
  15. maganda

    namarkahan ko na

    sana ikaw ay manalo

    karapat dapat ang markang para sayo

    Reply
    • taribong

       /  August 7, 2010

      hala?! Maraming salamat sa pagtitiwala, roomboy1987. At maligayang pagbabalik!!!!😀

      Reply
  16. Ikaw, anong estado ng puso mo ngayon? Anu’t ano pa man, sana’y parati kang masaya. Dahil iyan ang nakatadhana. Dahil iyan ang nakasulat sa mga bituin.—>masaya ang puso ko ngayon.. maligaya ako sa aking buhay-pag ibig😀

    Reply
    • taribong

       /  August 7, 2010

      Maligayang bati sa iyo jongskie721. Sana’y patuloy ang ligaya sa buhay-pag-ibig mo hanggang sa maabot mo ang langit hehehhehe.😀

      Reply
  17. Nagtataka nga ako. Nakasulat ang tadhana sa mga bituin. At nakaukit na magiging masaya ang bawat isa. Pero..

    Pero alam mo, naniniwala ako na may mga taong pinangarap nilang maging mag-isa hanggang pagtanda. Siguro may mga tao talagang ganun yung mentalidad. Na gusto nila mag-isa. Ibang klaseng lungkot. Ibang klaseng ligay ang hatid. Hanggang may kaibigan o alagang aso, siguro may mga taong ayos lang sa kanila na walang ‘significant other.’

    Siguro.

    Reply
    • Naisip ko rin ang bahaging yan, Ax. Kaya ko ipinasok ang dulong talata. Sa reyalidad, tayo mismo ang gumagawa ng ating buhay. Ang mga bituin, ang mga puwersa sa paligid, atbp. ay mga gabay at maaaring makaapekto sa ating mga desisyon. Anumang desisyon, anumang landas man ang tahakin, nais ko lamang na masaya ka roon. Gusto kong isipin na ang lahat ay dapat masaya.

      Maraming salamat, Ax, sa pagbubukas ng kaisipan patungkol sa akda. Hanggang sa muli.😀

      Reply
  18. hehe, darating din sya..🙂

    Reply
    • taribong

       /  August 9, 2010

      Sana, ngayon na! Pronto! Ora mismo! Oooops, nasobrahan yata…😀

      Reply
  19. Nakakaadik talaga yan. Peste. Mas nakakaasar pag adik na adik na kayo sa isa’t isa tas tinatago niyo pa dahil may mga pulis na nakapaligid na tatapos ng pag ka-adik niyo. Wala ka naman magagawa dahil sila ang batas. Itatago niyo na lang tuloy ang pagkaadik niyo para lang di matigil at mawala sa paningin ang droga ng buhay mo.

    Reply
  20. ibabalik ko ang sinabi mo kuya, keep the faith…

    walang mali sa pag-iisa, reyalidad yon. keelangan din tanggapin na may mga taong mas gugustuhin ang single blessedness na situation.. may kakilala akong ayaw talagang mag-asawa.. at walang mali sa kanya…. gusto lang nya.

    pero sabi mo nga nakasulat naa sa mga tala ang kaligayahan ng bawat tao kaya sige, papaniwalaan ko..hahaha

    Reply
    • Nangopya ka kay Ax, ‘no?
      O sadyang nagkapareho kayo ng wavelengths?? Ibig sabihin……
      (maaari po bang paglakbayin ang iyong mga mata sa sagot ko sa sinabi ni Ax. Salamat! :D)
      Yiheee hehhehehhe

      Reply
      • wahahaha., sabi mo kasi basahin ko yong comment ni ax at yong sagot mo.. o di binasa ko..hahahaha

        Reply
  21. iba talaga ang hiwaga ng pag-ibig. sana makita mo na ang “pacemaker” na bubuhay syong kalamnan, kaisipan at karamdaman ng panghabang panahon.

    ako? nakita ko na at talagang di ko sya pakakawalan. itaga mo man ang espada ni king arthur sa pinakamatigas na bato!

    helo toks! ingats!

    Reply
    • Oo, toks, kesa naman sa kung natagpuan ko na kabog nang kabog ang puso hehehehe

      Ilalagay ko nga sana kayo sa akda sa taas, kaya lang lalagpas sa 350 salita; nobelang pampelikula ang kuwentong pag-ibig niyo ni Kaye eh. Hahaha

      Maraming salamat!!!! Hanggang sa muli.

      Reply
  22. dumaan para mag marka, ang hirap huhuhu

    Reply
    • sang ayon ako.dapat parapol na lang yung premyo.hahaha!

      Reply
    • Tinatawagan po ang pansin ni Ginoong J.Kulisap upang tugunan ang panawagan ng mga panauhin sa blog-hay na ito… 😀 Maraming salamat.

      (Teka, baka naman mamimigay siya ng Katibayan ng Pakikilahok o Certificate of Participation. Parang sa hayskul lang hehehhehehehe)

      Reply
  23. kamusta na,igan?

    anu pa nga bang salita ang pwede kong sabihin?parang magus lang.mahika ng puso ang pag ibig.ang mana at ang potion.ang magic staff at ang baton.

    nasaan na ang diwata?hinahanap ko rin eh!

    Reply
    • May ginagawa sa aming opisina kaya medyo magulo. Dagdag pa ang mga gawaing hindi maipagpapaliban. Kaya pa rin naman. Buhay pa naman ako hehehe.

      Ikaw, kumusta? Parang nakita ko ang diwata para sa iyo…. hehehe… kailangan lang siguro gamitan na rin ng tarot?😉

      Reply
  24. NADAAN SI YIN. NAGBASA. NAGHANAP NG KAPE. KULISAP MAGBABAYAD KA NG MAHAL. DALHIN MO KO SA TUKTOK NG SUSONG DALAGA.

    NA-RATE KO NA. DI NA KO KOKOMENTO.

    (GANITO LAHAT NG KOMENTO KO SA ENTRIES. ANG IMPORTANTE MABASA AT MAINTINDIHAN KO YUNG KUWENTO AT MA-RATE NG MAAYOS AT MATAPOS BAGO AKO HIMATAYIN SA GUTOM, HAHAHA)

    manong Tarbs, sumasaludo, Yin.

    Reply
    • Hala, maligayang pagdating, Yin.
      Pasensya na at walang kape. Gatas gusto mo? Hindi galing sa Tuktok ng Susong Dalaga eh. Magmumula sa gripong de bomba ooooops Hehehe Biskwit? Biscocho? Tubig, ayaw mo?

      Reply
  25. may sakit na ata ako sa puso….wapakz

    ipagdadasal ko kuya taribong na matagpuan mo na ang iyong binibini…yey!!! masuwerte sya kapag dumating na ang panahon ng inyong pagtatagpo…
    🙂

    Reply
    • taribong

       /  August 11, 2010

      mas magiging masuwerte ako, mas magiging masaya, at maabot ang langit ….. wapakz😀

      Reply
  26. gnehpalle02

     /  August 11, 2010

    ginoong taribong sana matagpuan mo din ang laan para sayo. Ang maniwala sa pag-ibig ay katulad ng pagbuo ng pangarap… mabuhay ka!😀

    Reply
    • taribong

       /  August 11, 2010

      maraming salamat, gnehpalle02. darating din ang araw at magbubunyi ako hehhehehehe….. maligayang pagdating!😀

      Reply
  27. naisulat ko na itong comment na ito sa isa rin entry sa pakontes ni jakul:

    akala ko noong bata ako, walang magkakagusto sa akin. noong matanda na ako, nalaman kong matinik pala ako. hehehe.

    (may masabi lang xD)

    Reply
    • matinik ang cheese? hehehhe

      Ayos yan, maraming mapapasaya!!!

      maligayang pagdating po at hanggang sa muli.😀

      Reply
  28. hi po🙂
    ngayon lang ako napadaan dito eh.

    mabuhay tayong mga alipin ng pag-ibig.
    ang ganda po ng post na ‘to ^^

    Reply
  29. wala pang laman ang puso ko pero natitiyak kong may darating.
    sa ngayon tinitibok nito ang pagmamahal ko sa pagsusulat lalo’t higit sa saranggola blog awards hehehe napadaan lang.
    http://www.saranggolablogawards.com
    sali ka rin.

    Reply
  30. Hataw na! Sige!!😀

    Reply
  1. Sige Ihataw | Kayumangging Damdamin

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: