panghimaGAS

Pumunta ako ng canteen para mag-lunch. Pangatlo ako sa pila dun sa may display glass ng pagkain. Sinundan ako ng mapormang lalaking medyo malambot kumilos.

Umorder ako ng kalahating kare-kare at isang kanin. Gumaya sa aking mga inorder yung sumusunod sa akin. Nakipagkuwentuhan siya sa mga serbidora at nagpa-reserve ng lychee-gelatin dessert.

Naupo ako sa dulong table, umupo naman siya sa mesang panglima mula sa akin, malapit sa kahera. Nag-extra half rice ako, akala ko gagaya din siya.

Habang papatapos na ako sa pagkain, tinanong ko serbidorang malapit sa akin kung magkano ang lychee-gulaman. Bente daw, medyo lagpas na sa budget ko kaya lang nangingibabaw ang lasa ng kare-kare at bagoong alamang, kaya napa-order ako.

Hinahanda na ng serbidora ang aking order nang nilapitan siya nung mamang dati’y kasunod ko sa pila.  Sinabi niyang sa canteen na lang din daw niya kakainin ang kanyang pina-reserve.

Isinalin ng serbidora yung naka-reserve sa isang mangkok, ngunit inayawan ito ng mama.  Itinuro nung mama yung inihahanda para sa akin. Bigla na lang niyang kinuha ito at bumalik sa dating kinauupuan saka sinimulang kainin ang panghimagas.

Nabigla ang serbidora at tumingin sa aking kinauupuan. Bahagyang inangat ko ang aking ulo para ipahiwatig na okay lang iyon.

“Lagyan ko po ng yelo.” sabi ng serbidora sa akin.

Napatingin ako sa kinaroroonan ng mamang kumuha ng order ko, natigil din siya sa pagkain. Walang yelo ang kanyang panghimagas! Malapit na niyang maubos ito kaya nagpatuloy na lang siya sa pagkain. Agad siyang natapos, nagbayad sa kahera at mabilis na umalis.

Ako naman ay napangiti sa pagdating ng aking panghimagas.

Ang lychee-gulaman na may kinaskas na yelo sa ibabaw.  Sulit sa lasa! Sulit sa lamig! Sulit sa sarap!

Previous Post
Next Post
Leave a comment

15 Comments

  1. waah! di ko pa nga tapos basahin ang gas sequel meron na naman.

    Reply
  2. hahahahaha, nakakatuwa naman ganyan talaga ang nangyayari sa mga taong mahilig gumaya.
    nagutom tuloy ako paborito ko kasing panghimagas din yan eh. pati ako gumaya narin
    thanks for the post.
    god bless

    Reply
    • Hahaha ewan ko at kinuha niya agad iyong hinahanda sa akin. Hindi na hinintay malagyan ng yelo dahil (a) mabilis talaga siya (b) gutom pa siya kasi hindi siya nag-extra rice (c) malalaki yung lychees dun sa mangkok na kinuha niya d) ayaw niya talaga ng kinaskas na yelo.
      Maraming salamat muli.

      Reply
  3. hahaha, para naman hindi mapahiya sige ipagpatuloy nalang ang pagkain. hehehe.. sarap naman ng lychee-gulaman nayan, maka order nga din ( gaya gaya puto maya! )🙂

    Reply
  4. bakit ganun?

    nagaya lang…

    wahahahaha!

    parang naalala ko si pepito manaloto dito ah…. hakhak!

    di niya kasi alam ang gagawin niya kaya nakigaya…

    yung ginagaya niya pala eh bading! ayun!

    wahahahaha!

    XxXxXxXxXxXxX

    Wala lungs!

    Reply
  5. waaaahhh! Bat araw araw ata may bagong gas? Anong susunod, bigas? Gasgas? Matigas?gastos? Ang daming gas!

    Pero narealize kong mabait ka. Kung ako siguro yun, makakatikim sya ng taray ko. Haha!

    Reply
    • May bago na ulit hehehe

      Hindi na kailangang pag-aksayahan ng panahon. Baka isumpa ako na kabagin sana. Gas sa tiyan ang kabag, di ba?😀

      Reply
  6. hmmm. bkit kya? d kya adik lang yun? ahahahhha

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: