GASa

“Gene, lumabas ka na riyan at kakain na tayo.” Ilang ulit ko na tinawag ang aking anak pero hindi pa rin ito lumalabas ng kuwarto.

“Ano ba problema mo at ayaw mo tumayo diyan?” tanong ko sa bungad pa lang ng kuwarto. Nakaupo si Gene sa kama at humihikbi.

“Bakit ka umiiyak?”

“Kasi po… kasi po…” nag-aalangan at pinipigil niya ang napipintong pag-iyak. “Kasi po tinadyakan ako ni Carlo kanina sa may harapan.  Tapos napaupo ako sa may batuhan at may makahiya.”

“Nasaktan ka? Baka naman kasi nauna ka?” urirat ko.  Madalas kasi makipagharutan sa mga kalaro si Gene.

“Pero nakaganti po ako. Pagtayo ko, sinuntok ko siya sa mukha. Dumugo po bibig niya. Susuntokin din po ako pero naawat siya. Hinila rin ako ni Obet.” Pagmamayabang ni Gene. Labing-isang taon pa lang ang anak ko, basagulero na.

“E bakit ka umiiyak kung nakaganti ka na?”

Muling nangilid ang luha niya, sabay turo sa short sa mesa. May dugo ito. Nagulat ako sa nakita.

“Asan? Malalim ba ang sugat? Hindi mo agad nakita? Masakit ba? Tingnan ko.” natataranta na ako. Umiyak na nang tuluyan si Gene.  Kung nandito lang si Rina, sana’y mas madali niyang solusyonan ito. Mas mapag-aruga kasi ang ina kaya lang iniwan na kami ni Rina noong limang taon pa lang si Gene.

Pinipilit kong tingnan ang sugat niya pero ayaw talaga. Lumalakas pa lalo ang iyak.  Wala rin akong mahagilap na bulak at betadine sa mga lalagyan ng mga gamot.

Lumabas ako ng bahay para bumili at malunasan ang sugat ni Gene bago ko sugorin si Carlo sa bahay nila.  Trese na si Carlo at kaklase ni Gene.

Sa paglabas ko ay nakasalubong ko si Archie na papauwi sa kanila. Nursing graduate si Archie at nagre-review na sa board.

“Archie, buti nakita kita. Tingnan mo nga si Gene at may sugat. Ayaw naman patingnan sa akin.”

“O, sige Kuya.” At sumunod na si Archie sa akin papasok ng bahay. Pinatuloy ko sa kuwarto ni Gene na umiiyak pa rin.

“O sige na Kuya ako na bahala kay Gene.” Inaanak din ni Archie si Gene kaya kampante ako sa kanya.  Lumabas na ako sa kuwarto at umupo sa hapag upang maghintay.

Maya-maya lamang ay narinig ko ang bahagyang tawanan sa loob ng kuwarto. Ayos na!

“Normal lang yon, Kuya. Huwag ka masyado mabahala. Binigyan ko na siya ng pampaampat” Pagsisiguro sa akin ni Archie.  Sa pagngiti ni Archie ay lumabas ang malalim nitong biloy sa kaliwang pisngi.

“Salamat ha. Dito ka na kaya kumain tutal nakahain na.” pag-aalok ko.

“Hindi na Kuya. Kakain ko lang din at babalik din ako sa duty. Sa susunod na lang. Sige po.” sabi ni Archie.  “Gene, alis na ako.” pamamaalam ni Archie na nakabaling sa kuwarto ang tingin.

Pagkahatid ko kay Archie sa pinto ay niyaya ko na si Gene para kumain. Nakangiti na si Gene bagama’t nahihiya nung hawakan ko siya sa kamay.

Wala na akong pangamba at alalahanin.  Nagdadalaga na nga si Gene. Mag-uumpisa na rin siguro akong tawagin siya sa tunay niyang pangalan, Regine.

Nagtataka ka ba kay Archie? Dalaga rin yon. Arlene Cherizze ang tunay niyang pangalan.😀

Previous Post
Next Post
Leave a comment

15 Comments

  1. ano yon? may lihim na pagtingin kay archie?

    Reply
  2. toni

     /  May 20, 2010

    talagang tutok ang g-a-s abel-g-a-s sa mga kwento nya.

    manongko me crush ke archie?

    Reply
  3. Uy, may twist ang story!
    😉 Sorry, naguluhan ako kaya huminto ako sa gitna, binasa yung dulo, tapos bumalik ulit sa gitna.

    Ayown naman pala eh. Mystery in a name!

    Reply
  4. Wow! Misleading yung names! Haha! You got me there. :p

    Reply
  5. kaye

     /  May 21, 2010

    awwww…i swear, naluha ako nung mabasa ko na si gene e nasaktan at inaway. kesehodang babae o lalaki siya. kung anak ko yun, nakow. lintik lang ang walang ganti. talagang sumusugod ako pag anak ko ang involved. hahahaah! lumalabas ang pagiging gabriela silang ko.

    very very nice post, again, tarbs!

    Reply
    • Susugod na nga sana yung tatay ni Gene (Regine) kaya lang nag-aalala sa anak at baka napano na dun sa sugat niya. First aid daw muna. Bago um-attack! hehe

      Yehey!!!!! Salamat, kaye!

      Reply
  1. 2010 in review « ang alingawngaw ng taribong. . .

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: