gasgas

Bakit parating mali ang sagot ko tuwing tinatanong ako kung ilang taon na ako?  Magpa-hanggang ngayon ay hinahanapan ko ito ng paliwanag…

Hindi ba’t isang kapangyarihan ang pagtigil ng pagtanda? Kay inam maging bata at maraming nagagawa. Malaya.  Ngunit may limitasyon—ang pagiging responsable.

Marahil nga’y nagpapabata ako; pilit na itinatago ang edad kahit halata rin naman. Maraming gustong gawin. Pilit pinagkakasya ang mga oras ng paggawa sa isang araw.  Hanggang sa abot ng makakaya.  Hanggang sa kayang sagarin.

Sapol ako sa sinabi ni Mang Ernesto kay Rogelio:

“Hindi kulang ang kapangyarihan ng tao. Tayo ang kalabisan. Ilusyon. Xxx”

Tungkulin mong tumulong sa kapwa dahil may kakayahan ka at gusto mong tumulong. Pero wag mo kakalimutan na hindi mo mababago ang mundo at hindi mo maililigtas lahat ng tao.  Hindi ikaw ang unang nagtangka… hindi ikaw ang magiging huli… hindi ka solusyon. Pero hindi dahilan yon para mawalan ka ng pag-asa at tumigil sa pagbibigay nito.

“Gawin mo ang tingin mong nararapat bilang tagapagligtas, pero wag mong pababayaan ang sarili mo bilang anak ko.”

“Maging bayani ka ng sarili mong buhay.”

(Ong, Bob. Kapitan Sino. Pasay City: Visprint, 2009.)

Katuwang ang mga nahalal na tagapaglingkod ng ating bansa, marapat lamang na gawin natin ang ating mga tungkulin. Kanya-kanyang parte, sama-sama, kapag pinagbuklod ay magiging isang buo.

“Xxx Si ‘Ging-ging’.  Hinabol nya si Bok-bok na kilala niyang kaibigan ni Rogelio at tinanong habang nagpupunas ng luha.

‘Kuya! Kuya! Mag-aayos ka rin ba ng mga sira?’

Nginitian siya ni Bok-bok. ‘Kung ano ang kaya ko.’

Kumislap ang mga mata ng bata sa tuwa. ‘Ako rin!’ At iniunat nito ang mga kamay na parang lumilipad na ibong habang tumatakbo papunta sa iba pang bata.”

(Ong, Bob. Kapitan Sino. Pasay City: Visprint, 2009.)

Ako si Taribong, 34. Pilipino. At mahal ko ang Pilipinas.

Previous Post
Next Post
Leave a comment

18 Comments

  1. Dalawang beses ko na binalikan sa National ang Kapitan Sino pero hindi ko binili, parang may pumipigil sa akin na dumukot ng pera, siguro bitin lang talaga pera ko sa mga araw na yun, o ayaw pa ng kung anumang kapangyarihan na mabasa ko mga laman nito. Ako hindi na ako sasampa ng beynchingko, forever bente y cuatro na ‘ko, wala sa edad ang pagiging responsable, nasa mga pinagdaanan mo at kung paano mo ito sinagot ng pabalang. Mabuhay ka Tar. Tama na beysbeysan.

    Reply
    • Nahilo ka ba yin? hehehe Matagal rin bago ko binili ang Kapitan Sino. Mabuti naman nagustuhan ko.:D Tangkilikin ang akdang Pinoy. Pagyamanin ng literaturang Filipino.😀

      Mabuhay ka Yin. Maraming salamat at hanggang sa muli.:D

      Reply
      • kaya pala familiar sa simula pa lang nung basahin ko ang mga dialogue…sa kapitan sino ko pala nabasa.

        sa lahat ng book ni bob ong, kapitan sino yata ang pinakamatagal kung natapos…ewan! masyado lang sigoro akong nakulong sa paniniwala kung forever katatawanan ang mga book ni bob ong… pero di ko naman pinagsisihan na kinompleto ko ang mga book ni bob ong…hahaha

        ako rin forever 22 na…haha

        Reply
  2. toni

     /  May 14, 2010

    lahat naman tayo don ang punta.
    2 lang maaring dahilan bat pinagkakaila ang tunay na edad.
    una..dahil nahihiya talagang malaman ng iba na mas magulang tayo kesa kanila.
    ikalawa..natatakot na balewalain ng iba dahil sa agwat ng edad.

    Reply
    • Hindi kaya may Alzheimer’s na ako toni? hehehe

      Reply
      • toni

         /  May 14, 2010

        baket mas me edad ka ba ke kuya kulisap? susko wag sana magawi dito un kundi paktay ako.

        pano ka magkakaroon nyan eh edad mo lang naman di mo maalala?

        Reply
  3. ako minamali ko talaga ang sagot ng edad ko kc ayw nla maniwla palge! ehehhe…

    mahal q din ang pilipinas kya nga gus2 ko ng bumalik e!🙂

    waw! first q ata d2 taribong.. padaan po🙂

    Reply
    • Wow! Maligayang pagdating kayedee hehehe.

      Sana nagustuhan mo ang post para palaging dumaan dito sa aking bloghay.😀 Hanggang sa muli…

      Reply
  4. jason

     /  May 15, 2010

    wow…. proud sa edad si kuya taribong!!!😀
    diba nga, life begins at 40. so di pa simula ang iyo. joke lang😀
    hehehe

    yey <—- yung mga lines sa kapitan sino. namiss ko kagad yung book.

    si rogelio, tapos si ging ging ang batang masmakulet kesa saken.

    Reply
    • haha makailang beses kasing mintis sa edad hehe.

      Ibig mong sabihin -6 dapat ang edad ko??

      Hmmm may kapitan sino sa bawat isa sa atin.😀

      Reply
  5. wahhh nand2 na aq muli🙂 ahahah

    gndang araw taribong!

    Reply
    • jason

       /  May 15, 2010

      nandito rin ako! magandang umaga kaye abad..

      kuya taribong gising ka nba ? may trabaho ba ngayon?

      😀

      Reply
    • Magandang araw sa iyo kayedee.
      Magandang araw din sa iyo jasonhamster.
      Oo medyo late lang akong nagising dahil nagbasa pa kasi ako ng comics kaninang madaling araw hehe

      Reply
  6. jason

     /  May 15, 2010

    -nay..

    -inay. inay. inay..

    -nay… inay…

    -inay… inay!!! inay!!!!!

    -inayyyy!!!!

    -MOMmY!!

    ——Yes baby? What is it?

    bakit mahal mo ang pilipinas? Gumawa ng sampung talata. lol

    magandang umaga kuya taribong!

    Reply
    • Hindi sapat ang sampung talata para maipabatid kung bakit mahal ko ang pilipinas. Mapupuno po ang buong blogosperyo kung isa-isahin ko ang mga dahilan.😀

      Reply
  7. Ako din nalilito na sa edad ko lalot mga mas bata sa akin ang madalas kong nakakasama. Kaya ang lagi kong edad na sinasabi ay 25.

    Tao: Ilang taon ka na?
    salbehe: Twenty five. I stopped counting at 25.
    🙂

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: