gaspang

Nagbubunganga na naman si Ate Maymay. Ang aga-aga.

“Hindi man lang kayo mag-ayos. Pare-parehas lang naman tayo nakatira dito. Ang kalat ng sala, ang mga remote kung saan-saan nakalagay tapos hahanapin sa akin. Ang tv magdamagan hindi man lang patayin ng maayos. Kaya tumataas ang bill sa kuryente eh. Buti sana kung nagtataas din ako ng paupa sa inyo.”

Nag-aayos ng mga gamit habang nagluluto, napansin ni Ate Maymay ang cleaning schedule ng mga boarders na nakapaskil sa dingding.

“Itong cleaning schedule na ito hindi naman sinusunod. Siguro dapat lang ipatupad ang penalties. Parang gobyerno lang a. Kaya ganito bansa natin e. Dahil din sa tao. Hay buhay talaga.”

“Good morning, Ate.” Bati ko sa kanya papunta sa lababo para maghilamos. May tao pa sa banyo dahil sa narinig kong lagaslas ng tubig.

Kinuha ko na lamang ang nakasabit sa dingding. Tinitingnan lang ako ni Ate Maymay hanggang ako’y lumabas ng bahay.

“O saan ka pupunta? Hindi mo ba wawalisan ang bahay?

“Sa labas po ang toka ko. Dito sa hagdanan. Sina Divine at Glenda po ang toka sa loob ngayon.”

“Di ba pwede unahin ang loob? Hindi ka naman diyan sa labas nakatira? Haysus naman.”

“In New York, concrete jungle where dreams are made of….” Inumpisahan ko na lang kumanta kesa naman si Ate Maymay lang ang naririnig. Kaya siguro parating maagang umaalis sina Mr. Pinto dito sa first floor; umiiwas sa ingay .

Nakawalis na ako’y nagdadadakdak pa rin si Ate Maymay sa loob.

Pumasok ako at kinuha ang bunot tsaka lumabas ulit para simulan ang paglampaso sa hagdan na may kasamang “Shake it to the right and shake it to the left”.

“Bye Ate.” Nagmamadaling nagpapaalam si Faye papalabas ng bahay. Andami niyang dala at nagsusuklay pa.

“Hindi ka na ba kakain? Nakaluto na ako; may champorado pa.”

“Hindi na ‘te. Pasok na ako.”  Sa paghakbang ni Faye sa hagdan, nag-ring ang kanyang cellphone. Tumigil siya at sinalat ang loob ng kanyang bag nang biglang maglaglagan ang kanyang libro at ilang papel.

Sinubukan niyang pigilan ang paglaglag ng kanyang mga gamit nang biglang siyang ma-outbalance at padapang dumausdos sa hagdan.

“Aeyyyyyyiiiiiiiiihhhhh” ang lakas ng tili niya; hawak ng kanang kamay ang folder at ang kaliwa naman ay nag-aapuhap ng makakapitan. Nakatigil na siya ng mahawakan ko sa kamay.

“Ano yon? Ano nangyari?” biglang napalabas si Ate Maymay. Nakita na lang niyang papaupo na si Faye at umiiyak.

“Tsk.. tsk.. Hindi kasi nag-iingat. Eto kasing si……..”  Hindi na naituloy ang pambibintang sa akin dahil naapakan ni Ate Maymay ang gamit ni Faye at bigla siyang nadulas. Paupong bumagsak sa may hagdan.

Bug-bug-bug-bug… Tuloy-tuloy ang mabilis na nakaupong pagbaba  ni Ate Maymay sa mga baitang.

“Ae……………………..Arrruuyyyyyyyy” hiyaw ni Ate Maymay.

“Kasi hindi nag-iingat…” nasabi ko na lang habang ako ay maluha-luha sa pagpigil ng pagtawa habang lumalalapit para tulungan si Ate Maymay.

“Ikaw ang may kasalanan nito,” bulyaw sa akin. “Ang balakang ko…. Huhuhu.” Mangiyak-ngiyak na siya.

Humagikhik si Faye habang takip ang mukha. Nakita rin pala niya ang nangyari kay Ate Faye.

Napatawa si Ate Maymay.  Tumawa na rin ako.

“Kita niyo na. Kung magaspang ang babagsakan niyo magagalusan kayo, dib a?  Buti na lang napababaan ko ang coefficient of friction ng hagdan” sabi ko sa kanila.

Akmang babatuhin ako ni Faye ng kanyang cellphone. Nahanap na pala niya ito! Nag-ring ulit ang phone at sinagot ni Faye.  Napaiyak na naman siya.

Nakita kong hinawakan ni Ate Maymay ang bunot sa tabi niya. Alam ko na ang gagawin niya kaya kumaripas na ako  ng takbo.

Previous Post
Next Post
Leave a comment

35 Comments

  1. Coefficient of friction. Syef. Hahaha.

    Reply
  2. ahaha.. natawa ako sa nangyari pero kawawa naman yung pwet ni Ate Faye..

    Reply
  3. hindi mo kasi tinulungan si ate fye eh.. hehehe

    Reply
  4. Haha ang sarap magbasa, parang isang scene sa isang movie, sa mga boarding hause sa Sampaloc…tunay na tunay ang pagkakakuwento.

    Reply
    • Maraming salamat po Tats.

      (gulp) nagulat ako dito “tunay na tunay ang pagkakakuwento” baka matamaan talaga ako ng ibabato ni Ate Maymay…

      Hanggang sa muli po..

      Reply
  5. toni

     /  May 23, 2010

    katwiran ng iba kung sino di makatiis sya mag-imis.

    ang babagal naman ng mga kamay nila.

    Reply
  6. jason

     /  May 23, 2010

    shaks hahahaah nagcocomedy nalaglag sa hagdan tapos nag bounce every steps.. matatawa ko nun parang yun sa video sa fb yung kumakantang babae nalalalag nagbounce ang pwet sa hagdan.

    hohoho

    teka di ka ba inabutan ng buntot?

    san nakita ang cel??

    Reply
    • Buntot hamsterman? Paktay tayo dyan!😛

      Reply
    • haha naisip ko nga yung sa video nung magising ako sa pagbubunganga ng kapitbahay sa ibaba namin. Hayun, hindi niya alam na ginawan ko siya ng kuwento wahahahaaha

      Hindi naman ako naabutan ng buntot… (yung buntot ko nasa harapan hehe😀
      > yung story, first person narration ng boarder sa isang all-female dormitory, walang may buntot sa kanila hehehehe

      ung cel? hmmm baka sa bulsa?!? toinks…

      Reply
  7. Walangyang yan. Hahaha. Infurrnes naalala ko ang nanay kong bungangera. Kaso ang lagi naman nyang bukang bibig eh “PENGENG PERA! WALA NA PAMBAYAD KURYENTE! MAGTRABAHO KA PA!”

    Amp. Lol.

    Naka apartment ka Kuya Tari?

    Reply
    • Hehehe parang sa mother-in-law ni John Puruntung sa John en Marsha hehehehe

      Apartment/ Boarding house.😀
      Madaming kuwento sa 2nd & 3rd flr.
      Kailangang i-explore ang 1st and 4th flr para sa mga susunod na adventures heheheheh

      Reply
  8. ay bitin haha pero nag enjoy ako sa pagbabasa, refreshing, sa kabila ng kumplikadong mundo may mga ganyan padin palang pangyayari na simple nga kung tutuusin pero punong puno ng buhay! salamat sa pagshare taribong!

    ** ang champorado sayang naman sarap nuuun!! habang binabasa ko ang kwento mo nag vivisualize ako ng senaryo habang nag dadakdak si aling maymay lol cool!!

    Reply
    • Mr. Nonsense

       /  May 26, 2010

      wow. kahit anong kagaguhan ang isulat natin, si boni ay laging naipapahiwatig na moral lessons. seryoso talaga tong si boni….

      Reply
      • Hayaan mo na…. Pabayaan mong i-enjoy natin ang sinabi niyang “refreshing” parang isang malamig na buco juice sa isang mainit at nakakapagod na araw.

        Teka, seryoso ka nga ba talaga boni?

        Reply
    • Naks, na-tats naman ako dito. Parang makabuluhan talaga ang aking akda wahahahaha

      Maraming salamat sa pagtangkilik, Bon.

      Hanggang sa muli….

      Reply
  9. Natawa naman ako sa biglang segue sa New York hehehe

    Reply
    • Haha maski sintunado para sapawan lang ang bunganga ni Ate Maymay.

      Maraming salamat sa pagdalaw glentot at happy birthday ulit hehehhe

      Reply
  10. haha, simple pero kayang magpangiti…ang galing kuya…

    Reply
    • Wow naman aninipot napapangiti naman ako sa sinabi mo….
      Hmmm ikaw naman, simple at magaling😀
      Ayos ba?
      Maraming salamat

      Reply
  11. may naalala ako. wahahaha. syaks.

    at talagang may physics. ayos. dati kemistri ngayon pisiks. ano sususnod? major na! yehey!

    Reply
    • Biology naman… how gases are formed in the intestines especially after reading the post like gaspang hehehehhe
      Ayos ba, hija?

      Reply
  12. igiling giling ba yung isang kanta dun? hehehe

    salamat pala sa pagdaan sa tahanan ko!!

    astig ng fiction mo.

    Reply
    • Wow! maraming salamat gillboard. ikinagagalak ko ang inyong pagdalaw.
      Hanggang sa muli…:D

      >yung kanta, imbento lang, self-composed haha

      Reply
  13. i swear, napakanta ako ng empire state of mind pagkakita ko sa linyang yun. heehee! paborito kong kanta yun eh.🙂

    ayun naman pala, mabuti na lang at marunong maglinis kundi, magaspang ang babagsakan… pero kung di sinobrahan ang linis, malamang walang mahuhulog at madudulas. hahahha!

    Reply
    • taribong

       /  May 28, 2010

      Maraming salamat sa walang sawang pagtangkilik!😀 hehhehe
      Hanggang sa muling pagdausdos ng kabulastugan ng inyong abang lingkod….

      Reply
  14. naku maniwala ka, ganyang ganyan yung kasera ko nung araw nung nagbo board pako,tulog pako nagngangawngaw na hanggang makalayas nako,mabait naman kaso magkakasakit yata pag di nakapag bunganga hehe

    Reply
    • meron nga yatang ganon, walang konsiderasyon sa iba, gusto lahat kasama nila na nakabangon na at gumagawa maski yung iba konti pa lang ang tulog, kakatulog lang, o matutulog pa lang… hayst talaga. kung puwede lang sana silang i-mute…. hehehehe

      Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: