g.a.s.

Malambot nang ipasok

Matigas nang hinugot

Sa may dulo, kinagat

Sinipsip, nilasap ang katas

Gosh! Ang Sarap!” wika ni Nena

Maski siya’y pawisan, init ay naibsan

Masaya ako, masaya rin siya

Tiyak kami’y uulit pa!

Ikaw, gusto mo rin ba?

.

.

.

Teka, iba yata ang iniisip mo…

Heto, ice buko.

Previous Post
Next Post
Leave a comment

26 Comments

  1. teka. malambot ng pinasok at matigas ng nilabas… pano naging ice buko yun?? interpreter pls! ahaha..

    penge nlng pla!๐Ÿ™‚
    (oh gusto nyu kayo lang ni nena ang kumain?)๐Ÿ˜‰

    Reply
    • haha ipinasok pa lang muna sa freezer para tumigas. sige, ipagtatabi ka namin ni nena, may nakareserba para sa iyo. Ayos!๐Ÿ˜€

      Reply
  2. so may ganun?
    sige na ikaw na ang makata tay.
    sige na ikaw na ang malinis ang utak tay.

    hakhak!

    Reply
  3. Bakit ang sipag mong magblog ngayon? Wala lang.๐Ÿ˜‰

    Reply
  4. toni

     /  May 17, 2010

    pede naman ice candy kaso mas matrabaho.

    oh kuya Tars, sino naman si Nena? ala lang din.

    Reply
  5. Akala ko tubรณ! As in sugar cane, you know.

    Kumakain ka ba nun kuya Tar? Sa Pangasinan pinuputol yun singhaba ng ruler, minsan doble, tas nginangata mula skul gang makauwi ng bahay. Ayun, pag may naghahanap sa iyo madali kang mahahanap kasi susundan lang yung mga niluwa mong fiber ng tubรณ.

    Ayan wholesome ako ha.

    Reply
    • na-miss ko ang tubo hehehe. minsan napagdiskitahan namin ang tubo sa likod ng central school hehehe at umiba kami ng daan pauwi, naglibot pa kami sa mga sinehan sa bayan habang pumapangos ng tubo. Pag nasa bahay naman, pinapagalitan kami kapag nakakalat dahil mabilis dumugin ng langgam ang pinagpangusan hehehe

      wow, wholesome nga!๐Ÿ˜€

      Reply
  6. hahaha, buti nalang hindi ako green minded, hahaha๐Ÿ™‚

    Reply
  7. pasaway ka kuya…hehe

    Reply
    • haha sori naman hehe. Long time no see/hear/read tayo ah. Tambay ka muna dito. Backread ka muna sa gas-gas the sequel- gas pt. 3 – gasgas – lagas – welGA(S) bago itong g.a.s. Kumusta na? Ano nang balita??๐Ÿ˜€
      Meryenda ka muna ng ice buco!๐Ÿ˜€

      Reply
  8. Ice Buko amp. Haha.

    Reply
  9. kaye

     /  May 18, 2010

    wahahahaha! tama ang hula ko…kaso sabi ko sa isip ko, ice candy siguro…e tama na rin yun. hahaha!

    ikaw talaga…pero shempre di ako nagpaka-green tulad ng green na holen mo.๐Ÿ˜‰

    Reply
    • ice candy nga dapat, kaya lang hindi magtutugma sa pangalawa sa huling linya hehehe

      green planet yan! hehehe๐Ÿ˜€

      Reply
  10. Ang sarap ng Ice Buko…onli in the Phil yan…dito tyaga kami sa Magnolia ice cream sa ngayon…para ma feel at malasahan ang ice cream ng Pinas.

    Reply
    • Opo. Masarap po ang sorbetes dito tsaka ice drop na may buko, minsan meron din yung may munggo, at tsaka yung may pinipig. Maalala niyo pa po ba yun, Tats?๐Ÿ˜€

      Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: