drama

Kagabi ay dumalo kami ng aking pinsan sa isang munting salu-salo.  Dahil sa hindi pa kami masyadong nagkakakilanlan sa mga kasamang panauhin, maraming tanong ang umiinog sa aming mga utak.  Subalit may bahid ng kahihiyang mag-urirat.

Tumatak sa akin ang tanong na: Ano ang drama ng buhay mo?  Hindi bago sa akin ang tanong dahil malimit ko nang marinig sa aking boss sa dati kong pinagtatrabahuan ang mga katagang: “Hay, talaga namang may kanya-kanya tayong drama sa buhay.”

Sadya lang sigurong ikinukubli ko kung anumang problema ko sa buhay.  May mas malalaking mga problema nga ang iba na minsan ay naipapasa sa akin.  Hanggang sa ang problema ko ay hindi ko na napoproblema.  Lusot ba?

Sa kabila ng lahat ng ito, ako ay nananatiling matatag sa pagharap sa hamon ng buhay.  Pinagtitibay ng mga moog ng pananampalataya at pag-asa upang malagpasan ang mga pagsubok. Tago ang emosyon.  Bato.  Na hindi maintindihan ng iba.

Nang ako’y mag-blog, nagkaroon ako ng release ng angst. Na madalas nate-temper din. Sa mga naisulat ko, na mga repleksiyon ng karanasan, akin man o maging mga taong nakapaligid sa akin, ang mga tauhan ay may emosyon, yung nararapat sa sitwasyon na iyon.

Mahirap at hindi maiwasang hindi lubusang maunawaan ang ibig ipahiwatig.  O di naman kaya’y nahusgahan na sa sariling pananaw ng iba.  Pero kailangang igalang ang kanya-kanyang pag-iisip.  Marahil, hindi na pag-uusapan ang wasto sa mali kundi ano ang tamang diskarte dahil ang bawat suhestiyon o desisyon ay may basehan o di kaya’y malalim ang pinag-ugatan.  Sa bandang huli, tatamasain natin ang saya o lungkot ng anumanng kahihinatnan ng tinahak nating landas.

Ikaw, anong drama ng buhay mo?

Previous Post
Next Post
Leave a comment

32 Comments

  1. add kita sa blogroll tol!

    saka na ako mag da-drama.hahaha!

    Reply
  2. toni

     /  July 25, 2010

    weeh nauna ang dukingster..
    sekanbeys!

    dramamode…

    Reply
  3. toni

     /  July 25, 2010

    hmmm nagrerepleyk siguro sa mata mo ang iyong saloobin.

    minsan ayaw ng iba harapin ang problema kaya nananatili itong pasanin.
    maaring doble pasakit sa simula ng pag-ako/pagharap pero pagkatapos non panatag na kalooban at matiwasay na kaisipan kapalit.

    Reply
  4. ako din, nagblog para malabas ang angst ba ang cnb mo?ehehe… kso pati pala d2 sa mundo ng blogosperyo may drama pa din!(tama bang sundan ako ng drama?)ahaha lolz!

    Reply
  5. super late beys

    basa mode

    Reply
  6. pass. next question na po. hahaha

    Reply
  7. kuhracha

     /  July 25, 2010

    di ko na maalala kung anong sinagot ko kagabi. hahahahhaha.

    Reply
  8. Hahaha. Ako binalahura ako ni kurach sa sagot ko eh. Madramang maging virgin pota. Haha.

    Reply
  9. Alam mo naman Tarbs ang drama ko sa buhay. Hindi ko na kailangan i-broadcast. =)

    Reply
  10. nakow. ang haba ng mga drama ng buhay ko. iilan lang sa mga bloggers ang may alam nung di ko sinasabi. hahaa.

    at shempre, di ko rin sasabihin dito. hahahha!

    tarbs! pssstttt! meron kang di sinasabi…

    Reply
  11. aw! ngayon ko lang nabasa to.. drama?.. maliliit lang na drama, yong pinapatulo lang ang luha ko..hahaha

    di ko sinerseryoso ang mga drama ko, isang bagsakan lang pagkatapos nakatayo na ulit ako… pero di ko balak i-kwento sa blogosperyo ang mga kadramahan ko..hehe

    Reply
  12. shea

     /  July 28, 2010

    ahaha… ako yata pinaka madrama dun.. toinks

    Reply
    • awts… hindi namin naabutan… anyway, feel good shea. You’ve got the world to explore. Someday you’ll find your true happiness…😉

      Reply
  13. Ang drama ko sa buhay ay usapang pampamilya, don umiikot.

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: