g.a.s. (ulit)

Mamayang gabi (May 28, 2010), bilog ang buwan.  Sisikat pa rin ang kanyang kariktan maski mayroong pabugso-bugsong ulan…. Bakit? wala lang, masabi ko lang. Tara, maupo tayo sa munting bangko sa may balkonahe, samahan mo akong mangarap sa ilalim ng buwan….

Ayaw mo, sige magbasa ka muna dito….

Gabi… Aninag ang Sikat

ng buwang buo at matikas, sumasakal

sa mga lihim ng magdamag.

alumpihit ang mga aswang

sa sinag ng buwang galing sa araw

na nangawala sa balabal ng kadiliman.

habang maraming isda ang naglipana

nagagalak, malaya, walang alinlangan

naglalaro sa lawak ng karagatan.

Previous Post
Next Post
Leave a comment

72 Comments

  1. base muna! hahaha

    Reply
    • kala ko GAS na sequel ng gas series. hehehe…

      kelan ba tlga madaming isda? pag full moon ba kuya?

      Reply
      • ayon sa aking kaalaman (hindi ko alam kung tama hehehe), marami ang isda dahil maliwanag, kalat sila, kaya hindi pumupunta sa laot ang mga mangingisda.

        Kung wala ang buwan, dun nangingisda sa laot, para yung mga isda ay mabighani sa ilaw at kusa silang lalapit sa bangka.

        Ayos ba?

        Reply
        • hisnameisdencios

           /  June 2, 2010

          sabi nila kapag maliwanang ang buwan lahat ng isda nasa ilalim ng kaya walang mangingisda.

          ayun lang. napadaan ginoong taribong =)

          Reply
          • taribong

             /  June 2, 2010

            maligayang pagdating, Dencios!!!
            siguro nga po, nagsasaya rin ang mga isda sa ilalim ng karagatan tuwing bilog ang buwan =) parang tao rin hehehe ayos po! hanggang sa muli…

            Reply
  2. Sa kalendaryo ba nalalaman na bilog ang bwan?

    Reply
    • opo (basta may nakasulat na fullmoon, etc.)😀
      >>at sa pagtingala sa kalangitan/himpapawid kapag gabi… toinks

      Magandang gabi, vajarl. Teka sa gabi lang ba lumalabas ang mga dracula? Mas malakas din ba ang powers nila kapag wala ang buwan??

      Reply
  3. Kailangan ko palang mag-ingat. Nagbabagong anyo ako kapag bilog ang buwan. Hahaha!

    Reply
    • Wow! lalong gaganda si salbeje!! magiging katangi-tangi ang kanyang alindog …😀

      Reply
      • naku taribs, hindi ganon ang ibig sabihin ni salbe! magiging monster sya.. kelangan lang nya mag-ingat kase ni-re-rape ng mga tikbalang ang mga monster.. so medyo kadiri lang.

        Reply
  4. tuwang tuwa ako kapag full moon. wala lang. ang cute cute kasi eh. ang liwanag. ang sarap maglaro ng tagu-taguan. ang sarap maglaro sa kalye. hakhak!

    tay akala ko ba next lesson eh biology? eh astronomy naman ata to. hakhak!

    bakit may isda? pag full moon maraming isda? di nga?

    Reply
    • oo ang ganda talaga ng buwan lalo na kapag bilog na bilog siya tapos maaninag mo yung shadows/craters doon hehehe

      naglalamyerda ang mga isda sa ilalim ng buwan, naglalaro din sila sa dagat hehehe

      Reply
  5. ay, hindi ko nakita.

    Reply
  6. toni

     /  May 29, 2010

    aba pareho dito parati naulan at tila aabutin pa ng ilang araw bago tumigil.

    maganda maglaro pag maliwanag ang buwan pero kung dati mga aswang panakop sa mga bata ngaun mananananggal na….dami klase.

    Reply
  7. toni

     /  May 29, 2010

    o naraniag a bulan
    un-unnoyko indengam
    dayta naslag a silaw mo
    di ka kad ipaidam
    o naraniag a bulan
    sangsangitko indengam
    toy nasipnget a lubong ko
    inka kad silawan
    tapno diak mayyaw-awa

    Reply
    • Kenka toni nga adingko
      Tunggal umayka ket ragsakko
      Sapay koma ta maaddaanka ti liwliwa
      Kadagiti insuratko nga inka mabasa.

      Sapay koma ta kanayonka a naasimpa
      Dita Canada nga ayanmo tatta
      Agymanak a kanayon kenka
      Panapan ditoy blogko, dika maum-uma.

      Ayos?!?

      Reply
      • toni

         /  May 29, 2010

        nalaeng ka nga agpaysu.
        ayos na ayos!

        Reply
        • kayat ko met kumma nga makijoin ditoy ngem narigriggatan ak pay agsau. ngem makaawawat ak met. wen! beri gud.

          Reply
          • toni

             /  May 29, 2010

            makasau ka met adingko. uray siak malipatak pay no maminsan tay kayat ko nga ibaga isunto sabali met ti maisaritayp ko.

            Reply
    • Haha dir-i ti ka-Ilokoan haha

      Reply
    • lee

       /  June 1, 2010

      wohoy nalalaing ka nga
      agkansyon ading, kayat ko
      met kuma nga agkansyon ti ilokano
      ngem baka sippangulen yu ak
      duwa laeng ti ammok nga kansyon bastos pay
      baka macensor ak ditoy hahaha

      Reply
  8. ang buwan ay napakagandang tignan.. lalo na pag madaling araw.. kung papansinin natin ang buwan ay matingkad at maliwanag pag madaling araw…

    napansin ko lang po noong natutulog kami sa kubo na kung saan walang dingding..

    pabisita po.

    Reply
    • Nakakamangha talaga ang kagandahan ng buwan… Sana pwede rin tayong tumingala at pagmasdan ang araw na hindi masisilaw/masisira ang mga mata hehehehe toinks

      Maraming salamat sa pagbisita, Orville.
      Hanggang sa muli…

      Reply
  9. Hinaharot nito ang aking katinuan.

    Kung ang aswang ay nag-aalumpihit sa ilalim ng buwan, ano naman ang pakialam ng Kapre kapag itinigil niya ang paninigarilyo?

    Cancer free na ba siya?

    “Far from the thoughts of the author, closer to the reader’s imagination.”

    Reply
    • wala pa daw nagkakanser na kapre, kasi ang sinisigarilyo nila ay natural, galing sa piling mga halaman at hindi hinahaluan ng anumang kemikal hahahaha

      Wow! Swak naman ang quotation mo!!
      (teka muna ha. eloiski, tissue please….)

      Reply
  10. talagang walang kakupas kupas ang taribong…
    magaling na manunula parin hahaha

    Reply
  11. Umulan na nga daw dyan, sana naibsan ang init.

    “nagagalak, malaya, walang alinlangan
    naglalaro sa lawak ng karagatan.”

    Puwede rin sa tao ang iyong sinabi…(dagdag)at sa lawak ng kapaligiran.

    Reply
    • Opo Tats. Okay na po ngayon dahil umuulan-ulan na rin; maski papano naiibsan ang grabeng init!

      >yung isda po, naisip ko rin po na pwede rin silang kahintulad ng tao; maraming naglalarong mga bata sa lansangan, magsing-irog na naglalaro sa ilalim ng buwan toinks atbp. hehehe

      Maraming, maraming salamat po Tats. Masaya ako sa inyong muling pagbisita. Hanggang sa muli po.

      Reply
  12. ay! bakit di ko na napapansin ang full moon… yan na nga ba ang gusto ko pag uuwi ng probinsya… mas masaya pag kabilugan ng buwan, masarap makipagkwentuhan sa gitna ng kalsada dala-dala ang mga sariling bangko pag kabilugan ng buwan.

    Reply
  13. Hello Kuya Taribong!

    Maraming Salamat sa mga komento mo, sa pakikisimpatya sa aking nararamdaman. Pasensya na lamang at ngayon lamang ako nakapagpasalamat sa’yo. Anggaling naman ng pagkakasulat ng mga salita. Kaso me aswang.. yayks! hehehe..

    Mag-iingat ka lage at Godbless!

    Reply
    • Magandang araw sa iyo, chevybo!
      Hehehe yung aswang, parang salot lang sa lipunan, nagtatago sa dilim hehe…

      Ikaw naman, kaya mo rin ang kaya ko. Malamang mahigitan mo pa. Magsulat ka lang ng magsulat, pero huwag kang titigil don. Subukan mo ring baguhin ang ayos ng mga pangungusap at mga talata para maging maayos ang daloy ng iyong akda. Practice makes perfect,ika nga. Alam ko, kaya mong umangat pa sa pagsusulat. Ipagpatuloy mo lang ang pagsisikap… Good luck!!!

      Reply
      • Naks naman Kuya, hehehe. Me ganun. Maraming Salamat sa pagsuporta at paniniwala sa kung anung meron ako. Nga pala, anung meron sa GAS? hehehe

        Ingat lage at Godlbess!

        Reply
  14. Nga pala, yaman din lamang nandito na ako. Hindi ko na ihihingi ng permiso subalit ipagpapaalam ko na lamang na ida-dagdag ko ang iyong pangalan sa mga hawsmate-kaibigan ko. Maraming Salamat ulit! ehe.😉

    Reply
    • Isang malaking karangalan para sa akin ang mapabilang sa iyong hawsmate-kaibigan. Maraming, maraming salamat sa iyong pagdalaw. Hanggang sa muli…😀

      Reply
      • Isang maladambuhalang karangalan naman para sa akin ang payagang isama ko ang iyong pangalan sa aking mga hawsmate-kaibigan. Hehehe

        Meron pang muli siempre. ehe.😉

        Reply
  15. Sana mag Once in a Blue Moon moment ulit sa Pinas! Sa kabilugan ng buwan masarap ng tagu-taguan… Maiba taya. Pagbilang ko ng tatlo… nakapagcomment na ako.

    Reply
    • Haha huwag lang yung mag-aayawan na maski hindi pa nahanap lahat… hehehe
      Maligayang pagdating, Dorm Boy!!!

      Reply
  16. wow. about full moon ang topic. Naalala ko tuloy noong isang linggo kumain ako ng pansit.

    Reply
  17. sa ilalim ng buwan matao,
    sa lilim naman nito ang mga sindikato

    sa gabi ang buwan ay may kwintas
    mga tala nagliliwanag na bulitas

    doon naman sa pasilyo kung saan tahimik
    isang birheng perlas ang pinitik

    T_T

    Reply
    • sa sinag ng buwan, anino’y naglaho
      ang ihip ng hangin dumaan sa puyo
      kapagkaraka’y buhok ay nagsitayo
      pinakiramdaman kung may dumaang multo
      pilit binubuksan ang bibig upang sumigaw
      ngunit walang tinig na maibulahaw
      kaya takot ma’y dapat mabilis kang tumakbo
      at sa dulo, umasang may sumaklolo….

      … hala ka, may paparating…..

      Reply
      • isang sundalo mula sa kalawakan
        aking pinagmasdan
        kanyang sandata ay kandila
        sa kabilang kamay ay bandila

        nag-asam akong akoy matutulungan
        ngunit sya ay nagalinlangan.

        kailangan din nya ng saklolo
        ako namay di makakibo

        akoy natakot akoy tumakbo
        ngunit kakaibang nilalang ang aking nabunggo

        Reply
        • isang guwardiya sibil na pugot ang ulo
          dumadaloy pa ang sariwang dugo
          ang suot na uniporme ay butas-butas
          dinaanan ng bala at punyal na matalas

          ang kaliwang paa niya’y kinakaladkad
          kitang-kita ang naihihiwalay ang buto sa balat
          habang iwinawasiwas ang kanang kamay
          upang makakapit, daan ay maapuhap

          nanginginig na hawak naman ng kaliwa
          ang baril na sinauna, lima pa ang bala
          sa pagkabunggo mong bigla sa kanya
          nahagilap ka, sa kuwelyo patilya binitbit ka….

          Reply
          • akoy nagpumiglas ngunit hindi makaalma

            sa higpit ng pagkakapitas

            sa aking patilyang parihaba

            akoy sumigaw ng malakas
            kahit pilit na kinakaladkad

            ngunit sa isang bigkas
            akoy di pinalad

            sa aking narinig may matandang nag iigib

            wooooosh
            wooooosh

            timbang dala-dala aking sinilip

            laman loob at balat
            dugo at utak

            nagpipista at nangangamoy alak

            Reply
            • sa di kalayuan, maririnig ang babaeng tumatangis

              binasag ang tahimik na gabi ng kanyang iyak at hinagpis

              hinahabol ang mamang may dala ng timba

              dahil ang dugo’t utak, laman-loob, sa kanya pala

              sa malapitan iyong mapagmamasdan

              itsura niya’y kahindik-hindik, tiyak katatakutan

              ngunit natapilok ang babae

              ang kamay niya’y naisabit sa balde

              pati ang huklubang nag-iigib, nadapa

              tumalsik ang mga lamanloob, napunta sa iyong mukha…

              Reply
  18. lee

     /  June 1, 2010

    waaa takot ako sa asawang at ayoko din ng amoy ng bawang, pero di ako aswang ha.
    namimiss ko satin twing kabilugan ng buwan sa probinsya ang liwaliwanag tapos nakahiga ka sa mandala sa my bukid, nakatitig sa buwan at nagiisip, nangangarap habang ngumangata ng damo kasi wala kayong makaing hapunan sa bahay hehe.

    Reply
    • masarap humiga sa mandala hehehehe
      at masarap ding magpatambling-tambling
      huwag lang papahuli kay manong nanding
      baka ang tenga mo’y pitikin…

      habang nagpapangus ng tubo hehehhehe

      Reply
      • toni

         /  June 2, 2010

        mga atis at kuyas ano ung mandala?
        gustong gusto ko naman ung bilog ang buwan dahil inaabot kami ng umaga paghuhuli ng isda sa tabing-dagat non. ung iba namen pinsan me mga dala inumin, gitara, meryenda, kape para saken.
        pag me nahuli ako tigaparikit ng apoy at tiga ihaw pero me baon na kami sinaing. at mismo sa tabing dagat ung kubo kaya masaya.
        pagdating ng 4am dapat tulog na kami kase pagising na lolo ko iikot na un para magtsek.

        Reply
  19. Marunong din akong tumula

    Nang Mainlab ako sayo
    Akala ko Pag-ibig mo ay tunay
    Ang halik mo
    Namimiss ko
    Lagi na lang umuulan
    Tila walang katapusan
    Humanap ka ng panget
    at ibigin mong tunay

    err.

    Reply
  20. kita ko nga ang magandang sikat ng bilog na buwan…🙂

    Reply
    • Ang ganda talaga, di ba?
      Hmmm…. Anu-ano ang mga hugis na nakita mo sa loob ng bilog na buwan?😀

      Reply
  21. hehe.ayos. mahusay ang tula.
    sarap siguro manghuli ng isda.

    Reply
    • waw naman! nahiya po ako bigla, isang malaking karangalan ang inyong pagdalaw. Labis po akong nagagalak. Maraming salamat.:D

      Hanggang sa muli….

      Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: