bigas*

(Pasintabi: Ang susunod na post ay may mga salitang hindi angkop sa mga may sakit sa puso o mahinang sikmura. Paumanhin po.)

Ginilitan sa leeg

Ang dugo

Sumirit.

*May mga bisitang darating dahil nagdiriwang ng pista, mamayang gabi idaraos ang parada ng mga sagala.  Kaya nagkatay si Nanay ng inahin.

Nasan ang bigas? Hayun, dun sa mangkok na ipinangsahod sa dugo ng manok.

Haha, makapagsaing nga muna…😀

Previous Post
Next Post
Leave a comment

21 Comments

  1. hahahhaha naalala ko nung nasa probinsya ako, kapag nagkakatay sila ng native na manok dun bakit kapag pinapa dugo yong manok hinahaluan ng bigas yong dugo? anong purpose nung bigas sa dugo?
    thanks for the post i enjoy reading your blog. god bless

    Reply
    • Wow, ambilis ah. Parang ipu-ipo hehehe
      Umaalsa kasi yung bigas kapag naluluto, kaya umaalsa rin yung dugo, may dagdag na paghahatian ang mga nagkakasalu-salo (instant dinuguan with rice)
      Maraming salamat at hanggang sa muli😀

      Reply
  2. toni

     /  May 21, 2010

    marami nga nagdaraos ng kapistahan twing mayo tas buwan din ng santakrusan.
    saya din kapag ikaw iniilawan kaso sakripisyo sa lakad lalo inulan.

    tinola na me dahon ng sili at papaya, sarap nyan.

    Reply
    • tagapanood lang ako sa santacruzan hehehehe

      tinola na may buko ulam kanina, binakol yata tawag, Visayan recipe daw. Sarap nga!😀

      Reply
  3. kaye

     /  May 21, 2010

    sabi ko na at ang susunod e bigas. hahahha!

    pero yay! di ko ata kaya yung ganun. di ba weird yung bigas na isinaing sa dugo ng manok? ngek.

    Reply
    • haha dahil nga sa sinabi mo na bigas kaya yan ang sumunod.

      Mamumuo (titigas?) yung dugo sa may bigay, tapos yun ay ilalagay sa ibabaw ng nilulutong tinola. Magiging (rice) blood cakes.😀

      Reply
      • kaye

         /  May 24, 2010

        yay! tinolang may dugo ng manok? pwede ba yun? di ba dinuguan na yun???

        ayoko ng rice (blood) cakes. yay!

        Reply
        • haha yung sa tinola, coagulated blood.
          yung sa dinuguan, nilalagyan ang dugo ng anti-coagulating agent: suka o vinegar😀

          teka pwede kayang painumin nalang ng suka ang mga high-risks sa aneurysm? wahaha toinks

          Reply
  4. at dahan dahan kong binasa hanggang sa matapos habang nanlalki ang mata ko..

    bakit ako natakot sa parang kakaiba ang handa nyo.. parang ayoko maki-sagala..

    Reply
    • hehehe yung choice cuts ang para sa bisita. Sali ka na sa sagala, hindi na kita aalokin ng niluto ni nanay kung ayaw mo. Yun na lang niluto ni Kuya na pansit, tapos, magdadala daw si Ate ng isang bilao ng iba’t ibang kakanin, si Tita ay naghahanda ng kanyang special kare-kare, si Tito ay mag-iihaw ng sampung bangus at tatlong kilong barbecue. Si Tatay, kinuha ang kanyang order na isang galong lambanog sa kanyang kumpare, sana lang makabalik siya kaagad; baka kasi nag-umpisa na naman silang mag-inumang magkumpare.😀

      Reply
      • di naman ako natakot sa pagkain, lahat kase kinakain ko.. dun lang sa paraan ng pag-dugo ng manok tapos may bigas..weird na pero natakot ako..=)

        parang sa Lambanog ni Tatay ako nakumbinsing makidalo..=), Uso na naman sagala sa ‘tin,,. Buwan ng May na kase.. kamiss nung mga bata pa kami sa probinsya.. laging may pasayaw sa baranggay..ohdiba?..=)

        Reply
  5. hahaha! namiss ko ang tinolang native na manok. kapag nagluluto ng ganyan sa probinsya dati, tulong tulong kaming magpipinsan sa paghuli ng native na manok, kanya kanyang tirador. mahirap hulihin unless pumasok na sya sa kawayanan, dun p lng namin sya mahuhuli. ganyan din ang pagkatay namin, pero wag kalimutan pipitikpitikin muna ung leeg ng manok gamit ang kutsilyo o itak. ahehehe

    Reply
  6. Tinola. Aww. Kaming mga luko-lokong mga pamangkin kapag nag-trip yari manok ni tito sa may bakuran sa likod bahay, maski kawayang puno ng tinik tinik susuungin hahaha.

    Reply
  7. jason

     /  May 23, 2010

    nakakatakot nga.. gilitan talaga…

    kuya taribong gumawa ako ng entry para sa bigas😀

    anong lasa non may dugo ang bigas!

    Reply
  8. jason

     /  May 23, 2010

    shaks dami ko na nakaligtaan na post nako!

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: